Chapter 3 ♥ Private Life
Chelsea POV
Panibagong araw. Si Kyle pumasok na sa work. Sa kompanya nila. Ang kambal tulog pa sa kwarto namin.
Naaalala ko kagabi, hindi ko alam kung matatawa ako o hindi sa itsura ni Kyle. Inis na inis sa kambal eh. Haha. Kasi naman. Muntik ng..alam nyo na. Tapos biglang um-entra yung kambal. Haha. Nabitin tuloy si Kyle.
Andito ako sa kusina, minsan ako nagluluto ng breakfast para kay Kyle. Mas gusto daw nya luto ko kesa chef dito. Diba nga may sarili silang chef dito. Psh.
Nag-aayos lang ako dito sa kusina. Kasi kakaalis lang din ni Kyle kani-kanina.
"Sissssss!!"
Si Mandy nakakabingi. "Oh sis, naligaw ka?" Sinalubong ko sya. Ganyan na yan. Diretso pasok sa loob ng mansyon. Hindi naman yan iba sa'kin. Sis na nga tawagan namin. Haha.
Engage na nga pala yan. Hulaan nyo sinong groom?
Tandararan!
No other than but Ken ng Tigers.
Pero syempre joke lang yun. E'di napatay yun ni James. Haha. Oo si James. Kaso ang alam ko, nasa Korea ngayon si James for business trips. Sabi ko naman, busy na talaga sila sa mga works nila.
"Namiss ko yung kambal eh. Saka nabo-boring ako sa mansyon. Natatamad naman akong pumuntang company. Ewan ko ba. Parang wala akong energy kapag wala dito si James."
Awtsu. Nakerengkeng. "Ibig sabihin, energizer mo si James ganon?" Biro ko.
"Exactly!"
Kita mo 'to. Aminado. In love talaga. Haha. Parang dati lagi silang away-bati nyan. Dinaig pa nga ang aso't pusa. Tapos ngayon, grabe. Ang masasabi ko lang, masyado silang attached sa isa't isa.
"Tulog pa ang kambal." Sabi ko.
"It's okay. May dala akong ingredients. Gagawan ko ulit sila ng cake." Sabi nya. Diko napansin may dala pa syang malalaking paperbags. Ganyan yan, pag pumupunta dito, pinagbe-bake nya ng cake ang kambal.
Hulaan nyo anong gift ni Mandy sa kambal nung binyag? Tumataginting na kwintas. Hindi lang basta kwintas. Diamond ang bato. Sa Europe pa yun binili. Tig-isa yung kambal non.
"TITA MANNNDDDYYYY!!"
=_=
Gising na ang pambansang megaphone ng Shin-Woo family. Introducing, my baby girl -- Chylee. Haha. Nakakabingi talaga yang anak ko na yan.
Ganyan ba ako dati? Parang diko matandaan.
"Hello baby. Where's Sky?" Tanong ni Mandy.
"Still sleeping. Are you going to bake a cake for us?" Kumikinang pa mata ni Chylee.
"Yes baby." Sagot ni Mandy.
"Where's Tito James?" Tanong ni Chy. Syempre, favorite.
Nga pala, baka nagtataka kayo na Tito ang tawag nung kambal sa tigers instead of Ninong. Di daw nila trip sabi ng tigers. Tito ang itinuro nila sa kambal na itawag sa kanila. Ewan ko ba. Haha.
"Nasa Korea." Sagot ni Mandy.
"Tito James don't like you na Tita Mandy? He is looking for other girl na?"
=___= itsura ni Mandy
Hahahaha. "Baby no. May work lang si Tito James don." Ako na sumagot. Itsura ni Mandy eh. Haha.
"Hello Tita Mandy."
Napatingin naman ako sa palapit sa'min. Ang Kyle the second. Ang aking baby boy na si Skyler.
"Hello Sky."
"Why are you here?"
"Kasi po, namiss ko kayong dalawa." Pagkasabi nyon, kiniliti ni Mandy yung kambal.
"HAHAHAHAHA"
=___=
Ayun naghabulan na silang tatlo habang kinikiliti pa din ni Mandy yung dalawa. Nakakatuwa silang panoorin. Diko din akalain na dadating sa ganitong point. Parang dati lang, magkaribal kami ni Mandy. At yung fact na di namin matanggap na half-sister kami. Pero ngayon, close na close na kami.
Krinnnggg..
I look at my phone. Huh? Si Kyle tumatawag. Bakit kaya.
"Hello?"
[Baby ko, maghanda kayo ng kids. Pauwi na'ko. We're going to Batangas. Sa resort natin. Nagkayayaan ang tigers. Puro sila walang trabaho ngayon. Break daw muna sila. Ako lang meron. Pero dahil ako ang boss, nag-leave ako. One week tayo don.]
O____O
"Agad-agad gummy bear!?"
[Oo nga. Sige na. Mag-ayos na kayo. Yung kambal, ipaghanda mo na ng mga gamit. Malapit na'ko. I love you.]
"Okay sige. I love you too."
*toot toot*
Grabe 'tong si Kyle. Agad agad? May outing kami? One week? Psh. Iba talaga 'pag boss eh. Kahit kelan gusto mag-leave.
"Mandy! Sama ka. Tumawag si Kyle. Batangas daw tayo. Ngayon ang alis, one week tayo don."
"WHAT?"
"Agad-agad diba? Haha. Mga tigers daw nagyaya eh. So ano, uwi kana. Maghanda ka na ng maleta mo." Sabi ko.
"Psh. Kung kelan namang wala si James." Lumungkot pa mukha nya. Nakow naman!
"Sinong may sabing wala ako?"
O_____O
"Tito Jamesssss!!!"
Nauna pang sumalubong si Chylee kay James. Si Mandy mukhang na-shocked. Haha. Bigla ba namang susulpot si James dito.
"Na-miss mo'ko baby Chy?"
"Yes Tito. Lalo napo si Tita Mandy. She really missed you. She said she wants to kiss you so badly."
=___=
Nag-imbento na naman ang magaling kong anak.
"Talaga? Sinabi yun ni Tita Mandy mo?"
"Yes Tito! Where's my pasalubong?" Tanong ni Chy.
Yang si Chylee basta alam nyang galing ibang bansa ang isa sa tigers o kahit sino sa mga Tito's nya, humihingi sya ng pasalubong.
Nga pala, wanna know kung anong regalo ni James sa kambal nung binyag? Yung isa sa pinakamahal na pusa sa buong mundo, million ang halaga nun pero alam nyo ba kung nasaan? Two years ago, namatay. Si Chylee ba naman nilunod. She keeps on asking na tunuturuan lang naman daw nyang lumangoy yung pet nilang cat. Psh. Bukod sa naawa ako sa pusa, nanghinayang ako sa pinambili nun. Ganon kayaman sina James. Grabe!
"Later baby. Okay? I need to hug your Tita Mandy first. Look oh, nakasimangot na sya." Sabi ni James saka lumapit na kay Mandy at niyakap. With kiss pa. Haha. PDA.
"Hey Tito James! Where's Tito Lance?" Tanong ni Sky.
"Wala eh. Nasa Japan sila ni Tita Yumiko mo." Sabi ni James.
Tumingin sa'kin si Sky. "Mom I want to go to Japan now."
=_____=
"No baby. They're busy. Diba Tita Yumiko is pregnant? So let us not bother them okay?" Sabi ko.
Five months na yata sina Lance at Yumiko sa Japan. Dun daw muna sila habang nagbubuntis si Yumiko. Grabe no? Ako five years old na anak ko tapos si Yumiko manganganak palang.
Hindi! Honestly, sad to say, pangalawa na nila yun. Yung panganay nila, nasa heaven na. Ayoko nalang i-kwento. Private life nila yun. May pagkakataon naman na sila ang mismong magku-kwento about their life. Ayoko silang pangunahan. Sana nga okay yung pagbubuntis ni Yumiko. Alagang-alaga ni Lance yun. Syempre na-trauma na yun. Ayaw ng maulit yung nangyari sa first baby nila.
Sina Adrian at Janna naman, may anak na din. Two years old na. Nasa Canada sila. Doon nag-stay pero alam ko uuwi sila sa christmas. Ayoko din munang mag-kwento about sa kanila. Nagmumukha nakong tsismosa dito. Haha.
"Okay Mom."
"I'm home!" Si Kyle na yan.
"DAADDDDDYYYYYYY!!!!!"
Ayun yung kambal. Sinalubong na yung daddy nila.
"Sis, una na kami ni James. Mag-iimpake na kami para mamaya. Tatawag nalang kami." Sabi ni Mandy.
"Okay. Ingat kayo. Oy James ingatan mo yang kapatid ko." Sabi ko.
"Oo naman. Ito pa!" Kumindat pa si James tapos ayun umalis na. Nagkiss lang sila sa kambal saka nagpaalam din kay Kyle.
"Sabi ko mag-ayos na kayo ah." Sabi ni Kyle saka nya ako hinalikan sa pisngi.
"Kausap ko pa kasi si James at Mandy." Sabi ko.
"Tch. Kids, gusto nyong mag-swimming?"
"Yaaaaa! Yes daddy!" Sigaw ni Chylee.
"Chy stop shouting! Aww! My eardrums." Reklamo ni Sky.
"Your so OA Sky. Psh. Let's go na daddy!" Sabi naman ni Chy.
"Oo na. Go to your rooms. Susunod kami ni Mommy. Ihanda nyo na yung mga gusto nyong dalhin dun."
"Yes dadddyy!" Ayun tumakbo na yung kambal.
Lumapit agad sa'kin si Kyle saka ako niyakap. "Siguro naman masosolo na kita mamaya sa resort?" Nag-smirk sa'kin si Kyle.
>.<
"Gummy bear.."
"Tch. Pababantay ko sa tigers ang kambal. Bahala silang mga single. Basta solo muna kita mamaya ha?"
=___=
"Oo na gummy bear."
"Ayaw mo baby ko?"
"Wala akong sinabing ayaw ko gummy bear."
He kiss me. "Good." Sabi nya saka hinalikan ako ulit. It was a torrid kiss. Na-miss ko rin yung ganitong lambingan namin ni Kyle. Minsan kasi 'pag maglalambingan kami, laging sumisingit yung kambal.
Palalim na ng palalim yung halik ni Kyle. Ako, nagre-response lang.
"Mom, Dad, kitchen is for eating. Kissing is not allowed here. That should be done on your room. Not here. That's public display of affection. That's bad."
O____O
Napatingin kami ni Kyle sa nagsalita. Sino pa ba?
SKY naman eh! Abala talaga!
**
A/N: Next UD will be their Batangas Escapade! Can still remember sa book2? Yung nag-batangas din sila? Abangan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top