Chapter 25 ♥ Divorce?

Chelsea POV

Natapos na ang celebration ng birthday ng kambal. Nakahiga na'ko dito sa kwarto namin katabi si Kyle. 

Hindi ako makatulog kasi iniisip ko pa din kung ano kaya ang pinag-usapan nila Adrian at Kyle. Diko nga malimutan 'yung itsura nila kanina. Masyado silang seryoso. Naba-bother tuloy ako. 

May problema ba kaya? Saan naman kaya? Ano kaya 'yun? Aaaaaishh! Ang hirap ng ganitong may iniisip. 

"Baby ko, you're still awake?"

Gising pa pala si Kyle. Naramdaman niya siguro 'yung paggalaw-galaw ko dito sa kama. "A-Ah, di pa kasi ako makaktulog gummy bear." 

"Why? Any problem?"

Kitams. Itatanong nya kung may problema ba. Eh sila nga yung may problema yata eh. "Wala naman. Siguro, pagod lang dahil sa party kanina." Pagsisinungaling ko. 

Mas dumikit sa'kin si Kyle saka ako niyakap ng mahigpit. "Tulog na baby ko.." Sabi niya saka dinampian ako ng halik sa noo.

Naging sweet na talaga si Kyle pero ano nga kaya ang problema? Kinakabahan talaga ako eh. Bahala na. Ayokong magtanong kay Kyle. Gusto ko kasi kusa niyang sabihin sa'kin. 

Pumikit na'ko at sinubukang matulog. 

--

Kyle POV

Napansin kong nakatulog na ang asawa ko. Kanina ko pa nararamdaman na hindi siya makatulog. At alam kong iniisip niya kung may problema. 

Expected ko na 'to. Napansin niya kasi kanina ang pagiging seryoso namin ni Adrian kanina matapos naming mag-usap ng masinsinan. Kahit kasi minsan walang common sense 'tong asawa ko, malakas pakiramdam nito. 

Hay. Kung alam niya lang. Ayoko kasing sabihin sa kanya 'yung pinag-usapan namin ni Adrian. Malalaman niya din naman 'yun sa tamang panahon. 

--

Chelsea POV

UMAGA. Inat-inat muna. Grabe parang pagod na pagod ako ah. 

Tumingin ako sa tabi ko. Wala na si Kyle. Teka? Baka pumasok na sa company. Pero bakit 'di man lang niya ako ginising? Usually, ginigising niya ako para magpaalam. 

Tiningnan ko 'yung phone ko. Walang text o missed calls. Nakakapagtampo naman. 

Bumangon na ako. Paglabas ko ng pinto, napalingon ako nang makita ko si Chylee na kinakausap ang Jollibee statue niya sa labas ng kwarto niya. 

"Alam mo Jollibee, napanaginipan kita kagabi. Naging totoo ka daw tapos gumalaw ka tapos kumain tayo ng madaming madmaing chicken joy!"

=_=

Ang weird talaga ng anak kong 'yan. "Baby Chy let's go downstairs." Tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang tumakbo papalapit sa'kin. 

"Goodmorning Mom!" Bati niya saka siya humalik sa pisngi ko. 

"Where's your twin?" Tanong ko. 

"In his room? Maybe?" Hindi pa siya sigurado sa sagot niya kaya binuhat ko na si Chy saka dumaan sa kwarto ni Sky. 

O_O

Asan si Sky? Wala sa kwarto niya. Bumaba agad ako buhat si Chy. 

"Butler nakita mo ba si Skyler?"

"Kasama po ni young master na umalis kanina." Sagot ni butler. Hanggang ngayon, young master pa din ang tawag niya kay Kyle. 

Pero teka nga, bakit kasama 'yun ni Kyle? At bakit 'di man lang ipinaalam sa'kin? Hay. I tap my phone screen and tried to call Kyle pero out of coverage area. Ano bang nangyayari dun?

Wala na'kong choice. "Butler pakihanda ang kotse. Aalis kami." Utos ko kay butler. 

"Mom what happen?" Tanong ni Chy. "Where's Sky and Dad? Did they leaved us?"

"No baby. Pupunta tayo ngayon sa company ni Daddy okay? Nandun si Sky." Sabi ko. 

Hay nako. Ano bang nagyari sa mag-ama ko?

"Handa na po ang kotse Ma'am."

Tumango lang ako kay butler. Magbibihis lang muna ako sandali. "Baby wait here okay?" Sabi ko kay Chy saka ibinaba siya sa couch. 

Umakyat agad ako para magpalit. Saglit na saglit lang naman then lumabas na ulit ako ng kwarto. 

"Let's go baby." Binuhat ko ulit si Chy. Inabot sa'kin ni butler ang susi. Dala ko na din ang pouch ko. 

Isinakay ko muna sa passenger seat si Chylee bago ako umupo sa driver's seat. 

Nagsimula na akong mag-maneho. Hindi ko maiwasang mag-alala. Wala akong kahit katiting na ideya kung bakit isinama ni Kyle si Sky sa company. At nakakapagtaka lang na wala man lang tawag o text. 

Tungkol kaya 'yun sa pinag-usapan nilang seryoso ni Adrian kagabi?

Tama! Tatawagan ko si Adrian. Idinayal ko ang number niya at tinawagan. Thanks God nag-ring. 

[Uy Chelsea?]

Huh? "Best? Nasaan si Adrian?" Tanong ko. Nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko. 

[Maagang umalis eh. Iniwan niya nga 'tong phone niya. Ang sabi niya lang, sa kompanya daw ni Kyle sya pupunta.]

Ano ba talagang meron? Hay! "Sige sige best. Thanks."

*toot toot*

Naiinis na ako kay Kyle. Ano na namang problema kasi. Hay. 

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa company. Bumaba agad ako saka kinarga si Chylee. 

"Goodmorning Ma'am."

Lahat ng nakakasalubong ko pagpasok ko ng building, binabati ako. Pansin ko pa 'yung kakaibang ngiti nila. 

Sumakay na kami ng elevator. Wala kaming kasabay ni Chy. Well-trained kasi ang mga empleyado dito na sa tuwing sasakay ng elevator ang mga boss nila, hindi sila sasabay. Ako, tinuturing na din nilang boss dahil asawa ako ni Kyle. 

Pagbaba ko dito sa 20th floor kung saan narito ang main office ni Kyle, huminga ako ng malalim. 

Bago ako makarating ng pinaka-office ni Kyle, madadaanan pa ang cubicle ng secretary niya. "Where's my husband?" Tanong ko. 

"A-Ah, ano po.."

Nauutal siya? Anong meron? "Is there any problem?" Seryosong tanong ko. Malapit nako manigaw. Cluless ako sa nangyayari. 

Napansin ko ang pagtawag niya sa intercom. 

"Mrs. Shin-Woo already arrived."

Ano daw? Already arrived? Ine-expect ba nilang pupunta ako rito? 

"Mrs. Shin-Woo wala po sa office niya si Mr. Shin-Woo."

Nag-iinit na talaga ang dugo ko. "Then, nasaan?"

"Nasa rooftop po."

O_O

"ROOFTOP? Anong ginagawa niya dun!?" Napapalakas na ang boses ko. Mukhang nasindak na nga 'yung secretary sakin. 

"M-may kausap---"

Nilampasan ko na ang secretary ni Kyle. May kausap? Sa rooftop? Sino naman kaya? Ano 'yun, may babae ba siya ha? Kaya ba ni-report agad nung secretary niya na narito ako para di ko siya mahuli? Damn. At ang alam ko nandito si Adrian eh. Ano yun, kasabwat nila? Nakakainis!

Sumakay ako ng elevator papuntang top floor saka inakyat ang hagdan patungong rooftop. Buhat ko pa si Chylee na tahimik lang. Ganito siya kapag feeling niya may problema. Tahimik lang sya. 

Pag-labas ko ng rooftop..

O_____O

Damn. Bakit may kausap na buntis si Kyle? May nabuntis ba siya? Kelan pa 'to? Ito ba yung seryoso nilang pinag-uusapan ni Adrian? Sh*t naman!

Kusa ng tumulo ang luha ko. Ano bang nagawa ko para mangyari 'to? Ginawa ko naman ang lahat eh. Anong pagkukulang ko?

"B-Bakit Kyle.." Umiiyak na sabi ko. Napatingin sa direksyon ko si Kyle. Halatang nagulat siya. 

Ano? Gulat siya dahil nahuli ko siya. Kelan pa niya 'to tinatago? At nasaan si Skyler? 

"Baby ko." Nakangiting sabi niya. 

Nakuha pa niyang ngumiti? Proud ba siya sa ginawa niya? "B-Bak--"

Niyakap ako bigla ni Kyle. "Sorry baby ko.."

T_T

Sh*t. Hindi madadala ng sorry ang ginawa niya. "A-Akala mo ba ganon kadaling magpatawad? B-Bakit Kyle..bakit mo nagawa 'to?" Umiyak ako lalo. Si Chylee nasa gitna namin habang magkayakap kami. Tahimik lang siya. 

"Baby ko. Sorry talaga. Kailangan ko lang talagang ilihim sa'yo 'to.." Sabi niya saka kumalas ng pagkakayakap. 

Napansin kong wala na 'yung buntis na babae. Nasaan na yun? Nagtago na ba siya dahil natatakot siyang masabunutan ko siya? Damn it. 

Umiyak lang ako. Binaba ko muna si Chylee. "Wait lang baby. Nag-uusap lang si Mommy at Daddy." Sabi ko. 

Tumango lang si Chylee na clueless sa inaakto namin ni Kyle ngayon. Muli akong humarap kay Kyle. 

"Kelan pa'to?" Tanong ko. Pilit kong tinatatagan ang loob ko. 

"Last week." Sagot niya. 

"Ito ba 'yung pinag-usapan nyo kagabi ni Adrian?" Tanong ko ulit. 

Tumango siya. "Oo."

Sh*t. Pati ba si Adrian, nagawang maglihim sa'kin? Anong klase syang kaibigan? At si Kyle, anong klase syang asawa? Niloko niya ako..

T_T

"Kung gan'on, mas pipiliin kong makipag-divorce nalang sa'yo."

"WHAT THE FVCK! Ano bang sinasabi mo baby ko? Bakit kailangang dumating sa ganong punto?" Sigaw niya. 

"Dahil ayoko ng may kahati." 

"Kahati? Ano bang sinasabi mo baby ko?

"Yung buntis na babaeng kausap mo Kyle! Ayoko siyang maging kahati sayo! Nabuntis mo siya! Niloko moko! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo!"

Kyle    ~____~

Kumunot ang noo ko sa itsura ni Kyle. "The fvck! Yun ba ang kanina mo pa sinasabi? Damn! Baby ko, hindi ako nakabuntis! At lalong wala akong affair sa babaeng kausap ko kanina. Isa sa empleyado ko 'yun! Fvck sa tingin mo kaya kitang lokohin!?"

Hindi niya yun nabuntis? Parang gumaan bigla ang pakiramdam ko. "Pero nagso-sorry ka kanina..."

"Tch. Nagso-sorry ako kasi hindi ako nagpaalam na umalis kaninang umaga. Akala ko naman nakita mo na 'yun." Tinuro niya yung gilid. 

O_O

May mesa na may mga candle, plates, wine at kung anu-ano pa. Ganon. Tapos naroon si Adrian at ibang tigers na tawa ng tawa. Si Skyler nakasimangot na nakabihis na parang waiter. 

Bakit di ko yun napansin kanina!?

"Akala ko nakita mo na. Kaya nga nagsosorry ako na diko ipinaalam sa'yo 'yan. At oo, yan ang pinag-usapan namin ni Adrian kagabi. Nagpatulong ako. Last week ko pa yan na-plano. Kanina 'di talaga ako nagpaalam at pinatay ko talaga ang phone ko. Isinama ko na rin si Sky para mas mag-alala ka. Dahil 'pag nag-alala ka, sigurado akong pupunta ka dito sa company. Tch. Akala mo pala nabuntis ko yung kausap ko kanina.  Kaya ka pala umiiyak. Tapos magugulat nalang ako, gusto mo ng makipag-divorce. Gusto lang naman kitang i-surprise baby ko. Happy monthsary. I love you."

O_______O

"WHOOOAAHH!"

"Captain 'yan eh!"

I was.....speechless. Monthsary nga pala namin ngayon. Twenty-two. Monthsary mula nung maging kami as boyfriend/girlfriend, hindi 'yung as kasal o bilang mag-asawa. Hanggang ngayon kasi, gusto ni Kyle na sine-celebrate din namin yun kahit monthsary lang. Ganun siya ka-swet ngayon. Nawala sa isip ko pero si Kyle, natandaan niya. 

At gumawa pa siya ng surprise. Grabe akala ko talaga nakabuntis siya. Natakot talaga ako. Wala akong masabi kaya niyakap ko si Kyle ng mahigpit. 

"Next time, don't conclude. Okay? Tch. I love you." Sabi ni Kyle. 

"I love you too gummy bear. You never fail to amazed me. You m-made my day." Sabi ko habang nakayakap pa din. 

Bigla ay hinalikan ako ni Kyle. 

"Triplets na 'yan!"

"I-kwarto nyo na 'yan!"

"Rated SPG bro!"

Kyle just smiled at me and kiss me on the tip of my nose. "You're my only one kaya wag kang mag-iisip nang kung ano. Let's eat." Yaya niya saka inakay ako palapit sa mesa. 

Madaming rose petals sa mesa. 

"What do you want to eat Mom?" Tanong si Skyler na nag-a-ala-waiter. Ang cute. I kissed him on his cheeks. 

"Mommm! Don't ruined my character. I'm a waiter this time. Not your son."

Sungit ng anak ko. Si Chylee napansin kong..

=_=

Ayun nakikipaghabulan sa mga tigers habang may hawak na fried chicken. Ang cute nilang tingnan. Yung ibang tigers taga-lagay ng food sa plate. Si Ken taga-hawak ng alak. Haha. 

Tumingin ako kay Kyle. "Happy monthsary gummy bear."

Ngumiti siya. "Happy monthsary."

Hindi ko in-expect ang nangyari ngayong araw na'to. It was really amazing. Si Kyle? Swerte talaga ako sa kanya dahil siya ang tipo ng lalaki na ipararamdam sa'yo kung gaano ka niya kamahal. Kahit matagal na kaming kasa at mag-asawa, hindi siya nagbabago. 

That's why I'm contented with him. He's my everything and he's all I ever wanted.....forever.  

**

A/N: Hashtag #HappyMonthsaryKySea

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction