Chapter 23 ♥ Birthday Party 1

Chelsea POV

Andito na sa Pilipinas sina Yumi? Waaaa. Na-excite tuloy ako bigla.

Pero siyempre joke lang yun. Akalain ko bang hindi pala si Yumi yung nakausap ko. Si Fancy pala. Kakauwi niya lang daw galing Paris. Loko talaga yung babaeng yun. Nagpanggap ba naman na si Yumi. Kala ko tuloy nakauwi na talaga sila.

"Mom, tita Fancy is really here in the Philippines?" Tanong ni Sky. Narinig niya kase kanina nung kausap ko si Fancy.

Tumango ako. "Yes baby."

"Lagot ka kay Tita Fancy Sky, you like someone else na." Singit ni Chylee.

Sa halip na sagutin ni Sky si Chy, tumingin siya sakin. "Mom, having two crushes is not bad right?"

=_=

"Yes baby. It's not bad." Sagot ko. Talaga 'tong si Sky. Ke-bata-bata pa, puro crush na agad.

"Yes!" Nakangiting sigaw ni Skyler.

Napansin ko naman ang pagsimangot ni Chylee. "Why baby?" Tanong ko.

"Nothing Mom. I was just curious." Sagot nya.

"About what?"

"Why do I need to be loyal to Jollibee. I want to have another crush too."

=_=

Loyal ang peg. "Okay. I'll ask you nalang baby. Kanino ka ba naga-guwapuhan?"

Nag-isip si Chylee. Nakaturo pa ang hintuturo niya sa isip niya. "Hm, ah! Si.."

"Si....?"

"Si...si Jollibee pa din Mommy."

=_____=

Yung totoo Chylee? Anong definition mo ng pogi? How come naging pogi si Jollibee? "Okay baby. So stick to that." Sabi ko nalang. Anak ko talaga.

"Okay. I'll be loyal to Jollibee forever!"

=_=

Hay nakow! Makatagpo sana ang anak ko ng mapapangasawa nya paglaki niya. Magbago sana ang pagtingin nya kay Jollibee. Hindi ko keri magka-apo ng little jollibee's. Haha.

--

"Mam may bisita po." Sabi ng katulong sa'kin. Hapon na at nandito pa rin ako sa garden. Inayos ko pa ang mga listahan at preparations para bukas sa party ng kambal.

"Sino daw?" Tanong ko.

"Si Miss Fancy po."

Oh. Si Fancy pala. "Papasukin mo. Pa-deretsuhin mo na dito sa garden." Utos ko sa katulong.

"Sige po." Sabi ng katulong.

Maya-maya may dumating na malaking megaphone. Joke lang.

"CHELSEAAAA!!!!"

=_=

Hindi na talaga nagbago si Fancy. Nakakabingi. "It's nice seeing you again little devil." Sabi ko saka nag-beso-beso sa kanya.

Little devil na talaga ang tawag namin sa kanya. Why? Bacause of the name itself. Malolo pa din kase yan.

"Me too Chelsea. I want to make kita the twins! Omg. I'm so na-e-excite na. I missed you all." Nakangiting sabi niya. As always, her language that makes everybody's nose bleed.

"Nasa taas ang kambal. Kumusta ang Paris?" Tanong ko.

"Like errr! It's Paris pa rin. It's not making alis naman don."

=___=

Pilosopong babae. "Kumusta ang love life?"

"Omg. GRR! I don't want to make usap about that thing. It's awkward kaya."

Awkward daw? "Ba't naman naging awkward?"

"Eeehh! I'm so kinikilig kasi. Chelsea naman. I cannot!" She pouted her lips. Mukang ewan. Haha.

"Tita Fanccccyyyyyyy!"

Okay. The other megaphone is here. My daughter Chylee na sumalubong ng yakap kay Fancy.

"Wow! You're making laki na Chy. So pretty like Tita Fancy." Sabi ni Fancy.

"Thank you Tita! You're pretty too." Sagot ni Chylee.

"Oh, that's Sky na? He's so laki na and looks like he's binata na." Puna ni Fancy saka nilapitan si Skyler na nagba-blush at niyakap.

Achecheng bata. Kinikilig pa yata. Blush na blush. Parang naglagay lang ng blush-on.

 

"How are you Sky? So binata na ah!"

"H-Hi Tita Fancy. You're really pretty." Nauutal pang sabi ni Skyler na pulang-pula pa din ang pisngi.

Papaluin ko na yan sa pwet eh. Ke-bata-bata, kinikilig na! Asdfghjkl.

"Oh. Thank you Sky. I know naman that I'm really maganda. I have pasalubong for both of you. Lots of chocolates and toys." Sabi ni Fancy saka binigay yung dalawang paperbag niyang dala. Tig-isa yung kambal.

 

"Thank you Tita Fancy!" Sabi ni Chylee.

"T-Thank you Tita Fancy." Sweet na pagkakasabi ni Sky. Talaga naman oh.

"Your welcome twins. Oh, Tita Fancy needs to make paalam na ha? I will make balik nalang. I make daan lang talaga here para ibigay ang pasalubong ko." Paalam ni Fancy.

"By the way Fancy punta ka bukas. Birthday ng kambal." Singit ko.

"O-my-gi! Like errrr! Birthday nyo pala tomorrow. Okay. I make punta. I make bili na rin pala ng gifts for you." Sabi nya sa kambal saka tumingin sakin. "Chelsea I'm making alis na. Tomorrow nalang. Bye bye!"

 

"Okay. See you." Sabi ko saka kumaway sa kanya.

"Mom, look Sky oh. He's so red."

O_O

Ang pula pula nga ng mukha ni Skyler. "Why baby?" Tanong ko.

"I'm shy to Tita Fancy. Do you think she noticed that I have crush on her?" Tanong nya.

"No baby. Hindi naman yan. Don't be shy na okay?" Sabi ko. Talaga naman, oo.

Tumango lang si Sky saka tumakbo pataas. Sumunod si Chylee. Cute talaga ng kambal ko.

--

Birthday Party

Kakabihis ko lang. Ready nako sa party ng kambal. Si Kyle naka-prince charming costume. Ang gwapo niya tuloy lalo. Ako naman princess. Haha. Feel na feel ko ang gown at crown ko.

*tok tok*

I opened the door. Sumalubong sakin ang yakap ng asawa ko. "Hmmm, amoy gwapo!" Biro ko.

"Matagal nakong gwapo. Tch. Ang ganda talaga ng asawa ko." Puri naman niya sakin saka ako hinalikan sa noo.

"Ang kambal ready na?" Tanong ko.

"Yeah. Kaya nga ako nandito para tawagin ka. Nahihiyang lumabas ang kambal sa kwarto nila. Kelangan mo daw munang makita. Tch. Ayaw nila maniwala sakin na okay naman." Nakapoker-face na sabi ni Kyle.

Syempre. Mother knows best eh. Haha.

"Sige tara sa kwarto nila." Sabi ko saka lumabas na ng kwarto.

Yung kwarto kase ng kambal magkatabi lang tapos may pinto sa gitna nila para may shortcut.

Pagpasok namin ni Kyle sa kwarto ni Chylee..

O_O

Ang ganda ng anak ko. Naka-princess costume. "Wow baby you're so pretty." Puri ko.

"Really mom?" She asking for my satisfaction. The way she looks, nahihiya nga sya.

Tumango ako at hinaplos ang pisngi niya. "No wonder sakin ka nagmana anak. You're pretty like a princess."

 

Yumakap siya sakin. "Thank you Mom." Then she kissed me on my cheeks.

"Ready na baby ha?" Sabi ko. "Padala ka na kay Daddy mo."

Ayun, kinarga naman siya ni Kyle. Then lumapit ako sa pinto kung saan nagtatagos ang kwarto naman ni Skyler.

And there he go. "Omg. Ang gwapo ng anak ko!" Sigaw ko saka lumapit kay Sky.

"You must be kidding Mom. How can you say that I'm handsome. I'm wearing mask."

 

~_~

Haha. Sorry naman. Kasi naka-iron man costume sya eh. Astig kaya. "Gwapo ka pa din baby." Sabi ko.

"Tch. Okay Mom thanks. I'm ready. Is Riana and Tita Fancy already here?"

Daming chicks ah. "I don't know pa baby. Di pa nakakababa si Mommy."

"Okay. Let's go Mom, Dad." Yaya ni Sky.

"Lika, kargahin na kita Sky." Sabi ko.

"No Mom. I'm a big boy na. I can walk on my own."

=_=

Talaga 'tong si Skyler oh. Feeling binata talaga eh. "Okay baby."

"Hayaan mo na ang bata. Binata na yan."

=_=

Kunsintidor na ama. Haha. Binata daw. Hindi pa nga yan tuli. Pffft. Lumabas na kami ng kwarto para salubungin ang mga bisita.

Kumusta naman kaya ang tigers at ilan naming kaibigan? Ano kayang mga costumes nila? Nakaka-excite na ring makita.

Pagbaba namin dito sa living room, pumunta kami sa gilid kung saan ang daan papuntang garden kung saan naroon ang mga bisita.

"Mom there's a lot of visitors." Sabi ni Chylee.

Tumango lang ako. Paglabas namin ng garden, may biglang sumalubong samin. Ang tigers..

O______O

Ang tigers nga ang mga yan diba? Teka..

HAHAHAHAHAHA!

**

A/N: Part 2 ng birthday party ang next. Bat kaya natawa si Chelsea? Yung picture ng kambal nasa gilid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction