Chapter 2 ♥ Sweet
Chelsea POV
"Moooommmmyyyy!"
Oh ayan na naman ang anak kong pinaglihi ko yata sa megaphone. Maka-sigaw kala mo sobrang layo namin sa isa't isa. Haha.
"Yes baby?" Sabi ko habang papalapit kay Chylee. Andun kasi sya nakatayo sa unang baitang ng hagdan.
"Let's go to my room. Jollibee is there!"
=_=
Dun talaga nya pinadala yung statue ni Jollbee sa kwarto nya. Ano yun? Paggising nya sasabihin nya, "Sa jollibee, bida ang saya!" Haha. Natatawa ako sa naiisip ko.
Kakausapin ko nga mamaya ng masinsinan si Kyle. Nagtataka pa din ako pa'no nya napapayag management na ibenta sa kanya yun. Si Chylee kasi spoiled masyado sa Daddy nya.
"Sama kamiii!" Sigaw ng tigers.
"No! I don't want." Sigaw ni Chylee.
"Bakit naman baby?" Tanong ko.
"Kasi mommy baka kunin nila si jollibee. I heard tito Jerome, he wants jollibee."
=_=
"Baby Chylee yung pagkain ang gusto ko! Hindi si Jollibee. Hindi ko naman yan makakain." Katwiran ni Jerome.
Haha. Talaga 'tong anak ko. "Sige na baby susunod na si Mommy." Sabi ko tapos tumingin ako sa tigers na nanunuod kay Sky, binubuo kasi ni Sky yung nabili namin sa mall kanina na car. Kailangan pa i-assemble.
"Sky, ako na dyan." Sabi ni Luke.
"No." Mabilis na sagot ni Sky.
"Hindi yan ganyan Sky, dapat gan--"
"Don't be excited. I can do it on my own. I'm not dumb." putol ni Sky sa sinasabi ni Luke.
=_=
Hahahaha. Ano sila sa Sky ko?
"Oo napo Kuya Sky. Matalino ka nga pala. Si Tito kasi bobo." Sabi ni Luke na mukhang ewan. Haha. Basag eh.
"Hahahahahaha. Ge Luke makialam kapa ha? Parang dimo alam ga'no kataas IQ nyang si Sky, nagmana yan sakin." Natatawang sabi ni Drei.
"Hindi po ako nagmana sa'yo tito Drei. I know you're not smart as I am. I haven't see you reading a book, you're always texting with your girlfriend."
O____O
Anong sabi ni Sky?
"Hahahahahahaha."
Ayun nga, basag din si Drei.
"Sobra naman pooooo!" Bata-bataang sabi ni Drei. Haha.
"Guys, taas lang ako. Kayo muna bahala kay Sky." Sabi ko.
"Sige lang Chelsea, mamaya pagbaba mo dito duguan na ang ilong namin dito." Natatawang sabi ni Cavill.
Ngumiti lang ako at umakyat na. Palapit nako sa kwarto ni Chylee. Magkatabi nga pala kwarto nila si Sky, pero may pinto sila sa gitna. Yung para magka-connect. All pink ang kwarto ni Chy, all blue naman kay Sky. Puro manika at laruan kwarto ni Chy, cars, action figures and books naman kay Sky.
Naglalakad pa'ko dito sa hallway ng..
O_____O
Si Jollibee dun pinwesto sa labas ng pinto ni Chylee.
=___=
"Mommyyyyyy! Look. He's really cute." Sabi ni Chy na ngiting-ngiti may kasama pang lundag. Si Kyle andito, inayos si Jollibee. Nakababa na din yung taga-jollibee na nagdala dito.
Tumingin ako kay Kyle. "Bakit dyan?"
He smiled at me. "Yun gusto ng anak natin eh. Alam mo naman kailangan masunod."
=_=
"Baby Chy, gusto mo sa loob nalang si Jollibee? Kasi 'pag dito sa may pinto mo, magmumukhang fast food chain ang kwarto mo." Totoo naman. Baka pag nakita ko yan, mapagkamalan kong nasa mall ako at nasa jollibee. Haha.
"No. I don't want. I want it here." Nag-puppy eyes pa nga. Pa-cute talaga.
"Hayaan na natin baby ko." Sabi ni Kyle sakin saka ipinulupot ang kamay nya sa waist ko.
"Aarrghhh! Dad don't flirt with Mom in front of me!"
=____=
"I'm not flirting with your Mom. Okay? Daddy is just being sweet to Mom. Is it bad?" Tanong ni Kyle. Bumitaw na sya sakin tapos humarap kay Chy.
Umiling si Chy. "No Dad." Inosenteng sagot nya.
Ginulo ni Kyle ang buhok ni Chy. "Good girl. Are you happy baby?"
Yumakap bigla si Chy sa binti ni Kyle. Ang liit nya kasi eh. Haha. Tapos nakatayo si Kyle. "Thank you Dad. I love you. Come here, I want to kiss you!" Nakapout na sabi ni Chy. Umupo naman si Kyle para maabot sya ni Chy at ayan nga hinalikan sya sa pisngi. Sweet na bata.
Napapangiti ako habang pinapanood sila. For the past five years, mula ng ipanganak ko ang kambal, nakita ko talaga Kyle yung pagiging responsableng ama sa kanila. He's sweet at nakikipaglaro sya sa kambal kahit minsan pagod na sya galing kompanya. At ganito nga, 'pag sunday nilalaan nya talaga oras sa'min.
Masyadong mahabang panahon ang five years. Madami ng nangyari. Natapos kami ng college. Business Management pareho kami ni Kyle. Nauna nga lang sya nag-graduate non sa'kin kasi nung nanganak ako, nag-stop muna ako ng isang sem. Pero ayos naman, at least graduate na.
Naaalala ko pa noon, si Kyle talaga ang nagpupuyat para ipagtimpla yung babies namin ng gatas 'pag nagigising sa madaling araw. Minsan ako ang gumigising, nagagalit sya. Ayaw nyang mapupuyat ako. Kaya sya nagpe-presinta.
Nakakatuwa nga eh. Diko akalaing magiging ganon ka-responsible si Kyle. And ang nakakatuwa lang sa loob ng limang taong lumipas, wala kaming pinag-awayang malaki ni Kyle. May konting tampuhan minsan pero hindi naman naabot sa malaking away.
"MOMMMMMMYYYY!!!!"
O_o
Makasigaw talaga. "Yes baby?"
"You're not listening. I said, kiss daddy." Sabi ni Chy
=_=
Tumingin ako kay Kyle. "Kiss daw."
Lumapit sa'kin si Kyle tapos hahalikan na'ko sa lips nang..
"AAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!"
O_____O
"DAMN IT!!!"
O____O
Paktay. Nagmura na naman si Kyle. Slow motion akong tumingin kay Chy, nararamdaman ko magtatanong na naman yan.
"Mom, what is damn it?"
=__=
Sabi na nga ba eh. Tumingin ako kay Kyle at tiningnan sya ng masama. Aba, parang natatawa pa. Ganyan yang si Kyle, kapag may mga tanong si Chy na out of nowhere, sa halip na tulungan ako tinatawanan pa'ko eh. Psh.
"A-Ah, baby ano.."
"What was that Mom?"
=_=
"Y-Yung damn it? Ano, ah..damit, tama! DAMIT yun baby! Gusto ni daddy ng bagong damit!" Pagsisinungaling ko tapos tumingin ako kay Kyle. "Diba daddy?"
"Yes baby, gusto ni daddy ng bagong damit." Pag-sang-ayon ni Kyle.
Psh. Kala ko tatanggi eh. Halata kasing nagpipigil ng tawa.
"Okay mom, dad."
"Pero teka, bakit ba bigla kang sumigaw baby?" Tanong ko.
"Because dad will kiss you on your lips."
=_=
"What's wrong with that baby? You told Mom to kiss me right?" Si Kyle nagtanong.
"Only on cheeks dad." Naka-pout na sabi ni Chy.
Kiss na lang pinagdamot pa ng anak ko. Talaga naman.
"Okay baby." Sabi ni Kyle then lumapit sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.
Pero nagulat ako sa bulong ni Kyle.
"Mamaya ka sa'kin sa kwarto baby ko..."
O______O
Pagtingin ko kay Kyle, ngiting-ngiti. Psh. Ganyan yan, may time na sobrang lambing talaga. Yung gusto nya kami lang sa kwarto namin. Minsan kasi ang kulit ng kambal eh, ginugulo kami.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!"
O_O
Oh ano yun. Ang lakas ng tawa ng tigers sa baba. "Baba muna tayo baby?" Sabi ko kay Chy.
"Yes mom."
Ngumiti ako saka inakay si Chy, kasunod namin si Kyle.
Pagdating namin dito sa salas, si Drei nakahiga sa carpet.
"Oh, nangyari sayo?" Tanong ni Kyle.
"Hahahaha. Kasi captain na-sample-an yan ni Sky ng nakakadugong english. Hahaha." Sabi ni Oliver.
"Sky, what did you do to Tito Drei?" Tanong ni Chy.
"He's insisting to assemble this car. I told him, I can do it. Then he told me he will buy me lot of chocolates. Then I said, eating large amounts of chocolate can do more harm than good, no matter how good it tastes. The most obvious side effect of eating too much chocolate is calories."
=____=
Sabi naman sa kanila, matalino talaga si Sky. Hahaha.
"Hahahaha. Good boy Sky." Sabi ni Kyle saka umupo sa carpet at ginulo buhok ni Sky.
"Captain naman ano ba pinakain nyo dyan kay Sky? Sobrang talino. Gusto ko din kainin kinakain nya para maging matalino din ako." Tanong ni Oliver.
"I am smart because I love reading books and watching educational videos. You can't be smart by watching porn videos."
O_________O
Anong sabi ni Sky? P-Porn? Paano nya nalaman yun?
"Sky, where did you know the word porn?" Seryosong tanong ni Kyle.
"Tito Luke." Sagot ni Sky.
Tumingin si Kyle ng masama kay Luke. Si Luke naman nakataas na kamay, yung parang sinasabi nyang 'suko nako'
"K-Kasi captain nahuli ako ni Sky na nanunuod ng porn. Ayun tinanong nya kung ano pinapanood ko, bakit daw ayaw ko ipakita sa kanya, sinabi kong porn yun at bawal sa bata."
"DAMN YOU!! Wag na wag nga kayong gagawa ng kabalastugan sa harap ng kambal. Tch." Sigaw ni Kyle.
"Sorry captain!"
"Mommy what is damn you?"
=___=
Itong si Chy kahit kelan talaga. Bakit laging sa'kin nagtatanong? "A-Ah, baby ask your Daddy." Sabi ko. Wala na'ko maisasagot eh. Haha.
"Hahahahaha. Baby Chy damn you is..a-ah, mali ka ng rinig. It's banyo. Your daddy wants to go to banyo! Oha! Oha! " Tuwang tuwang sabi ni Oliver.
=___=
"Chy, damn you is a kind of cuss. That's bad so don't speak that word."
=___=
Si Sky pahamak talaga.
"That's enough." Sabi ni Kyle. "Let's play."
"Yeheyyy! Play, play!" Sigaw ni Chy.
"Tara kids!" Sigaw ni Jerome.
Ang natira nalang nga pala na tiger dito ay sina Jerome, Luke, Oliver at Drei. Nag-uwian na siguro yung iba, mga businessman na din kasi ang tigers. Di lang halata sa kanila kasi maloloko. Haha.
Ayun naglaro na sila. Parang mga bata ang tigers. Pati si Kyle na ngayon ay ginagawang kabayo ni Chy. Haha. Ang cute nila tingnan. Ako nakaupo lang dito sa sofa, pini-picturan ko sila. Ang cute talaga eh.
I never imagine for having a family like this. Super blessed talaga ako. Bukod sa swerte na'ko sa mga anak ko na lumaking matalino at mabait, swerte pa'ko sa asawa ko na si Kyle. Sya na yata ang best husband in the whole world.
That's why I loved him that much.
--
Kinagabihan..
"Baby ko.." Si Kyle naglalambing. Andito kami sa kwarto namin. Nakahiga habang nanunuod ng TV.
Ang kambal tulog na, napagod din kanina kakalaro.
"Hm?"
"Kiss me." Sabi ni Kyle. Ganyan na yang si Kyle.
Tumagilid ako at humarap sa kanya. I grab his head then kiss him. He response on me torridly.
Kahit limang taon na ang nakalipas, still, walang nagbago sa ka-sweet-an ni Kyle.
Palalim ng palalim yung halik ni Kyle hanggang sa nararamdaman ko yung paggala ng kamay nya sa katawan ko. He stop kissing me then he kiss my ears and whisper.
"I want you baby ko..." Husky na sabi nya.
Mag-asawa kami kaya wala ng malisya sa'kin yun. Di na'ko tulad dati na nagugulat 'pag sinasabi yan ni Kyle. Ngayon, natural nalang yun.
"Go on.." Sagot ko. Ayokong dini-disappoint si Kyle pagdating sa ganitong bagay. Kapag gusto nya, pinagbibigyan ko sya.
Syempre, mahahawakan ko na naman ang walang kamatayang ABS ni Kyle. Hoho! Five years na pero wala, adik pa din ako sa pandesal ni Kyle na lalong nag-build-up.
Kyle kiss me then go on my top. It was a deep kiss at nararamdaman kong eager na syang may mangyari samin ngayong gabi.
He's about to take off my shirt..
*TOKTOK*
"MOMMMMMMM!!! DADDDDDDYYYYYY!!"
=___=
"Shit."
"Buksan mo na ang pinto." Sabi ko kay Kyle. Istorbo talaga yang si Chy.
Hinalikan muna ulit ako ni Kyle bago sya tumayo para pagbuksan ng pinto ang sumisigaw kong anak.
At ayan, pagbukas ng pinto, takbo agad sa'kin si Chy dito sa kama.
"Why baby? What's wrong?"
"I can't sleep. I want to sleep here."
=____=
Tumingin ako kay Kyle. He looks upset. Haha. Eh kasi ang anak nya, istorbo eh.
"Baby, you should learn to sleep alone on your room." Sabi ni Kyle.
"But dad.." Parang naiiyak na si Chy.
*ecccckkkk..*
O_O
Si Sky andito din. "Why baby?"
"I want to sleep here mom, dad."
=____=
"Tch. Kids, go back to your rooms." Sabi ni Kyle.
Sa halip na sumagot yung kambal? Ayan nahiga na dito sa kama namin at pumikit.
=___=
"Hayaan mo na." Sabi ko kay Kyle.
"Tch. Fine. I love you." Sabi ni Kyle sa'kin saka ako hinalikan.
"I love you too." sagot ko.
Nahiga na kami. Bale nasa gitna namin yung kambal.
Akala ko talaga tulog na'tong dalawa, nakapanggulo pa din sa'min. Well, better luck next time Kyle.
**
A/N: Sa gilid yung picture ng mag-ama :) Credit to Admin.GummyBear from MPMMN page.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top