Chapter 19 ♥ Facebook
Chelsea POV
Anong ginagawa namin? Wala. Nganga. Syempre joke lang 'yun.
Pinapanood ko ang kambal na nagsu-swimming ngayon dito sa pool. Si Kyle nasa kompanya, pumasok. Nakaupo lang ako dito sa isang bench. Hikab na nga ako ng hikab. Gusto ko sana ng may ka-kwentuhan kaso kapag kambal naman ang free, medyo iwas ako makipagkwentuhan sa kanila kasi dinudugo ang ilong ko. Haha.
"Mom, pupunta ba dito si Riana?" Tanong ni Sky. Nasa pool siya.
Batang 'to talaga. Hanap talaga si Riana eh. "Hindi ko alam baby Sky. Hindi naman tumatawag si Tita Janna mo." Sagot ko.
"Then call her Mom. Please? I want to see Riana and I want to play with her."
=_=
Inutusan pa'ko. Hello, ako nanay. Ako inutusan. "Baka busy sina Tita Janna mo Sky."
"I'm not asking for tita Janna. I'm just asking for Riana to come here."
=_=
"Dou you like Riana? Ang bata-bata nyo pa Sky."
Sumimangot siya. "I don't have any intention to be his boyfriend until we graduated on highschool."
O_O
Tama ba ang narinig ko? Magiging boyfriend lang siya ni Riana 'pagka-graduate nila ng highschool? "Wow. Good boy baby. Tama 'yan. Di pa pwede hangga't 'di pa kayo tapos ng high school."
"Yes Mom. So what now? Call Tita Janna please.." He said matching his puppy eyes. Nagpapa-cute pa. Awtsu naman ang anak ko.
"Oo na." Sabi ko saka kinuha ang phone ko na nakapatong sa mini round table.
I dialled Janna's number. Tumunog naman iyon at sumagot din agad si Janna.
[Oh, best.]
"Tinatanong ako ni Sky kung pwede daw pumunta dito si Riana. Diko ma-gets ang anak ko best, tinamaan sa anak mo. Haha." Sabi ko.
[Haha. Mukha nga. We can't. Mamamasyal kami ngayon nina Adrian, imi-meet namin sa restaurant si Papa. Maybe tomorrow, we're free.]
"Sige best. Salamat. Bye."
*toot toot*
Pagtingin ko sa pool, nakatingin si Sky sa'kin. "Hindi sila pwede ngayon. May lakad sila. Hope you'll understand baby Sky. But don't worry, maybe tomorrow, they can come here."
"Okay Mom. I'll understand. But promise me, tomorrow I don't want anyone disturbing us. I want only Riana on my room."
O____O
Sa room niya? Utang na loob! Anong nasa isip ng anak ko!? "Sa kwarto mo?"
"Yes Mom. Maglalaro lang po kami ang watch some educational videos."
=_=
"Hindi pwede. Okay? Sa playroom kayo with Chylee." Sabi ko. Napatingin ako kay Chylee na masama ang tingin kay Sky. "Why baby Chy?"
"I hate Sky. He only wants to play with Riana. He doesn't want me. Huhuhu.."
Hala umiyak na si Chylee. Iyakin talaga at selosa. Gusto sa kaniya lang lagi ang atensyon. Siya kasi ang princess namin. "Come here." Sabi ko. Nilapitan ko siya sa gilid ng pool. "Stop crying. Sky is just kidding okay?"
"I'm not kidding Mom. I really want Riana only."
=___=
Makisakay nalang sana ano Sky?
"See Mom? He doesn't want me..*sniff*..I really hate Sky from now on.."
=__=
Kinarga ko si Chy pagkabalot ko ng wardrobe niya. "Tahan na, bukas pupunta nalang tayo sa Jollibee. You want that?"
Namilog ang mata ni Chylee sa excitement kasabay ang pagtigil ng luha niya. "Really Mom!?"
Tumango ako. "Yes baby."
"Yeheyyyy!"
Tuwang-tuwa. Kanina lang umiiyak. Narinig lang si Jollibee masaya na. Naniniwala na'kong kay Jollibee, bida ang saya. Haha.
--
"A-ba-ka-da-e-ga-ha-i-la-ma-na-o-pa-ra-na-po-sa-ta-bi..."
=_=
Napapangiti pa sana ako dahil nakakabisado na ni Chylee ang Abakada. Kaso iba pala ang last line. Ang epic. "Baby Chy mali ang Abakada mo." Sabi ko.
"Why Mom? I know I'm right."
"You're wrong." Sabi ko. "The last part is wrong."
Nag-pout siya. "Pero 'yun po yung tinuro sa'kin ni Tito Luke."
=_=
Si Luke ang may sala. Loko talaga 'yun. Magtuturo lang, mali pa. Aish. "You count nalang baby.." Sabi ko.
"One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, te--eleven, twelve, tortin, portin, pibtin, siktin, sebentinayn, eytinayn.."
=_=
"Wait, wait baby. Nahihilo si Mommy sa pagbibilang mo. One to ten ka na lang muna ha? Mas mabuti 'yun baby." Sabi ko. Kakaiba naman kasi magbilang 'tong anak ko.
"You want me to sing Mom?" Sabi ni Chy. Nga pala si Sky, busy sa panonood ng educational videos sa kwarto niya kaya si Chy lang kakulitan ko dito sa salas.
"Okay sing.."
"Natseyo na ang yahat..minyamahal padyat wadyas. Natseyo nya ang yahat, patsi ang putso moooo! Wohohoho..na-sese-e-e-e-e, whoooo.."
=__=
"Who teached you that song?" Tanong ko. Duduguin ang ilong ko sa lyrics ni Chylee eh.
"Tito Jerome." She answered. Ngiting-ngiti pa siya.
"Who's the singer of that song?"
Parang nag-isip pa si Chyle. "Si..Daniel Patilya!"
=_=
Patilya? Haha. "No baby, it's Padilla." Pagtatama ko. Patilya ba naman.
"No Mom. It's Daniel Patilya!"
=_=
"Hindi nga baby. Daniel Padilla." Mabagal pa pagkakabigkas ko para ma-pronounce niya.
"Daniel Pa..dila?"
=_=
"Daniel Padilla baby."
"Oh. Daniel Padilla. Yehey!"
Haha. Nakakatuwang bata. Masarap turuan si Chylee. Si Skyler 'di na kailangan. Parang mas matalino pa yata sa'kin ang anak kong 'yun.
"Mom.."
Napalingon ako. Si Skyler parang mangiyak-ngiyak? "What's wrong baby?" Tanong ko. Lumapit naman siya agad sa'kin dito sa sofa saka kumalong. "What?"
"I tried to find Riana on faceboook but I can't see her. Did she blocked me? Or what.."
=______=
Seriously Skyler? "Baby, Riana is only 3 years old. Hindi pa siya marunong gumamit ng gadgets." Sabi ko. Si Skyler at Chylee marunong na sila gumamit ng gadgets. Pati facebook meron. Madali lang naman kasi turuan ang mga bata sa panahon ngayon.
"So that's the reason Mom? She doesn't have facebook?"
Tumango ako. "Opo. Kaya don't be sad na okay? Go on, continue what you're doing. Stop stalking on facebook." Sabi ko.
"I'm not stalking on facebook Mom. I'm just looking at Tita Fancy's pictures." Sabi niya sabay takbo. Batang 'yun talaga, nagbibinata. Acheche!
Napatingin na'ko kay Chylee. May kinakalikot siya sa iPad niya. Mga bata talaga ngayon, kahit ilang taon palang, gadget na ang hawak. Talaga naman, oo.
"KYYAAAAA! Yehhhhheeeeyyyyy!"
O_O
"Bakit Chylee?"
"Jollibee accepted my friend request on facebook. Yehey Mommy!"
=_=
Akala ko pa naman nanalo sa lotto si Chylee. Makasigaw. Akala ko kung ano na. Jollibee talaga, oh.
--
Nakahiga ako dito sa kwarto. Nahihilo kasi ako at parang nanghihina ako. Yung kambal, tulog na. Gabi na din kasi. Hinihintay ko nalang si Kyle. Tumawag na siya at on the way na daw siya. Di ko na nga binanggit sa kaniya na masama ang pakiramdam ko kasi alam ko, magmamadali 'yun pauwi.
Baka nga paliparin pa no'n ang kotse niya makauwi lang. Kilala ko na si Kyle eh at kabisado ko na ang ugali niya.
*boogsh*
O_O
Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng palagabag. "K-Kyle?" Andito na pala sya.
"Are you okay? Anong masakit? Let's go to hospital." Hangos na hangos na sabi ni Kyle. Paano naman niya nalaman?
=___=
"Nahihilo lang ako. Yun lang. There's nothing to worry gummy bear." Paliwanag ko.
"Tch. Huwag mong balewalain ang pagkahilo. Kung hindi pa sinabi ni Butler kanina pagbaba ko ng kotse, di ko pa pala malalaman. Bakit 'di mo sinabi?" Nasa mukha niya ang pag-aalala.
"Ayoko lang na mag-alala ka. Okay na naman ako. Pahinga lang 'to. Napagod lang siguro ako kanina."
"Anong ginawa mo?" Tanong nya.
"Nakipaglaro sa kambal. Ang kukulit kasi. Ang tagal ko ding naka-upo lang habang pinapanood sila mag-swimming kanina.." Sabi ko. Pero ikinagulat ko nang bigla akong yakapin ni Kyle.
"Napapagod na sa pag-aalaga ng anak ang asawa ko?"
>.<
Naglalambing si Kyle. "H-Hindi naman sa napapagod na. Napagod lang kanina. 'Yun lang. Gustung-gusto ko ngang ako ang nag-aalaga sa kambal." Sabi ko.
"Don't stress yourself. Wag mong hayaang mangulit ang kambal okay? Alam kong hindi sila gano'n kadaling alagaan." Sabi ni Kyle saka ako dinampian ng halik sa noo. "Take a rest."
Tumayo na sya saka naghubad ng suot na polo. Sanay na ako sa ganyan. Mag-asawa na kami kaya hindi na'ko naiilang. Kaya nga laging busog ang mata ko 'pag nasisilayan ko ang pandesal niya. Haha.
"Baby ko, nahihilo ka pero 'pag tititigan mo ang katawan ko, 'di ka nahihilo."
=_=
"Di ko tinititigan ang katawan mo gummy bear." Tanggi ko.
"Hindi nga. Dahil ABS ko ang tinititigan ko. Tch. Naglalaway ka na naman ba baby ko? You want to touch this?"
=_=
Humarap pa sya ng bonggang bongga sa'kin saka tinuro ang ABS niya. Ikaw na talaga Kyle. Naglalaway talaga? Psh. "Matutulog na'ko." Pag-iba ko ng usapan. Yumayabang na si Kyle eh.
"Tch. Pagkatapos mo titigan ang katawan ko, bigla kang matutulog? Baby ko naman.."
O_O
Ang bilis ni Kyle. Nasa tabi ko na agad dito sa kama at yumakap sa'kin. Harujusko! Nakatopless pa.
His scent..
"Mabango ba ako baby ko? You want to make love with me?" Diretsahan niyang tanong.
Umiling ako. "I can't. Masama ang pakiramdam ko.."
Lumuwag ang pagkakayakap niya sa'kin. "I know. I'm sorry baby ko. You really need to rest. Let's sleep." Sabi niya.
Tumango ako saka siya nginitian. "Goodnight gummy bear. Sa nakalipas na limang taon, ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko.."
"Ako din baby ko. At sa mga taon pang lilipas, hindi magbabago. Forever na ikaw ang mamahalin ko. To infinity and beyond." He said then kiss me softly on my lips.
After that sweet kiss, I closed my eyes with a smile on my lips.
--
Nagising ako dahil sa hindi maintindihang pakiramdam.
Tumingin ako sa digital clock sa side table. Two ng madaling araw. Bakit ganito ang pakiramdam ko? May something..
O_O
Napabalikwas ako ng bangon saka tumakbo sa banyo.
Acccckkkkk..
O_O
Acckkkkk...
Bakit ako nagsusuka?
Accckkkk...
"Baby ko are you okay!? Fvck. Bakit ka nagsusuka? May nakain ka bang hindi maganda?" Ramdam ko na natataranta si Kyle. Nagsasain siya ng tubig sa baso saka kumuha ng towel.
Acccckkk...
"D-Di ko alam gummy--Acccckkkk.."
Parang umiikot ang sikmura ko. Wala naman akong matandaang kakaibang nakain ko kanina eh.
"Baby ko.."
Hindi ko pinansin 'yung pagtawag ni Kyle kasi ang sama sa pakiramdam eh.
"ARE YOU PREGNANT!?"
O_____O
Pregnant!?
**
A/N: What yeah think?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top