Chapter 16 ♥ They're back

Chelsea POV

"Gummy bear gising na."

I tried to wake him up dahil papasok pa siya sa trabaho. Ako kasi ang madalas nyang taga-gising kapag 'di sya nagigising sa alarm nya.

"Hmmm.." He just move a little but still asleep.

I tap his arm. "Gummy bear.." Napuyat kasi 'to kagabi. Aish. Sunday kahapon, nung matapos makipag-duguan ng ilong ang tigers sa kambal nag-inuman sila nina Kyle.

"B-Baby ko, I can't go to work. Fvck. My head hurts." Sabi ni Kyle na nakahawak sa ulo niya. Half-open lang ang mata niya.

"Monday ngayon. Okay lang ba na hindi ka muna pumasok?" Tanong ko. Di naman kasi pala-absent si Kyle. Lalo na 'pag monday kasi marami silang inaasikaso.

"Yeah. Tatawag nalang ako sa secretary ko mamaya. Let me sleep for a while baby ko.." He said then hugs me.

Napangiti nalang ako. Sige hahayaan ko na. Nakakaawa naman ang asawa ko. Mukhang antok na antok at talagang masakit ang ulo dahil sa hang-over.

*knocks on the door*

Tinanggal ko yung braso ni Kyle na nakayakap sa'kin saka tumayo para pagbuksan kung sinuman ang kumakatok.

"Ma'am, si Chylee po umiiyak." Sabi nung katulong na siyang kumakatok.

"Okay, pupuntahan ko na siya sa kwarto nya. Ako na ang bahala." Sabi ko saka lumabas ng kwarto namin ni Kyle.

Yung katulong ay bumaba na sa salas at ako'y dumiretso sa kwarto ni Chylee.

"Mommmmmyy! Uwaaa!"

Ang lakas umiyak ng anak ko. Nasa pintuan palang ako rinig ko na. I open the door and I saw my baby crying. "Why baby?" Agad kong tanong saka ito niyakap.

"M-Mommmy..*sob*..k-kasi..kasi..*sob*.."

Parang habag na habag si Chylee. "Why? What is it baby?" Muli kong tanong.

"K-Kasi..*sniff*..napa..niginipan ko s-si Jollibee..uwaaaaa!"

=_=

Oh. Napanaginipan daw si Jollibee. Anak naman ng coke float oh. Akala ko kung anong masamang panaginip. "Anong nangyari kay Jollibee baby?"

"K-kasi..kasi mom..uwwwaaa! K-Kinasal si Jollibee kay Mcdo. Huhuhu.."

=______=

Seriously? Alam ko parehong lalaki sina Jollibee at Mcdo? I wipe her tears and smiled at her. "Hindi yun totoo baby. Okay? It was just a dream so stop crying."

She sob a little. "R-really?"

"Oo baby. It's not true."

Now, she's smiling. "It's good to know Mom because only me can marry Jollibee someday!"

=____=

Oo nalang Chylee. Saan ba kita pinaglihi at na-adik ka kay Jollibee? Ang alam ko lang ay mahilig akong kumain dun. "Sige na baby. Tulog ka na ulit." Sabi ko. Maaga pa naman. Six in the morning palang. Usual na gising ng kambal ay bandang eight or nine.

"Okay Mom." She said and lay on the bed. I let her sleep first before I came out of her room. Nang makalabas na'ko, bumaba na'ko sa kusina. Ako ang magluluto ng breakfast ng mag-a-ama ko. Tutal 'di na rin ako makakatulog ulit. Nasanay na'ko na maagang magising.

Bukas na pala ang uwi nina Best. Nakaka-excite naman. Mami-meet ko na din ang baby nila. And after years, makaka-bonding ko na ulit ang bestfriend ko.

--

"Mom, why do politicians loves to corrupt?"

Brains please? Ayan na naman si Sky. Nagtatanong out of nowhere ng makadugong english. Haha. "Maybe because they are not contented with their money or wealth."

 

"Oh I see. Mom, paglaki ko, I want to be a president."

O_o

Ang taas ng pangarap ng anak ko. "Why baby?"

"Because I'm not a corrupt. I'm contented with daddy's wealth."

=_=

Daddy's wealth talaga? Haha. Sabagay yun ang alam nila, ang daddy nila ay mayaman. "Okay baby." Sabi ko nalang. Kahit matalino ako, for sure duduguin din ako kay Sky.

"Mom.." Si Chy sumingit. Andito kasi kami sa salas. Si Kyle may ginagawang report sa laptop niya. Ang kambal nasa carpet naglalaro habang kinakausap ako. Nakaupo lang kasi ako dito sa tabi ni Kyle.

 

"Yes baby?"

 

"If Sky's dream is to be the President someday, I have dreams too."

Wow si Chy dumi-dreams na. Feeling ko, gusto nitong maging fashion designer. Mahilig kasi siya sa mga accessories and dress eh. "What's your dream Chylee?"

"To make a happy family with Jollibee! Yehey!"

=____=

"Hahaha. You're funny Chy. How come you can make a family with Jollibee? He's just a mascott." Sabi ni Sky.

"It's not funny Sky. Don't laugh about my dream." Pagtataray ni Chylee.

"Hahaha. Fine."

Wag nga daw tumawa. Pang-asar din minsan 'tong si Sky eh. "Stop debating kids. Laro nalang kayo."

"Mom, can we play a game?" Tanong ni sky.

"Okay, what game?"

"Guess the flag."

=____=

Seriously? Philippines, USA at Japan lang ang alam kong flag. Asdfghjkl. "Iba nalang Sky." Sabi ko.

"What kind of game Mom?" He asked.

Nag-isip ako. Ano ba magandang game? Yung madali. Di pwedeng about academics. Matatalo ako kay Sky. Haha.

"Fvck!"

O_O

"Dad you want to fly? You want us to buy you pak-pak?"

=_=

Comedy talaga 'tong si Chy. Hanggang ngayon pala 'di pa nya nalilimutan yung sinabi kong fvck-fvck. Haha.

"Gummy bear."

"Sorry. Nagulat kasi ako sa prank video na sinend ni Palermo. Sabi emergency yun pala kalokohan lang. Tch. Lagot sa'kin yun."

Kaya pala napamura. Aish. 

Krrinnng..

Oh may tumatawag sakin. I check my phone screen pero number lang. Hindi naka-save. Sino kaya 'to?

"Hello?" Sagot ko.

[....]

Huh? Kumunot noo ko. Di kasi nagsasalita yung nasa kabilang linya. "Hello!?"

[Awooooo..]

O____O

"Aaahhhhhh!" Napasigaw ako at hinagis ang phone ko.

"Bakit baby ko? Sino yun?"

O_O

Sino ba yun. Awooo daw. Waaa multo! "A-Ano, ano multo.." Kinakabahang sabi ko.

Tumayo si Kyle at pinulot ang phone ko. "Who the fvck are you!?" Sigaw ni Kyle sa phone ko.

"Daddy really wants to fly." Narinig kong feedback ni Chylee.

"Fvck you! Tinakot mo pa ang asawa ko. Okay, okay." Sabi ni Kyle saka pinatay yung phone ko. Tapos niyakap ako. "Don't be afraid. Wala yun. Si Adrian yun. Lakas maka-trip. Andyan sila sa labas ng mansyon."

O______O

"Umuwi na sina Janna!?"

"Oo baby ko. Andyan na sila sa labas. Tara, salubungin natin." Sabi ni Kyle.

Waaaa! Sina Janna! Pero lagot pa din sakin yang si Adrian. Tinakot pa'ko. Shemay. Tumayo na kami. "Kids, stand up. Sasalubungin natin ang Tito Adrian at Tita Janna nyo." Sabi ko.

"Yehey!" Sigaw ng kids.

Naglakad na kami palapit sa main door. At doon nakita kong papasok sina Adrian at Janna.

O_O

"It's nice seeing you again best!" Sigaw ni Janna. "

"Hahaha. Natakot ka ba sa phone call ko Chelsea?" Si Adrian tumatawa pa.

Binati nila ako pareho pero ang mata ko nakatutok lang ang pansin sa karga ni Adrian. "Is this..."

"Riana Gale Buenavista, our daughter."

 

**

A/N: Ayan spoiler sa SLY. Alam nyo na agad pangalan ng anak ng Jadrian. Haha. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction