Chapter 12 ♥ Misunderstanding
Chelsea POV
Umaga na. Wala akong balak imikin si Kyle. Nakahiga pa din ako. Nakatagilid at nakatalikod sa kanya.
Nang makita ko yung kissmark kagabi sa leeg nya, nag-init talaga ang dugo ko. Gusto kong alamin pero alam kong 'diko makakausap si Kyle ng maayos dahil sa kalasingan.
Pero syet kasi. Di ako matahimik. Niloloko ba'ko ni Kyle? May babae ba sya? Naiinis ako. Galit ako!
"Baby ko morning.." Narinig kong sabi ni Kyle nang maramdaman kong niyakap nya ako patalikod. "Sakit ng ulo ko baby ko.."
Sumakit ulo ha? For sure naman nag-enjoy yan kagabi sa kung sinumang babae ang kasama nya. Psh! Empleyado pala ha. Tapos uuwing may kissmark? Akala mo papansinin kita Kyle? Manigas ka dyan.
"Hm, baby ko.."
Diko pa din sya pinapansin. Bumangon na'ko. At dire-diretsong lumabas ng kwarto. Bahala si Kyle. Basta galit ako sa kanya. Niloloko nya ako. Aish!
Pinuntahan ko si Chy sa kwarto nya. As usual, sa pintuan, nandon si Jollibee statue nya. Tulog pa ang anak kong pinaglihi ko sa megaphone.
Sumunod na pinuntahan ko si Sky. Tulog pa din ang anak kong pinaglihi yata sa encyclopedia.
Lumabas na ako. Pupunta nalang akong kusina para ipaggawa ang kambal ng favorite sandwich nila.
Pababa na'ko ng hagdan nang makasalubong ko si Kyle. "Baby ko ba't 'di moko kinakausap kanina? Bigla ka nalang umalis ng kwarto. Ni hindi moko nilingon man lang."
Hindi ko pa rin sya pinansin. Tumuloy ako sa paglalakad pababa ng hagdan. Naramdaman kong 'di naman sumunod si Kyle.
"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM!?" Sigaw ni Kyle. Problem ha? Baka ikaw Kyle meron.
Sawa na ba sya sa'kin? May babae talaga sya? Bakit? Dahil ba 'di ko sya pinagbigyan kahapon kaya naghanap sya ng iba? Syet. Sumasakit ulo ko sa pag-iisip. Limang taon na kaming kasal tapos ngayon pa nya maiisipang magloko? Damn him.
Bahala sya sa buhay nya! Aish!
-
Kyle POV
Ang sakit sakit na nga ng ulo ko, 'di ko pa maintindihan kung bakit hindi ako iniimik ng asawa ko. Fvck. Ano bang ginawa ko? Dahil ba umuwi akong lasing kagabi? Tch.
Alam kong may kasalanan ako. Gabi na'ko umuwi tapos nalasing pa'ko. Na-badtrip kasi ako kagabi.
Dun sa party ng mga empleyado ko. Inuman, kainan, oo. Yung isang empleyado kong babae, matagal na daw may gusto sa'kin. The fvck. Diko inaasahang lalandiin nya ako kagabi. Alam nilang may asawa na'ko. Tang*na. Hinalikan pa'ko sa leeg kaya sa bwisit ko na-sampal ko sya. I even fired her. Nagmakaawa sya at humingi ng sorry pero di ko yun tinanggap. Tang*nang mga babae yun. Alam na nilang may asawa na ang isang lalaki, lalandiin pa. Ganon na ba talaga ka-desperada ang mga babae sa panahon ngayon? Tch.
After mangyari non, umalis na'ko sa party na yun at dumiretso sa bar ni Ken kung saan andun din mga tigers. Napainom lang. Napasarap kami sa inom kaya ginabi. Yung phone ko na-low bat pa kagabi. Di ko na rin namalayan oras.
Tch. Bumaba na'ko para sundan ang asawa ko. Ayokong pinapairal nya ang silent treatment na yan.
Naabutan ko syang gumagawa ng sandwich. Nakatalikod sya sa pwesto ko kaya niyakap ko sya mula sa likod. "Baby ko wag ka ng magalit. Sorry kung ginabi ako, nalasing pa'ko..sorry.."
Ayokong nagagalit sa'kin ang asawa ko. Diko kaya. Masisiraan ako ng ulo kung 'di nya ako iimikin maghapon. Kung dati nung binata pa'ko, yung nag-aaway kami, pataasan talaga ng pride. Pero ngayon? Nagbago na'ko. Marunong nakong magbaba ng pride. Kaya nga nagso-sorry na'ko agad. Alam kong ako ang mali.
Hindi nya pa din ako iniimik. "Baby ko naman, pansinin mo na'ko.." Sabi ko. Iniharap ko sya sakin. Malapit lang yung mukha namin sa isa't isa. "Sorry na.."
Napansin ko yung galit sa mga mata nya. "Are you cheating on me?"
O_O
"WHAT THE FVCK!" Napamura ako. Dahil hinding-hindi ko kayang gawin sa kanya yan. Damn it. Masyado ko syang mahal para gumawa ng ka-gaguhan.
"Wag kang magmura Kyle. Answer me. Are you cheating on me!?"
I kiss her. Passionately. Damn! Bakit nya naiisip 'to? Anong ginawa ko? Hindi nya tinutugon ang halik ko kaya tumigil ako. "Where the hell did you get that idea?" Tanong ko.
Napansin ko ang panggigilid ng luha nya. Fvck! Ayokong makitaan sya ng kahit katiting na luha sa mata nya. "K-Kagabi.."
"What? Dahil umuwi ako ng gabi na at lasing? Damn baby ko, hindi porket gabi na'ko nakauwi, niloloko na kita. Alam mo kung gaano kita kamahal."
"Matatanggap ko pa kung umuwi ka ng gabing-gabi na at lasing na lasing pa. Pero yung makitaan ka ng kissmark sa leeg mo? Sh*t lang Kyle!"
Kissmark? "WHAT!?"
"Ano? Itatanggi mo? Itatanggi mong wala kang alam sa kissmark na yon ha!?"
Fvck. Wag mo sabihing nalagyan ako ng kissmark nung hinalikan ako sa leeg nung empleyado ko? Tang*na! "Magpapaliwanag ak--"
*PAK*
O_O
"Magpapaliwanag? Ha? Ipapaliwanag mo kung bakit ka may kissmark? Ano, mag-imbento ka ng kasinungalingan? Damn it Kyle! Wag mo muna akong kausapin!"
Sh*t.
Natulala ako. Sinampal nya ako. Sa loob ng limang taon na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi pa nya ako nasampal. Ngayon lang.
Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil in the first place, kasalanan ko. Hinayaan kong mangyari 'to. Tang*na. Di ko man lang na-check kung nalagyan ako ng kissmark sa leeg ko. Damn it! Mapapatay ko ang babaeng yun!
Alam ko sa sarili ko na wala akong maling ginawa. Hindi ko niloko ang asawa ko. Palalamigin ko nalang muna ang ulo nya bago ako magpapaliwanag.
Sh*t. Ang sakit ng sampal sa'kin. Nakakatakot magalit ang asawa ko. Parang bakal ang kamay. Aish. Napaka-selosa.
Sa halip na magalit, natuwa pa'ko. Kasi alam kong ganyan mag-react si Chelsea dahil mahal na mahal nya ako at may pakialam sya sa'kin. Susuyuin ko nalang sya mamaya.
*ting*
Bright idea.
**
A/N: Reality strikes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top