Chapter 11 ♥ Kiss Mark

Chelsea POV

Almost one hour na kaming nkatengga dito sa mansyon. One hour na din ang nakalipas nang makauwi kami dito sa Manila galing Batangas.

Yung natitirang dalawang araw namin sa Batangas, nilubos na namin. Puro swimming, party at kainan ang ginawa namin.

Sunday ngayon. Walang trabaho si Kyle. Anong ginagawa nya? Ayan nakadapa sa kama namin, tinitingnan sa laptop lahat ng pictures namin sa Batangas. Ang gaganda kasi ng kuha. Lalo na yung kaming pamilya. Ako, siya pati kambal. Magkakamukha talaga kami. Haha.

"Baby ko, upload ko na 'to sa facebook ko." Sabi ni Kyle.

"Sige lang." Sagot ko. Naka-sandal kasi ako dito sa headboard ng kama. Ang kambal? Nasa baba kalaro sina Tita Mandy nila at Tito James. Kaya ngayon, solo kami. Oh, wag kayong pink minded. Porke solo, 'yun' agad? Haha.

Nagkakalikot lang ako ng phone ko. Nagti-twitter. May nakita akong tweet.

Janna Ruiz @JannaRWattpad

Three weeks left. I really miss philippines.

Adrian Buenavista @AdrianBWattpad

Pag-uwi ko babanatan ko ng tig-iisa ang mga tigers. Na-miss ko ang mga gago.

Haha. Talagang sigurado na nga ang uwi nila. Nakaka-miss din sila. Saka 'di ko pa kaya nami-meet yung 2-year-old baby nila. Dun na kasi nanganak si Janna sa Canada eh. Nakikita ko lang picture ng baby nila sa FB.

Sina Yumiko at Lance sana umuwi na din pero I think matatagalan. Kasi malapit na manganak si Yumi at siguradong hindi naman sya pwedeng bumyahe agad pagkapanganak.

Hay. Naiisip ko ang college days namin. Nakaka-miss silang lahat.

"Baby ko okay na." Sabi ni Kyle.

Tumango lang ako sa kanya. Pero nagtaka ako bakit biglang kumunot noo nya.

"Problem? Parang tulala ka." Puna nya.

"Ah gummy bear, naaalala ko lang yung college days natin saka naiisip ko lang sina Janna at Yumiko." Sabi ko.

"Ah. Pauwi na naman sina Janna 'di ba?"

Tumango ako. "Oo. Next month na."

"Good. By the way, baby ko bukas pala gagabihin ako ng uwi."

"Bakit?

"May konting pasaya lang yung mga empleyadong na-promote. Ayoko naman dedmahin ang paanyaya nila."

 

Hm yun pala. "Sige. Basta wag kang papakalasing." Paalala ko.

"Opo baby ko. Sandali nga, ba't hindi ka magpahinga? Hindi ka ba napagod sa byahe kanina?" Tumayo na si Kyle at pinatay na yung laptop. Then tumabi sya sa'kin at niyakap ako.

"Hindi naman gaano. Okay lang ako."

 

"Hm, do you want to.."

O_O

"Gummy bear!" Kasi ayan na naman. Magyayaya na naman yan na gawin namin 'yun'.

"WHAT!?" Sigaw nya.

"Bat ka sumisigaw?"

"Ba't ka din naninigaw?"

"Ikaw kasi lagi nalang yun nasa isip mo. Kaka-ano lang natin kagabi sa resort ah 'diba? Hindi k--"

 

"Ano bang iniisip mo?"

~_~

"Ano pa ba? E'di yun."

"Aling yun?"

"Make love." Sagot ko.

Nanlaki ang mata ni Kyle. "SERIOUSLY?"

"Bakit?"

"I'm just want to ask you if you want to eat. Baba sana tayo sa kitchen. Para mai-check na din natin ang kambal."

>___<

Okay. Ako na pahiya. Waaa! Assumera talaga ako. Kainis! "A-Ah, eh tara.."

"Pero make love ang nasa isip mo. Why baby ko? Gusto mo ba?"

=_=

 

"W-Wala naman akong sinabing gusto ko. Tara na nga sa baba." Yaya ko. Patayo na'ko pero hinawakan ako ni Kyle sa braso.

"Pagkatapos mong banggitin ang salitang yun, bigla kang tatakas? Alam mo bang marinig ko lang yung salitang yun mula sayo, nag-iinit ako?"

 

O____O

Kakaiba na yung tingin ni Kyle sa'kin. Waa. Yung mata nya parang nang-aakit. "G-Gummy bear, k-kailangan na nating i-check ang kambal sa baba.."

 

Palapit ng palapit yung mukha nya sa mukha ko. Mapungay ang mga mata nya na direktang nakatingin sa mga mata ko. "G-Gummy bear.."

"I think you want to make love.." He said with his husky voice.

O_o

"Ano ka ba gummy bear. Hindi.." Tanggi ko. 'Di naman talaga eh. "Tara na nga sa baba." Yaya ko saka tumayo na at lumapit sa pinto.

"Tch. Fine."

Tumayo na din si Kyle saka kami lumabas at bumaba ng salasa. Naabutan namin sina James at Mandy na nagku-kwentuhan. Nasa kandungan nila yung kambal na tulug na tulog.

"Nakatulog na sila sa pakikipagkulitan sa'min." Sabi ni Mandy.

Ngumiti ako. Sabay kaming lumapit ni Kyle sa kanila. "Bubuhatin na namin sila sa taas para makatulog sila ng ayos. Thank you sa pag-aalaga sa dalawa kahit alam nyo na, makulit talaga." Sabi ko.

"Okay lang. I love my pamangkins." Sabi ni Mandy na ikinangiti ko ulit.

"Makulit lang sila. Hindi naman kami binabara ni Sky tulad ng ginagawa nya sa tigers. Haha." Sabi ni James.

Binuhat na ni Kyle si Sky. Ako naman kay Chy.

"Oh, pano uwi muna kami. Nag-enjoy kami sa Batangas. Lalo na sa kambal." Paalam ni Mandy.

"Okay. Salamat ulit."

"Brad, Chelsea alis na kami." Sabi naman ni James saka sila umalis na.

"Kaya mo ba si Chy?" Tanong ni Kyle.

"Mabigat na sya pero kaya ko pa. 'Lika na, itaas na natin sila sa kwarto nila."

 

"Okay."

Pagkadala namin sa kwarto ng kambal, napag-desisyunan nalang namin ni Kyle na magpahinga din.

 

--

Gabi na. Wala pa si Kyle. Nagpaalam na naman sya sa'kin kahapon na may pa-party daw ang mga empleyado nyang na-promote. Pero pinaalalahanan ko sya kaninang umaga na wag masyadong magpapagabi.

Mag-a-alas-dose na ng gabi, wala pa sya. Tinawagan ko sya pero nakapatay yata phone nya o walang signal. Not sure. Basta hindi ko sya ma-kontak.

*beep beep*

O_o

Si Kyle na yun. Dali dali akong lumabas ng mansyon. Nasa salas kasi ako.

Paglabas ko, nakita ko si Kyle na bumaba ng kotse ng medyo pagewang-gewang na. Lasing. Psh. Sabi ko 'wag magpapakalasing eh.

"Gummy bear.."

Niyakap nya ako. "B-Baby k--hik!"

"Lasing na lasing ka. Buti nakapag-drive ka pa ng safe. Aish. Pasaway talaga."

"I-I love you baby ko.."

Di nako nagsalita. Inalalayan ko nalang sya paakyat ng kwarto. Ang bigat nya promise. Aish. Si Kyle talaga.

After 987654321 hours, nakarating din dito sa kwarto. Inihiga ko sya ng ayos. Grabe. Ang sakit yata ng balakang ko. Ang bigat kasi ni Kyle.

Hinubaran ko sya ng polo nya para gumaan pakiramdam nya. Pupunasan ko sya ng bimpo na binasa ng mainit na tubig. Kelangan ko din syang palitan ng damit.

Isa-isa kong tinanggal sa pagkaka-butones yung polo ni Kyle. Pero may pumukaw ng pansin ko.

O____O

Syet.

BAKIT MAY KISSMARK SA LEEG SI KYLE!?

**

A/N: In reality, 'diba may mga times na may dumadating talagang bagay na pinag-aawayan ng mag-asawa. Pero tulad ng sinasabi ko lagi, kelangan ng TRUST.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction