Chapter 1 ♥
After 5 years..
Chelsea POV
Tik, tok..
Tik, tok..
Tik, tok..
"AAAAAAAHHHHHHHHH!!!!"
Awtomatiko akong napabagon mula sa pagtulog nang marinig ko ang malakas na sigaw ng anak ko.
At nang mapatingin ako sa bandang pinto ng kwarto namin ay nakita ko roon na nakatayo si Chylee. Ang isa sa kambal.
"What happened?" Natatarantang tanong ko.
Tumakbo si Chylee palapit dito sa kama namin. "Nothing Mom. I just wanted to wake you up." Nakangiting sabi nya.
Juskong bata! Halos araw-araw ganyan 'yan. Nakakabingi. Maka-sigaw akala mo wala ng bukas. Hay kanino ba yan nagmana. Psh.
"Chy, wag mo na uulitin yun ha? Bad yun." Sabi ko. Chy yung nickname niya and Chylee Hera ang full name nya.
"It's already ten in the morning. I want to go to mall. Please Mommy?" She asked while pouting. Ganyan naman yan, 'pag may hinihiling palaging nagpapa-cute. Kaya diko matiis, e.
Tumingin ako sandali kay Kyle na tulog na tulog pa din dito sa kama namin. May takip kasing unan yung ulo nya tapos naka-dapa sya matulog.
Sunday nga pala ngayon. Family day. Kaya 'tong si Chy, nambubulabog na.
Five years old na ang kambal namin ni Kyle at napalaki naman namin sila ng ayos, kaso kakaiba ugali nila. Grabe lang. Minsan nakakasuko. Kung iisipin mo yung buong tigers, times three ang kakulitan.
Itong si Chylee sobrang ingay, akala mo nakalunok ng megaphone, spoiled brat, pa-sweet, maraming kalokohan, matanong, lahat na yata ng kakulitan nasa kanya.
"MOMMMMYYYY!!!"
Naninigaw na naman ang magaling kong anak. "Yes baby?" Tanong ko.
"I told you already. I want to go to mall." Pangungulit niya.
"Look at your daddy. He's still sleeping." Sabi ko habang nakaturo kay Kyle yung daliri ko.
Ano ang ginawa ng anak ko?
Ayan. Umakyat dito sa kama at tumalon-talon. "DADDDDDDDYYYYYYY!!!!!! AHHHHHHHH!!!!!!"
"FUCK!"
Hala si Kyle nagising na at ang sama ng tingin kay Chylee. Si Chylee naman napatigil sa pagtalon sa kama at kumalong sa'kin.
Natakot yata si Chylee. "Mommy? What is pak?"
Akala ko natakot. Na-curious pala. Pak? Yung FUCK na sigaw ni Kyle yung tinatanong nya. Sinamaan ko ng tingin si Kyle.
"Baby, wala yun."
"No, mommy. Daddy said, pak! What does it mean?"
Eto yung ayoko kay Chylee eh. Napaka-tanong nya. Matalino sya, madali sya maka-absorb ng mga words na naririnig nya. "A-Ah, e-eh, b-baby, yung fuck? That's fuck-fuck! Your daddy wants to have a fuck-fuck! He wants to fly!"
Ang korni ko. Nakakapagsinungaling ako ng wala sa oras. Si Kyle kasi eh. Bakit kailangan pa magmura. Pagtingin ko kay Kyle nagpipigil pa sya ng tawa. Psh.
"Mom, don't make Chy stupid. Fuck is a kind of cuss."
Hala. Andito na pala si Skyler, yung isa sa kambal. Diko man lang namalayan. Basta basta nalang sumusulpot.
"No, Sky. Hindi ko ginagawang stupid si Chy." Sabi ko naman. Kasi yang si Sky, diko alam saan nyan nakuha ang mataas nyang IQ. Grabe sa talino. Hindi sya yung klase ng bata na mauuto mo unlike Chylee. Palibhasa bookworm si Sky. Si Chy, puro laro lang alam.
Si Skyler, mabait na bata, makulit din minsan, protective sya sa kakambal nya, nakuha din nya kay Kyle yung pagiging seryoso at masungit minsan. Pero sweet yan at matanong din tulad ni Chylee.
"Stop that." Awat ni Kyle. "Let's go to mall kids." Sabi nya.
Mukha namang nawala sa isip ni Chy yung 'FUCK" na narinig nya kay Kyle.
"Yeheeeeyyyy!" Ayun nanakbo na palabas ng kwarto namin yung dalawa. Magpapabihis na yun sa yaya nila. May yaya kasi silang sarili.
"Gummy bear iwasan mo nga magmura!" Naiinis na sabi ko kay Kyle.
"Hindi ko sinasadya. Nakakabingi ang anak mo." Sabi nya.
"Anak mo din yun! Kanino ba nagmana yun!?" Tanong ko.
"Baka sayo baby ko. Tch. Pinakain mo siguro yun ng mega phone."
Sarap din kausap 'tong si Kyle. Nga pala. Siya na ang may hawak ng company nila dito sa Pilipinas. Yung Papa nya nasa abroad inaasikaso ang ibang business nila. Ako? Dakilang housewife. Ayaw ako pagtrabahuhin ni Kyle, gusto daw nya isa sa'min kahit papaano nakakasama nung kambal sa araw-araw dito sa mansyon.
Dipa kasi pumapasok yung dalawa. Five years old palang kasi. Sabi ni Kyle, tutulong lang ako mag-work sa company kapag pumapasok na yung kambal.
Yung dalawang lolo tuwang tuwa sa apo nila kaya spoiled. Psh. Ayoko nga i-spoil. Kaya ginagawa ko, lagi ko tinatakot 'pag may hinihingi di tulad ni Kyle, isang sabi lang pinagbibigyan agad.
Si Chylee kasi warfreak 'pag hindi nasunod yung gusto. Nagwawala talaga. Pero kahit ganon, takot pa din kay Kyle yun. Sakin hindi. Psh.
"Maligo kana." Sabi ni Kyle.
"Okay." Sagot ko saka kumuha na ng towel. Kailangan namin magbonding every sunday kasi buong week laging wala dito sa mansyon si Kyle. Para hindi lumayo loob nila sa Daddy nila.
Makaligo na nga.
♡
Mall
"Mommy I want jollibee." Sabi ni Chylee saka tinuturo yung Jollibee. Namana yata nya sa'kin ang ka-adik-an kay Jollibee.
Naaalala ko pa dati, lagi ako pinapakain ni Kyle ng Jollibee.
"Gummy bear jollibee daw sabi ni Chylee." Sabi ko. Akay nya si Sky, tapos akay ko naman si Chy.
"No. I want Mcdo." Sabi naman ni Sky.
Contrast sila madalas pero sweet naman sila sa isa't isa. Ewan ko ba?
"I want Jollibee!" Sigaw ni Chylee.
Debate na naman yan for sure.
"Mcdo." Seryosong sabi ni Sky. Sabi sa inyo, seryoso yan. Namana kay Kyle. Hindi yan basta basta namamansin.
"Jollibeeeeee!"
Aray ang tenga ko. "Ganito nalang gummy bear, upo muna kami dito sa bench, mag-take out kana lang dun sa jollibee then next sa mcdo." Sabi ko.
"Okay." Sagot ni Kyle saka inalalayan muna kaming umupo.
Ayun na si Kyle pumasok na ng jollibee.
"Hintayin lang natin si Daddy ha? Bibili na sya ng jollibee. Baby Sky, after ni daddy sa jollibee, sa mcdo naman ha?"
Tumango naman si Sky. Madali kasi yan kausap 'di tulad ni Chy. "Yes Mom."
Hay grabe 'tong dalawa. Para akong nag-anak ng isang buong team ng tigers. Dalawa lang 'to pero nakakasuko minsan.
Napatingin ako sa gawi ni Kyle na papalapit na sa'min dito sa bench dala ang plastic ng jollibee.
"Here's jollibee baby." Sabi ni Kyle kay Chy saka inabot yung plastic.
Nakatitig lang si Chy sa plastic. Di nya kinukuha kay Kyle. "What's wrong baby?" Tanong ko.
"I want Jollibee."
Huh? "Ayan na ang jollibee baby." Sabi ko.
Si Kyle naman ngumiti. "Here's jollibee baby. Look oh... it's jollibee." Sabi ni Kyle habang tinuturo yung printed picture ni Jollibee sa plastic.
"I want jolllliiibeeeee!"
Ano bang nangyayari sa anak ko? Bipolar yata. Namana kay Kyle. "Baby eto na ng---"
"She wants jollibee." Biglang singit ni Sky.
Tumingin naman ako kay Sky. "Eto nga oh, jollibee 'to. Diba Sky?"
Kyle cleared his throat and looked at Chylee. "Baby, ano pang gusto mo? Ayaw mo ng fries? Spaghetti? Burger?"
"I w-want jollibee...
Umiiyak na si Chy. Ano bang sinasabi nitong jollibee? Nakaturo pa sya dun sa jollibee mismo.
"Mom, Dad, Chylee wants Jollibee. That jollibee's statue. That big one at the entrance." Sabi ni Sky.
Ano daw!?
Sabay kaming napatingin ni Kyle sa tinuro ni Sky at doon lang nag-sink-in sa utak ko yung sinasabi nyang statue ni jollibee.
"Si Jollibee!?" Napasigaw ako.
Tumango si Chy. Ohmy! Gusto nya ay yung statue ni Jollibee?
"Okay baby we'll buy that. Let's go." Sabi ni Kyle saka binuhat si Chylee.
"Teka lang Kyle. Sure ka? Hindi naman yan binebenta! Display yan dyan ano kaba?"
"Chylee want that one. I need to buy that for her. Dahil kung hindi, alam mo na."
Oo nga, alam ko na. Magwawala yan dito. Pero di nga? Seryoso talaga si Kyle na bibilhin nya yung statue ni Jollibee? Langya naman kasi. Ba't ba ganyan mga trip ng anak ko!?
Makukunan ako sa mga yan kahit di naman ako buntis. Grabe. Si Kyle talagang sinusunod nyan lagi ang gusto ng kambal. Ako taga-pigil lagi.
"Mom, let's go to mcdo." Sabi ni Sky.
I sighed. "Sige. Let's go."
Sa mcdo nalang muna kami. Bahala na si Kyle makipag-usap dun sa manager ng jollibee. Kung ibebenta ba yung statue na yun. Hays. Saan naman yun ilalagay sa mansyon? Baka mapagkamalang fast food ang mansyon 'pag may nakatayong jollibee dun.
Hay. Anak ko nga naman.
♡
Shin-Woo's mansion
KAKAUWI lang namin dito sa mansyon. Grabe. Ilang paperbags at plastic na naman ng toys ang nabili namin. Grabe kasi si Kyle, lahat ng kinukuha ng kambal okay lang sa kanya. Hindi nya nga tinitingnan yung price man lang.
Grabe talaga. Sinusuway ko minsan yung kambal kaso ayaw paawat. Alam kasi nila na maraming pera ang daddy nila.
"Papunta tigers dito." Sabi ni Kyle na hawak ang phone nya. Baka nagtext ang tigers. Gawain na nila yun. Every sunday, pumupunta sila dito para makipagkulitan sa kambal. Tuwang-tuwa kasi sila pero minsan, suko din sila.
"Okay." Sabi ko saka tumingin sa kambal na magka-holding hands. Sweet yang mga yan eh. Mahilig nga lang mag-debate minsan.
"Manang kape." Utos ni Kyle kay manang. Nakaupo kami dito sa salas. Kasama ang kambal na binubuksan na yung mga nabili nilang toys. Sa carpet sila nakaupo. Kami ni Kyle dito sa sofa.
"Gummy bear, baka masobrahan kana sa kape. Kapag gabi, nakakailang kape ka." Puna ko. Madalas na kasi yan mag-kape lalo na 'pag may tinatapos syang report para sa company.
"Kailangan ko yun baby ko." Sabi ni Kyle.
"Masama yun gummy bear. Dapat may limit lang." Sabi ko.
"Tch. Hindi yun masama. Wal---"
"Dad, do you know that caffeine stimulates the central nervous system, alleviating fatigue, increasing wakefulness, and improving concentration and focus? But too much coffee can lead to some unpleasant effects. Like nervousness, insomia, fast hearbeat, etcetera.."
Ako -___-
Kyle -____-
Spell Sky. NOSEBLEED.
Nabanggit ko naman na mataas ang IQ ni Sky. Ganyan sya. Lagi syang may explanation sa lahat. Hindi ka pwedeng makipag-debate sa kanya dahil mano-nosebleed ka ng bongga. Grabe sa talino ang anak ko. Bukod sa likas na matalino, mahilig pa magbasa at manood ng mga educational videos sa internet. Tandaan, 5 years old lang yan pero isip nyan, pang-teenager na.
"Okay. Manang hindi na'ko magkakape!" Sigaw ni Kyle.
Hahaha. Kita mo, wala kasi maisagot si Kyle sa anak nya. Kala nya ha. Minsan nakakatulong din yang si Sky eh.
"Yow!"
Napatingin kaming lahat sa pinto. Sino pa ba?
"Tito tigerssss!" Sigaw ni Chylee saka sumalubong sa tigers. Tito tigers tawag nya kapag lahat sila magkakasama. Haha.
Si Sky naman sumalubong din pero tahimik lang. Hindi yan maingay tulad ni Chy.
Yung kambal close sa lahat pero hindi naman nawawala yung favoritism. Si Chylee super close talaga yan kay James dahil sa ugali, jolly kasi. Si Skyler, baka di kayo maniwala kung sinong pinakagusto nyan sa tigers, no other than -- Lance. Oo tama kayo ng basa. Si Lance Abellano na asawa ni Yumiko Hayashi. Psh. Tanungin mo si Sky bakit si Lance pinakagusto nya? Ang isasagot nyan, 'because he's so cool like Dad.'
Ganun. Diba nga si Sky, medyo may pagka-masungit at suplado, ganon. Basta. Hirap espilengin minsan ang mga anak namin ni Kyle.
"Yow kidsss!" Sabi ni Luke.
"Stop saying "Yow". You're not a rapper." Masungit na sabi ni Sky.
Hahahaha. Lagi nga palang basag yang tigers sa kambal.
"Oo na Sky. Sorrrryyyy poooooo!" Ginaya pa ni Luke yung 'sorry po' ni chichay. Haha.
"HAHAHAHA!!"
Napuntahan sila dito sa salas including, Drei, Jerome, Ken, Kit, Oliver, Lyndon, Luke, at si Cavill.
*peepeeeeeppp*
Uy ano yun? Busina?
"Sir, jollibee delivery daw po!" Sabi ni manang kay Kyle. Si Kyle ayun lumabas na.
Hulaan nyo? Diba pinabili ni Chy yung statue ni Jollibee? Akalain mong nabili nga ni Kyle? Grabe talaga. Ewan ko lang paano nya napilit yung management. Kaya ayan idedeliver na si Jollibee. Di naman kasi namin maiuwi yun kanina. Kotse lang dala namin.
"Jollliiibbeeee!" Excited na sigaw ni Chylee.
"Yown! Ayos. Makakakain pa nga tayo. Gutom na din ako eh." Sabi ni Jerome.
Ano daw? Akala ba nila pagkain? Haha.
Maya-maya may apat na lalaking buhat buhat na si Jollibee papasok ng mansyon.
"WHAT THE----"
Napatingin ako sa tigers, NGANGA sila. Haha.
"Ampu! Akala ko pagkain na. Langya! Literal na jollibee pala. Si jollibee ang dineliver at hindi pagkain!? Anong trip ng anak nyo Chelsea?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jerome.
"Parang di mo pa kilala yang kambal." Sabi ko.
Sa loob ng limang taon andyan ang tigers, tumutulong pa nga yan mag-alaga sa kambal. Naaalala ko pa nung bininyagan ang kambal, ninong silang lahat.
Gusto nyo ba malaman gifts nila?
Next time nalang. Yung iba muna sasabihin ko. Baka malula kayo eh.
Si Jerome, nagpagawa yan ng amusement park para sa kambal. Para sa kambal lang yun. Grabe.
Si Cavill naman isang balikbayan box na puro chocolates na mamahalin. Example, ferrerro, hershey's at kung anu-ano pa. Hanggang ngayon nga di pa nauubos sa dami. Limang taon na nakakaraan. Pero syempre joke lang. Ubos na. Tumagal din yun ng dalawang taon bago naubos ng kambal. Haha.
Si Drei naman collection ng mamahaling toy cars galing States para kay Sky kasi mahilig sya dun tapos kay Chy, iba't ibang klaseng laki ng barbie na imported din galing pang Paris.
Si Oliver naman, niregaluhan nyan ng trip for 50 person sa hongkong disneyland. Ayun, nagpunta kami lahat nun dati. Haha.
Yan muna sa ngayon, nalulula ako sa yaman ng tigers. May mga girlfriends na yang mga tigers pero hindi ko alam kung ilan. Haha. Playboy eh.
Yung iba next time ko na iku-kwento, nakakapagod. Mahaba pa naman ang oras para ikwento ko next time lahat ng happenings for the past five years.
Basta ngayon, sumasakit ang ulo ko sa kambal. Pero mahal na mahal namin ni Kyle ang anak namin. Syempre, genes namin yan.
Hindi ko nga pala nabanggit, ang ganda-ganda ni Chylee at ang gwapo-gwapo ni Skyler. Mana sa'min ni Kyle. Hoho!
"Mommmmmmyyyyyy!"
=_=
Sige na. Nag-e-eskandalo na naman ang anak ko. Bye!
**
A/N: Ngayon, anong masasabi nyo sa kambal? Haha. Wag kayong magmadali okay? May mga susunod pang chapters. Kalma lang :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top