Special Chapter: The Office Chronicles - Busted

"Tangina. Kailan mo pa ako ginagago ha?" Napahinto si Dwight sa ginagawa niya the moment he heard my voice. Halata sa mukha niya ang gulat, galit, guilt, ewan ko. Guilty nga ba talaga siya kung mukha naman siyang nasiyahan sa ginawa niya?

Bigla niyang itinulak 'yong babaeng haliparot na nakayakap sa kanya kanina at pinahid ang kumalat na lipstick sa labi niyang gustong gusto ko nang sungalngalin ngayon. Nag-iinit ang ulo ko at gusto ko na lang talagang magbato ng kahit na ano. Ang dami kong gustong itanong. Ang dami kong gustong isumbat. Pero ano pang use ng mga 'yon? I saw them right on the spot, didn't I?

"G, n-no. L-let me explain," nagpa-panic na pakiusap ni Dwight. Kung nasa matino akong pag-iisip ngayon at hindi humahalo ang gutom ko sa galit ko, I would have given him all the time in the world to explain. Kaso hindi. I am pissed off. I am starving. And I would kill anyone who would dare to feed me more lies that I could take for the day.

"Explain? Naririnig mo ba ang sarili mo, Dwight? Anong klaseng explanation ba ang ibibigay mo, aber? Nadulas lang 'yang haliparot na 'yan habang papalapit sa 'yo tapos sinalo mo? Wow ah. Di ko naman alam na pa-fall ka pala," I sarcastically said. Akmang hahakbang na sana palapit sa akin si Dwight pero itanaas ko ang kanang kamay ko to stop him from doing so. Agad din naman siyang huminto sa binabalak niya. Buti naman.

"Kung normal na salo lang sana ang ginawa mo, baka pinaniwalaan pa kita. Kaso tangina naman, Dwight. Kalat kalat na 'yong lipstick ng bwiset na 'yan o! Anong gusto mong isipin ko? Kumalat nang kusa yung lipstick ha?"

"G, please."

"Please ano? Please leave para matuloy niyo yung katarantaduhan niyo? Aba, sige. Take your time. Kalimutan mo na lang din na may asawa ka pang gago ka," galit na galit kong sabi kay Dwight. Sinamaan ko rin ng tingin 'yong babaeng kasama niya na parang tuwang tuwa pa sa nangyayari sa amin ngayon. If looks could kill, kanina pa todas 'tong bwiset na 'to.

I instantly turned around and decided to leave the room nang bigla akong makaramdam ng hilo. Napahawak ako sa cabinet malapit sa pintuan and I immediately felt Dwight's hands supporting me. Pilit ko naman siyang itinulak palayo at pinanlisikan ko siya ng tingin. Slowly, binitawan niya rin ang mga braso ko.

"Are you okay? May nararamdaman ka ba?" nag-aalalang tanong ni Dwight. Hindi ko napigilan ang sarili kong matawa dahil sa tanong niya.

"Gusto mong malaman ang totoo? Hindi ako okay and after this, I will never be okay. And yes, may nararamdaman ako. Galit na galit ako sa 'yo at pakiramdam ko, ang tanga tanga ko kasi naniwala akong magbabago ka. Kung alam ko lang din na ganito, sana hindi na lang ako nagpakasal sa 'yo," deretso kong sagot sa kanya. Nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko pero kailangan kong labanan 'to. No, I couldn't appear weak in front of him.

"G naman..."

Hindi ko na hinayaan pang magpaliwanag si Dwight at dumeretso na ako ng lakad palabas ng kwartong 'yon. Kinuha ko agad yung bag ko sa cubicle at naglakad na agad ako papuntang elevator lobby.

I heard Dwight calling me habang pilit niya akong hinahabol sa hallway. Pero kahit anong sigaw niya, hindi ko na siya nililingon pa. Ang dami nang nagbubulungan sa paligid lalo pa't iba na ang itsura ni Dwight. Ang gulo ng buhok at damit niya, may lipstick pa sa labi at pisngi niya.

At that point, I didn't give a damn anymore kung ano man ang isipin nila. They could they that I'm seducing him for all I care dahil hindi rin naman nila alam na kasal na kami. Pwede rin naman nilang isipin na nahuli ko siyang may kinakalantaring iba. Oh wait. 'Yon nga pala talaga ang nangyari sa aming dalawa.

I laughed bitterly at the thought. Para na akong sira na umiiyak at natatawa. And by the time I reached the ground floor, tumakbo na ako palabas ng building at sumakay sa unang taxi na nakita ko.

Gulat na gulat ang mga katulong nang makita nilang akong umiiyak pagkapasok na pagkasok ko sa bahay. Kahit naman ang sama ng loob ko sa nangyari sa amin ni Dwight, kailangan ko pa rin namang umuwi rito. Halata sa mga mukha ng mga katulong na gusto nilang magtanong pero hindi naman nila magawa. Saktong paakyat na ako ng hagdan nang makasalubong ko naman si Denise.

Langyang timing nga naman, o.

"Oh, okay ka lang ba? Ah, right. Obvious namang hindi, how funny of me," natatawang sabi niya. She then looked at me thoroughly at hinawakan niya pa bigla yung kamay ko. "Do you want me to help you in packing?"

"H-ha?" naguguluhang tanong ko.

"Packing! Empake, alsa balutan, whatever term you want to use. Tulungan na kita?" Denise asked a little too enthusiastically. Ano bang pinupunto nitong babaeng 'to at kailangan ko pang mag-empake? I was already drowning in a mix of emotions at hindi ko na kailangan ng dagdag na isipin. Kahit kailan talaga, walang naitutulong 'tong bwiset na 'to sa buhay ko, e.

"Oh, come on. Tara na't mag-empake. Halata namang masama ang loob mo. What you need to do right now is to go somewhere far and relax. Yung malayo sa mga nagbibigay ng stress sa 'yo."

"And why should I follow you?" hindi ko napigilang itanong sa kanya. Sure, masama nga ang loob ko and I really considered leaving this house to forget about what happened today pero she's acting a little too weird right now. Para bang alam na alam niya ang nangyari at gustong gusto niya akong itaboy.

Shit. Could it be...

Hindi ko na pinansin si Denise at dumeretso na lang ako sa kwarto. Sinusundan niya pa sana ako pero agad kong isinara ang pinto at ni-lock ko pa 'yon. Wala ako sa mood makipagplastikan sa kanya.

Umupo ako sa kama at nang mapatingin ako sa wedding picture namin ni Dwight, nagsimula na namang bumuhos ang mga luha mula sa mata ko. I couldn't believe na kayang gawin sa 'kin ni Dwight 'to. All along, akala ko ay okay na kami. That he wouldn't be a womanizer again. Pero ano ngayon 'to? Bakit ganito?

Ang dami kong gustong itanong sa kanya but I'm too scared to hear the answers. What if pinakasalan lang pala niya talaga ako para magrebelde lang sa mommy niya? What if he's just doing this to get even?

Napailing agad ako sa mga naiisip ko. Hindi. Sa ilang buwan na magkasama kami ni Dwight sa iisang bahay hanggang sa makasal kami, ramdam ko naman ang pagmamahal niya sa akin. Pero bakit niya ginawa sa akin ngayon 'to?

Bago pa ako makapag-isip ng kung ano pa, nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon mula sa bag ko at pagkakita ko sa pangalan ni Dwight, bumalik na naman sa alaala ko ang mga eksenang nakita ko kanina. Parang hindi ko yata talaga kaya. Ipinikit ko ang mga mata ko ang hinayaan ko lang mag-ring nang mag-ring ang phone ko. Nang tumigil iyon, I just found myself doing what Denise told me to do. Nagsimula akong mag-empake kahit na hindi ko alam kung saan ako pupulutin.

***

I found myself staring at the blank ceiling of my condo. Hindi ko pa rin naman binibitawan 'to kahit na kinasal na kami ni Dwight. I've always thought na magagamit din naman 'to in the future pero hindi ko naman akalain na sa ganitong paraan ko pala 'to magagamit. Napabuntonghininga ako dahil doon.

Habang tahimik akong nakaupo sa sofa, para akong tangang nagfa-flashback sa lahat ng pinagsamahan namin ni Dwight dito. I was a crying mess dahil sa mga naaalala ko. We were so happy back then. Wala kaming pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. Ang importante lang sa amin ay magkasama kaming dalawa at mahal namin ang isa't isa. So what happened now?

"G..." Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. I thought I heard someone calling my name. Nang ilibot ko ang tingin ko sa condo, mag-isa pa rin naman ako.

"G, open the door, please." Narinig ko ulit. Nang paulit-ulit na naririnig ko ang pangalan ko na simahan pa ng katok sa pinto, doon ko na-realize na may tao nga sa labas ng unit ko.

Finally realizing that it was Dwight na nasa labas ng pinto, mas lalo kong isiniksik sa isang sulok ang sarili ko. Kung dati puro masasayang alaala ang naiisip ko kapag naririnig ko ang boses niya, ngayon ay iba na. Sa isang iglap, napalitan bigla ng sakit at pagdududa.

"Georgina, please, mag-usap tayo," pakiusap ni Dwight. Sa gitna ng pag-iyak ko, nagawa ko pa ring mapansin ang lungkot sa boses niya. Hindi ko na nga rin sigurado kung ang paghikbi ko pa ang naririnig ko o yung sa kanya. Pero bakit naman siya iiyak? Ginusto niya naman yung nangyari sa kanya nung babae kanina, di ba?

"G, pakinggan mo naman ako. Hindi ko ginusto yung nangyari. Bigla na lang siyang pumasok tapos--" Hindi ko na pinakinggan pa yung iba pang sinasabi ni Dwight. I instantly covered my ears at tumakbo na ako papasok ng kwarto. I locked myself in at hindi ko alam kung kaya ko pa nga bang labasin ulit siya pagkatapos ng nangyari.

***

From: Dwight
G, please...
Wala talagang nangyari
I swear bigla na lang siyang pumasok tapos hinalikan ako
Hindi ko nga siya kilala!
G naman...
Ikaw lang ang mahal ko
Please believe me
Sorry this has to happen
Sorry that you're hurting because of me

I love you so much...

Sunod-sunod na text ang natanggap ko mula kay Dwight pero ni isa roon ay hindi ko sinagot. Gusto ko namang maniwala sa sinasabi niya pero ewan ko ba. Pinangunahan na agad ako ng takot na baka niloko niya lang ako talaga. Na baka gumaganti lang talaga siya.

And so I chose to remain silent and let this moment pass first. I don't know how long it would take me to get over this but I'd rather stay here than really call it quits with Dwight. Kahit nasaktan niya ako, hindi ko pa rin siya kayang iwan.

***

I woke up the next day feeling worse. Sobrang sakit ng ulo ko, kumakalam ang sikmura ko at magang maga ang mga mata ko. At this point, I didn't even want to look at myself in the mirror anymore. Parang ako mismo, susuko sa sariling itsura ko.

Nang ma-realize ko na wala rin pala akong makakain dito sa condo, I decided to fix myself up at lumabas para makabili ng makakain. I might be staying here for days kaya kailangan ko rin namang magkaroon ng stocks dito. But just when I was about to leave the unit, napahinto na lang ako nang makita ko si Dwight sa labas ng unit ko.

Langya. Deja vu.

"G..." mahinang sambit niya nang makita niya ako.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked coldly. Sinubukan ko ring itago lahat ng emosyong nararamdaman ko. As much as I would like to go and take him into my arms, hindi ko magawa. Naaalala ko na naman yung mga nangyari kahapon. Hindi. Ayoko. Hindi pwedeng ganito.

"Mag-usap naman tayo, please?"

"Bakit ka pa ba nagpunta rito ha? Doon ka na lang sa babae mo," sagot ko sa kanya. Mabilis namang umiling si Dwight sa sinabi ko. Akmang lalapit na sana siya sa akin nang itaas ko ang kamay ko.

"Don't. Please."

"G naman..."

"Wala na tayong dapat pag-usupan. Pwede ka nang umalis," sabi ko sa kanya. Lalagpasan ko na sana siya pero nagsalita siya ulit.

"Dinalhan kita ng pagkain. Alam kong kahapon ka pa hindi kumakain." Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Don't tell me hindi siya umuwi kahapon? Nah. Hindi naman siya makakapagdala ng pagkain kung nandito lang siya buong gabi.

"Hindi ako gutom," sagot ko. Pero nang maamoy ko yung dala niya at tumunog ang sikmura ko, alam kong wala na akong kawala rito.

Game over, Georgina. Game over.

***

SKL, isasama ko dapat 'tong special chapter nung nasa Paid pa 'tong story. Kaso di ko natapos yung mga kasunod kaya di ko na napasa. Haha. Posting it here na rin kasi sayang naman. Lol.

Let me know your thoughts!

xxRaice

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top