Epilogue

After five years . . .

"Daddy! Daddy!" sigaw nina Kat at Liam sa daddy nila habang tumatakbo.

"Yes, babies?" tanong naman ni Dwight sabay yakap sa dalawa.

Nakita ko na lang na natawa si Liam at napasimangot naman si Kat.

"Daddy, I'm not a baby anymore!" pagmamaktol ni Kat kaya natawa kaming dalawa ni Dwight. Tapos mayamaya lang, umiiyak na siya.

"Princess, come here," sabi ko kay Kat tapos naglakad na siya papunta sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit habang hinahagod ang buhok niya. Habang ginagawa ko 'yon, naglalaro lang sina Dwight at Liam. Binilhan kasi ni Dwight ng bike 'yong dalawa. Tinuturuan niya ngayon si Liam.

"Mommy, where's grandma?" tanong bigla sa akin ni Kat kaya napangiti ako.

Parang kailan lang pala no'ng nagtatalo pa kami ni Mommy. Hindi pa niya ako tanggap noon tapos ngayon, ito na kami. Magkakasama sa iisang bahay at isang malaking pamilya.

***

Flashback

"Dwight, hindi ba nakakahiya na kay Mommy na nakikitira pa rin tayo rito?" tanong ko kay Dwight after a few weeks mula no'ng nanganak ako.

"G, wag mong sabihing gusto mo na namang umalis dito?" tanong pabalik ni Dwight sa akin.

Napailing ako dahil doon. Nako. Ang nega na naman nito. Nagtatanong lang naman ako, e! Nakahihiya naman talaga. Buti sana kung kaming dalawa lang. E apat na kaya kaming nakikitira ngayon!

"Hindi naman sa gano'n. Pero apat na tayo, o. May anak na tayo, e. Parang nakahihiya na kasi."

"G, sa tingin ko nga mas kailangan nating mag-stay dito, e. Kasi isipin mo. Kung aalis tayo rito, sino na ang tutulong sa 'yo sa pag-aalaga kina LK? Mahihirapan ka kung mag-isa ka lang na mag-aalaga sa kanilang dalawa. Saka wala kang trabaho dahil naka-maternity leave ka tapos ako naka-paternity leave naman. Paano na 'yong mga gastusin sa kanilang dalawa? At least dito, matutulungan tayo ni Mommy. Saka 'wag ka nang mahiya. Isang malaking pamilya naman na tayo, e," pangungumibinsi ni Dwight sabay yakap sa akin.

Napatingin tuloy ako roon sa dalawa. Parang tama nga si Dwight. Mas okay na mag-stay muna kami rito.

Pagkatapos ng pag-uusap namin na 'yon, mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pag-aalaga sa dalawang bata. Minsan, nakapapagod pero pag nakikita ko sila lalo na si Dwight na masaya, gumagaan na rin 'yong loob ko.

May mga panahong dumadalaw si Denise sa bahay tapos tinutulungan nila akong dalawa ni Mommy sa pag-aalaga sa kambal. Denise stayed true to her words na magiging mabait na ninang siya sa kambal. Siya na talaga ang nag-asikaso sa binyag nina LK , all expenses paid. Siya na rin nag-invite ng mga kamag-anak ko pati ni Dwight. Pati mga kaibigan at ilang batchmates namin sa school, naimbita pa niya. Kung tutuusin, masyado siyang garbo para sa binyag ng kambal kaso kahit anong pilit ko naman para gawing mas simple na lang ang lahat, kinokontra niya kaya sumuko na lang din ako.

"Congrats, Dwight at G!" bati sa amin ni Marcus pagpasok niya sa simbahan.

Hinihintay na lang din namin 'yong ibang mga ninong at ninang para mag-start 'yong binyag.

"Thank you, Marcus," sagot ko naman sa kanya tapos bigla na lang niyang kinuha kay Dwight si Liam.

"Huy! Dahan-dahan naman sa bata!" sita ni Denise kay Marcus.

"Kailan ka pa naging concerned sa kalagayan ng kambal, ha?" tanong ni Marcus kaya napakagat labi na lang ako. Alam ko na kasing magtatalo lang 'tong magkapatid na 'to, e. Ito namang si Dwight, hindi man lang pinigilan 'yong dalawa. Kaloka lang 'tong mga 'to, o.

"FYI, dear brother, I was there no'ng nanganak si G. Ever since that day, ako na ang nag-asikaso sa binyag nina LK and halos araw-araw akong dumadalaw sa kanila para alagaan 'yong kambal. E ikaw? Ano na ang nagawa mo para sa kanila?" pagtataray ni Denise kaya natameme na lang si Marcus.

Natawa naman kami ni Dwight sa kanila and after that, everything went smoothly.

Iniwan ko muna kina Denise at Marcus sina LK at lumabas ako saglit sa venue no'ng reception. Bigla ko kasing naramdaman 'yong pagod saka parang hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat. Parang kailan lang, puro awayan kami tapos ngayon, magkakabati na lahat. Nakatutuwa lang isipin na 'yong kambal pa ang makapag-aayos sa amin.

Mag-isa kong tinitingnan 'yong view mula sa terrace ng venue nang bigla kong naramdaman na may yumakap sa akin mula sa likod. Kahit hindi magsalita 'yong yumakap sa akin, alam na alam ko kung sino 'yon. Amoy pa lang niya, kabisado ko na kung pati nga pagtibok ng puso nakakabisado, baka ginawa ko na rin, e.

"Bakit mag-isa ka rito sa labas?" tanong niya sa akin.

"Nagpapahangin lang. Nakapapagod din pala 'yong ganito, 'no?" sagot ko kay Dwight tapos iniharap niya ako sa kanya.

"Just endure it for a few more minutes. Malapit na rin namang matapos 'yong party," aniya at ginulo niya nang kaunti ang buhok ko. H

inampas ko naman siya sa braso dahil doon. "Ugh. I hate you Dwight!"

"No, you don't."

Magpoprotesta pa sana ako nang bigla niya akong halikan sa labi. Pagkatapos, niyakap niya ako nang mahigpit.

"I love you, G. Kahit magunaw na 'yong buong mundo, ikaw pa rin ang pipiliin kong makasama habambuhay. Minahal kita kahit bata pa lang tayo. Mahal kita ngayon. Mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay."

"I love you too, Dwight. Kahit na lagi mo akong inaasar at pinagtitripan, ikaw lang ang lalaking minahal, minamahal, at mamahalin ko," sagot ko sa kanya.

Nanatili kaming tahimik at magkayakap ng ilang minuto.

Katulad ng sinabi ni Dwight, natapos na rin 'yong party pagkatapos naming bumalik sa venue ng party. Tulog na rin ang kambal nang ilagay namin sila sa car seats nila. Nang makasiguro si Dwight na naikarga na namin ang lahat ng gamit namin, tinahak na namin ang daan pauwi.

Lumipas ang ilang buwan at nakikita na namin ang paglaki no'ng dalawa. Si Mommy, proud lola. Laging kinukuhanan ng pictures 'yong dalawa tapos ipagmamalaki sa mga amiga niya. Well, ganoon din naman ang ginagawa ko. Pero pinopost ko naman sa Facebook at Instagram ko. Nakatutuwa nga, e. Bawat picture na kinukuha ko, nakikita ko ang pagbabago sa kanilang dalawa.

Kung may nagbago man siguro sa buhay namin, siguro 'yon ang pagiging mas close namin bilang isang pamilya. Sina Mama at Papa, tumigil na sa pagtatrabaho. Umuwi na sila rito para tumulong din sa pag-aalaga sa kambal. Doon ko na sila pinatira sa condo ko. Tuwang-tuwa nga sila sa kambal. Parang kaming dalawa lang daw talaga ni Dwight. Makulit at maitsura.

"G, gusto mo pa rin bang umalis dito?" tanong bigla sa akin ni Dwight.

Napatingin ako sa kanya tapos ibinaba ko muna sa crib si Kat.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"Wala lang. Baka kasi gusto mo nang magsarili, e."

"Dwight, I would be a hypocrite kung sasabihin kong ayaw kong magsarili. Pero ayaw ko namang maging unfair sa 'yo. Alam kong nahihirapan ka pa rin sa pagtulong mo sa company n'yo at ngayon lang nga talaga kayo nakakapag-bond ni Mommy. Ayaw ko namang mahirapan ka pa lalo dahil sa paghahanap mo ng tutulong sa akin sa pag-aalaga sa kambal. Saka masaya na rin naman ako rito, e. Siguro, pag medyo mas malaki na sina LK, saka natin pag-usapan ulit 'to."

"Seryoso ka ba riyan, G?" tanong niya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Mukha ba akong nag-jo-joke?"

"Hindi. Pero shit. Salamat, G! Ang swerte ko talaga at ikaw ang naging asawa ko!" sigaw niya tapos niyakap niya ako at ang kambal nang mahigpit.

Pagkatapos ng pag-uusap namin na 'yon ni Dwight, never nang nabanggit 'yong tungkol sa pagbukod namin. Kung tatanungin kung gaano katagal 'yong never, umabot na rin kami sa four years turning five in a few days. Malapit na rin ang birthday no'ng kambal kaya pinaghahandaan nina Mommy at Dwight 'yon. Every year, iba-iba 'yong theme ng party na ginagawa nila. Sa totoo lang, kontra ako sa ganoon kasi baka masanay 'yong dalawa. Pero sabi nila, minsan lang naman daw maging bata 'yong dalawa kaya pagbigyan na lang.

No'ng 5th birthday na mismo nina Kat at Liam, hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Para bang may mangyayari na hindi ko ine-expect. Wala naman na kaming kaalitan ni Dwight pero ewan ko ba. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito sa birthday nila. Siguro dahil na rin ang laki na talaga nila. Na parang kailan lang, hindi ko pa alam na kambal sila tapos ngayon, pumapasok na sila sa school. Nakatutuwa na nakakaiyak na ewan.

"Good afternoon sa lahat ng nagpunta dito. As you all know, fifth birthday ngayon ng pinakamamahal kong mga apo na sina Liam at Kat. Pero aside from that, may gusto lang din akong i-announce," panimula ni Mommy tapos natahimik kaming lahat na para bang hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"I know it has been more than five years simula nang tumira rito sa bahay sina Georgina at Dwight. Those years were the happiest in my life. But then I realized, hindi na rin bata sina Dwight para lagi kong bantayan. Hindi na rin maliliit sina Liam at Kat para asikasuhin palagi. Lumalaki na sila and I want them to grow up in a place that they could really call home.

"A few months ago, I scouted a village not far from here. May nakita akong bahay na sa tingin ko ay magugustuhan ng dalawang bata at ng parents nila. I bought the house and redocerated it. And now, I am happy to give this key to Dwight and G. Treat this as my gift for Kat and Liam," sabi ni Mommy tapos pinalapit niya kaming apat sa kanya. Iniabot niya ang susi kay Dwight at niyakap niya kaming apat with tears in our eyes.

After a few weeks, lumipat na rin kami sa bahay na binigay ni Mommy sa amin. Medyo nahirapang mag-adjust 'yong dalawang bata pero nagustuhan din naman nila 'yong bahay. May sarili silang kwarto tapos ang dami nilang laruan at mga libro. Maluwag din ang space kaya nakapaghahabulan silang dalawa.

***

Madalas pa ring dumalaw sina Mommy, Mama, Papa, Denise, at Marcus sa amin. Katulad ngayon. Hinihintay lang namin sila kasi mag-a-out of town kami hangga't bakasyon pa nina Kat at Liam. Napagkasunduan din kasi namin na mag-beach muna para makapag-swimming din 'yong dalawa. Saka para makapag-unwind na rin kami sa dami ng mga nangyayari sa bahay at sa buhay namin.

"She said she's on the way na. Let's wait for her na lang okay? And don't cry na. Sige ka. It would make you look ugly in the pictures. Do you want that to happen?" tanong ko sa kanya.

"No po! I want to be pretty in the pictures, Mommy!" sagot ni Kat sa akin.

"Then smile, okay?"

"Okay po!" sabi niya sa akin sabay ngiti. Tapos niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit.

Niyakap ko rin siya at nagulat na lang ako biglang may yumakap pang iba sa akin. Pagtingin ko, sina Dwight at Liam pala. Nainggit siguro sa moment naming mag-ina.

We stayed in that position for a couple of minutes. Naghiwa-hiwalay lang kami no'ng biglang may bumusina nang ubod ng lakas. Kahit hindi namin tingnan, alam na agad namin kung sino 'yong gumawa noon. Sina Marcus at Denise lang naman ang malakas ang trip na gumagawa noon, e.

"Itigil n'yo na 'yang drama n'yo! Tara na, dali!" sigaw ni Marcus tapos si Denise naman tawa nang tawa.

"Whatever! Wala pa si Mommy, e. Bumaba na lang muna kayo rito," sagot ko tapos lumabas naman agad ng sasakyan si Denise. Sinalubong agad siya ng kambal at niyakap siya ng mga ito.

"Hi, LK!"

"Hi, Ninang!" sagot naman agad ng dalawa.

"Are you excited?"

"Yes, Ninang! Will you teach us how to swim?" tanong ni Kat at hindi agad nakasagot si Denise.

That was my cue to laugh. Pinatatahimik na ako ni Dwight pero hindi ko talaga mapigilan. Tiningnan na ako nang masama ni Denise pero hindi ko siya pinansin. Tawa pa rin ako nang tawa.

"Mommy, why are you laughing?" tanong ni Liam sa akin.

Sasagot pa lang sana ako no'ng bigla kong nakita na nandiyan na si Mommy.

"Mommy is here. Let's go!" sabi ko at umalis na kaming lahat.

I guess this is the start of a better and happier life not just for me pero sa buong pamilya namin.

The End

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top