Chapter 8
Ipinagpatuloy namin ni Dwight ang pagkain, pretending na walang nangyari kanina. After that, nag-ikot-ikot kami sa mall. Wala talaga sa agenda namin ni Dwight ang shopping pero ipinilit niya na mamili raw ako ng mga damit at gamit ko tutal nagtatrabaho na raw ako. Papasok na sana kami sa isa pang shop nang bigla kaming napahinto dahil sa nakasalubong namin. Sa dinami-rami naman ng pwede naming makasalubong, bakit siya pa?
"Dwight, I didn't know you're here. Sana sinabihan mo ako para nakapag-lunch sana tayo together," sabi ng bruha without even acknowledging my presence.
"Georgina and I just wanted to go on a date. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagagawa 'yon. The last time was our honeymoon which we enjoyed and then—" dere-deretsong pagkukwento ni Dwight and I had to pinch him in his arm para lang tumigil siya. Jusmiyo. Baka kung ano pang sabihin nito.
"Oh, I see. Pauwi na ba kayo? You could take a ride with me."
"It's okay, Mommy. I don't want to cause any awkwardness since you have company. Saka dala naman po ni Dwight 'yong kotse niya so we can manage," sagot ko on behalf of Dwight na siyang ikinagulat niya. Mukhang hindi niya ine-expect na malalaman naming magkasama sila ni Denise.
"Who on earth are you talking about?" tanong niya at lumalakas na 'yong boses niya. Sa kinikilos niya ngayon, halatang guilty siya.
"Weren't you with Denise a while ago?" tanong ko at halata na sa mga mata niya ang shock.
In a matter of seconds though, nagawa niyang i-compose ang sarili niya at bumaligtad bigla ang sitwasyon. Ako na ngayon ang naiinis sa sitwasyon.
"Well, yes. I prefer the presence of someone like her instead of somebody else," aniya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos no'n, nabuo ang isang ngisi sa kanyang labi.
Bago pa man ako makapatol sa sinabi niya, pumagitna na ni si Dwight.
"Ma, stop it. Don't make a scene here. Just go ahead, okay?"
"Kausapin mo 'yang asawa mo, Dwight. Hindi ko gusto 'yong tabas ng dila niyan," sagot niya tapos iniwan niya na kaming dalawa ni Dwight. Pagkaalis na pagkaalis niya, gusto kong magmaktol at magwala kahit na nasa loob pa kami ng mall. Buti na lang pinigilan ako ni Dwight by hugging me from behind. Pero leche talaga. Ang kapal ng mukha ng bruhang 'yon! Makapagsalita, akala mo santo. If I know, 'yong kaluluwa naman niya, nabenta na niya sa demonyo!
"'Wag mo na lang siyang pansinin, G. You know how she is. Tara, kain na lang tayo ng ice cream," sabi ni Dwight tapos hinawakan niya 'yong kamay ko para makapunta sa kauna-unahang ice cream shop na madadaanan namin.
Nang literal na lumamig na ang ulo ko, nag-ikot ulit kami ni Dwight sa mall for one last time. Pagkatapos noon, umuwi na rin kami. Dahil napagod na kami sa dami ng nangyari ngayong araw, tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Dagdag pa sa problema 'yong hindi namin alam kung ano ang daratnan namin sa bahay no'ng bruha. Sa sandaling panahon na magkakasama kami, she could go from a cat to a lion in a blink of an eye at sa totoo lang, ayaw kong ma-witness 'yon.
Habang papalapit na kami sa bahay ng bruha, hindi ko mapigilang mas lalong kabahan. Ang nasa isip ko kasi, nasa tapat na agad siya ng front door tapos itatapon niya 'yong gamit namin kasi pinalalayas na niya kaming dalawa. Pero ibang-iba ang dinatnan namin. There she was, waiting for us with open arms as if we've been apart for a very long time.
"I'm really sorry for what happened earlier, Georgina. I didn't know what I was saying," sabi niya sabay yakap sa akin.
From my peripheral vision though, kitang kita ko si Denise na napapailing at para bang nandidiri sa nangyayari sa amin.
"Uhh, okay lang po. If you don't mind, mauna na po ako sa kwarto. Pagod na po talaga kasi ako," sagot ko habang sinusubukang makawala sa pagkakayakap niya sa akin.
"Of course. Kailangan mong magpahinga. Hindi ko pwedeng hayaan na may mangyaring masama sa 'yo. You're a part of our family now," sabi niya and I just gave her a light nod.
Imbis na magpakaplastik sa kanya, pinili kong dumeretso na lang sa kwarto. Pero bago pa ako makarating sa hagdanan, may sinabi si Denise na nagpatigil sa akin sa paglalakad.
"You could still have time, you know. Give up now before your life becomes a living hell."
Imbis na patulan siya, sinubukan kong pakalmahin na lang ang sarili ko. Hahakbang na sana ulit ako sa palayo sa kanya nang may sinabi na naman siya na nagpakulo sa dugo ko.
"Lubusin mo na 'yong mga oras na kasama mo si Dwight. Malay mo, ako pala talaga ang makapagbibigay sa kanya."
Humarap ako sa kanya at hindi na ako nagulat nang makita ko ang malaking ngisi sa kanyang mukha. Gustuhin ko mang sampalin at sabunutan siya, pinili ko pa ring maging mas sibilisado kaysa sa kanya. Tinawanan ko lang siya at nagbitiw ako ng tatlong salitang nagpatahimik sa kanya.
Sumunod din agad sa akin si Dwight at sinubukan niya akong kumbinsihin na makipag-usap sa mommy niya. Siyempre tinanggihan ko agad 'yon. Ano ako, tanga?
"G, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Mommy?" tanong ni Dwight.
"Sinabi ko na sa 'yo kanina. Hindi ka ba nakikinig? Dwight, sorry pero sa tingin ko, hindi talaga kami magkakasundo ng mommy mo. It would take a miracle for that to happen."
"Alright, let's just put it this way—huwag mo na lang pansinin lahat ng sasabihin o gagawin niya. Act as if she doesn't exist at all. Will that be okay with you?"
For a while, I tried to consider the proposition of Dwight. Tinitimbang ko 'yong pros and cons pero siyempre, mas lamang pa rin 'yong cons sa sitwasyon naming ito. Mahirap magpanggap na hindi nag-e-exist 'yong bruha pero para kay Dwight, I guess I'll have to give it a try.
"Fine, I'll try my best pero I won't promise anything. Minsan kasi, ang hirap talagang magpigil, e. With Denise in the picture, it's almost close to impossible."
"Alam ko naman 'yon, G, but knowing that' you'll try is enough for me. By the way, you know that I love you, right?" sabi niya sabay yakap sa akin.
"And I love you too," sagot ko tapos nagpahinga na ako.
Pagkagising ko kinabukasan, nagulat ako nang mapansing wala si Dwight sa tabi ko. Nagsisimula na sana akong mag-panic pero bigla kong naalala na ngayon nga pala 'yong orientation niya sa family business nila. As much as he wanted to accept the offer of one of the companies that was hiring him, kinailangan na naman niyang pagbigyan 'yong nanay niya—and that is to manage their family business.
Since nagugutom na ako, inayos ko na 'yong kama namin tapos naligo na rin ako. Nang feeling kong mukha na akong presentable, dumeretso na ako sa dining room para i-check kung anong almusal. Unfortunately though, walang pagkain sa lamesa. Napailing agad ako dahil doon.
"Manang," pagtawag ko habang papunta ako sa kusina.
Isa sa mga katulong ang agad na sumalubong sa akin. "Yes, ma'am?"
"Wala ba silang tinira na almusal para sa akin?" tanong ko at nagsimula na ngang kumalam ang sikmura ko.
"Ay, wala po, ma'am. Sabi po kasi ni Ma'am Olivia, para sa tatlong tao lang po 'yong ihanda namin, e. Gusto n'yo po bang ipagluto na lang namin kayo?"
"Okay lang, ate. Kukuha na lang ako ng kung ano sa ref," sagot ko sabay lakad papunta sa ref. Kinuha ko na 'yong unang pagkaing nakita ko tapos kinain ko na agad iyon. Hindi ko na talaga kaya 'to. Kailangan ko na siyang patulan. I've had enough.
Papunta na sana ako sa bruha para komprontahin siya nang bigla kong makasalubong si Denise na nakangisi na naman akin. God knows kung gaano ko kino-control ang sarili ko para hindi siya patulan pero dahil nananaig na ang gutom sa sistema ko, halos wala na ring natitirang pasensya sa katawan ko.
"Now, would you look at that. Are you enjoying your breakfast, Georgina? Too bad Tita didn't invite you a while ago. It pretty much says that you're not welcome to the family, is it?" Denise said, as if mocking me. Alam ko naman na lahat ng sinasabi niya. Hindi na niya kailangang ulit-ulitin pa.
"Talaga ba? Coming from someone who has no sense of shame at nagpupumilit na makitira sa bahay ng iba para lang mang-agaw ng lalaking kasal na, wow. Big words, huh?"
Namula agad ang mukha ni Denise dahil sa sinabi ko. Siguro, kung pwede lang na may lumabas talaga na usok sa ilong niya, I swear, may lalabas na talaga roon sa sobrang inis niya. She was about to utter complete nonsense pero pinigilan ko na siya agad.
"Huwag mo nang subukang magsalita pa ulit. Baka gusto mong toplakin kita gamit 'tong mansanas nang matauhan ka ha?" banta ko sa kanya and this time, ako naman ang ngumisi. Para sa karagdagang drama, inambahan ko nga talaga siya gamit ang mansanas na hawak ko.
Agad na napaatras si Denise mula sa akin at nagtatakbo na papunta sa kwarto niya. Nang maiwan na akong mag-isa, itinuloy ko na ang pagkain sa kawawang mansanas.
Habang naglalakad ako paikot sa kusina, parang narinig ko ang boses ni Dwight. Akala ko nagha-hallucinate lang ako kasi sobrang gutom pa ako pero nang naglakad ako papalapit sa boses, doon ko nasiguro na siya nga 'yong narinig ko.
"What the—Akala ko ba ngayon 'yong orientation niya?" I asked myself sabay kagat ulit sa apple. Since na-curious na rin lang ako, nakinig na ako sa usapan nila no'ng bruha.
"Ma, please don't be too hard on Georgina. Wala naman siyang ginagawang mali."
"Wala nga siyang ginagawang mali but her presence alone makes me want to strangle her to death. I loathe her! You could have married any other girl for all I care but why does it have to be her?"
"I'm pretty sure that there are a lot of girls that you would approve of but there's only one girl who stole my heart. Ma, Georgina loved me because of who I am and not because of what I could offer her," sagot ni Dwight and at that moment, seryoso.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na feeling ko, anytime ay lalabas na siya sa ribcage ko. Ni minsan, hindi ko naisip na aabot kami sa point na kailangan akong ipagtanggol ni Dwight sa nanay niya. Yes, ipinangako siya sa akin before ni Dwight pero hindi ko naman alam na mangyayari pala talaga siya.
"Dwight, nahihibang ka na ba? Snap out of it! I didn't know that she's capable of completely fooling someone like you. Pakinggan mo nga 'yang pinagsasasabi mo!" sagot ng bruha na siyang nagpabalik sa akin sa ulirat.
"Ma, just because your relationship with Dad didn't work out doesn't mean that my relationship with Georgina will fail as well. Not all relationships come to a dead end. At this point, I know that I couldn't make a u-turn but I'm sure that I'm in the right way. Life spent with Georgina may not be perfect but it will bring me true happiness and I wouldn't ask for more," sagot ni Dwight at pinigilan ko ang sarili ko na mag-react. Alam kong may pagpaka-cheesy si Dwight pero hindi ko naman ine-expect na bigla siyang magiging ganyan sa harapan ng nanay niya.
Kahit na gaano ka-cheesy 'yong speech ni Dwight, alam kong hindi basta-basta susuko 'yong bruha. Para makasiguro ako sa theory ko, sumilip ako sa pintong pinagtataguan ko para makita 'yong expression niya. Tama nga ako. Naka-resting bitch face pa rin siya. Para bang nag-iisip siya ng mga mas malalang insulto na ibabato sa akin.
"G, gaano ka na katagal diyan?" tanong ni Dwight pagkakita niya sa ulo kong nakasilip sa pinto.
Nag-init ang pisngi ko dahil sa tanong niya. Shemay! Nahuli agad ako.
"Uhh, kararating ko lang. I was actually looking for you," sagot ko. At that time, hindi ko alam kung sino ang kinukumbinsi ko sa sagot ko—sila ba o 'yong sarili ko. Medyo hindi pa rin kasi ako nakare-recover sa narinig ko kanina.
"Of course, she will be looking for you. Kung tama ang hinala ko, may isusumbong ka na naman kay Dwight tungkol sa akin," sagot ng bruha kaya nagsalubong bigla 'yong kilay ni Dwight.
"Anong ibig n'yong sabihin, Ma?" tanong ni Dwight sa nanay niya.
"Dwight, it's nothing," sagot ko, trying to avoid this confrontation.
"G, tell me what on earth happened?"
"Wala nga sabi!" I told him, my voice cracking. Iiwanan ko na sana silang dalawa kaso napansin ni Dwight ang isang bagay na sana hindi na lang niya napansin.
"Bakit may hawak kang mansanas? Nag-almusal ka na ba, G?" tanong ni Dwight and at that moment, I knew I had to tell him the truth.
"Hindi pa. Wala rin naman akong kakainin, e. I'll go ahead, Dwight. Mag-usap na lang ulit kayo ni Mommy. Please pretend that I didn't interrupt you at all. Good morning po," sabi ko while trying my best not to cry. Ayaw kong magmukhang mahina sa harapan nila. Ayaw kong kaawaan ako ni Dwight dahil lang sa maliit na bagay. Pity is the last thing that I would want to receive from him.
As the seconds pass by, pabilis na nang pabilis ang paglalakad ko. Para bang takot na takot akong mahuli ng kung sino pero mas mabilis sa akin si Dwight. Nahabol niya ako at hinarang niya ako bago pa ako makaakyat sa hagdanan.
"G, you're not going anywhere. Kailangan mong kumain ng almusal. Come on, I'll whip up something for you," sabi niya tapos naglakad na kami papunta sa kusina.
Pinaupo niya ako sa isa sa mga stool malapit sa counter at ipinaghanda na niya ako ng almusal. Nang natapos na siyang magluto, tumayo siya sa tapat ko.
"G, ano ba talaga ang nangyari? Tell me everything."
"Well, nagising ako tapos wala ka sa tabi ko kaya nag-panic ako. Akala ko kinidnap ka ng mommy mo or something," sagot ko habang tinutusok-tusok ko ng tinidor 'yong pagkain ko. Nagulat na lang ako no'ng biglang tumawa si Dwight.
"Sorry. Sige, ituloy mo na 'yong kwento mo," sabi ni Dwight pero halata namang gusto pa niyang tumawa. Pinipigilan lang niya 'yong sarili niya.
"Ayun na nga. Nang na-realize kong orientation mo pala ngayon, kumalma na ako. Bumaba ako rito para kumain ng breakfast pero wala naman palang pagkain. Tinanong ko si Manang kung may iniwan kayong pagkain para sa akin kasi sabi niya, utos daw ng mommy na para sa tatlong tao lang ang iluto. I figured that was for you, for your mom, and for Denise. Tinanong niya ako kung gusto ko bang magpaluto ng almusal pero tumanggi na ako. Ayaw ko namang gambalain pa siya para lang magluto para sa akin kaya kumain na lang ako ng apple mula sa ref. End of story."
"Wag mo nang uulitin 'yon, please."
"Ang alin?" I asked in confusion.
"Kung nagugutom ka, magpaluto ka kina Manang ng pagkain. G, ayaw kong makita ka sa ospital dahil lang sa hindi ka kumakain. Kung ayaw mo silang gambalain, ikaw na mismo ang magluto. Wala akong pakialam kahit na ubusin mo 'yong laman ng ref. Understood?" sabi ni Dwight then I just gave him a nod as an answer. Masyado na akong busy kumain para makipagtalo pa sa kanya. Sa susunod na lang ulit ako babawi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top