Chapter 6

"Dwight, alam kong kararating pa lang natin dito, pero hanggang kailan ba tayo magse-stay dito?" tanong ko kay Dwight.

Nagulat yata siya sa biglang pagtanong ko kaya hindi agad nakasagot. Aalis na sana ako sa kwarto (tutal magaling lang din akong mag-walk out) no'ng nagsalita siya.

"Magpalit ka ng damit, may pupuntahan tayo."

"Hindi ako magpapalit hangga't hindi mo sinasabi kung saan tayo pupunta," sagot ko sa kanya, while trying my best to maintain my poker face. Langya. Hindi ko naman alam na ganito pala kahirap magpaka-neutral sa kanya. Bakit ba kasi ako nagkagusto sa katulad niya? He's too much for me.

"I guess I have to carry you, then?" sabi niya habang naglalakad siya papalapit sa akin. Sa bawat hakbang na ginagawa niya papalapit, siya namang hakbang ko paatras. Eventually, natigil din 'yong kalokohan namin no'ng nadikit na ako sa pader. Dwight took the last step kaya magkaharap na kaming dalawa. Nakatingin siya nang deretso sa mga mata ko at hindi ko alam kung paano ba dapat mag-react. Feeling ko kasi, parang may sasabihin siya na sobrang importante. 'Yong tipong galing talaga sa puso niya. Oh god. Kung titig pa lang niya, hindi ko na kinakaya, paano pa kaya kapag nagsalita na talaga siya?

"We're going somewhere special and it will give you a piece of me that I haven't told you before," sabi niya sabay tulak sa akin papasok ng banyo. After that, ni-lock na niya 'yong pinto at isinara na niya ito. "Magpalit ka na ng damit. Magpantalon ka para 'di ka kagatin ng lamok. Ayaw kong may kumakagat sa 'yo maliban sa akin," utos niya then I felt my cheeks heating up. Langya. Kahit kailan talaga, ang perv nito!

Pagkatapos kong magbihis ng long-sleeved shirt at maong pants, nagsuot na rin ako ng sneakers at lumabas na ako ng kwarto. Napahinto ako nang nakita ko si Dwight na naghihintay sa tabi ng pinto. Nang nakita niya ako, hinawakan niya agad 'yong kamay ko.

"Let's go?" tanong niya sa akin.

"May choice ba ako?" sagot ko at natawa na lang siya dahil doon.

Sana lang talaga matino 'tong pagdadalhan sa akin ng mokong na 'to!

Sobrang tahimik no'ng biyahe namin papunta sa special place ni Dwight. 'Yong huling beses na ganito kami katahimik sa biyahe ay no'ng nag-away kaming dalawa. Sa ngayon, hindi ko alam kung dahil ba sa excitement o dahil ba sa kaba kaya tahimik ako. Siguro, combination na no'ng dalawa. Either way, gusto ko na lang malaman kung ano ba 'yong sasabihin ni Dwight.

"We're here," sabi ni Dwight no'ng natapos siyang mag-park.

Nanlaki 'yong mga mata ko no'ng napansin kong nasa playground kami. Jusme. Ano bang akala niya sa amin? Five year old kids?

"Bago ka magwala, pakinggan mo muna ako. Dinala kita sa playground na 'to kasi importante 'tong lugar na 'to sa akin," sabi nya sa akin saka kami lumabas ng sasakyan. Umupo kaming dalawa sa swing tapos hinintay ko na lang siya na ituloy 'yong kwento niya.

A few minutes have passed and then, nothing. Tahimik lang si Dwight. Kung hindi lang niya sinabi na tungkol sa past niya 'yong ikukwento niya, iisipin kong inaatake lang si Dwight ng pagiging abnormal niya. Kaso, iba kasi 'yong situation namin ngayon. Seryoso talaga siya so kailangan kong pilitin ang sarili ko na magseryoso.

"Nakilala ko 'yong first crush at first love ko dito," sabi niya tapos may namuong ngiti sa labi niya.

Kung wala na siguro ako sa sarili ko, malamang sa malamang, kanina ko pa nasampal 'tong si Dwight. Ang kapal din ng mukha niyang dalhin ako dito sa special place nila ng first love niya.

Pero naisip ko, she's all in the past. Asawa naman na niya ako ngayon so wala na dapat akong ipag-alala, 'di ba? Oh god. Feeling ko, pinapaniwala ko lang 'yong sarili ko na okay lang ang lahat para hindi ako ma-insecure. Ayaw ko ng ganitong feeling! Gustong-gusto ko nang sumigaw pero hindi ko magawa. Buti na lang, nagsalita na ulit si Dwight.

"Six years old ako no'ng una ko siyang nakita. Palagi siyang mag-isa tuwing nagpupunta siya rito. Ilang beses kong sinubukang kausapin siya pero for some reasons, hindi ko magawa-gawa. Alam kong parang ewan lang kasi ang bata-bata ko pa noon tapos gano'n na 'yong nararamdaman ko pero imagine a six year old boy getting tongue-tied in front of a girl. Parang baliw lang, 'di ba? Pero nangyari talaga 'yon.

"Isang araw, inipon ko na lahat ng lakas ng loob at nilapitan ko siya. Nagulat siya no'ng nakita niya ako pero binigyan ko siya ng chocolate ice cream. Nakatingin lang siya sa akin the whole time pero kinuha niya naman 'yong ice cream mula sa akin. Pagkatapos noon, hindi niya pa rin ako kinausap. Langya. Hindi man lang niya ako pinasalamatan doon sa ice cream! No'ng dumating 'yong yaya niya, umalis na lang siya bigla.

"Simula no'ng araw na 'yon, sinabi ko sa sarili kong babalik ako araw-araw sa playground hanggang sa kausapin niya ako. I wanted her to loosen up around me. Gusto kong ipakita sa kanya na pwede niya akong pagkatiwalaan at maging kaibigan. Pero kinabukasan, wala na siya sa playground. Ang naabutan ko na lang ay isang note sa may swing. Binasa ko 'yong note at galing 'yon sa kanya. Sabi niya, kailangan na nilang lumipat ng bahay kasi na-assign na sa ibang lugar 'yong daddy niya. Fortunately, nagpakilala na siya sa akin. Unfortunately though, hindi na ulit kami nagkita after that."

"Anong pangalan niya?" tanong ko kay Dwight no'ng natapos na siyang magkwento.

"Bakit mo tinatanong? Selos ka 'no?" tanong niya naman sa akin kaya binatukan ko siya nang malakas.

"Ako, magseselos? Asa! Pero seryoso Dwight. Ano ngang pangalan niya?"

"Ina. Her name is Ina," sagot niya na siyang ikinagulat ko. Oh my god. This can't be real!

Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako dahil sa sinabi ni Dwight. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Panaginip lang naman 'to, 'di ba? O kaya joke lang 'to. This can't be true. Pinagtitripan lang siguro ako ni Dwight.

"G, bakit ganyan 'yong itsura mo? Parang gulat na gulat ka no'ng sinabi ko 'yong pangalan ni Ina."

Gulat? Jusmiyo. Wala pa sa kalingkingan ng gulat 'yong nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, walang salita na makapagde-describe talaga ng feelings ko.

"Pwede mo bang i-describe si Ina?"

"G, hindi mo naman kailangang magselos, e. Ikaw ang mahal ko at patuloy na mamahalin ko buong buhay ko. Ina's all in the past."

Hinampas ko nang mahina si Dwight dahil sa sinabi niya. "Seryoso ako rito!"

Langya. Hindi niya talaga alam kung kailan dapat magseryoso at mag-joke.

"Ako rin naman, ah?" sagot niya sabay kindat. Utang na loob! Nagbabalik 'yong kindat niyang 'yan! Kung wala lang talaga kami sa park ngayon, bubugbugin ko na siya.

"Whatever. Dali na kasi. I-describe mo na siya."

Natahimik si Dwight nang ilang minuto. Feeling ko, naghahanap pa siya ng tamang salita para i-describe si Ina. Hindi ko alam kung bakit pero habang lumilipas 'yong oras, lalo akong kinakabahan.

"Sa simula, madalang lang siyang ngumiti pero kapag ngumiti na siya, mukha siyang anghel. Maputi siya tapos mahaba 'yong buhok niya na laging naka-pigtails. Singkit din siya. 'Yon lang 'yong natatandaan ko, e. Pero teka nga. Bakit ba pilit ka nang pilit na i-describe ko siya?" tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot.

Sinubukan kong i-digest lahat ng sinabi niya sa akin pero ang hirap talagang paniwalaan ang lahat ng 'yon. Pinaglalaruan yata kami ng pagkakataon.

"G, ang tahimik mo."

"Paano kung sabihin kong kilala ko si Ina?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako sa mata at saka niya sinagot ng isang tanong 'yong tanong ko. "K-kilala mo si Ina?"

"Paano kung kilala ko siya? Anong gagawin mo?"

"Tatanungin ko kung kamusta na siya. Siguro magka-catch up lang saglit pero hanggang doon na lang 'yon. Mas gugustuhin ko pa ring makasama ka at 'yong magiging mga anak natin in the future," sagot ni Dwight sabay yakap sa akin.

Niyakap ko siya pabalik pero nanatili akong tahimik. Nag-iipon pa rin kasi ako ng lakas ng loob kung paano ko ba dapat sasabihin 'yong nalalaman ko. Hindi ko alam kung paano siya magre-react sa kung ano man ang sasabihin ko pero sana, hindi magbago 'yong sitwasyon namin kapag sinabi ko na sa kanya ang totoo.

Paunti-unti akong lumayo kay Dwight saka ako huminga nang malalim. Hirap na hirap akong tingnan siya sa mata. Nanginginig na 'yong mga kamay ko at kinailangan kong hawakan 'yong chain ng swing para lang ma-release 'yong tensyon na nararamdaman ko.

"Dwight, believe it or not, kilalang-kilala ko si Ina. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang tayo ng tadhana ngayon pero langya, ang liit lang pala talaga ng mundo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam kung bakit hindi kita nakilala agad—na ikaw pala 'yong lalaking nakilala ko dati. Siguro dahil nagbago ka? Hindi na ikaw 'yong lalaking mukhang kalalabas lang ng mental at kulang sa pansin. Ibang-iba 'yong Dwight na nakilala ko no'ng college sa nakilala ko noon.

"Sorry kung hindi ako nakapagpaalam nang maayos sa 'yo dati. Umalis kasi kami agad saka hindi pa naman tayo close noon. Hindi ko nga alam na kailangan ko palang magpaalam sa 'yo. But here's the thing. Dwight, ako si Ina."

Tiningnan ko si Dwight para hintayin 'yong reaksyon niya pero wala man lang bahid ng kahit na anong emosyon sa mukha niya. Blangko 'yong mga mata niya at para bang hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ko. Ganoon ba talaga kahirap paniwalaan 'yon?

Lumipas ang ilang minuto pero tahimik pa rin si Dwight. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Sobrang kinakabahan na talaga ako at hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Gusto ko siyang magsabi ng kahit na ano. Magalit siya o kaya magsaya. The heck. Hindi ko nga alam kung nandito pa ba talaga siya, e!

A few minutes later, niyakap ako nang pagkahigpit higpit ni Dwight. Sobrang overwhelming no'ng pagkakayakap niya pero at the same time, comforting din. Hindi ko ma-explain 'yong feelings ko pero naramdaman ko 'yong excitement at longing niya kay Ina. Naramdaman ko 'yong excitement at longing niya sa batang G.

"I hate you, Ina! Alam mo bang sobra akong nasaktan no'ng umalis ka? Sa simula pa lang, nawalan na ako ng pag-asa sa 'yo pero okay na rin palang nakalimutan ko si Ina. Na nakalimutan mong ako 'yong kaibigan mo no'ng bata pa tayo. Kung hindi mo nakalimutan ang mga 'yon, hindi tayo 'yong Dwight at G ngayon. Mag-iiba 'yong takbo ng buhay natin and we could have ended up apart. But now, I realized that we are really meant to be together. G, simula noon hanggang sa susunod kong buhay, ikaw lang ang mamahalin ko. Mahal na mahal kita, G," sabi ni Dwight then he sealed it with a kiss. It was a short kiss but I felt his love for me.

Siguro nga, tama si Dwight. Things would have been different kung sa simula pa lang, alam na namin kung ano 'yong nangyari noon. At least ngayon, alam na namin na meant to be kaming dalawa. Na sa future, magkakaroon kami ng sarili naming pamilya at magiging masaya kami for the rest of our lives.

"Let's go. Nagdidilim na. I don't want something bad to happen to you, my precious."

"Seriously? You're going to go Gollum on me now?"

"Nope. Masyado akong gwapo para maging ganoon. I love you, G."

Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Dwight. He's really something but I love him just the way he is right now.

Habang nasa biyahe kami pauwi, ayaw bitiwan ni Dwight 'yong kamay ko. Para akong babasaging bagay kung hawakan niya. Feeling ko, kaya niya ginagawa 'to kasi natatakot siyang mawala ulit ako sa kanya. Nawala na ako sa kanya no'ng mga bata kami. Nawala ako no'ng nag-break kami. I don't think na kakayanin pa niya kung mawawala pa ulit ako sa kanya for the third time around.

Kapag naiisip ko kung anong mangyayari sa amin kapag nagkahiwalay kami, all that I could see is blank spaces. Hindi naman sa nagfi-feeling ako pero naniniwala kasi akong hinding-hindi na 'yon mangyayari. Masyado kong mahal si Dwight at sa tingin ko, hindi ko kakayaning ipagpalit siya sa kung ano at kung sino. Actually, may pakiramdam ako na ganoon din naman siya. Kahit na may dalawang bruha na gusto kaming paghiwalayin, lalaban kami hanggang sa dulo. Kahit na ibig sabihin noon ay may masasaktan kaming iba.

Nang pumasok na kami sa bahay ng bruha, lalong hinigpitan ni Dwight 'yong pagkakahawak niya sa kamay ko. Dumeretso agad kami sa kwarto kahit na ang sama ng tingin no'ng dalawang bruha sa amin. Well, may karapatan naman 'yong nanay ni Dwight na paghinalaan kaming dalawa. Kanina lang, nahuli niya kaming dalawa na naglalaro sa pool tapos ngayon, nagmamadali kaming dumeretso sa kwarto. Para bang may binabalak pa kaming hindi maganda.

"You know that I will never let you go, right?" bulong ni Dwight sabay yakap sa akin.

"Ramdam ko nga. Like literally. Pwede mo namang luwagan 'yong pagkakayakap mo sa akin, 'di ba?"

"Shit. Sorry, G! Hindi ako nag-iisip," sabi niya sabay layo sa akin. Halatang nalungkot siya dahil sa sinabi ko. Na-guilty tuloy ako. Dahil doon, inihirap ko si Dwight sa akin saka ko siya tiningnan sa mata.

"Okay lang, Dwight. Naiintindihan ko naman 'yong nararamdaman mo pero 'wag mo na masyadong isipin 'yon. Ang importante, magkasama na tayong dalawa ngayon. Besides, hindi mo pa nga alam 'yong ibig sabihin ng love noon, e. Basta ang importante, parte ka ng past, present, at future ko," sagot ko sa kanya which I ended off with a kiss.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top