Chapter 5
Nang makabalik ako sa kwarto namin ni Dwight, dumeretso agad ako sa balcony para magpahangin at makapag-isip-isip na rin sa mga nangyari. Saglit na panahon pa lang namin kasama 'yong nanay ni Dwight pero sobrang daming drama na agad ang naganap. Ni hindi ko nga magawang paniwalaang nangyari nga ang lahat ng 'yon. Gustuhin ko mang paniwalain ang sarili ko na masamang panaginip lang ang lahat, hindi naman posible dahil natatandaan ko pa ang lahat ng detalye. Hay.
Tumingala ako saglit at pinagmasdan ang langit para mapakalma sana ang sarili ko. Mula sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko, ang peaceful ng lahat. Kung pwede lang sanang maging kasing peaceful ng langit ang buhay ko ngayon, okay na okay sana. Kaso sino nga ba ang niloloko ko? May bruha akong mother-in-law at may isa pang bruha na gustong agawin ang asawa ko. Nakatira pa kaming lahat sa iisang bahay. With a scenario like that, imposible na ang kapayapaan sa buhay ko.
Nang papasok na ulit ako sa loob ng kwarto, napailing ako para tanggalin lahat ng negative energy na nasasagap ko. Inikot ko ang tingin ko sa kwarto at nakuha ng bookshelf ni Dwight ang atensyon ko. Sa dami ng nakikita kong libro, hindi ko alam kung ano bang dapat unahin ko. Ever since naman kasi, mahilig na talaga akong magbasa. I mean, it brings me to different places and times and I really liked that part.
"Nahihirapan ka bang mamimili?" tanong ni Dwight na siyang ikinagulat ko.
Hindi ko kasi akalaing susunod agad siya rito. All along, akala ko ay nakipagtatalo—I mean nakipag-uusap—pa siya sa mommy niya at kay Denise. Iniwan ko na kasi sila dahil hindi ko na kayang makipagplastikan pa. Masyadong matindi 'yong tension na nararamdaman ko at ang sakit-sakit na rin ng pisngi ko kangingiti nang peke sa kanila.
"Uhh, oo, e. Masyado kasing maraming pagpipilian. Nabasa ko naman na 'yong iba pero parang gusto ko ulit basahin. Hmm, any suggestions?" tanong ko.
Lumapit naman sa akin si Dwight at niyakap niya ako nang mahigpit. He then rested his chin on my shoulder and pressed his cheeks to mine.
"Hmm. How about reading this one?" he suggested sabay kuha ng isang hardbound na libro. From the cover of the book, it seemed like it's a classic. Kulay itim ang cover nito pero walang kahit na anong title. Due to my curiosity, kinuha ko 'yong libro kay Dwight at tiningnan ko ito nang mabuti.
"Tungkol saan 'to?" tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya.
"It's up to you to find out." No'ng una, medyo nag-aalangan pa akong buksan 'yong libro. Paano kung pinagti-tripan lang pala ako ni Dwight? Ilang beses niya na rin kasing ginawa 'yon sa akin. Nang nakaipon na ako ng sapat na lakas ng loob, tiningnan ko na 'yong first page at nagulat ako sa nakita ko. Ang nakalagay kasi, picture naming dalawa.
"Dwight . . ." I wanted to tell him something, but words failed me. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kaya hindi ko alam kung ano ba talagang dapat sabihin.
"I'll give you time to go over that. Kapag tapos ka na, puntahan mo na lang ako sa may poolside. Okay?" sabi ni Dwight tapos lumayo na siya sa akin. Iniwan niya na rin akong mag-isa sa kwarto para basahin 'yong libro. Gustuhin ko mang samahan niya ako habang binabasa ko 'tong libro, hindi ko na nagawa pang magsalita. My thoughts and emotions were too overwhelming, at hindi ko alam kung ano bang gagawin ko.
Iniwan ako ni Dwight mag-isa at ni-lock niya 'yong pinto. Nanatili akong nakatayo kung saan niya ako iniwan. Nakatatakot kasing isipin na kapag may ginawa akong mali, mawawala bigla ang lahat at 'yon ang ayaw kong mangyari. I wanted to make the moment last. Tiningnan ko muli 'yong libro at para bang nakipagtititigan din ito sa akin. Ang nakalagay sa ilalim no'ng picture naming dalawa ay "The Story of a Happy Ever After."
Umupo muna ako sa couch sa gilid ng kwarto ni Dwight para mapakalma ang sarili ko. Nanginginig ang mga kamay ko at pakiramdam ko, mababaliw na sa tindi ng nararamdaman ko. Para bang never akong akong magiging handa sa kung ano man ang laman nitong hawak ko ngayon.
Puno ng pictures naming dalawa 'yong libro—dates, out of town trips, during classes, breaks, the wedding, and even the little things that bear a deep meaning in our relationship. Naghalo-halo na lahat ng nararamdaman ko—gulat, lungkot, inis, pero nangingibabaw ang saya. At hindi ko man lang namalayan, umiiyak na pala ako.
Dwight had turned our story into a book, and I still couldn't believe it.
***
"Dwight . . ." I said as I made my way towards him.
Nakaupo lang siya sa gilid ng pool, nakalublob ang paa niya sa tubig at nakatingala lang siya sa langit.
"Hey," bati niya sa akin. Umusbong agad ang isang ngiti sa kanyang labi nang mapansin niyang papalapit na ako. Tatayo na sana siya para salubungin ako pero sinenyasan ko siyang manatili na lang siya roon. Tinanggal ko 'yong slippers ko at umupo ako sa tabi niya. Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto hanggang sa hawakan niya ang kamay ko.
"So, kamusta 'yong libro?"
"Ewan ko. Hindi ko binasa. Ang pangit no'ng title, e," kaswal kong sagot sa kanya. Hinigpitan niya nang todo 'yong pagkakahawak niya sa kamay ko dahil doon. "Aray ko naman!"
"Binuhos ko 'yong buong puso ko doon tapos hindi mo binasa? Totoo ka ba?!"
"E simula pa lang, pinaiyak mo na ako! Paano ko pa tatapusin 'yong pagbabasa n'on?" sigaw ko pabalik sa kanya. Gusto ko pa sanang mas magwala dahil sa ginawa niya pero bigla na lang niya akong hinatak pababa ng pool.
"Dwight, ayoko!" sigaw ko pero I was a little too late.
Nalubog na kaming dalawa sa pool at basang-basa na kaming dalawa. Natawa naman si Dwight dahil sa kalokohan niya. Nang mapatingin ako sa kanya, parang nag-flashback lahat ng nabasa ko kanina sa libro at sa totoo lang, wala na akong mahihiling pa. Sumabay na rin ako sa pagtawa niya at napatigil lang kami no'ng biglang may dumating na bruha. Shit. Problema na naman 'to!
"Dwight, stop this nonsense right now! Get yourselves out of the pool," utos sa amin ng nanay Dwight at sumunod naman kami agad. Hay nako. Ang KJ talaga nito kahit na kailan.
Nang nakaahon na kami sa pool, ang sama-sama ng tingin no'ng bruha sa aming dalawa. Kung pwede lang siguro na may lumabas na laser mula sa mata niya, ginawa na niya. Sobrang tahimik naming tatlo and at that time, parang mas gusto ko pang tumalon pabalik sa pool. Giniginaw na rin talaga kasi ako. Paupo na sana ako dahil sa panginginig ng mga tuhod ko no'ng bigla akong akbayan ni Dwight. Somehow, kahit na basa rin siya, nabawasan nang kaunti 'yong ginaw na nararamdaman ko.
"Go to your room and change! My goodness. You're grownups! Act like one," sermon niya sa amin at tahimik na kaming naglakad ni Dwight pabalik sa kwarto.
Pagpasok namin ng kwarto, dumeretso na agad ako sa CR para mag-shower. Nang natapos ako, si Dwight naman ang nag-shower. Umupo ako sa couch habang hinihintay na matapos si Dwight. Kinuha ko ulit 'yong librong ginawa niya and I had to stop myself from opening and rereading it again.
"G, okay ka lang ba?" tanong niya sa akin kaya napatingin ako bigla sa kanya. Pakshet na malagkit! Bakit ba ganyan 'yong itsura niya?! Umiwas agad ako ng tingin tapos feeling ko ang awkward-awkward ng aura sa kwarto.
"Bakit? Anong problema?"
"Magbihis ka ngang leche ka!" sigaw ko sa kanya tapos pinagtawanan niya lang ako.
Bakit ba kasi lumabas siya ng banyo nang naka-towel lang? Tapos tumapat pa talaga siya sa harap ko. Naramdaman ko na lang bigla 'yong pag-iinit ng pisngi ko dahil sa kung anong naiisip ko. Jirits naman, o! Napailing ako nang marahas dahil doon.
"Mag-usap nga tayo," pakiusap ko sa kanya.
Umupo siya bigla sa tabi ko (still half-naked!) at saka siya napabuntonghininga.
"Tungkol saan?"
"Tungkol dito. Gusto mong malaman 'yong reaction ko, 'di ba? Bibigyan kita ng book report pero hindi ako magsisimula hangga't ganyan 'yang itsura mo," sagot ko sa kanya habang tinituro 'yong librong hawak ko. Imbis na sundin ako, pinagtawanan lang ako nang malakas ni Dwight. Leche talaga 'to kahit na kailan. Dinadaan lahat lagi sa joke!
Tiningnan ko nang masama si Dwight tapos nagulat na lang ako nang hinawakan niya 'yong dulo ng towel, as if tatanggalin niya na 'yon bigla sa waist niya. Dahil doon, umiwas agad ako ng tingin sa kanya. Napasigaw na lang ako no'ng ibinato niya sa mukha ko 'yong towel. Tatayo na sana ako para suntukin siya nang bigla niya akong pinagtawanan.
"Sa tingin mo ba, lalabas talaga ako ng banyo na naka-towel lang?" tanong niya at halos magkandautal na ako sa pagsagot sa kanya.
"P-Pero ginawa mo na 'yon dati sa bahay mo, e!"
Pinagtawanan ako lalo ni Dwight dahil sa sinabi ko. Ramdam na ramdam ko ang mas pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa sobrang kahihiyan. Peste. Wala talaga 'yong salitang seryoso sa vocabulary ng lalaking 'to!
"Okay, I'm sorry. Let me hear your reaction now," sabi ni Dwight no'ng tumigil na siya sa pagtawa at nagsimula na siyang isuot 'yong t-shirt niya. Hinawakan niya rin 'yong kamay ko at sinimulang paglaruan 'yong wedding ring ko. Somehow, kumalma na ako dahil doon.
"Sa totoo lang, hindi ko ine-expect na gagawin mo 'to. Ewan ko ba, pero feeling ko kasi, hindi ikaw 'yong taong gagawa ng ganitong klase ng bagay. The heck. Ni hindi ko nga alam na kumukuha ka pala ng pictures tuwing magkasama tayo let alone gagawa ng libro tungkol doon. Mas babae ka pa kaysa sa akin, e!" sagot ko sa kanya tapos naiyak na naman ako.
Niyakap niya ako nang mahigpit dahil doon.
"You know that I love you, right?" tanong ni Dwight sa akin at tumango na lang ako bilang sagot.
"Then I would do every little thing, even the girliest ones, just to show you that I will continue loving you every single day," pagpapatuloy ni Dwight.
Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko dahil doon. Dwight sealed everything off with a kiss which then turned into something else. Every emotion and every word was expressed in this blissful event and I think I'm the luckiest girl in the world right now.
***
Flashback
Isang beses lang kaming naging magkaklase ni Dwight noon. Tinanong niya ako dati kung ano 'yong majors na kukunin ko para raw gagawin niyang elective pero pinigilan ko siya. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama pero somehow, may feeling kasi ako na hindi lang kami makapagpo-focus sa subject kapag magkaklase kaming dalawa.
Kahit na hindi na kami magkaklase, hindi tumigil si Dwight sa pagpapakita ng sweetness niya sa akin. The heck. Kahit nga 'yong pagiging cheesy niya, walang pinipiling lugar. Tuwing matatapos 'yong klase ko, nasa labas na agad siya ng room namin tapos ihahatid pa niya ako sa next class ko kahit na nasa kabilang side pa ng campus 'yong next class niya.
"Dwight, bakit ba palagi mo akong sinusundo at hinahatid sa mga klase ko? Kaya ko naman mag-isa, e," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.
"I just want to spend more time with you. Hindi pa ba sapat na rason 'yon?" sagot niya sa akin sabay ngiti.
"Seryoso kasi ako!"
"Sino bang may sabi na nag-jo-joke ako? But come to think of it. Tuwing sinusundo at hinahatid kita sa mga klase mo, wala nang umaaligid na ibang lalaki sa 'yo. Feeling ko tuloy, sa akin talaga sila may gusto at hindi sa 'yo. Do you think I'm beautiful enough?" mapanloko niyang tanong sa akin kaya binatukan ko siya nang malakas. "Ow! What was that for?"
"Para bumalik ka sa katinuan, siraulo ka! Hindi parte ng pederasyon 'yong mga kaklase kong 'yon! Actually, may isang time nga na . . ."
Gumawa na lang ako ng kwento para patunayan 'yong point ko pero hinalikan ako bigla ni Dwight para mapatahimik ako. Nang humiwalay na siya sa akin, nagsalita na ulit ako.
"Yuck! PDA!" sigaw ko.
Pinagtawanan lang ako ni Dwight hanggang sa mapagdesisyunan niyang mag-cut ng klase. Pinipilit niya pa nga ako pero hindi pumayag. Sa ngayon, hindi na tuloy ako sigurado kung good or bad influence ba siya but yeah, I love him anyway.
Nang naihatid na ako ni Dwight sa classroom ko, nagulat ako kasi bigla siyang nag-text sa akin.
Dwight
Wag mo na akong taguan mamaya.
Susunduin kita after your class.
Napasimangot ako dahil sa nabasa ko. Paano niya nalaman na balak ko siyang pagtaguan?
Georgina
Tigilan mo na nga 'yong kaka-cut mo ng class!
Dwight
Sino bang may sabi na magka-cut ako?
Cutting is different from being late.
Napailing na lang ako pagkabasa ko sa naging sagot ni Dwight. He, of all people, should know na kapag na-late siya for more than one-third of the allotted time ng isang subject, considered as absent na siya. Kahit na sabihin niyang may kotse siya, halos thirty minutes pa rin ang travel time plus parking time mula sa building ko papuntang building niya. Ay nako. Para na talaga siyang delinquent na estudyante.
Georgina
Ugh. You're hopeless.
Wag mo akong sisisihin kapag bumagsak ka.
Dwight
Yup. I'm hopelessly in love with you.
And I could fail any subject for all I care . . .
I just don't want to fail you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top