Chapter 4

Flashback

It was our sixth month together nang magdesisyon si Dwight na magpalipas ng gabi sa apartment ko. Kababalik lang namin galing Tagaytay at sabi niya, pagod na pagod na raw siya para mag-drive pa pauwi sa bahay niya. At that time, hindi ko naisip na magiging awkward 'yong presence niya sa apartment ko kaso langya. Maling-mali pala ako.

Kalalabas ko pa lang ng washroom nang bigla akong hatakin ni Dwight papalapit sa kanya. Sa sobrang gulat ko sa ginawa niya, hindi na ako nakapagsalita. Feeling ko rin, hindi na ako makahinga sa sobrang lapit naming dalawa.

"May problema ba, G?" tanong ni Dwight nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Wala," matipid kong sagot sa kanya.

"Kilala kita, G. Kapag ganyan ang kinikilos mo, alam kong may problema. Come on, tell me."

"Wala talaga. Pagod lang siguro ako."

"Oh, okay. Sige, magpahinga ka na. Susunod na lang ako sa'yo mamaya."

Tumango ako bilang sagot kay Dwight pero no'ng papasok na ako sa kwarto ko, saka lang nag-sink in 'yong sinabi niya sa akin.

"Oy, teka! Ano 'yong pinagsasasabi mo?! Saan ka susunod?!" dere-deretso kong tanong kay Dwight. Feeling ko, nagpa-panic ako bigla dahil sa mga pinagsasasabi niya.

"Susunod ako sa kwarto mo para masigurong mahimbing 'yong tulog mo. Bakit? May naiisip ka pa bang iba?" tanong ni Dwight tapos nagtataas-baba na naman 'yong kilay niya. Para bang tinutukso ako ng mga ito dahil sa sinabi ko.

"Ewan ko sa'yo. Baliw ka!"

"Oo. Baliw na baliw ako sa 'yo," sagot niya sabay kindat.

"Oh, my God. Matulog ka na nga lang!" sigaw ko sa kanya tapos pinagtawanan niya na lang ako. Napailing ako dahil doon. Lahat na lang talaga ng sasabihin ko, binabaluktot niya. Bago pa siya makapag-isip ng iba pang kalokohan, isinarado ko na ang pinto ng kwarto ko at naghanda na ako sa pagtulog.

And just like that, nangyari na ang first sleepover namin.

Kinabukasan, nawala sa loob ko na nag-stay nga pala si Dwight sa apartment ko. Nagulat na lang ako no'ng nakita ko siya sa tabi ko, his arms wrapped around me. Ilang beses pa akong kumurap para masiguro kung totoo bang siya 'yong katabi ko. Nang tinutusok-tusok ko na 'yong pisngi ni Dwight, saka siya nagising.

"Anong ginagawa mo, G?" tanong niya sa akin tapos nag-panic ako bigla.

"What?! Wala, ah! Ikaw, anong ginagawa mo? Wala ka dapat dito, ah! Sabi mo, sa sala ka matutulog!" sigaw ko sa kanya habang sinusubukang itulak siya palayo sa akin. Kaso, sa kasamaang palad, wala akong laban kay Dwight. Ang ending, niyakap niya lang ulit ako.

"Shh. I'm sorry if I broke my promise. Mas mukha kasing komportable 'yong kama mo kaysa sa sala, e. Saka mukha namang nasiyahan ka sa pagtabi ko sa 'yo. Nakangiti ka lang habang natutulog," sagot ni Dwight at naramdaman ko na lang ang pag-init ng pisngi ko. Langya. Bakit ba siya ganito?!

"H-Hindi, ah! Sinungaling!" sigaw ko tapos pinagtawanan lang ako ni Dwight habang kinukurot 'yong pisngi ko.

"Ang cute cute mo talaga, G! Minsan, baliw ka rin but you know what? I wouldn't change you for anything," aniya and just like that, I was back in his arms.

***

Kinabukasan, nagising na lang ako nang may naramdaman akong gumagawa ng kung ano sa leeg ko. Feeling ko nga parang pinapapak na 'yong leeg ko, e. Nagmulat ako at nagulat nang makita si Dwight na may ginagawa roon. Sinubukan ko siyang itulak palayo but to no avail. Feeling ko, ang hina-hina ko pagdating sa kanya or maybe, masyado lang talaga akong maliit? Not.

"Hoy, Dwight! Oo na, gising na ako. Tumigil na nga riyan!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Ipinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya. Actually, feeling ko talaga, sinasadya niya 'to para may maiwan siyang chikinini rito. Pero bago pa siya magtagumpay, tinulak ko ulit siya.

"Hey, what was that for?" Dwight asked me almost innocently. Akala mo, wala talagang binabalak na masama.

"Have some self-control, will you? Alam kong gusto mo na akong mabuntis para masolusyunan na 'yong isang problema natin pero hindi naman dapat ganito, Dwight. I know you're better than that." The moment those words came out of my mouth, parang gusto ko na lang tumakbo palayo kay Dwight. Baliw ka talaga, Georgina! Mali na naman ang pinili mong salita!

"Gano'n ba, G? How better am I? Sabihin mo nga."

Nag-init ang pisngi ko pagkarinig ko sa sinabi niya. Alam na alam talaga ni Dwight kung paano baluktutin ang mga sinasabi ko. I mentally slapped my face to bring me back to my senses.

"Ewan ko sa 'yo! Bumaba na nga lang tayo nang makakain na," pagsusubok kong palitan ang topic ng usapan naming dalawa.

"Tingnan natin mamaya kung gaano ako ka-better. I won't take no for an answer," bulong ni Dwight sa kanang tainga ko at kinilabutan ako dahil doon. Juskolord. Ano na naman bang nangyayari rito sa asawa ko?

Nang tuluyan nang magtino ang pag-iisip ni Dwight, tahimik na kaming pumunta sa dining room. Sinusubukan niyang hawakan 'yong kamay ko pero umiiwas ako sa kanya. Kapag naaalala ko kasi 'yong sinabi niya kanina bago kami lumabas ng kwarto, pakiramdam ko ay mababaliw ako. Hindi ko na yata kakayanin kapag hinawakan niya pa ako.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang marinig ko ang pagsigaw ng bruha.

"Ano ba naman 'yan?! Ayusin n'yo nga yang trabaho n'yo! Mga tonta! Isa pang pagkakamali, makatitikim na talaga kayo!"

"Sorry po, Ma'am," mahinang sagot no'ng isang maid at halatang takot na takot na siya sa bruha. Napansin ko rin ang panginginig ng tuhod niya. Jusko. Kung ganito ang trato sa kanila no'ng bruha ngayon, magiging ganito rin kaya ang trato niya sa akin sa susunod? O mas malala pa kaya rito? Napailing ako bigla dahil sa mga naiisip ko.

"Okay ka lang ,G?" tanong ni Dwight.

"H-Ha? Oo. Gutom lang siguro ako," mahina kong sagot sa kanya sabay ngiti nang pilit. Alam kong hindi naniniwala si Dwight sa naging sagot ko pero hindi na lang siya nagtanong ulit.

"Sa tingin n'yo ba, may magagawa 'yang sorry n'yo ,ha?! My God. Gamitin n'yo nga 'yang mga utak n'yo! Ginagamit 'yan, hindi dini-display!" sigaw ulit no'ng bruha.

Parang umikot ang sikmura ko pagkarinig ko sa mga sinabi niya. Gusto kong tulungan sila pero hindi ko magawa. Napahawak ako na lang ako sa kamay ni Dwight dahil doon and that's when he decided to step in the scene.

"Mommy, chill ka lang. Umagang umaga, o. Manang, iwan n'yo na po muna kami," sabi ni Dwight at naiwan na kami sa dining room. At that time, kinakabahan ako kasi utang na loob naman! Nakatatakot talaga 'yong bruha!

"What's the matter, Mom?"

"They couldn't follow the simplest instructions! Dwight, I wanted everything to be perfect. This is our first breakfast as a family and they had to ruin everything."

"Ma, hindi mo naman kailangang mag-prepare nang bongga para sa amin. Kami lang naman 'to. Besides, ilang araw pa naman kami rito. You could just make it up on the days to come."

"Tita, Dwight is right. You don't really need to prepare something grand, and I'm really used to the stupidity of the people here. Hindi ko nga alam kung paano kayo nakatagal sa kanila, e," pag-singit naman ni Denise at sandamukal na self-control ang ginawa ko para lang hindi ko mairolyo ang mga mata ko. Ayaw ko man talagang mag-stay dito, mas ayaw ko namang palalain pa ang sitwasyon. Mas okay na sigurong makasundo ko 'tong bruha kahit na ilang araw lang.

"Whatever. Kumain na nga lang kayo," sabi or more like utos niya sa amin.

Inalalayan na ako ni Dwight papunta sa isang upuan at umupo na rin siya sa tabi ko. Pagkatapos noon, natahimik na kaming lahat.

Nasa ikatlong subo na ako ng fried rice nang bigla akong may ma-realize. Sobrang moody nitong si Ms. Olivia sa sandaling panahon na nandito kami ni Dwight. Isang beses, sobrang bait at accommodating niya. Pagkatapos, bigla na naman siyang nagiging bruha. Dahil doon, napag-alaman ko na kung bakit lagi ring moody 'tong si Dwight. It must run in their family, right?

Nang matapos kami sa pagkain, wala ni isa sa amin ang may gustong bumasag sa katahimikan. Para bang natatakot kami na makagawa ng kahit anong ingay dahil sa isang pagkakamali lang, may sasabog bigla. Buti sana kung bomba 'yong sasabog, ang kaso, mas malala pa yata roon ang pwedeng sumabog.

Nanatili kaming ganoon hanggang sa 'yong bruha na mismo ang naunang magsalita.

"Georgina, I'm sorry for what I have done a while ago. I guess I overreacted. I should have remained calm, and I know that I did a mistake for acting like that. Please forgive me," aniya at para bang hindi matanggap ng katawan ko 'yon. Nasamid ako bigla sa iniinom kong mango juice.

"G, okay ka lang ba? Anong nangyari? May masakit ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni Dwight.

Tumango lang ako kay Dwight bilang sagot at uminom ako ng tubig. Gustuhin ko mang sabihin kay Dwight na 'yong biglang pagbabago sa attitude ng nanay niya ang dahilan kung bakit ako nasamid, mas pinili ko na lang na ibahin ang usapan.

"Okay lang ako. Huwag ka ngang mag-panic," sabi ko kay Dwight pero parang ayaw niya pa ring maniwala sa akin. Tanong pa rin siya nang tanong kung okay lang ako. Natigil lang ang pagtatanong niya nang umepal si Denise. Na naman.

"Will you stop overreacting? Ang sakit sa mata ng ginagawa n'yo. Oh, my God. I think I'm losing my appetite because of you."

Sasabihin ko sanang mas siya ang nag-o-over react dito pero naunahan na ako ni Ms. Olivia.

"Hush now, Denise. You're the one who's overreacting. It's pretty normal for Dwight to be worried about Georgina. After all, she's his wife."

"Okay lang po ba kung mauna na po akong bumalik sa kwarto namin? Medyo pagod pa rin po kasi ako. Gusto ko po sanang magpahinga muna."

"it's okay. Take as much rest as you need, pero huwag kang matutulog agad, ha? Hindi ko pwedeng hayaang may mangyaring masama sa 'yo dahil sa bangungot or indigestion. Hindi pa pwedeng mabiyudo agad ang anak ko at ayaw kong mawala agad ang una kong apo. Understood?" litanya ni Ms. Olivia at wala na akong nagawa kung hindi tumango sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na wala pa namang apong involved dito. Kapag nalaman niya ang totoo, baka mapatay niya pa ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top