Chapter 3
The morning after was what I dreaded the most. Sobrang saya ang naramdaman ko kagabi na ang sarap sanang hilinging huwag nang matapos ang gabing 'yon. But all good things must come to an end. Kailangan pa rin naming harapin ang problemang pilit kaming hinahabol hanggang ngayon—ang nanay niyang bruha.
"Good morning, G! Nagbago na ba 'yong isip mo pagkatapos ng nangyari kagabi?" deretsong tanong ni Dwight. Sa itsura niya ngayon, parang gusto ko na naman siyang toplakin bigla. Nagtatas-baba ang mga kilay niya at para siyang tanga. At nakaiirita.
"Ewan ko sa 'yo!" sigaw ko sa kanya sabay hatak ng kumot para matakpan ang mukha ko. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kalokohan niya. Sa kabilang banda, tawa naman nang tawa 'tong hinayupak kong asawa.
"Gusto mo ba talagang tanggalin ko 'yang kumot sa 'yo, G? Sagutin mo na 'yong tanong ko."
"Talaga lang, ha," paghahamon ko sa kanya.
"Kaya ko," matapang na sagot niya.
"As if naman." I tried again pero nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kumot at ang paunti-unting pagbaba n'yon sa katawan ko, alam kong wala na akong lusot dito.
"Oo na, oo na! We'll move into the monster's house. God, I hate you so much!"
"No you don't. Halata naman sa nangyari sa atin kagabi kung gaano mo ako kamahal. But don't worry, mahal na mahal din kita," bulong ni Dwight sa akin na sinundan niya ng ilang mabibilis na halik.
Ay, peste! Wala na ba talaga akong choice?!
***
"Tapos ka na bang mag-impake?" tanong ni Dwight sa akin habang nakasilip siya sa pintuan ng kwarto.
"Uhh, yata? Ewan ko. Hindi ako sure," sagot ko sa kanya.
Pumasok naman nang tuluyan si Dwight sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Nang palabas na sana siya, doon ko naisipang pigilan siya.
"Dwight, hindi na ba talaga tayo pwedeng mag-back out? Parang hindi ko talaga kaya."
Binitawan ni Dwight 'yong mga gamit ko tapos tinabihan niya ako sa kama. Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga kamay ko at saka niya ako tiningnan sa mata.
"G, sandali lang naman 'to, e. Ilang araw lang tayo doon tapos babalik din tayo dito. Hindi tayo magtatagal doon," aniya pero alam ko namang pinaniniwala lang din niya ang sarili niya. Kilalang-kilala na namin ang nanay niya at alam namin pareho kung ano ang magiging ending ng kalokohang 'to.
Eventually, umalis na rin kami sa condo ko at dumeretso na kami sa kotse ni Dwight. Tahimik lang kami sa buong biyahe. Siguro dahil na rin sa natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag dumating na kami doon sa bahay ng bruha. Pero ewan. Kinakabahan talaga ako. Alam ko naman kasing hindi talaga ako welcome doon.
Pagdating namin sa bahay nina Dwight, pinagbuksan niya ako ng pinto at hinawakan niya agad ang kamay ko. Alam kong nanlalamig na ang kamay ko pero nang hawakan 'yon ni Dwight, parang feeling ko, bumalik din sa normal ang lahat. Parang bahay lang ng kung sino 'tong pinuntahan namin. Parang wala kaming kahaharaping bruha.
Nang buksan ni Dwight ang pinto ng bahay nila, sobrang awkward ng feeling ko. Nakahilera lahat ng maids nila sa dalawang pila at para bang may hinihintay silang prinsesa. Anong meron?
"Good morning, Sir Dwight and Ma'am Georgina!" pagbati nilang lahat sa amin. Nakangiti silang lahat at hindi ko malaman kung ngumingiti ba sila dahil masaya silang makita kami o kung dahil ba papasok na rin kami sa loob ng impyerno. Well, kung papipiliin ako, mukhang 'yong pangalawang reason ang mas akma sa sitwasyon. Magkaroon ka ba naman ng boss na bruha e 'di parang nasa impyerno ka na rin talaga.
"Uhh, G na lang po," sabi ko sa kanila at natawa ako nang pilit.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Dwight sa kamay ko. Nang tingnan ko siya para sana itanong kung okay lang siya, doon ko napansing hindi pala siya sa akin nakatingin. Sinundan ko ang tingin niya. 'Yong bruha pala.
"I've been waiting for you," aniya habang naglalakad siya pababa ng hagdan. Nang makalapit siya sa amin, niyakap niya agad si Dwight. Laking gulat ko nang yakapin niya rin ako.
Dahil hindi ko alam kung anong ire-react ko, nanatili lang akong nakatayo at nanlaki ang mga mata ko. Alam kong pinipigilan ng mga maid ang pagtawa nila pero nagpipigil din naman ako. Nagpipigil akong huwang sakalin 'tong babae sa harapan ko. Hindi ko talaga alam kung anong pinaplano nitong bruhang 'to, e.
"How are you, Georgina?" tanong niya sa akin habang hawak-hawak niya ang dalawa kong kamay. Sa totoo lang, gustong-gusto kong pisilin nang maigi 'yong kamay niya hanggang sa mabalian na siya ng buto pero hindi ko ginawa. Pero, takte! Sa utak ko, abo na 'yong kamay niya, e. 'Yong tipong nangyari sa katawan ni Professor Quirrell no'ng hinawakan siya ni Harry.
"Okay naman po . . ." Bruha ka. Gusto ko sanang ituloy pero itinikom ko na lang ang bibig ko. Buti na lang talaga at may natitira pang self-control sa katawan ko dahil kung hindi, baka nagkagulo na rito. Ayaw ko naman siyang tawaging mommy. Maisip ko pa lang 'yon, parang nasusuka na ako. Ah, peste talaga! Hindi ko alam ang dapat itawag sa bruhang 'to!
"Mommy. From now on, call me mommy."
"Ah, sige po, mommy," sabi ko and at that moment, gusto ko na talagang tumakbo sa banyo at sumuka. Kasi naman. Nakadidiri talaga!
"Hindi naman po sa nakikialam ako pero anong ginagawa niya rito?" tanong ko sabay turo sa taong ayaw na ayaw ko na rin sanang makita. Kung gusto talaga ng bruhang 'to na mag-stay kami ni Dwight dito, e bakit nandito rin si Denise na para bang tuwang-tuwa sa kamiserablehang nagaganap sa amin ngayon?
"I should really be the one asking that question though. What are you doing here?" tanong ni Denise na pinagtaasan pa ako ng kilay.
Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Ito namang nanay ni Dwight, hindi man lang sinita 'tong pag-a-attitude nitong isa pang bruha. I guess birds of the same feather really do flock together.
"Oh, about that. Denise has been staying here the whole time that Dwight left. Sabi niya kasi, kailangan ko ng kasama rito sa bahay kung sakaling may mangyari. But enough about that. Dwight, pumunta na kayo sa kwarto mo nang makapagpahinga muna kayo ni Georgina. Mukhang napagod siya sa biyahe. Ipasusunod ko na lang sa maids 'yong gamit n'yo," sabi niya sa amin at pumunta na nga kami sa kwarto ni Dwight as instructed.
Pagpasok na pagpasok namin sa kwarto, ni-lock agad ni Dwight 'yong pinto at niyakap niya ako nang mahigpit.
"See? Hindi naman gano'n kasama 'yong sitwasyon, 'di ba?"
"What the hell, Dwight? Kaya ko namang tumira kasama ang isang bruha pero bakit may dagdag pang isa? Hindi mo naman sinabing buy one, take one 'to!" reklamo ko habang sinusubukang kumawala sa pagkakayakap ni Dwight. Imbis na bitiwan ako ni Dwight, mas hinigpitan niya lang ang pagkakayakap niya sa akin.
"G, mag-relax ka lang, okay? Hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama sa 'yo. Saka nagtatrabaho ka naman na kasama si Ate Mae-Mae. Wala ka rin madalas dito kaya hindi mo rin sila makikita."
"Ayan na nga ang kinatatakot ko, Dwight. Wala ako rito para mapalayo ko 'yong ahas na 'yon sa 'yo. Paano kung subukan na naman niyang agawin ka sa akin?" pag-amin ko kay Dwight. Sa totoo lang kasi, kaya kong i-handle 'yong mistreatment na posibleng gawin sa akin ng nanay ni Dwight pero hindi ko na yata kakayanin kung may susubok na namang paghiwalayin kami.
Naramdaman na rin siguro ni Dwight kung gaano ako kaproblemado sa sitwasyon namin kaya iniikot niya ako para nakaharap ako sa kanya. Tiningnan niya ako nang deretso sa mata at sinabing, "G, wala ka bang tiwala sa akin?"
"May tiwala naman ako sa 'yo pero—"
"Then trust me on this one, please? Alam kong matatagalan pa bago ka tuluyang magtitiwala kay Mommy pero kahit ano na lang ang paniwalaan mo. I love you so damn much at hinding-hindi ako gagawa ng bagay na ikalalayo ng loob mo sa akin."
"Ewan ko . . . Dwight, feeling ko talaga may masama pa ring binabalak 'yang nanay mo. I don't think kaya niyang magbago kaagad sa sobrang ikling panahon," sagot ko sa kanya. Nang mag-angat ako ng tingin kay Dwight, I wanted to melt right away. Minsan talaga, hindi ko na malaman kung ano bang ginawa ko para mahalin ako ng isang tulad niya.
"Bakit ganyan ka kung makatingin?" tanong ko sa kanya.
"Masama na bang tingnan 'yong babaeng pinakamamahal ko? G, okay lang na mawala sa akin ang lahat, huwag lang ikaw. Kahit na anong mangyari, ikaw pa rin ang pipiliin ko." I know sobrang corny na talaga minsan ng mga pinagsasasabi ni Dwight pero ewan ko ba. I still felt butterflies in my stomach. Jusme. Kailan ba ako mai-immune sa mga ganitong hirit niya?
"Okay, fine. Wala na nga akong sinabi," sagot ko.
Napangiti siya dahil doon then he closed the gap between us.
Kung magiging ganito ba naman ka-sweet si Dwight araw-araw, okay na rin palang dito kami tumira.
***
The moment we decided na magpahinga at pagnilayan kung ano 'yong mga nangyari sa amin ni Dwight for the past few months, saka naman may biglang kumatok sa pinto. Gustuhin man naming hindi kumilos at magpanggap na wala kaming naririnig, hindi naman namin magawa.
Surprise, surprise! 'Yong bruha na naman ang abala sa aming dalawa.
"Dwight, it's me," sabi ng bruha.
"What is it, Ma?" tanong ni Dwight pero hindi pa rin siya tumatayo sa kama. Nanatili lang siyang nakayakap sa akin na para bang ayaw niyang makita ang sarili niyang nanay.
"Just open up the door, will you?" pagpupumilit ng bruha.
"All right, all right. Coming!" sagot ni Dwight habang nakabusangot ang mukha niya. Alam na alam ko kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon at hindi ko magawang pigilan ang sarili kong matawa. Halata kasing naiinis siya sa istorbo sa aming dalawa.
Dahil wala nang choice si Dwight, tumayo na rin siya para pagbuksan ang bruha ng pinto. To our surprise though, nakasunod na 'yong mga maid at isa-isa nilang ibinaba 'yong mga gamit namin sa sahig. After that, umalis din agad 'yong mga katulong kaso 'yong bruha, naiwan pa rin.
"Uhh, Mommy, may kailangan ka pa ba?" tanong ni Dwight na halatang gustong-gusto nang palayasin 'yong mommy niya sa kwarto.
"I just want to check kung okay na ba kayo rito. Okay lang bang dito kayo, G? May mas malaki pang kwarto rito. If you want, I can ask the maids to prepare it for you," alok niya sa akin pero dahil sa hindi ko alam kung ano ba dapat 'yong isasagot ko, tiningnan ko lang si Dwight. Ang kaso, nakatingin lang din siya sa akin. Anak ng pating naman. Ano 'to? Titigan? Unang kumurap, talo? Bwiset.
"Okay na po kami rito, Mommy. Salamat na lang din po sa offer."
"Oo nga naman, Mommy. Okay na kami rito saka mas gusto ko rito sa kwarto ko. Customized na 'to, e."
"Alright, stay here if you want. I'll go ahead and both of you should get some rest. I'll just ask Denise or one of the maids to call you when lunch is ready."
"Okay, Mom. Thanks!" sagot ni Dwight at halatang pilit lang 'yong ngiti niya.
I tried my best not to laugh baka kasi magtanong pa bigla 'yong bruha pero paglabas na paglabas niya ng kwarto, natawa na talaga ako.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ni Dwight sa akin habang naglalakad siya pabalik sa kama. May nakalolokong ngiti na naman sa mukha niya at alam kong may kalokohan na naman siyang naiisip ngayon.
"Wala lang," tipid kong sagot sa kanya. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Kilalang-kilala ako ni Dwight at alam kong alam niya kung bakit ako tumatawa.
"Talaga lang, ha?" paghahamon niya sa akin. Nang sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin, sinimulan niya akong kilitiin hanggang sa nabalot na ako ng mga braso niya. Hinalikan niya rin ako sa noo sabay sabi ng, "Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka palagi nang tulad nito. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasasaya, G. I love you so much."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top