Chapter 26
"Uhh. Doc, ano po 'yong sinasabi n'yong babies?" tanong ko after recovering from a few minutes of shock.
"Kambal po 'yong anak ninyo. Gusto n'yo na po bang malaman 'yong gender nila?"
"Hindi na po. Pagkapanganak ko na lang po siguro," sagot ko pero hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng doktor. Paanong nangyaring kambal 'yong anak namin ni Dwight? Bakit hindi ko man lang naramdaman? Ang labo.
Dra. Valencia respected my decision. Imbis na sagutin ang tanong ko kung bakit dalawa ang naging baby ko, nagbigay na lang siya ng listahan ng mga dapat kong gawin at iwasan. Pagkatapos noon, nag-ayos na kami ni Mommy. Tahimik na lang kaming dalawa at hindi namin alam kung paano ba talaga dapat mag-react sa nalaman namin.
Paglabas namin ng kwarto, tumayo agad si Dwight sa kinauupuan niya. Nilapitan niya kami tapos tiningnan niya kaming dalawa ni Mommy. Hindi pa rin kami kumikibo at nagsasalita. Hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat. Parang panaginip lang ang lahat. Parang hindi totoo, e.
"Ma, G, anong nangyari? May masama bang nangyari sa baby?" tanong ni Dwight pero hindi pa rin kami sumasagot ni Mommy. "Sumagot naman kayo, o! Kinabahan na ako sa inyo, e."
"Dwight, mali tayo," sagot ko tapos lalong naguluhan si Dwight. Hindi na lang ulit ako nagsalita tapos nagdere-deretso na ako papunta sa parking lot. Sumunod naman agad sina Mommy at Dwight sa akin.
Habang tinatahak namin 'yong daan pauwi, tahimik lang kaming tatlo. Alam kong gustong malaman ni Dwight kung ano ba talaga 'yong nangyayari pero ewan ko. Hindi ko talaga magawang sabihin sa kanya. Dapat nga excited pa ako dahil kambal ang ipinagbubuntis ko, e. Pero ewan. Ang gulo talaga kasi e!
Pagdating ng bahay, ipinaghanda na agad ako ni Mommy ng pagkain. Tahimik lang akong kumain at hanggang sa matapos ako, walang nagsasalita sa amin. Tumabi lang sa akin si Dwight at pinanood ang bawat kilos ko. Hindi siya nagsasalita pero alam ko, gustong-gusto na niyang magtanong tungkol sa checkup.
"G, okay ka lang ba?" tanong niya tapos lumingon ako sa kanya. Halatang-halata na 'yong pag-aalala sa kanya pero imbis na magsalita, tumango na lang ako.
Lumipas 'yong mga araw at hindi na rin nagtanong si Dwight tungkol sa checkup. Bumalik din kaming lahat sa dati. Well ako, mas tumakaw no'ng nalaman kong dalawang baby pala 'yong binubuhay ko. Si Dwight naman, tuwang-tuwa pa na ang takaw-takaw ko tapos bigla akong aasarin na ang taba-taba ko. Bwisit talaga. Kung 'di ko lang siya mahal, hiniwalayan ko na 'to, e!
Sa mga sumunod na checkups ko, hindi na nakasasama si Dwight. Naging busy na siya sa trabaho. Ang dami na rin kasi ng mga meeting na kailangan niyang samahan. Pero si Mommy, kasama ko naman palagi. Pagkatapos ng checkup, dumederetso kami sa mall tapos bumibili ulit kami ng mga gamit kasi kulang pala 'yong mga nabili namin before. Para hindi makahalata si Dwight na ang dami naming pinapamili, itinatago namin sa kwarto ni Mommy 'yong mga gamit ng isa pang baby. Buti na lang, hindi pumapasok si Dwight doon.
And then we finally reached my ninth month of pregnancy. Kung makikita lang siguro ako ni Denise ngayon, malamang, sasabihin niyang mukha akong nakalulon ng jumbo watermelon. Sobrang laki ko na talaga and it seems like I would burst anytime soon.
Dahil tapos na 'yong quarterly director's meeting, nag-leave na muna si Dwight sa trabaho. Lagi na lang niya akong sinasamahan sa bahay.
"G, gusto mo bang mag-movie marathon?" tanong sa akin ni Dwight out of the blue.
Dahil hindi na rin naman ako pwedeng magkikilos ngayon, pumayag na ako sa gusto niya. Kaso no'ng nagsisimula na 'yong pelikula, hinampas ko si Dwight sa braso niya.
"Punyeta ka, Dwight. Gusto mo bang manganak ako ngayon, ha? Ayaw ko ng horror!" sigaw ko sa kanya at pinagtawanan niya lang ako.
Dahil doon, pinalitan din niya agad 'yong pelikula.
"G, sa tingin mo ba ipapapanood ko talaga sa 'yo 'yon, ha? Alam ko namang mahina ka sa horror, e. Itong The Notebook talaga ang ipapapanood ko sa 'yo. Pakiramdam ko kasi, parang ganito 'yong kwento nating dalawa. Nagkakilala tayo dati tapos nagkahiwalay. Nagkita ulit at nagkasama hanggang sa pagtanda. G, gusto kong maging katulad nila—magkasama hanggang sa pagtanda at mahal ang isa't isa. I love you, G," paliwanag niya tapos hinalikan niya ako saglit.
"I love you too, Dwight," sagot ko sa kanya then resumed our movie marathon.
Tahimik lang kaming nanonood ni Dwight tapos no'ng napunta kami sa love scene sa movie, biglang sumakit 'yong tiyan ko. Nang kapain ko ang binti ko, parang may dumadaloy na rin doon. Kinalabit ko si Dwight pero pagtingin niya sa akin, iba 'yong itsura niya. Sira ulo 'to. Wala ako sa mood makipagbiruan, ah! Damn that love scene!
"G, gusto ko mang pagbigyan ka, hindi na pwede. Pagkapanganak mo na lang, okay?" sabi niya sabay kindat. Lalo tuloy nag-init ulo ko.
"Pakshet ka, Dwight! Punyeta! Manganganak na yata ako!" sigaw ko tapos pinagtawanan lang ako ni Dwight. Ano bang akala niya? Nag-jo-joke ako?
"Dwiiiiight! Ayokong manganak dito! Tangina! Dadalhin mo ba ako sa ospital o hindi?" sigaw ko ulit tapos doon lang naintindihan ni Dwight ang lahat.
Tiningnan niya ulit ako at nagsimula siyang mag-panic nang makitang basa na ang kumot namin. Hinablot na niya agad 'yong naka-prepare na gamit ko tapos binuhat na niya ako papuntang sasakyan.
"Manang! Tawagin mo si Mommy dali! Manganganak na si G!" sigaw ni Dwight sa katulong tapos nag-panic mode na silang lahat. Hiniga na ako ni Dwight sa backseat tapos sumakay na siya sa driver's seat. Si Mommy, sumakay na rin agad sa passenger's seat. Di ko alam kung paano niya nagawang makasakay at makapagdala ng gamit niya sa ganoong kabilis na panahon pero whatever. Gusto ko nang makarating sa ospital!
Pagdating namin sa ospital, dinala na agad ako sa delivery room. Sumama si Dwight sa akin tapos sinimulan na 'yong pag-labor. Alam kong dapat kinakabahan ako pero mas kumportable ako ngayon. Hawak lang ni Dwight ang kamay ko tapos chini-cheer or more like inaasar niya ako para lumakas 'yong pag-iri ko.
"G, isipin mo na lang ilang araw ka nang hindi nadudumi! Iiri mo nang todo 'yan!" sigaw niya kaya natawa 'yong doctor at mga nurse.
Ako naman, hiyang-hiya. Sa dinami-rami naman kasi ng pwedeng gawing examples, e! Bakit pagdumi pa?
"Georgina, just hold on a little more. Your baby is almost out. Give me one last push, okay?" Dra. Valencia said and I did just what she instructed.
Ibinigay ko na ang lahat sa pag-iri ko hanggang sa may marinig akong pag-iyak. Pagkatapos noon, nagsimula na ring tumulo ang luha ko. Pagod na yata ako.
"It's a boy!"
"Yes!" sabay na sigaw nina Dwight at ni Dra. Valencia. Halatang may sasabihin pa sana si doktora kaso nagwawala na si Dwight. Langya talaga 'to kahit na kailan!
"Georgina, can you still do it for the second time?" Dra. Valencia asked me at tumango na lang ako sa kanya.
Nagsimula na ulit akong umiri at halatang naguguluhan si Dwight sa nangyayari. Natahimik siya at nakaupo na lang siya sa tabi ko. Hindi ko na siya kinausap pa. Gusto ko nang matapos 'to!
Kahit na wala pa ring reaksyon si Dwight sa nangyayari, umiri pa rin ako nang umiri. Isinama ko na ang inis ko sa kanya sa ginagawa ko. Nang may marinig ulit akong pag-iyak, doon ko naramdaman ang pagkaubos ng lakas ko. Gustuhin ko mang manatiling gising, kusa nang bumagsak ang mga mata ko then everything went black.
Paggising ko, nasa private room na ako. Nakaupo si Dwight sa upuan sa tabi ng kama ko tapos nakasubsob 'yong ulo niya sa may kama. Tulog na tulog siya. Gusto ko sana siyang gisingin pero kailangan niya talagang magpahinga. Dahan-dahan kong iniangat 'yong kamay ko tapos hinaplos ko 'yong buhok niya. Biglang napaangat 'yong ulo niya tapos tiningnan niya ako.
"G, bakit hindi mo sinabi sa akin?" seryosong tanong niya sa akin.
"Sorry. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, e. Nasaan na sila?"
"Nandoon sa nursery. Binabantayan sila ni Mommy. G, alam mo namang excited akong makita 'yong baby natin, 'di ba? Nakatatampo tuloy. Ako lang ang walang kaalam-alam na kambal pala 'yong anak natin. Para akong tanga kanina no'ng iniiri mo 'yong bunso natin," sabi ni Dwight at humaba pa ang nguso niya dahil doon. Langya 'yan. Imbis na ma-guilty ako, natawa ako sa itsura niya.
"G naman, e! Malungkot na nga ako, tapos pinagtatawanan mo pa ako."
"Sorry, Dwight. I can't help it. You look like you just lost your puppy. Pwede ko na ba silang makita?"
"Mamaya na lang. Dadalhin din naman sila dito," sabi ni Dwight sabay ngiti. Kinuha niya na lang din ako ng pagkain tapos sinubuan niya ako. Pinagpipilitan ko na kaya ko namang kumain mag-isa pero ayaw niyang pumayag. In the end, sumunod na lang ako sa gusto niya.
Nagkakatuwaan na kaming dalawa ni Dwight no'ng biglang may kumatok sa pinto.
"Tuloy," sabi ni Dwight at laking gulat namin nang tumambad sa amin si Denise.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Dwight sa kanya pero hindi agad sumagot si Denise. Tiningnan niya muna 'yong kwarto tapos saka siya tumingin sa amin ni Dwight.
"So totoo nga. Nanganak ka na. Kawawang mga bata. Magmamana sa isang katulad mo."
"Aba't talaga naman!"
"G, she's not worth it," pag-aawat agad sa akin ni Dwight. Kainis naman, o. Gustong-gusto ko na talagang patulan 'tong babaeng 'to, e. Kung pwede nga lang na wrestling-in siya ngayon dito, ginawa ko na, e. Akala ko pa naman, tahimik na ang buhay namin. Bakit ba kasi bumalik pa 'tong bruha na 'to?
"Denise, just leave will you?"
"Bakit, G? Natatakot ka ba na biglang mawala 'yong isa sa mga anak mo? Oops. Bago ka mag-react, oo. Alam kong kambal ang anak ninyo ni Dwight. Nakita ko na nga sila, e. Feeling ko nga mas okay kung sa akin sila titira. Pero hindi naman ako ganoon kasama kaya kahit isa lang sa kanila, pwede na."
"Dwight, pigilan mo ko. Uupakan ko na talaga 'tong babaeng 'to," sabi ko kay Dwight tapos nagulat na lang ako kasi biglang tumawa si Denise.
Naguluhan tuloy kaming dalawa ni Dwight.
"Anong tinatawa tawa mo riyan, ha?" tanong ko kay Denise.
"Kayo. Nakatatawa kayo. As in for real? Naniwala naman kayo na kaya kong gawin 'yon? My god. Ayaw ko ngang makulong! Di bagay 'yong ganda ko sa kulungan, 'no. Ang rason naman talaga ng pagpunta ko rito ay para i-congratulate kayo sa kambal. Saka para mag-sorry na rin sa lahat ng ginawa kong trouble sa inyo. Actually, to make it up for all of those, I volunteer to be the ninang of the twins na. Saka ako na rin bahala sa party nila if ever."
Nagkatinginan lang kami ni Dwight. Parang ang hirap kasing paniwalaan, e.
"I know it's difficult for you to believe me but I promise, I'm telling the truth." Denise said then she started walking towards me and Dwight.
"So, friends? Or shall I say . . . kumare?" tanong niya as she offered her hand to me.
I was still having second thoughts on her offer pero sino ba naman ako para tumanggi sa offer niya?
After a while, pumasok na si Mommy sa kwarto. May kasunod siyang dalawang nurse at may narinig kami pag-iyak. Oh shit. Gusto ko na rin yatang umiyak!
"G, here they are. We can't decide yet kung anong pangalan ang ibibigay sa kanila. Sabi ni Dwight, ikonsulta raw muna sa 'yo. Gusto mo na bang mag-decide?" tanong ni Mommy tapos napatingin ako sa kambal.
Tumingin ako kay Dwight tapos tumango lang siya at ngumiti. Tiningnan ko ulit 'yong kambal tapos huminga ako nang malalim.
"The girl's name will be Lauryn Katreena while the boy's name will be Liam Kristoffer," I told no one in particular.
The nurse was writing the names down when Mommy asked me a question.
"Bakit LK 'yong initials nila? Wala namang LK sa inyo ni Dwight, ah?"
Napatingin lahat sila sa akin tapos naramdaman ko 'yong pag-init ng pisngi ko.
"Ang ibig sabihin po kasi ng LK . . . Love Ko," sagot ko tapos wala ng nagsalita.
Totoo naman kasi, e. Love ko silang dalawa. Love ko rin 'yong daddy nila. At kahit kailan, hinding-hindi mawawala 'yong pagmamahal ko sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top