Chapter 25

The next day, nagising ako nang masaya. Hindi ko alam kung dahil maganda lang talaga ang umaga o dahil somehow, out of the picture na 'yong bruha. I'm not sure kung nagsumbong na nga talaga siya kay Mommy o kung babalik pa ulit siya para guluhin kami pero bahala na. Ang importante, wala na siyang magagawa para paghiwalayin kami ni Dwight.

Naligo na ako at nagbihis kasi wala naman na si Dwight sa tabi ko. Pagbaba ko, nandoon na silang dalawa ni Mommy sa dining table. Tuwang-tuwa silang dalawa sa usapan nila. Nahiya tuloy ako biglang makisali sa kanila. It's very rare na makita ko silang dalawa na nakatawa habang nag-uusap.

"Georgina, nandiyan ka na pala. Come join us," biglang sabi ni Mommy kaya mas lalo akong nahiya. Feeling ko kasi, nasira ko 'yong moment nilang dalawa ni Dwight.

"Uhh, okay po," sagot ko tapos tumabi na ako kay Dwight.

As if by instinct, hinawakan agad ni Dwight 'yong kamay ko. Tiningnan ko siya tapos nginitian niya lang ako. Ngumiti na lang din ako sa kanya pabalik.

"How's your sleep?" tanong ni Mommy sa akin.

"Okay naman po. It's much better po if compared to the past few days."

"That's good to hear. You to need to gather as much strength and sleep as possible lalo na't palapit na nang palapit 'yong due date mo."

"Ma, hindi mo naman pinapahirapan si G sa office?" tanong ni Dwight kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya.

"Ow! Bakit ka biglang nangungurot?"

Tinignan ko lang siya nang masama at inirapan dahil sa tanong niya. Natawa tuloy si mommy dahil sa aming dalawa.

"Dwight and I were talking about how the two of you got back together. Who would have thought that fate would find a way para magkabalikan kayong dalawa? Nakatutuwang isipin na handa kayong gawin ang lahat para lang mag-work 'yong relationship n'yo. Sana nagawa ko rin yan before," sabi ni Mommy tapos natahimik siya.

Hinawakan ni Dwight 'yong kamay niya, giving it a little squeeze. "Ma, okay na 'yon. Past is past. Ang importante, kung ano 'yong meron ngayon."

"Tama po si Dwight. Alam ko naman pong gusto n'yo lang na mapabuti si Dwight but at least, we're all okay now. We're finally a happy family."

Napangiti si Mommy si sinabi ko. "I guess so. Georgina, I know you still have doubts with regards to our relationship. After everything that I have done against you before, I couldn't really blame you for thinking that way. But right now, I want to end the truce that I had proposed to you a couple of months ago."

"P-Po?"

"I said I want to end the truce. Georgina, let us start from scratch. Katulad ng sinabi ni Dwight, past is past. Alam kong mahirapan para sa 'yong kalimutan lahat ng nagawa at nasabi ko laban sa 'yo but I guess it's never too late to start anew," Ms. Olivia said then she stood up from her seat.

Nagulat na lang ako nang bigla niya kaming yakapin ni Dwight.

"Ma, itigil mo na 'yang drama. Ang aga pa para rito. Come on, let's eat," Dwight said out of the blue and we just laughed because of that.

***

A couple of months have passed naging okay na talaga kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na rin talaga nagpapakita si Denise. Ang naiisip ko lang na dahilan ay baka nabaliw na siya o kaya naman nag-iisip pa siya ng bagong plano para masira 'yong pamilya ko. Actually, sa ngayon, wala na akong pakialam. Mas marami pa akong dapat isipin at asikasuhin kaysa sa pambubwisit niya. Ang mas importante naman ngayon, masaya ang pamilya ko.

"G, kailan ba ulit checkup mo sa doctor?" tanong ni Dwight sa akin out of the blue.

"Uhhh. Next month pa ang alam ko, e. Si Mommy kasi ang nag-sched noon. Tanong mo na lang din sa kanya," sagot ko sa kanya tapos pagtingin ko sa kanya, nakangiti siya nang pagkalaki-laki.

"Ano na namang nginingiti-ngiti mo riyan, ha?"

"Wala lang. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na magkakasundo na talaga kayo ni Mommy. Akala ko it would take a longer time para maging peaceful talaga tayo. Parang hindi pa lang talaga nagsi-sink in lahat."

"Sus. Ang drama mo. Halika nga rito!" Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Nagulat na lang ako no'ng bigla niyang hinawakan 'yong kamay ko at saka niya ako pinaikot-ikot. "Dwight ano ba! Nakakahilo!"

Natawa lang siya sa naging reaskyon ko. Maya-maya, tinigil niya na rin 'yong pag-ikot niya sa akin tapos niyakap niya ulit ako. Sana ganito na lang talaga ang buhay namin. Masaya at walang problema.

Magkayakap lang kaming dalawa sa kwarto tapos nanonood kami ng movie. Minsan na lang kami makapag-bonding nang ganito dahil may pasok pa rin siya pero hindi naman ako nagrereklamo. Para sa amin din naman 'yong ginagawa niya, e, saka hindi naman ako pinapabayaan ni Mommy. Ang aga niya akong pinagpahinga sa bahay, e. Patapos na 'yong movie no'ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Pagbukas ni Dwight ng pinto, it was Mommy.

"Dwight, G, lunch is ready. Tara na sa baba."

"Sige po, Ma. Sunod na kami," sagot ni Dwight tapos pinause niya 'yong DVD. Inalalayan niya ako sa pagtayo tapos bumaba na rin kami sa dining room.

Tahimik lang kaming kumakain pero contented ako. Hindi na siya katulad no'ng dati na kumakain kami nang tahimik kasi ang awkward ng paligid. Ngayon, tahimik lang talaga kasi kumakain kami. Mas focused kami sa pagkain kaysa sa pagdaldal. Okay din pala talaga 'yong ganito.

"Ma, kailan po checkup ni G?" tanong ni Dwight.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinampas ko na siya sa braso. Paulit-ulit sa pagtanong. Ang kulit-kulit talaga!

"Next month pa, bakit?"

"Natanong ko lang po. Sasama po ulit ako, ah?"

"Sige pero dating gawi. Sa labas ka muna," sagot ni Mommy tapos napasimangot na lang si Dwight.

Natawa ako dahil doon. Sa itsura niya ngayon, para siyang batang inagawan ng candy.

"Bakit ka tumatawa, G? Wala ba akong karapatang sumama sa 'yo sa checkup, ha? Asawa mo pa rin naman ako, ah?"

"Dwight, don't act as if I don't allow you to come in the room after a few minutes. You still get to know the state of your baby," sagot ni Mommy sa kanya at nanahimik na siya pagkatapos.

Looking at Dwight, parang nalulungkot din tuloy ako para sa kanya. First niya rin namang maging magulang pero naipagkakait sa kanya 'yong ibang experiences na dapat siya ang unang makaaalam. Minsan tuloy, feeling ko, ang unfair na namin ni Mommy sa kanya. Sabi ni Mommy, huwag ko na lang daw pansinin ang pagtatampo ni Dwight pero ewan ko. Nalulungkot pa rin talaga ako.

***

Next month came a little faster than expected which means I have to undergo a checkup again. I don't know pero kinakabahan ako. Ilang buwan na rin naman kasi akong buntis. Medyo humihirap na 'yong pagbubuntis ko. Kahit hindi aminin ni Dwight, alam kong nahihirapan na rin siya. Minsan kasi, nahihirapan akong kumilos. O kaya naman, bigla-bigla akong nagigising dahil sumisipa si baby.

Naaawa na nga ako kay Dwight, e. Napupuyat na nga siya dahil sa akin tapos sa umaga, pumapasok pa siya. Hindi ko na alam kung paano niya naba-balance 'yong pagtatrabaho niya at 'yong pag-aalaga niya sa amin ni baby. Minsan nga, gusto ko na siyang patirahin muna sa condo ko para makapagpahinga siya, e. Kahit pagkatapos na lang ng panganganak ko saka siya bumalik. Pero naisip ko, hindi ko rin naman kakayaning wala siya sa tabi ko kaya hindi ko na lang sinasabi sa kanya.

"G, ready ka na ba para sa checkup?" tanong sa akin ni Dwight.

"I think so?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.

"Tara?"

"Uhm. Dwight, pwede bang mag-usap muna tayong dalawa?" mahina kong tanong sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko tapos hinawakan niya 'yong mga kamay ko. "G, kung iniisip mo na nahihirapan na ako sa sitwasyon natin, mali yang iniisip mo. Hindi ko sinasabi 'to para gumaan 'yong loob mo. Totoo 'yong mga sinasabi ko. Alam mo namang mahal na mahal na mahal kita, 'di ba? Sa tingin mo ba, aabot tayo sa ganito kung hindi kita mahal? G, 'yong pagpupuyat, maliit na bagay lang 'yon kung ikukumpara sa lahat ng pinagdaanan natin. Kaya wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano, okay?" sabi niya tapos hinalikan niya ako.

No'ng mga panahong 'yon, wala na akong ibang nagawa kung hindi umiyak. Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko para mahalin ako ng ganito ni Dwight.

"Ssh. Stop crying, G. Tanda-tanda mo na, iyakin ka pa rin," panloloko ni Dwight habang pinupunasan 'yong mga luha ko.

"Kainis ka naman, e!" sigaw ko sa kanya tapos pinagpapapalo ko 'yong dibdib niya.

"G naman. Iiyak-iyak ka pa, gusto mo lang palang man-chansing! Papalo-palo ka pa sa dibdib ko, e," sabat ni Dwight tapos naramdaman ko na lang na nag-init 'yong dalawang pisngi ko. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to! Kanina, seryosong-seryoso tapos ngayon puro kalokohan na naman.

"I hate you!"

"I still love you no matter what you say," sagot niya tapos hinalikan niya ulit ako. Pagkahiwalay niya sa akin, inalalayan na niya ako patayo. Lumabas na kami ng kwarto tapos dumeretso na kami sa sasakyan.

Pagdating namin sa ospital, kinakabahan na naman ako. Alam ko naman na walang masamang gagawin sa akin 'yong doctor saka si Mommy pero kinakabahan pa rin ako. Siguro dahil na rin sa lumalaki na talaga 'yong baby namin. Kaunting-kaunti na lang, mukha na talaga akong nalunok ng buong watermelon na extra large.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Kung pwede lang sigurong paikutin 'tong upuan, ginawa ko na para lang mahilo at makalma ako. Pero hindi pwede, e. Mayamaya lang, napansin ni Dwight na aligaga na ako. Hinawakan niya nang mahigpit 'yong kamay ko tapos nginitian niya lang ako. Dati rati, sa ganoon lang okay na ako. Pero ngayon, hindi pa rin, e.

"Nasaan na po si Mrs. Tanciangco?" tanong no'ng nurse.

Ituturo ko sana si Mommy kaso itinuro na nila akong dalawa ni Dwight. Hindi lang naman ako 'yong Mrs. Tanciangco rito, ah! Ay. Wait. Ex na nga pala si mommy.

"Tara na po, ma'am," sabi niya tapos daha- dahan akong tumayo.

Inalalayan na ako ni Mommy tapos pumasok na kami sa loob ng kwarto no'ng doctor.

"Good morning, Dra. Valencia," bati ni Mommy sa doctor tapos ako, ngumiti na lang. Kinakabahan pa rin talaga kasi ako.

"Good morning, ma'am. How are you, Georgina?"

"Okay naman po. Medyo kinakabahan nga lang."

"Ay nako, doc. You should have seen her a while ago. Kanina pa hindi mapakali 'tong si Georgina sa labas. Sinabi ko namang wala siyang dapat ikatakot, e. Healthy naman lahat ng kinakain niya saka sinisiguro naman namin ng asawa niya na okay siya at ang baby."

"'Yon naman pala, e. If that's the case, then you should not be scared of anything right now. Pero i-check na rin natin sa ultrasound para makasiguro tayo. Higa ka na rito, Georgina," sabi ni Dra. Valencia at sumunod na lang ako sa sinabi niya.

Habang nakahiga ako sa kama, wala akong ibang ginawa kung hindi titigan 'yong screen ng ultrasound. Hindi ko alam na ganito na pala kalaki 'yong baby namin. Parang kailan lang, wala pa siya rito. The heck. Hindi nga namin alam na magkakatoo 'yong balak ni Dwight na try and try until you succeed. While staring at the screen, I didn't even notice that I was crying already.

"Georgina, why are you crying?" tanong ni Mommy.

"Wala po, Mommy. Masaya lang po ako."

Napangiti na lang si Mommy sa sinabi ko at hinawakan niya 'yong kamay ko.

"Healthy naman 'yong babies. Ipagpatuloy n'yo lang 'yong pagsunod sa mga bilin ko before and in no time, makikita mo na rin sila nang personal,"sabi ni Dra. Valencia.

Hindi agad kami nakapagsalita o nakapag-react man lang ni Mommy.

Anong babies ang pinagsasasabi ni doc? Ano?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top