Chapter 24
Lumipas ang mga araw at mas lalong naging okay 'yong relationship namin ni Mommy. Madalas niya akong turuan ng mga pasikot-sikot at binibigyan ng kung anong mga tip para sa office while making sure na hindi ko masyadong pinu-push 'yong sarili ko na magtrabaho. Tuwing may meeting din siya sa labas, she always makes sure na may dala siyang pasalubong para sa akin—pastries, milkshakes, pasta, at kung ano-ano pa. Minsan nga tuloy, feeling ko ang bloated ko na.
"Georgina," I heard her call me while I was sorting the files that the HR has given me.
Dahan-dahan akong tumayo sa upuan ko at naglakad ako papasok sa office niya. "Yes po?"
"Here," sabi niya sabay abot ng isang paper bag. The heck. Pagkain na naman 'to.
"What's this po?" tanong ko habang kinukuha ko 'yong paper bag mula sa kanya. Based sa amoy, mukhang pastry na naman 'to.
"Those are cheese tarts. I saw them on my way here and I think you might like them. Go and eat those with Dwight. Wala pa naman akong susunod na meeting so take a short break muna."
"Oh, okay po. Thank you, Mommy," I told her and did what she said. Pinuntahan ko nga si Dwight with the freakin' cheese tarts. Pagdating ko sa office ni Dwight, mukhang stressed out na 'yong secretary niya.
"Yanna, okay ka lang ba?" I can't help but ask. Para kasing gusto na niyang mambato ng kung ano mang madadampot niya sa table niya.
"Ms. G, nag-away po ba kayo ni Sir Dwight? Jusko. Mababaliw na ako. Kanina pang umaga mainit 'yong ulo niya. Hindi ko na po malaman kung anong gagawin ko."
Napailing ako dahil sa sinabi niya. Okay naman siya no'ng umalis kami kanina, e. Ano kayang problema niya?
"Ako nang bahala, Yanna. Mag-coffee break ka na muna," I told her and gave her a reassuring smile. After that, kumatok na ako sa pinto ni Dwight.
"Sinabi nang wala munang papasok, e!" sigaw ni Dwight without even checking kung sino 'yong pumasok.
I was kind of taken aback dahil sa lakas ng sigaw niya pero I managed to calm myself down agad. I had to do it for both of us. Wala rin namang patutunguhan kung sisigawan ko lang din siya pabalik.
"Calm down, will you? Walang mangyayari kung puro sigaw ka," mahinanon kong sagot sa kanya.
When he heard my voice, napalingon agad siya sa direksyon ko at parang magic na nawala 'yong kunot sa noo niya.
"Kanina ka pa ba rito?" tanong niya sa akin as he walked towards me.
"Kararating ko lang pero si Yanna, pinaalis ko na muna. Nadamay na sa galit mo sa mundo. Nakakunot na rin 'yong noo sa labas kanina," I told him as I wrapped my arms around his waist.
Hinalikan naman ako ni Dwight sa may ulo ko. Nung napansin niyang may dala ako, saka niya ako pinaupo. "Ano na naman 'yang dala mo? Don't tell me, namili ka na naman."
"Uy, hindi, ah! Binigay 'to ni Mommy. Kainin daw natin," sagot ko sabay abot sa kanya ng paper bag.
Agad namang binuksan ni Dwight 'yong lalagyan tapos kumuha na siya ng isang piraso no'ng cheese tart.
"Dwight, balak ba akong gawing baboy ni Mommy? Lagi na lang siyang may dalang pagkain para sa akin. Feeling ko tuloy, ang taba-taba ko na," reklamo ko.
Imbis na pagaanin ni Dwight 'yong loob ko, lalo pa niyang ginatungan 'yong frustrations ko.
"Okay lang 'yan, G. Mas huggable ka naman ngayon, e."
Hinampas ko si Dwight upon hearing his answer. Leche siya. Frustrated na nga ako, dumagdag pa siya!
"Ah, ganon? Pwes, wala ka nang katabi matulog simula mamaya," sagot ko sa kanya tapos tumayo na ako. Maglalakad pa lang sana ako palabas ng office niya no'ng hinawakan niya 'yong kamay ko.
"Ito namang si G, o. Hindi mabiro. Alam mo namang kahit na ano pang timbang mo, mahal na mahal kita, 'di ba? Saka, hindi mo naman kasalanan na nagkaganyan ka."
"Oo. Talagang hindi ko kasalanan. Sino ba kasing may sabi na buntisin mo ako agad, ha?" balik ko sa kanya.
Natawa na lang si Dwight sa sinabi ko tapos inubos na niya 'yong cheese tart.
During the time na nasa office niya ako, I finally found out kung bakit ang init-init ng ulo niya. Apparently, pinagdidiskitahan siya no'ng isang director just because anak siya ng may-ari ng company. Feeling daw kasi no'ng director, walang alam si Dwight sa pagpapatakbo ng company. All he has daw is connections.
"Dwight, you know that's not true. Threatened lang siguro 'yon kasi mawawalan na sila ng say kapag naging formal na 'yong position mo talaga dito sa company. Just focus on your job and let your achievements speak for your credibility," I assured him and finally, he was able to put a smile on his face. Sana lang talaga mag-last 'yong ngiting 'yon buong araw.
***
The rest of the work week went by in a blur. Hindi ko alam kung dahil ba halos walang inuutos sa akin si Mommy kaya hindi ako masyadong nakaramdam ng pagod. Dwight was back to his confident self kaya hindi na rin siya masyadong stressed out. And just like what he promised, we opted to stay sa bahay the whole weekend.
"G, bibili lang ako ng tinapay at kape sa labas ng subdivision. May gusto ka bang ipabili?" Dwight asked.
When I checked kung anong oras na, 7 pm na pala.
"Pandesal lang, please. Saka spanish bread," sagot ko sa kanya kahit na antok na antok pa ako.
"Okay. Matulog ka na muna ulit. I'll wake you up pagbalik ko."
Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot tapos pumikit na ulit ako.
"Papasukin n'yo ako! Hindi n'yo ba ako kilalam ha? Gusto n'yo bang ipasisante ko kayang lahat kay Tita?"
Nagising ako bigla dahil sa pagwawala ng isang babae. Isang babae na kahit isang daang metro ang layo, amoy na amoy ang baho at rinig na rinig ang bunganga. Isang babaeng walang ibang ginawa kung hindi mag-eskandalo.
"Hindi po talaga pwede, ma'am! 'Wag naman na po kayong makulit!" sagot ni Ate Mae.
I took that as my cue para bumangon at babain na 'yong babaeng ang aga-aga kung magwala.
"Ano ba kasi 'yang pinagsasasabi mong hindi pwede? Gamitin n'yo nga yang mga utak n'yo! Ginagamit ang 'yan at hindi dini-display! My god. Tita will be very disappointed. At totoo ba? Ang lakas na ng loob n'yong sumagot-sagot ngayon? Unbelievable. I used to live here!"
"Well believe it," sabat ko sa kanila. Hindi ko na kasi kinakaya ang pagtatalak nitong bwisit na 'to. Dahil sa bigla kong pagsagot, napatingin tuloy si Ate Mae at 'yong bruha sa akin.
"Oh, look who's here. May isa pa palang maid dito. Bakit 'di ka naka-uniform? Gusto mo bang isumbong din kita kay Tita?"
"Denise, would you just shut your mouth? Alam mo, kung magwawala ka rin lang, doon na lang sa bahay mo. Hindi dito. Naturingan kang mayaman pero kapos ka naman sa manners. At ikaw na rin mismo ang may sabi. You used to live here. Past tense na. Marami nang nangyari at nagbago rito simula no'ng umalis ka kaya huwag kang umasa na sasalubungin ka pa namin with open arms at may party poppers dahil lang trip mong bumalik bigla," sagot ko sa kanya tapos nagpipigil ng tawa si Ate Mae. Nakakairita naman kasi, e. Gustong-gusto kong magbawi ng tulog tapos magwawala siya dito.
Bumaba ako sa hagdan at naglakad ako papalapit kay Denise. Aba ang bruha, tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Para bang iniinsulto niya ako gamit ang tingin niya. Well, lumalaki na rin naman talaga kasi ang tiyan ko kaya para na akong nakalunok ng buong melon o maliit na watermelon. Pero kung iniinsulto na niya ako noon dahil sa itsura ko, ano pa kaya ngayon?
"Seriously, what did Dwight see in you?" she asked all of a sudden.
"Tinatanong pa ba yan? E 'di siyempre kung anong wala ka," sagot ko sa kanya tapos tumawa na naman si Ate Mae. Gusto ko na rin sanang tumawa noon kaso baka biglang makasabat 'tong si Denise, e. Mahirap na. Kailangang magtapang-tapangan ako.
"Ugh. You bitch!"
Akmang sasampalin na sana ako ni Denise no'ng biglang dumating si Dwight. He was standing by the threshold of the house when he saw me and Denise.
"Subukan mo lang saktan si G, Denise. Hinding-hindi ka na makatatapak ulit dito."
"D-Dwight?" nauutal na sabi ni Denise. Sa sobrang hindi siya makasagot kay Dwight dahil sa pagka-caught in the act niya, tumakbo na lang siya palabas ng bahay at papunta sa sasakyan niya. Wow lang. Akala mo kung sinong matapang. Tatakbo rin naman pala palayo.
Pagpasok ni Dwight sa bahay, biglang umalis si Ate Mae. Kaming dalawa na lang tuloy 'yong naiwan sa may pintuan. Natatakot ako na ewan kasi nakatingin lang si Dwight sa akin nang seryoso. Hindi man lang siya kumikibo o nagsasalita.
Shit. Hindi naman ako kinakabahan kanina no'ng kami lang ni Denise! Bakit ganito ako kung kabahan ngayon?
"Uhh, pupunta lang muna ako sa kusina para kumuha ng inumin," sabi ko kay Dwight sabay hablot sa pinabili ko sa kanya. Maglalakad na sana ako palayo sa kanya nang bigla niya akong hinatak papunta sa kanya tapos niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit.
"Ano na lang ang mangyayari kung hindi pa ako dumating, ha? Baka kung napaano na kayo ni baby," sabi ni Dwight tapos hindi na lang ako nakasagot. Kasi ewan ko. Imbis na matawa ako o mainis kay Dwight, natuwa ako na nag-aalala siya sa amin ng baby namin. Na mahal na mahal talaga niya kami.
Kanina kasi, ang nasa isip ko lang ay hindi ako dapat magpatalo kay Denise. Na dapat lumaban ako at ako ang manalo. Nawala na rin sa isip kong buntis nga pala ako at baka kung anong gawin sa amin ng bruhang 'yon.
Dahil sa sobrang pagka-guilty ko, hindi na ako sumagot pa kay Dwight. Humiwalay na lang ako sa pagkakayakap niya, nginitian ko siya nang tipid, at hinatak ko na siya papuntang kusina. Wala, e. Nagugutom na talaga ako. Napailing na lang siya no'ng binuksan ko agad 'yong paper bag at nagsimula na akong kumain kahit na hindi pa ako kumukuha ng pinggan at inumin namin.
"G, 'yong totoo. Anong ginawa ni Denise sa 'yo?" tanong niya sa akin habang ngumunguya ako ng spanish bread ko.
"Wala," sagot ko naman sa kanya.
"G . . ." sabi niya tapos nakatingin siya nang seryoso sa akin. Halatang-halata na paranoid na 'tong si Dwight. Para bang ayaw niyang maniwala na wala talagang nangyari.
"Wala nga. Promise! Nagwawala lang siya kanina kasi ayaw siyang papasukin ni Ate Mae. E natutulog pa ako no'n. Nagising tuloy ako. Pagbaba ko, nagwawala pa rin siya. Pinapatahimik ko lang. Tapos ayon. Dumating ka na. End of story."
"Sigurado ka?"
"Yes, sir! Positive na positive kaya wag ka na masyadong nag-iisip ng kung ano ano. Okay?"
"Oo na. Oo na. Kumain ka na nga diyan. Baka ginugutom mo na si baby," pagsuko niya tapos hinayaan na niya akong kumain. Siya na rin 'yong kumuha ng juice ko. The rest of the day went by peacefully. Sana lang magtuloy-tuloy na 'to. Ayaw ko nang makita ulit si Denise dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top