Chapter 21
Pagdating ko ng bahay, dumeretso na agad ako sa kusina para maghanap ng maluluto. Napansin din ng mga katulong na aligaga ako sa pagkakalkal sa ref kaya sila na rin mismo ang lumapit para tulungan ako.
"Ma'am Georgina, ano po bang hinahanap n'yo?" tanong ni Ate Marie.
"Sabi ko po kasi kay Dwigjt, magluluto ako ng dinner. Kaso wala naman po akong maisip na pwedeng lutuin," sagot ko sa kanya sabay sara sa pinto ng refrigerator.
"Ay, ma'am! Kapapalambot ko pa lang po no'ng ground beef kanina. Pwede n'yo pong gawing parang burger steak. May mga bagong biling gulay din po rito. I-steam na lang po natin para gawing side dish."
Pagkasabi ni Ate Marie ng suggestion niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.
"OMG, ate! You're the best!"
"Tara na po, ma'am. Simulan na po natin para maluto rin agad."
True to Ate Marie's words, tinulungan talaga niya ako para mapabilis 'yong pagluluto ko. By the time Dwight arrived at home, nag-aayos na kami ng table.
"Uhh, wait. Patapos na kami ni ate," sabi ko sa kanya at itinuloy ko na ang ginagawa kong pag-aayos sa mesa. Nagulat na lang ako no'ng nagdere-deretso siya ng lakad papunta sa akin tapos niyakap niya ako nang mahigpit. "Dwight . . ."
"I was so worried! Huwag mo nang uulitin 'yon, G. Mababaliw ako nang wala sa oras dahil sa ginawa mo."
"Akala ko kasi, hindi pa rin tayo okay, e."
"We may not be on speaking terms for the past few days but I would kill anyone if something bad happens to you."
"Okay lang naman ako. Nakauwi naman ako nang maayos. Saka—"
"Paano kung may nangyari? G, hindi sa lahat ng pagkakataon, okay ka, safe ka. I wouldn't dare to risk your life and our baby's life dahil lang sa pagtatalo nating dalawa."
I did not even bother to argue with Dwight anymore. Tumahimik na lang ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. He then patted my head lightly and kissed me on my forehead.
"Are you sure you're okay? Wala ka bang nararamdaman? Wala bang masakit sa 'yo?" Dwight asked as he tried to "assess" me.
"Okay lang ako. I swear. Saka halos buong araw kaming magkasama ni Mommy sa office. Puro meetings lang naman siya so halos wala rin akong ginawa. Huwag ka nga masyadong paranoid."
Dwight breathed a sigh of relief when he heard what I did today. Nang mapansin kong kalmado na siya, pinaupo ko na siya at inaya na siyang mag-dinner. We were silent the whole time that we were eating but unlike before, hindi na awkward 'yong katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. No'ng ise-serve na ni Ate Marie 'yong dessert, I decided to tell Dwight my decision.
"Nakausap ko na si Mommy tungkol sa siwatsyon ko. Papasok pa rin ako sa office hangga't kaya ko. She will be training me raw para pagkapanganak ko, ililipat na ako sa HR."
"Ahh . . ." halos walang emosyong sagot ni Dwight.
"Courtney will be moved to another branch of the office na rin pala," dugtong ko sabay subo ng cake. When I looked up to check on Dwight, nakatingin din siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya. "What? Kumurap ka nga riyan at huwag mo akong tingnan nang ganyan! Para kang ewan," panloloko ko sa kanya and he did what I just told.
Dere-deretso siyang kumurap kaya mas nagmukha siyang sira.
"Did you really think na pababayaan ako ni Mommy?"
"Hindi naman sa ganon. Nagulat lang ako na ganoon siya kabilis magdesisyon."
"And why wouldn't I? It's my grandchild's safety that's on the line," biglang sagot ni Mommy kaya nabilaukan tuloy ako. Ni hindi ko man lang namalayan na nandiyan na pala siya.
Agad na tumayo si Dwight para abutan ako ng tubig. Tinapik niya rin 'yong likod ko para mahimasmasan ako sa pagkasamid ko.
"Uy! Dahan-dahan naman kasi sa pagkain! Hindi ka naman mauubusan, e." Hindi ko na pinansin 'yong sinabi ni Dwight at mas nag-focus na lang ako sa pag-inom ng tubig.
Nung um-okay na ako, saka ako gumanti kay Dwight.
"Leche ka! Anong gusto mong palabasin? Na matakaw ako, ha?" sigaw ko sa kanya sabay hampas ng table napkin sa kanya.
Habang iniilagan ni Dwight 'yong bawat hampas ko, napansin kong nakangiti lang sa amin si Mommy. After a while, sinaway niya na rin kaming dalawa.
"Dwight, Georgina, tumigil na kayong dalawa. Finish up your dinner and change your clothes already. Magpahinga na kayo at huwag na kayong magpuyat."
"E kayo po, Mommy? Kakain na po ba kayo? Magpapahanda po ako kay Ate Marie—"
"I already ate during my meeting kanina. I'll go ahead to my room first. Huwag na kayong magpasaway," pag-uulit ni Mommy tapos tumango na lang kami ni Dwight. After that, pumunta na talaga siya sa kwarto niya.
"G, kapag may gusto ka o may nararamdaman ka, tatawagan mo ako agad, okay? Hindi ako pwedeng dumikit sa 'yo buong araw lalo na sa office but please know that I'm only one call away," Dwight said as he held my hand tightly.
I then gave his hand a little squeeze and smiled sweetly at him.
"Come on. Let me clean you up so you can rest," walang pagkurap na sinabi ni Dwight.
Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil doon.
"DWIGHT!!!" sigaw ko sa kanya habang hinahampas ko siya nang paulit-ulit.
"Ano?" tanong niya sa akin na para bang wala siyang ginawang masama.
"Anong ano? Dagukan kaya kita riyan!"
Natawa si Dwight dahil sa sinabi ko. "Ikaw na nga 'tong tutulungan, ayaw mo pa."
"Ewan ko sa 'yo! Linisin mo na nga lang 'tong pinagkainan natin. While you're at it, pakilinis na rin 'yang utak mo. Masyado na kasing marumi," sagot ko sa kanya sabay lakad papuntang kwarto naming dalawa. Habang naglalakad ako, rinig na rinig ko pa rin 'yong pagtawa niya. Hay bwisit! Malilintikan talaga sa akin 'tong lalaking 'to.
***
Weeks passed at mas tumindi 'yong pag-train sa akin ni Mommy. Pinapunta niya na rin ako sa HR namin thrice a week para raw mas matuto ako. I have to admit though that I'm enjoying whatever I'm doing kahit na medyo toxic na siya.
Everything was going smoothly until that incident happened.
"Georgina, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Cherry when I went back to the HR office to get some documents from her.
"Ha? Oo naman, bakit?"
"Namumutla ka, girl. Umupo ka nga muna rito!" sabi niya sa akin.
Paupo pa sana ako no'ng naramdaman kong naduduwal na naman ako. Agad akong tumakbo papunta sa pinakamalapit na restroom. After kong masuka, nag-vibrate bigla 'yong phone ko. It was Dwight calling.
"Hello?" nanghihina kong sagot sa kanya.
"Nasaan ka? Saang restroom 'yan? Puntahan kita." Bakas na bakas sa boses ni Dwight ang pag-aalala. Ayaw ko na sana siyang abalahin over this simple matter kaso alam ko namang hindi siya papayag. Pipilitin niya pa ring puntahan ako.
"16th floor malapit sa HR office."
"Do not hang up, okay? Papunta na ako riyan."
Tumango ako kahit na hindi naman ako nakikita ni Dwight.
Minutes that felt like hours have passed then I finally heard Dwight's voice.
"G! Nandito ka pa ba?"
"Dwight . . ." sagot ko na feeling ko, mas mahina pa sa bulong. A few moments later, narinig ko na 'yong pagkatok ni Dwight sa pinto ng cubicle kung nasaan ako.
"G, buksan mo na 'yong pinto. I'm here," mahinahon niyang sabi sa akin.
I tried my best to fix myself and gather enough strength to open the door. Pagkabukas ko ng pinto, niyakap ako agad ni Dwight.
"Kaya mo pa bang maglakad?" tanong sa akin ni Dwight pero hindi na ako nakasagot pa.
After noon, naramdaman ko na lang na binuhat niya ako palabas ng restroom. Alam kong pagtitinginan na kami ng mga tao but at that time, hindi ko na lang din pinansin. I just closed my eyes and tried to save the remaining strength that I have in me.
By the time I woke up, napansin kong nasa kwarto na kami sa bahay. Tiningnan ko 'yong orasan and that's when I found out na lagpas limang oras na rin pala akong tulog. Napalitan na 'yong mga damit ko at no'ng akmang babangon na ako, biglang pumasok si Dwight sa kwarto.
"Kumusta na 'yong pakiramdam mo?" tanong niya sa akin sabay upo sa tabi ko.
"Mas okay na kaysa kanina," matipid kong sagot sa kanya.
"May gusto ka bang kainin? Ipahahanda ko kina Ate Marie."
"Hmm . . . Gusto ko ng strawberry na binabad sa dark chocolate tapos shake na Yakult na sinamahan ng Oreo at Nutella."
Sumama ang tingin sa akin ni Dwight no'ng narinig niya 'yong mga gusto kong kainin. Hindi ko alam kung jina-judge niya ba ako or what pero hindi na ako nakipagtalo. Basta gusto kong kumain ng mga 'yon.
"Ha? Seryoso ka ba diyan, G?"
"Oo. Gusto ko talaga ng mga 'yon."
"Sige na nga. Ipagagawa ko na kina Ate Marie. Magpahinga ka lang muna riyan," napapailing na sabi ni Dwight. Nung bumalik na siya kasama 'yong mga pagkain na gusto ko, para bang diring-diri siya roon sa shake ko. Bago pa siya magreklamo, kinuha ko na 'yon at sinimulang inumin 'to.
Hay, peste. Bakit ba kasi pasulpot-sulpot 'tong pagsusuka at paglilihi ko? Gusto ko nang matapos 'to, please!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top