Chapter 19
The next few days were filled with light activities. Nag-iikot-ikot lang kami sa area o kaya naman ay nagpapahinga lang kami sa kwarto namin. Pero may isang araw kaming inilaan para puntahan 'yong dream weavers. Nabasa ko kasi ang tungkol sa kanila no'ng naghahanap ako ng mga dapat gawin dito sa Lake Sebu. Pagkatapos kong makapagbasa ng impormasyon tungkol sa kanila, masyado na akong na-fascinate na umabot na sa point na nagmakaawa na ako kay Dwight para lang puntahan namin 'yong lugar na 'yon. In the end, pumayag na rin si Dwight sa gusto ko—as if naman matatanggihan niya ako—at sa kasamaang palad, sobrang laki ng nagastos ko roon.
"Ano bang gagawin mo sa mga 'yan?" tanong ni Dwight nang makita niya 'yong dami ng mga binili ko.
"Uh . . . gagamitin ko?"
"Talaga lang, ha? Parang binili mo na lahat ng items na binebenta nila, e!"sabi ni Dwight na halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Okay, fine. I'm planning to give some away. Nagging kaibigan ko na rin kasi 'yong ibang mga nasa HR at naisip kong bigyan sila ng kaunting pasalubong pagbalik ko sa trabaho."
Pagkarinig ni Dwight sa sagot ko, kumuha pa siya ng tig-iisa ng mga binili ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon.
"Ano?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Para kay Mommy, kay Marcus, saka sa mga maid?" sagot ni Dwight na para bang hindi rin siya sigurado sa sinasabi niya.
Napailing na lang ako dahil doon. Mayamaya lang, kinurot ni Dwight ang pisngi ko at kinailangan kong pigilan ang sarili ko para hindi siya sigawan sa ginawa niya. Ayaw ko namang gumawa ng eksena ngayon dito.
"Saan mo sunod na gustong pumunta?" tanong niya at nag-isip muna ako nang maigi. Pagkatapos ng ilang minuto, I finally came up with something.
"Pwede ba tayong bumalik sa GenSan? Parang gusto ko bigla ng tuna."
Bago pa man magbago ang isip ko, ibinalik na ako ni Dwight sa hotel, inayos na niya ang mga gamit namin and off to GenSan we go.
***
Bukod sa pagkain ng iba't ibang seafood, Dwight decided na mag-ikot-ikot na lang din kami sa area. I was actually thinking na magkukulong na lang kami ni Dwight sa hotel room namin until our flight back to Manila nang bigla siyang magyaya na umalis.
"G, gusto mo bang pumunta sa beach?" tanong niya sa akin habang nilalantakan ko 'yong binili naming tuna kinilaw.
Napahinto ako sa pagsubo ko dahil sa naging tanong niya. "Ha? Beach? Parang wala naman akong nakitang malapit na beach dito no'ng nag-ikot tayo?"
Sa ilang araw na pag-iikot kasi namin, lagi lang kaming sa fish port, public market, at sa ilang mall dito sa area. Wala talaga akong nakitang beach not unless he considered the fish port as one.
"Siyempre, hindi rito. Kung gusto mo, pwede tayong pumunta sa Saranggani. O gusto mo bang dumeretso na lang sa Davao?"
Napaisip ako sa naging tanong ni Dwight. Hindi pa ako nakapupunta sa parehong lugar pero parang mas gusto kong puntahan ang Davao. Ang kaso, may isang bagay na bumabagabag sa akin.
"Hindi ba hassle kung sa Davao tayo pupunta?"
"Approximately three hours by land. But honestly, mas gusto kong mag-book na lang ng flight para mas safe sa kalagayan mo," sagot ni Dwight na para bang pinaghandaan na niya ang mga magiging tanong ko.
Hindi agad ako nagbigay ng desisyon kay Dwight. Hindi ko kasi mapigilang mag-compute kung sakaling tutuloy nga kami sa Davao. Alam ko namang walang issue kina Dwight ang pera kaso parang kalabisan na kasi kapag gumastos na namin kami ngayon.
"G, huwag mo nang isipin 'yong gastos. We're here to relax and have fun. Ngayon na lang naman natin ginawa ulit 'yong ganito. Just enjoy the moment, okay?" pangungumbinsi niya sa akin at wala na akong ibang nagawa kung hindi tumango sa kanya.
Agad na inasakaso ni Dwight ang lahat ng kakailanganin namin. Mula sa pag-aayos ng flight hanggang sa reservation sa hotel sa mismong city at para na rin sa resort, ginawa na niya. No'ng tinanong ko kung saang resort ba kami pupunta, nagkibit-balikat lang siya. Malalaman ko rin naman daw kapag dumating na kami roon.
That same day, lumipad na agad kami papuntang Davao. Akala ko magpapahinga muna kami sa hotel dahil halos pagabi na rin nang dumating kami pero laking gulat ko nang dumeretso kami sa isang port.
"Dwight, bakit tayo nandito? Saan ba talaga tayo pupunta?" hindi ko maiwasang itanong sa kanya.
Katulad kanina, hindi niya pa rin ako sinasagot. Nang makasakay na kami sa barko, doon na ako napaisip lalo. Saan ba ako balak dalhin ng mokong na 'to?
"G, wake up. We're here," rinig kong bulong sa akin ni Dwight.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka ko napansing nasa isla na pala kami. Teka. Isla?!
"Ha? Nasaan na tayo?"
"Sa Samal," matipid na sagot ni Dwight.
Inilibot ko ang tingin ko pero hindi ko na gaanong maaninag ang lugar. Bago pa ako makapagtanong ulit sa kanya, inalalayan na niya ako pababa, pinasakay na niya ako sa tricycle, at dumeretso na kami sa resort na kinuha niya.
Maaga akong nagising kinabukasan. Marahil dahil sa gutom o kaya namamahay ako. Pero nang maramdaman kong wala na si Dwight sa tabi ko, doon ako kinabahan.
"Dwight!" sigaw ko pero wala akong nakuhang sagot. Tinawagan ko 'yong phone niya pero nasa tabi lang din naman ng kama. Nang lumapit ako sa banyo at narinig ko ang lagaslas ng tubig, nakahinga na ako nang maluwag. Dahil alam kong matagal siya sa banyo, hindi ko na siya hinintay at bumili na ako ng pagkain naming dalawa.
"Gising ka na pala," bati sa akin ni Dwight nang makalabas siya ng banyo.
Lumingon lang ako saglit sa kanya at bumalik na agad ako sa pagkain ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Sorry," natatawang sabi niya. Tumabi na rin agad siya sa kinauupuan ko at kumain na rin siya ng almusal.
Pagkatapos naming kumain, naglibot na kami sa resort. Dahil ayaw ni Dwight na magsuot ako ng bathing suit, simpleng t-shirt at shorts lang ang suot ko. Siya naman, naka-sando at shorts din. May ilang tumitingin paminsan-minsan sa amin pero hindi na lang namin pinapansin. Hindi rin nagtagal, nagbabad na kami sa tubig at in-enjoy ang sikat ng araw.
"Excuse me, miss. I'm Mark and you are?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang chinitong lalaki na nakatingin sa akin. Nakalahad din ang kamay niya na para bng hinihintay akong makipagkamay.
"She's married," narinig kong sagot ni Dwight sa 'di kalayuan.
Napailing agad ako dahil doon. Jusko. Ito na nga po. Aatakihin na naman ng selos 'to.
"I'm sorry but is your name Mary?"
"She's married," mas malakas na sabi ni Dwight habang naglalakad na siya papalapit sa amin. Nang makarating siya sa tabi ko, agad niya akong hinapit papalapit sa kanya. "Kung hindi mo naintindihan, kasal na siya. Okay na ba?" halata sa mukha ni Dwight ang pagseselos.
Akala ko makikipag-away pa siya dahil no'ng umalis 'yong Mark ang sama pa rin ng timpla niya. Nang hawakan ko siya sa braso niya, lumingon siya sa akin at doon lang siya kumalma.
"Damn. Ano bang kailangan kong gawin para 'di ka na lapitan ng iba?" napapailing na tanong niya.
Imbis na sumagot, natatawang sumiksik na lang ako sa katawan niya.
***
Nanatili kami ng tatlong araw sa resort. Nilibot din namin ang isla pero mas madalas kaming nasa dalampasigan lang. Nang paalis na kami para bumalik sa mismong city, doon ko na naramdaman bigla ang pagod.
"G, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Dwight.
Nag-aayos na sana kami ng mga gamit namin nang bigla akong mahilo. Muntik na akong tumumba. Buti na lang at nasalo niya ako agad.
"Medyo nahilo lang," sagot ko habang hinihilot ang sentindo ko.
Pinahiga agad ako ni Dwight sa kama at umupo siya sa tabi ko.
"May masakit ba sa 'yo? May gusto ka ba? Tell me."
"Magpapahinga lang ako. Huwag ka ngang OA. Normal lang 'to," sagot ko kahit na alam kong hindi naman susundin ni Dwight.
The whole time, nagpa-panic lang siya up to the point na gusto niya pa akong dalhin sa clinic o ospital. Imbis na makipagtalo pa sa kanya, tinulugan ko na lang siya.
Nang magising ako, nakasubsob sa tabi ko si Dwight. Sa ganoong posisyon na siya inabot ng antok. Tiningnan ko saglit ang orasan at nang mapansin kong malapit na 'yong oras ng alis namin, ginising ko na siya.
"Dwight, gising na," sabi ko habang tinatapik siya sa may braso.
Dahan-dahang nag-inat si Dwight at tiningnan niya agad ako nang maigi. "Okay ka na ba?"
Tumango ako bilang sagot.
Gusto pa sanang mag-extend na lang ni Dwight sa resort pero I insisted na bumalik na kami sa city. Since alam naman ni Dwight na hindi siya mananalo sa akin, pumayag na rin siya in the end.
"Basta kapag may nararamdaman ka, sasabihin mo agad sa akin, okay?"
Natawa ako pagkarinig ko sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung ilang beses na niyang sinasabi 'to sa akin. Ang kulit-kulit talaga!
"Oo na nga. Chill out, will you?" sagot ko sa kanya at doon na siya natahimik. Ngumiti na lang ako sa kanya at ipinikit ko na ang aking mga mata.
Minsan talaga, OA 'tong si Dwight but that doesn't mean I'll love him any less.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top