Chapter 18
After making sure na dala na namin ang lahat ng kailangan namin para sa pagpunta namin sa falls, umalis na kami ni Dwight sa resort. Nag-rent na rin kami ng habal-habal for half of the day and we proceeded with my punishment.
Pagdating namin sa entrance no'ng lugar, nagulat ako kasi ang daming mga turista. Hindi ko kasi ine-expect na marami pala talaga 'yong mag-a-attempt na i-try 'yong zipline. I mean, ako nga, muntik pang makipaghiwalay sa asawa para lang hindi gawin 'to, e. So bakit sila ginagawa nila?
Pagkabayad namin sa entrance fee at para sa zipline, naglakad-lakad muna kami ni Dwight papunta sa ibang areas para tingnan nang mas malapit 'yong iba sa falls. Sabi no'ng guide, Hikong Alo raw 'yong name no'ng unang falls.
"May meaning po ba 'yong name no'ng falls?" hindi ko napigilang itanong.
"Ang ibig sabihin po ng Hikong Alo ay passage," sagot naman no'ng guide sa amin then he proceeded with talking about the falls and the area.
"Kung gusto n'yo pong makita 'yong falls nang mas mabuti, mas okay po kung sasakay kayo ng zipline."
Bumilis bigla 'yong pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi ni kuya. Alam kong pumayag na ako na subukan 'to pero parang nagdadalawang-isip pa rin ako sa naging desisyon ko.
"What's wrong, G?" tanong sa akin ni Dwight. Napansin niya siguro na bigla na lang akong tumahimik.
"Wala. Tinitingnan ko lang 'yong view. Maganda pala talaga rito, 'no?" sagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa falls. Well, half lie lang naman 'yong sinagot ko kay Dwight. Sure, parang gusto ko na lang mag-stay dito buong araw dahil sa ganda ng view. Nare-relax din ako sa tunog ng agos ng tubig pero hindi pa rin talaga kasi mawala sa akin 'yong takot.
"Yup, maganda nga," sagot ni Dwight and when I looked at him, just like every cliche in the world, he was looking at me the whole damn time.
Nag-init tuloy ang pisngi ko dahil doon. "Seryoso kasi ako, Dwight!"
"Seryoso din naman ako? Sino bang may sabing hindi? Tara, punta na tayo sa zipline," sagot ni Dwight sabay ngiti nang nakakaloko sa akin. Jusko po. Pasalamat talaga 'tong lalaking 'to at nasa public area kami ngayon. Kung hindi, nako. Nabugbog ko na 'to nang wala sa oras!
Maglalakad na sana kami papunta sa zipline nang pigilan ko at hiniling ko sa guide na kuhanan muna kami ng picture. Pagkatapos ng ilang shots, handa na akong harapin ang isa sa pinakatatakutan ko—heights.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang kabahan ulit. Alam ko namang saglit lang 'yong parusa este ride na 'to pero feeling ko kasi talaga, 'yong buhay ko 'yong nakasalalay dito. Bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng asawa na ganito ka-adventurous?
"Ready ka na ba, G?" tanong ni Dwight sa akin pagkatapos naming mag-fill out ng waivers.
At that time, feeling ko umiikot na 'yong tiyan at paningin ko. Hindi ko alam kung epekto lang ba 'to ng kaba ko or what. Nung napansin ni Dwight na iba na 'yong itsura ko, nilapit niya ako sa kanya at saka niya ako kinausap nang maigi.
"Okay ka lang ba?"
"Feeling ko magkakasakit ako, Dwight. Nanghihina na yata ako," mahina kong sagot sa kanya.
Hinawakan naman niya 'yong mga kamay ko at saka siya nagsalita ulit. "We're in this together, G. Hinding hindi ko bibitiwan 'yong kamay mo. Higpitan mo lang 'yong hawak mo sa akin kapag natakot ka. Okay?"
Hindi ko na alam kung ano ba talaga 'yong sinasabi ni Dwight pero tumango na lang din ako sa kanya bilang sagot.
Nang matapos na si Dwight sa pep talk niya sa akin, sakto namang tinawag kami no'ng lalaking in charge sa zipline. Hinawakan ulit ni Dwight 'yong kamay ko at saka niya ako nginitian na para bang nagsasabi na hindi niya ako pababayaan. Sinubukan kong ngumiti pabalik sa kanya pero feeling ko, mukha na siyang ngiwi na ewan.
"Teka lang, Dwight," pagpipigil ko sa kanya bagop pa siya makalapit sa zipline station. Nagpapawis na ang mga kamay ko dahil sa tindi ng kabang nararamdaman ko.
"Anong problema, G?"
"Well, habang naghihintay kasi ako sa turn natin, nag-search ako online para i-check kung safe ba talaga para sa akin 'tong zipline . . ."
"And then?"
"Ang sabi, hindi raw advisable sa mga babaeng nasa first trimester ng pagbubuntis na gumawa ng extreme activities katulad nito. Pwede kaming masaktan ng baby dahil sa mga harness at cloth . . ." pahina nang pahina kong sabi sa kanya.
Gustuhin ko mang maging adventurous katulad ni Dwight, ayaw ko na talagang i-risk 'yong safety ng baby namin. Magalit na si Dwight sa pagiging killjoy ko, wala na akong pakialam pa. Iba ang priority ko sa buhay ngayon.
Nang mag-angat ako ng tingin, kitang-kita sa mukha ni Dwight ang pag-aalala. Dahil nasa pampublikong lugar pa rin naman kami at ayaw ko namang makipagtalo sa kanya, nanahimik lang ako at hinintay ko ang magiging desisyon niya.
"Tangina. Papatayin ko 'yang si Marcus," sabi ni Dwight at nang tiningnan ko ulit siya, galit at inis na ang nangingibabaw sa kanya. Inis na inis siya na hindi man lang daw na-consider ni Marcus ang pagbubuntis ko sa kanyang so-called expert opinion. Dahil ayaw ko namang kaladkarin ako ni Dwight pabalik ng Manila para lang patayin 'yong best friend niya, sinubukan ko na lang siyang pakalmahin.
"Dwight, calm down. Pwede ka pa rin namang mag-zipline. Hihintayin na lang kitang matapos. Saglit lang naman 'to, 'di ba? Mag-iikot-ikot na lang muna ako para kumuha ng pictures."
Mukhang hindi kumbinsido si Dwight sa mga sinabi ko kaya nag-isip pa ako ng iba pang pwedeng sabihin sa kanya.
"Come on, Dwight. Just do it. Ang layo na ng biniyahe natin, o. Kahit isa man lang dapat sa atin ang maka-try nito," pangungumbinsi ko sa kanya habang tinutulak ko siya papunta sa zipline station. Kahit na nagdadalawang-isip pa rin siya dahil maiiwan daw akong mag-isa, I still encouraged him to go on with the ride. With a half-baked smile, I nodded my head and off to the zipline he went.
Katulad ng ipinangako ko kay Dwight, nag-ikot-ikot ako sa area nang mag-isa. Bumalik ako sa eco-park para mag-relax at kumuha ng mas maraming litrato. Nang ipikit ko ang mga mata ko at sinubukan kong pakinggan nang maigi ang tunog ng falls, unti-unti akong kumalma. Nanatili ako sa ganoong posisyon nang ilang minuto hanggang sa may marinig akong pag-click ng camera. Pagdilat, may isang lalaking nakatayo malapit sa akin.
"Did you just take my picture?" magkasalubong ang kilay na tanong ko.
"Sorry, I couldn't help it. You really complemented the view so I had to take a pic. Pwede ko namang burahin 'yong picture kung hindi ka komportable," aniya habang naglalakad siya papalapit sa akin. Iniaabot niya sa akin 'yong camera niya para ipakita sana 'yong shot pero ayaw kong makipag-usap sa kanya. Baka magalit kasi si Dwight kapag nakita niyang nakipag-uusap ako sa ibang lalaki. Hindi ko pwedeng hayaang mangyari 'yon.
"Burahin mo na lang tapos umalis ka na," sagot ko nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya and he left without a word.
Sa oras na nilalagi ko sa eco-park, paulit-ulit na nangyayari 'yon—may lalapit at kukuhanan ako ng litrato. Pinabubura ko lang din naman ang lahat ng 'yon. Nagsasawa at naii-stress na rin ako sa nangyayari kaya nagdesisyon na akong umalis na lang muna roon. Maglalakad na sana ako palayo sa mga turistang nandoon nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
"Georgina?"
Nang lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, galing pala iyon kay Andrew—ang nag-iisang lalaking pinagselosan ni Dwight noon.
"Andrew? Wow, hi."
"Long time, no see. Mag-isa ka lang ba rito?"
"Uhh, no. I'm actually with—"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla na lang lumitaw si Dwight sa tabi ko. Agad-agad niyang ipinaikot ang kanyang braso sa baywang ko at hinapit niya ako papalapit sa kanya.
"She's with me," pag-singit ni Dwight.
If looks could kill, he could have killed Andrew several times already. Bago pa man makapagsalita ng kung ano si Dwight na maaaring magpahiya sa aming dalawa, hinawakan ko na ang kamay niya at ipinaliwanag ko na kay Andrew ang sitwasyon.
"We're actually here for our honeymoon. Ikaw, may kasama ka ba?"
"Ah, oo. I'm actually here with my girlfriend. Balak ko sanang mag-propose sa kanya habang nasa zipline kami," nahihiya sagot ni Andrew. Ni hindi man lang niya magawang tumingin sa amin ni Dwight ngayon.
"Oh my god! That is so romantic! Pero siguraduhin mong hindi mo mailalaglad 'yong singsing, ah?" sabi ko sa kanya and he just laughed nervously.
"Ayan na nga 'yong problema ko. Alam mo naman kung gaano ako nanginginig kapag kinakabahan, 'di ba?"
Tumango ako sa kanya bilang sagot. Lumingon naman ako kay Dwight, silently asking him kung may naiisip ba siyang paraan para tulungan si Andrew.
"Katatapos ko lang sa ride at kung gagawin mo 'yon mid-air nang nanginginig, hindi 'yon advisable. Bakit hindi mo na lang gawin 'yong proposal mo after no'ng unang rise? Hindi man siya ganoong ka-cheesy but at least, the ring is safe?" Dwight suggested.
Nag-isip saglit si Andrew pero mas pinili niya pa ring gawin 'yong proposal niya mid-air. Ang sabi niya kasi, he wanted to make the moment special and makukuhanan pa raw ng pictures ng mga camera na na nakapalibot sa area. Seeing that he was really determined to make it work, we just wished him luck and we went on separate ways.
Pagkatapos ng trip namin sa Seven Falls, bumalik na kami sa resort para magpahinga. Ginising ako ni Dwight nang mag-alas singko na ng hapon, saying na kailangan naming umalis para panoorin ang sunset. Akala ko, niloloko niya lang ako, ayon pala, seryoso siya. Pumunta kami sa floating restaurant sa lake at doon kami nag-dinner habang pinanonood ang sunset. Simple lang 'yong setup ng lugar pero pakiramdam ko, nasa isang romantic na pelikula kami ngayon. Dwight's arm was around me and at that moment, everything was perfect.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top