Chapter 16
A few more weeks have passed by and we were down to a day before our wedding. Everything was all set and I was feeling more nervous than ever. Wait lang. Is this even normal?
"G, bakit gising ka pa?" tanong sa akin ni Dwight habang hinahatak niya ako papalapit sa kanya.
"Wedding jitters, I guess," sagot ko naman sa kanya at napabuntonghininga na lang ako.
"G, we're just going to strengthen our relationship with this wedding. What could possibly go wrong?"
"Hindi ko alam, Dwight. Sa ngayon kasi, feeling ko, nakasakay lang ako sa isang walang katapusang roller coaster. Kinakabahan at natutuwa ako at the same time. Gusto ko nang umiyak kasi hindi naman dapat ako nagkakaganito but at the same time, gusto kong ipakita sa 'yo na masaya ako kasi magkakatotoo na 'yong dream wedding natin. Am I even making any sense here?"
"Even if it doesn't make any sense, as long as I'm with you, everything will be alright," sagot ni Dwight tapos hinalikan niya ako sa pisngi ko.
After that, we went back to sleep with a smile plastered on our lips.
The next day, nagising ako nang mag-isa sa kama. Wala na si Dwight sa tabi ko. Tiningnan ko ang lahat ng sulok ng kwarto para i-check kung may traces siyang naiwan but to no avail. Wala siya sa loob ng kwarto at wala na rin lahat ng gagamitin niyang damit para sa kasal.
Oh, wait. Kasal na nga pala namin ngayon! Bakit nga ba hindi ko agad naisip 'yon?
Nang maalala ko na kung ano talaga ang mangyayari sa amin ngayong araw na 'to, tumakbo na ako sa banyo para maligo. I wanted to take my precious time while taking a bath but a couple of minutes have passed at may sobrang OA na kumakatok sa pinto ng banyo. Feeling a little disappointed, drinain ko na 'yong tubig sa bath tub at nagbihis na ako ng pambahay ko.
"Georgina, open the door! We're going to be late!" narinig kong sigaw ni Mommy.
"Ma, hindi mo po kailangang sumigaw. Kumalma ka nga! Mas kabado ka ba kaysa sa akin, e," sagot ko sa kanya at saka ko sila pinapasok ng stylists sa kwarto.
"Go take a seat. Ipaaakyat ko na lang sa isa sa maids 'yong almusal mo. We need to make everything perfect for today."
Pagkarinig ko sa sinabi niya, feeling ko, anytime ay tutulo na 'yong mga luha ko. Hindi ko kasi ine-expect na darating talaga 'yong araw na 'to. Hindi ako makapaniwalang tatanggapin talaga ako ng mommy ni Dwight at siya pa mismo ang mag-aayos ng kasal naming dalawa.
I mean, who would have thought that we would come to this day? A few months ago, kulang na lang ay magbatuhan na kami ng kutsilyo rito sa bahay. Hindi namin matagalan ang isa't isa at tuloy-tuloy ang pagtatalo naming dalawa. And now, we're here. Oh gosh. Nananaginip pa rin ako ngayon, 'di ba?
"Georgina, come to your senses! Hindi ngayon ang oras para managinip ka nang gising! Kumain ka na lang ng almusal mo habang pinag-uusapan pa nila kung anong hairstyle at makeup ang pinaka-okay sa 'yo. Iwan na muna kita sa parents mo. Darating na sila in a few minutes. I have to check on Dwight. I can't have him chickening out at the very last minute, do I?" sabi ni Mommy at natawa na lang ako dahil doon.
Dwight isn't the type of person who would chicken out at a very important occasion, most especially our wedding. Baka nga gusto pa niyang i-skip na lang 'yong ceremony para dumeretso na sa honeymoon, e!
***
Kung may nagsabi sa akin noong magkakaroon ako ng church wedding na inayos mismo ng mother-in-law ko, baka sinampal-sampal ko nang todo 'yong tao na 'yon. That would be the worst joke na pwedeng sabihin ng isang tao sa akin. But hey, who would have thought that it would really be possible? Right now, that wedding is finally coming true.
Habang naghihintay ako sa kotse, pabilis nang pabilis 'yong pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung may ibibilis pa ba 'to ngayon. Kinakain na ako ng pinaghalong excitement at kaba at hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang maglakad sa aisle mamaya.
Pinakakalma ko 'yong sarili ko no'ng hinawakan ni Mama 'yong kamay ko.
"Georgina, relax. This is your big day. Smile and make sure that you take everyone's breath away when you make your way towards your one true love."
"Ma . . ."
"Ay nako. Subukan mo lang talagang umiyak ulit Georgina. Hindi gugustuhin ni Dwight na makakitang parang bangkay ang bride niya mamaya dahil lang sa kumalat 'yong mascara mo sa mata," sinita ulit ako ni mama kaya pinigilan ko ang pagiyak.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung kaya ko pang pigilan ang luha ko. Para kasing hindi pa rin totoo ang lahat at gusto ko na lang umiyak dahil doon.
After a couple of minutes, habang sinusubukan pa rin ng parents ko na patigilin ako sa pag-iyak, biglang may kumatok sa binta ng sasakyan. No'ng binuksan ko 'yong bintana, nginitian agad ako ng wedding coordinator.
"Ms. Georgina, it's time."
Naunang lumabas ng sasakyan 'yong parents ko tapos inalalayan nila ako palabas. Hinawakan naman ng dalawang assistant 'yong dulo ng wedding dress ko habang naglalakad ako paakyat ng hagdanan papunta sa main door ng simbahan. When we reached the main door, every feeling and every moment that I have shared with Dwight came rushing in. After all of the ups and downs that our relationship had, we finally came down to this moment.
"Are you ready?" tanong sa akin ni Papa at tumayo na sila ni Mama sa tabi ko.
"This is all I ever wanted, Pa," sagot ko sa kanya at namumuo na naman 'yong luha sa mga mata ko.
Bago pa makapagsalita ulit si Papa, nagsimula na ang pagtugtog ng kanta sa loob ng simbahan. At that moment, binuksan na rin 'yong pinto ng simbahan at bigla akong na-overwhelm no'ng nakita ko ang lahat ng mga tao sa loob. I looked around to see some familiar faces but after a few seconds, my eyes immediately searched for Dwight. Nakatayo siya sa dulo ng aisle kasama si Marcus at para bang naiiyak na rin siya.
The walk along the aisle felt like a million years. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, feeling ko pabagal nang pabagal ang oras. Gustuhin ko mang tumakbo na lang papunta kay Dwight para matapos ang torture na 'to, hindi ko rin naman magawa. I felt so vulnerable at that moment at baka madapa lang ako kapag tumakbo ako papunta kay Dwight.
Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko no'ng malapit na ako kay Dwight. Bahala na kung masira 'yong makeup ko. Sa ngayon, siya ang pinakaimportante sa akin ngayon. Pagkabigay ng blessings ng magulang ko kay Dwight, lalo na akong umiyak. I cried like I never did before and it was Dwight who wiped those tears away.
"For all it's worth, I love you until forever, G," Dwight said as he held my hand.
Naglakad na kami papunta sa altar and then, the wedding ceremony began.
"Georgina, do you take Dwight as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
"I do."
"Dwight, do you take Georgina as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" The priest asked.
Tiningnan ako ni Dwight sa mga mata at saka siya sumagot ng, "I do."
Every moment that passed by was all in a blur. Hindi ko alam kung paano namin nagawang lagpasan 'yong ceremony pero ang importante ngayon ay 'yong magkasama kaming dalawa. After a few minutes, nagpalitan na kami ng singsing and the priest gave us his blessings.
"Ladies and gentlemen, I present to you Mr. and Mrs. Dwight and Georgina Tanciangco," the priest said after which, Dwight and I sealed everything off with a kiss.
"You're the best thing that has happened to me, Dwight. I love you so much," bulong ko sa kanya.
"And you just gave me the best gift that I could ever receive. This is just the beginning of our forever, G," Dwight answered back.
I knew right then that I made the right choice before. Having him back in my life was the best decision that I have ever made in my life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top