Chapter 15
After that conversation between me and Dwight, nagdere-deretso na 'yong preparations para sa kasal naming dalawa. Nagpatong patong na 'yong schedule para sa rehearsals, fittings, inspections, and food tastings but in spite of that, siniguro pa rin namin na masisingit sa schedule namin 'yong checkup ko with the OB.
"G, kailan nga 'yong next checkup mo sa OB?" tanong ni Dwight sa akin habang kumakain kami ng lunch. It was a Saturday so nasa bahay lang kaming dalawa at sinusulit 'yong time na pwede pa kaming mag-relax.
"Ngayon dapat kaso wala pa si mommy, e. Sabi niya, siya 'yong sasama sa akin sa OB," sagot ko sa kanya at saka ko tiningnan kung anong oras na ba. 2 pm dapat 'yong schedule ko sa doctor at tanghali na ngayon. Hindi ko mapigilang kabahan habang lumilipas 'yong oras. Alam naman naming tatlo na importante 'yong checkup ko ngayon.
"Anong oras 'yong schedule mo?"
"2 pm. Aalis na ba tayo o hintayin pa muna natin si mommy?" tanong ko kay Dwight.
Kapag umalis kami ngayon habang wala pa si mommy, nakikita ko na kung paano siya magre-react. Magagalit 'yon for sure. Sabi niya kasi, siya ang sasama sa akin by hook or by crook. Pero palapit na kasi nang palapit 'yong oras ng checkup ko. Hindi ko naman alam kung anong oras ba siya darating.
"Tapusin mo na 'yang pagkain mo tapos magbihis ka na. Ako na ang sasama sa 'yo. Baka nakaligtaan lang ni Mommy na ngayon 'yong schedule ng checkup mo," utos sa akin ni Dwight na sinunod ko rin naman.
Papunta na sana kaming dalawa sa garahe no'ng biglang bumukas 'yong front door ng bahay. To our surprise, and relief, si Mommy na 'yong dumating at may kasunod siyang apat na katulong na may bitbit na sangkaterbang paper bags at mga kahon.
"Ma, where have you been? Ngayon 'yong checkup ni G sa OB-Gyne. Sabi mo, ikaw 'yong sasama sa kanya pero late ka naman dumating!"
"I'm sorry, Dwight. A friend of mine called and said she wanted to buy some stuff for her grandchild. Bumili na rin ako ng ilang gamit para sa apo ko. Since nandito na rin lang naman ako, I'll just change then we could go," kalmado niyang sagot kay Dwight at dumeretso na siya sa kwarto niya.
Nang tiningnan namin ni Dwight 'yong mga pinamili niya, we were left speechless. True enough, lahat nga ng binili niya ay para sa baby.
A few minutes later, lumabas na si Mommy sa kwarto niya at dumeretso na kami sa sasakyan ni Dwight. Ang daming tumatakbo sa isip ko habang nasa loob kami ng sasakyan. Mas lalo akong kinabahan no'ng dumating na kami sa ospital. Kung alam ko lang na sobrang nakatatakot 'yong checkup ngayon, hindi na sana ako pumayag na samahan nila ako in the first place.
"Good afternoon, ma'am. May I know your name please?" tanong ng secretary sa amin pagdating namin sa room ng OB-Gyne.
"Uhh, Georgina Andrada," lutang na sagot ko sa kanya. Sobrang kinakabahan na kasi ako para maalala na kasal na nga pala ako. Buti na lang, nandito si Dwight sa tabi ko.
"Tanciangco. Her full name is Georgina Andrada-Tanciangco," he corrected as he held my hand. Nang lumingon ako sa kanya, he mouthed, "It's okay. I'm here."
Ngumiti ako nang tipid sa kanya and somehow, everything was becoming more normal.
"Alright, Mrs. Tanciangco. This way please," sabi sa akin ng secretary habang itinuturo niya sa akin 'yong way papasok sa kwarto ng doctor.
Susunod na sana ako sa kanya no'ng narinig ko 'yong sinabi ni Mommy.
"Dwight, stay here. I'll be the one to accompany Georgina inside so that everything will be a surprise for you."
Mommy proved me wrong no'ng inakala kong may kung ano pa siyang binabalak na masama sa akin. With what has happened in the past few weeks, mukhang nagbago naman na talaga siya for the better.
Napag-alaman kong gusto niya lang talagang makasiguro na magiging surprise kay Dwight 'yong resulta ng checkup. Well for one, alam niya pa rin naman kung paano maging nanay at kung paano ba ang process ng pagbubuntis. Of all people, she would be the perfect person to accompany me in a checkup maliban kay Dwight na naghihintay pa rin sa labas na walang kamalay-malay kung ano na ba ang nangyayari sa akin dito sa loob.
I guess this is how it feels to have a monster turn into a mother. Medyo overwhelming but I like it. Sana lang, ganito na kami palagi.
***
Flashback
"Are you ready?" tanong sa akin ni Dwight paglapit ko sa kanya.
"Yes!" sagot ko sa kanya at pumasok na kami sa city hall. Ang tagal kong hinintay 'yong moment na 'to so hindi na ako magdadalawang-isip pa. I would always say yes if he asks me to marry him again and again.
Pagpasok namin sa kwarto kung saan gaganapin ang kasal namin, hindi ko maiwasang mapaiyak. Everything was now falling into place at magsisimula na kami ng bagong yugto sa buhay naming dalawa. As I blinked back my tears away, tiningnan ako ni Dwight at saka niya iniabot sa akin 'yong panyo niya.
"G, huwag ka nang umiyak. Simula pa lang 'to ng happily ever after nating dalawa," sabi niya sa akin habang pinupunasan niya ang mga luha ko.
"Nagdadalawang-isip ka na ba? Pwede ka pang tumakbo palabas, G," singit bigla sa usapan namin ni Marcus. Tiningnan siya nang masama ni Dwight and Marcus just raised his hands in surrender.
"Joke lang! Itong dalawang 'to, hindi mabiro. Both of you deserve to be happy. Congratulations, guys!" pagbati sa amin ni Marcus na siyang nagpangiti sa akin. Tama siya. We deserve this. Pagkatapos ng lahat ng problemang hinarap naming dalawa ni Dwight, oras na para sumaya naman kaming dalawa.
Setting all of my worries aside, I faced Dwight with a smile on my face and said, "Let's do this."
Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na rin 'yong judge na magkakasal sa aming dalawa. Pumunta na kami sa mga pwestong naka-assign sa amin at nagsimula na ang seremonya ng kasal namin ni Dwight.
"Did you bring your rings?" tanong sa amin ng judge.
Inilabas ni Dwight 'yong kahon ng singsing mula sa bulsa niya at saka niya ito ipinatong sa lamesa.
"Do you realize how these rings symbolize this wedding? Rings have no beginnings and they have no ends. Just like these rings, your relationship and your love for one another should not end. It should last for eternity," sabi sa amin ng judge and we proceeded with the exchange of rings and vows.
"G, I know I may not be the best boyfriend or maybe the best husband that you could think of. Nagkakamali ako, nakalilimot ako, and God forbid, baka masaktan din kita. Pero sa kabila ng lahat ng 'yon, gusto kong malaman mo na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa ating dalawa, ikaw pa rin ang pipiliin ko nang paulit-ulit.
"Ikaw lang ang nagpapabilis sa pagtibok ng puso ko at ikaw lang ang kukumpleto sa buhay ko. Ikaw lang ang mamahalin ko buong buhay ko. Sabihin man ng iba na walang forever but with you, I know it does. So, take this ring as a symbol of my love for you. I love you G," sabi ni Dwight habang isinusuot niya sa daliri ko 'yong singsing.
With my tears on the verge of falling again and my hand shaking, kinuha ko 'yong isa pang singsing and then I said my vow.
"Dwight, I may be childish and selfish and foolish for letting you go pero sa kabila ng lahat ng 'yon, nagpapasalamat pa rin ako kasi depsite of all those things, pinili mo pa rin na makasama ako. Hindi mo ako sinukuan.
"Minsan, hindi ko na nagagamit 'yong utak ko at nagiging tanga ako pero tandaan mo palagi na sa puso ko, ikaw lang ang laman nito. I might say and do some more stupid things pero masaya ako kasi nandiyan ka pa rin, trying to be as stupid as me." Natawa 'yong mga tao sa paligid namin dahil sa sinabi ko then I continued, "Dwight, hindi ko man maipakita kung ano ba talaga 'yong nararamdaman ko at hindi man ako magaling sa mga salita pero sa ngayon, ang alam ko lang ay mahal na mahal kita." Bumagsak na ang mga luha ko habang sinasabi ko ang mga katagang 'yon.
Here's to finding our own version of forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top