Chapter 12
"Ms. Olivia, okay lang po ba kung mauuna na po akong umuwi? Masama po talaga kasi 'yong pakiramdam ko," tanong ko sa bruha, not even minding the fact na nandoon pa rin si Dwight sa kwarto.
"Oh, sure. I'll let Courtney finish your job for you. Do you need a car to take you home?" tanong niya sa akin. I'm not sure if she's doing it because I wasn't feeling well or if it's because Dwight was there with us. Either way, I couldn't bring myself to accept her offer. Feeling ko kasi, may kapalit kapag tinanggap ko 'yong offer niya, e.
"I'll just bring her home. Let's go, G," sagot ni Dwight bago pa man ako makatanggi sa offer no'ng bruha.
Dwight held my hand as we went out of his mom's office. Pinag-uusapan na kami ng mga tao sa opisina pero wala pa rin siyang pakialam. Dere-deretso lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa elevator lobby.
"G naman! Sabi ko sa 'yo, sasabihin mo sa akin kapag may problema ka, 'di ba? Bakit hindi mo naman sinabing pinahihirapan ka nila rito?"
"I told you, I can manage it. Ayaw ko namang maging dependent na lang sa 'yo palagi."
"Ganyan ba ang tingin mo sa nangyayari ngayon? Na kapag sinabi mo sa akin 'yong nangyayari sa 'yo, lalabas na sa akin ka na lang umaasa? G, sa dinami-rami ng nangyari sa atin noon, ganoon lang ba talaga ang tingin mo sa sinabi ko sa 'yo?" tanong ni Dwight sa akin. Ayaw man niyang ipahalata, pero alam kong nagulat at nasaktan siya dahil sa nasabi ko.
"Dwight, please. Gusto ko na talagang magpahinga. Mamaya na lang tayo mag-usap," mahina kong sagot sa kanya.
Napabuntonghininga na lang siya dahil sa sagot ko pero hindi na niya ako kinulit pa. Hinawakan na lang niya ang kamay ko habang naghihintay kami sa elevator.
Habang inaalala ko ang lahat ng mga salitang ibinato nina Dwight at Ms. Olivia sa isa't isa, hindi ko maiwasang ma-guilty dahil ako ang dahilan kung bakit lalo silang hindi nagkakaintindihan. May punto rin naman kasi si Ms. Olivia—kasalanan ko rin kung nangyayari ang lahat ng 'to. Wala na kaming ibang ginawa kung hindi magbangayan. Pero kailangan ko nang tigilan ang karereklamo at kasusumbong para sa kapakanan din ni Dwight. Ayaw ko nang magsimula ng iba pang gulo. Quotang-quota na ako.
Pagkagising ko, nakayakap pa rin sa akin si Dwight. Hindi ko na matandaan kung paano ako napunta rito sa kwarto. Ang alam ko lang, hinatid ako ni Dwight pauwi. Tatanggalin ko na sana 'yong pagkakayakap sa akin ni Dwight nang magising siya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nginitian ako nang tipid.
"Do you feel better now?" tanong niya sa akin.
"I think so pero hindi ko matandaan kung anong nangyari kanina," sagot ko at napangisi naman siya dahil doon.
"Sayang naman. Ang ingay-ingay mo pa naman kanina. Buti na lang wala si Mommy dito kasi kung hindi, baka kinatok na niya tayo kanina. I guess, nagpanggap na lang 'yong mga katulong na hindi ka nila naririnig no'ng sumisigaw ka o kaya no'ng umuungo–"
Tinakpan ko na agad 'yong bibig ni Dwight bago pa man niya matapos 'yong sinasabi niya. Nag-init agad ang pisngi ko dahil doon. Nung tiningnan ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, doon ko na natandaan ang lahat. Jusmiyo. Ano na naman ba 'tong napasok ko?!
"Hey, it's alright, G. What we did was pretty normal for a married couple," kalmadong sagot ni Dwight but for all I know, pinipigilan niya lang ang sarili niya na tumawa. Ugh. I hate myself!
"Tigilan mo nga ako, Dwight! Hindi ka nakatutulong!" singhal ko sa kanya. Jusmiyo. Hindi ko na yata siya kayang harapin ngayon.
"Shh now. No one's going to judge you, G. Hindi ko ba nasabi sa 'yo dati na soundproof 'tong kwarto ko? Niloloko lang naman kita no'ng sinabi kong narinig ka ng mga katulong, e."
Wait, what? Seryoso ba siya?
"I hate you! I hate you! I hate you!" sigaw ko sa kanya habang pinipilit na hampasin siya sa dibdib niya.
"Sinungaling. Alam kong mahal na mahal mo ako. What we did earlier was even a proof of that," Dwight answered at napailing na lang ako dahil doon. He really has a way of twisting everything that I say but yes, I love him anyway.
***
Days have passed since that incident in the office. Dahil sa nangyari, palagi akong pinag-uusapan ng mga tao sa opisina. Well, siyempre damay na rin si Dwight saka si Ms. Olivia. Ang dami nilang sinasabi kesyo ang twisted daw masyado ng sitwasyon namin. Pero on the bright side, tinuturing na akong tao ng mga empleyado rito.
Na-suspend si Ms. Courtney for a month dahil sa ginawa niya sa akin. Sinubukan kong makiusap kay Ms. Olivia na iklian na lang 'yong suspension ni Ms. Courtney pero ayaw niyang pumayag. Ang tanging sagot niya sa akin ay deserve naman daw ni Ms. Courtney 'yong suspension niya. Kung ano 'yong grounds, hindi ko alam. Hindi na rin ako nagtanong kahit na feeling ko, may kinalaman 'yon sa akin.
Dahil sa suspension ni Ms. Courtney, ako na lang mag-isa ang gumagawa sa trabaho ng executive assistant ni Ms. Olivia. Noon kasi, si Ms. Courtney ang sumasama sa lahat ng meetings. Ang ginagawa ko lang ay mag-prepare ng documents at sumagot ng tawag para kay Ms. Olivia. Ngayon ko lang tuloy na-realize na hindi pala madali 'tong pinasok ko. Dagdag pa na bruha 'yong amo ko.
Naging mas moody si Ms. Olivia nitong mga nakaraang araw. May times na sobrang istrikto niya tapos grabe kung magpaka-bitchesa. After that, bigla siyang magiging mabait at masayahin. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak niya pero sigurado akong anytime from now, sa akin na naman ang bagsak ng mga stress niya sa buhay.
"G, tapos ka na ba?" tanong ni Dwight sa akin for the I-don't-know-I-already-lost-count time around.
"Hindi pa. Tumahimik ka na lang muna diyan para makapag-concentrate ako dito, please?" pagmamakaawa ko sa kanya but to no avail.
Tinulak na lang ako bigla ni Dwight paalis ng upuan ko tapos nagsimula na siyang gawin 'yong trabaho ko.
"Dwight, no! Mapagagalitan na naman ako ng mommy mo kapag nalaman niyang ikaw ang gumagawa niyan imbis na ako."
"Nonsense. Tinutulungan lang naman kita para bumilis 'yong trabaho mo, e. Ikaw pa rin naman ang gumawa nito."
"Dwight, please. Let me do it," pagmamakaawa ko ulit sa kanya pero imbis na umalis siya sa upuan ko, hinatak niya ako papalapit sa kanya hanggang sa napaupo ako sa binti niya. Sinubukan kong umalis sa pagkakaupo ko sa kanya pero wala. Hinahatak at hinahatak lang ako lalo ni Dwight pabalik sa kanya. We were like that for a few minutes hanggang sa lumabas bigla ng kwarto si Ms. Olivia.
"What on earth is happening? Dwight, go to my office, now!" sigaw ni Ms. Olivia kaya napatingin sa amin 'yong mga tao sa opisina.
Buti na lang mataas 'yong wall ng cubicle ko dahil kung hindi, nakita na ng lahat ang dahilan ng pagwawala ng bruha.
Pagkatapos sumigaw ni Ms. Olivia, bumalik na agad siya sa office niya pero binalibag niya 'yong pinto. Dahil na-shock si Dwight sa nangyari, kinuha ko na 'yon as an opportunity para makawala sa kanya. Tinulak ko na rin siya nang kaunti para matigil na siya sa pagkakatulala niya.
"Dwight, don't let your mom wait," sabi ko sa kanya sabay ngiti kahit na ang totoo, takot na takot na ako. Pero hindi ko naman pwedeng ipakita 'yon sa kanya, 'di ba?
***
Flashback
I always try to avoid any sort of confrontations. Sa dinami-rami ng pagkikita namin ng mommy ni Dwight, I should have known na mas okay na option 'yong pagtikom ng bibig ko kaysa mapahiya nang paulit-ulit. Pero siyempre, dahil hindi ako matuto-tuto, pinaniwala ko ang sarili ko na kapag ipinaglaban ko 'yong pagmamahalan namin ni Dwight, magiging okay din ang lahat. I got that wrong.
A few days after no'ng incident sa bahay ni Dwight na nahuli kami ni Denise at no'ng bruha na magkayakap sa sofa, pinapunta ako ni Ms. Olivia sa bahay niya. May feeling naman na ako na masasaktan lang ako kapag nagpunta ako sa bahay na 'yon pero wala, e. Ang nasa isip ko lang, "Para naman kay Dwight 'to."
Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko 'yon para lang mapakalma ko 'yong sarili ko.
"Georgina," sabi ni Ms. Olivia habang naglalakad siya papunta sa living room.
Tumayo ako sa kinauupuan ko just to show a little sign of respect. "Good afternoon, Ma'am," bati ko sa kanya na agad niyang binalewala.
"No need for niceties here. I guess, alam mo naman na kung bakit kita pinapunta rito so let me get straight to the point. Ilang beses ko nang sinabi na layuan mo ang anak ko. Bakit bumalik ka pa sa buhay niya? And to top that, tumira ka pa talaga sa bahay niya! For goodness' sake, are you that shameless?"
"For once in your life, haven't it crossed your mind that maybe, everything was just falling into place? That just maybe, this was really supposed to happen? That everything was done because of love?"
"Love? Don't tell me that you are capable of doing such thing. I know money smooching girls when I see one. You should have known where you stand, Georgina."
Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako pagkarinig ko sa sinabi ni Ms. Olivia. Tiningnan niya ako nang masama pero mas lalong lumakas ang loob ko.
"Nakatatawa naman pala kayo, Ms. Olivia. Hindi ko akalaing ganyan pala kayo. Of all people, hindi ko po ine-expect na kayo pa talaga ang magpapangaral sa akin tungkol sa love. Hindi ba siya nabura sa dictionary n'yo or something? Kino-control n'yo si Dwight na parang robot. Ipinipilit n'yo siya sa isang babaeng mayaman para lang lumago lalo 'yong business n'yo. Don't tell me that you're doing that for love? Kung 'yan ang definition n'yo ng love, then wow. I guess lalo kayong yayaman niyan," sagot ko sa kanya and that was the exact moment when she chose to hurt me physically.
Sinampal niya ako. Mas malakas 'yong impact niya kaysa sa inaasahan ko and it hurts, a lot.
"Better watch your mouth, Georgina. Higit pa riyan ang makukuha mo kapag hindi ka tumigil. Simula ngayon, I promise to make your life a living hell," pagbabanta niya sa akin tapos iniwan na niya akong mag-isa.
Lumapit agad 'yong mga katulong sa bahay pagkatapos akong iwan no'ng bruha. Inalok nila ako ng cold compress. Tinanggap ko na lang 'yon at nagpasalamat ako sa kanila saka ako umalis sa impyernong bahay ng bruha.
"Para naman 'to kay Dwight. Gagawin ko ang lahat para sa kanya," I told myself as I walked away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top