Chapter 10
I ate in silence after that talk. I mean, sinong matinong tao pa ba ang makakapagsalita pagkatapos no'ng mga pinagsasasabi no'ng bruha? Feeling ko, lahat ng mga balang binaon kong sagot sa kanya, natunaw bigla. Silence ate us up pero kahit papaano, nabigyan ako ng pagkakataong pag-isipan 'yong proposition ng bruha. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. It seems too good to be true for me.
"Alam kong mahirap paniwalaan ang lahat ng mga sinabi ko kanina. Right now, you might be thinking of the plot holes and hidden agendas that I have in mind but Georgina, I'm just giving you what you have asked for. Sabi mo, gusto mo ng kapalit para sa isang test na sa tingin mo ay walang saysay. Now, I gave something in return. Couldn't you just be thankful for that?"
"Fine. Thank you. Okay na po ba?" sagot ko sa kanya. Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko na magtaas ng boses. Kainis naman kasi, e. Ako pa ba talaga ang dapat na mag-thank you rito?
"Georgina, I don't think you're seeing the real reason why I'm doing this. Don't you?"
"Gets ko naman po. Kahit nga itaya ko pa 'yong buhay ko ngayon, gagawin ko, e. So please lang po, tigilan na natin 'tong kalokohan na 'to. Aakyat na lang po ulit ako sa kwarto namin," sagot ko sa kanya. Paalis na talaga sana ako pero bigla siyang nagsalita ulit.
"Georgina, nag-iisang anak ko lang si Dwight. Mag-isa ko siyang pinalaki at nakita ko kung paano siya nasaktan no'ng iniwan kami ng daddy niya. Ayaw ko lang namang mangyari rin sa kanya ang ganoon. Gusto ko siyang maging masaya at magkaroon ng sarili niyang pamilya. Siguro nga, masyadong drastic 'yong mga ginagawa ko ngayon but I just want the best for my son," sabi niya at hindi na ako nakasagot pa. Hindi ko alam na may matindi rin pala siyang hugot sa buhay niya pero ewan ko. Hindi ko pa rin talaga kasi siya kayang pagkatiwalaan nang lubos. Yes, pareho naming mahal si Dwight pero kung ibi-base kasi sa mga nangyari sa amin noon, medyo nakadududa lang talaga kasi 'yong truce na 'to. I guess a little bit of caution won't hurt, right?
***
Nakauwi ng bahay si Dwight no'ng patulog na ako. I was quite surprised na inabot na ng gabi 'yong orientation niya pero ano pa bang ie-expect ko kung ang boss naman nila ay isang bruha?
"G, kumain ka na ba ng dinner mo?" tanong ni Dwight sabay higa sa tabi ko.
"Yup. Nagpaakyat ako ng pagkain kanina kay Ate Ivy."
"Teka. Hindi kayo sabay kumain ni Mommy?" tanong niya sa akin at para bang gulat na gulat pa siya.
"Feeling ko kasi, hindi ko kakayaning sumabay kanina sa kanila ni Denise. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Kung kailan ba tayo pwedeng umalis dito. Kung kaya ko pa bang tiisin 'yong ugali niya. Kung tatanggapin ko ba 'yong job offer niya. At marami pang iba."
"Anong job offer 'yong sinasabi mo?"
Dahil nadulas na rin lang ako, kinuwento ko na kay Dwight 'yong naging pag-uusap namin ng nanay niyang bruha. As much as possible, iniwasan kong sabihin sa kanya 'yong part na kailangan kong mag-take ng fertility test bilang kapalit no'ng job offer ng nanay niya. Well, hindi pa rin naman ako ganoong kadaldal at lalong hindi naman ako sumbungera para i-report lahat ng ginagawa no'ng bruha. Besides, ayaw ko rin naman siyang ma-pressure na magkaanak agad kaming dalawa. He's already stressed out with what's happening between me and his mom. Ayaw ko namang makadagdag ulit. At saka ang bata pa rin naman naming dalawa. So, why the rush?
Dwight, being as systematic as he is, listed down the pros and cons kung magtatrabaho man ako para sa mommy niya. When the pros outweighed the cons, pinayagan na rin ako ni Dwight na subukan 'yong trabaho. Sabi naman niya, kahit papaano, experience pa rin naman 'yong makukuha ko. Experience is the best teacher naman daw. Hindi ko nga lang masabi sa kanya na okay naman na 'yong experience ko sa trabaho ko ngayon at ayaw ko ring ma-experience 'yong hell kasama ang nanay niya. For his sake, I just agreed with him.
"G, kung magkakaroon ka man ng problema sa opisina, tawagan mo lang ako agad. You know I'll be there for you no matter what. Even if I had to fight for you against the world, I'll do it. That's how much I love you."
"Alright, alright. I get your point. Hindi mo naman kailangang maging cheesy!" sagot ko kay Dwight tapos natawa na lang siya sa naging reaksyon ko.
After that, natulog na lang ako.
Georgina, brace yourself. You're in for a fight.
***
Morning came at nagising ako sa sandamukal na unread messages at missed calls galing kay Ate Mae-Mae. Agad akong napamura dahil doon. Sa malamang, natanggap na niya 'yong resignation letter na ginawa ko. Oh god. Sana lang talaga, maintindihan niya 'yong sitwasyon ko.
As I held my breath, isa-isa kong binuksan 'yong messages ni Ate Mae-Mae.
Ate Mae-Mae
Georgina!!!!
What on earth just happened?
Bakit may pinadala ka bigla na lawyer dito office???
Sabi niya he's representing you?
I mean WHAT THE HELL???
Binigay niya sa amin 'yong resignation letter mo!!!
Nag-o-offer pa siya ng pera para sa damages.
I mean, gets ko naman na wala kang problema sa pera pero
He's even offering us some money for damages.
WHAT THE EFFIN HELL???
Tawagan mo agad ako kapag nabasa mo 'yong messages ko.
I'll try to understand your situation but please . . .
Please call me.
If text messages could talk, I swear rinig na rinig ko na 'yong pagsigaw ni Ate Mae-Mae ngayon. Nai-imagine ko na rin 'yong facial expressions na maaaring mabuo sa mukha niya sa bawat mensaheng ipinadala niya. Feeling a little guilty, sumagot na rin ako sa messages niya.
Georgina
Hi Ate. Sorry I missed your calls.
About the resignation letter, I'm really really sorry.
Something came up and I needed to resign.
Sorry for not giving it to you in person.
A few minutes after kong i-send 'yong reply ko kay Ate Mae-Mae, tumatawag na agad siya sa akin. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko pero napaka-impolite naman kung hindi ko sasagutin 'yong tawag niya, I picked it up.
"Hello, ate?" mahina kong sagot sa kanya.
"Georgina! What on earth happened?"
"Simply put, dahil sa mother-in-law ko," sagot ko sa kanya and silence enveloped us right after.
Alam ni Ate Mae-Mae 'yong sitwasyon ko sa bruha. Ang dami ko nang nai-rant sa kanya simula pa noong college kami. Kaya kahit hindi ko i-explain sa kanya 'yong buong sitwasyon, alam kong mage-gets na rin niya 'yon agad.
Dahil wala pang isang buwan simula nang magtrabaho ako sa kompanya, sinabi na ni Ate Mae-Mae na hindi 'yon magandang tingnan sa resume ko. Sinubukan niya pa ngang pigilan ako sa pag-alis pero sa huli, sumuko na rin siya. Imposible rin naman kasing manalo laban sa nanay ni Dwight. Wala na rin silang magawa lalo pa't nandoon na nga 'yong company lawyer na pinadala ng bruha.
"I'm really, really sorry for what happened, ate. For all it's worth, I really had fun at ang dami kong natutunan sa saglit na panahong nagtrabaho ako riyan. I wish I could have stayed longer pero imposible na talaga sa ngayon, e. Salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo."
"Ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan ko na talagang tanggapin na hindi na kita makikikita sa cubicle natin simula ngayon. Stay strong, Georgina, okay? Kapag may nangyaring hindi maganda sa 'yo sa kompanya ng nanay ni Dwight, huwag na huwag kang mag-dalawang-isip na bumalik dito. Iwe-welcome ulit kita with open arms."
"Thank you, ate. I really appreciate it."
Natapos ang tawag nang mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko. How I wish I could really stay there longer though.
***
The results of the stupid fertility test were undeniably normal. No'ng nakita nga 'yon ng bruha, tinanggap na lang agad niya 'yong results. Hindi na rin sumagi sa utak niya na kumuha ng second opinion. At that same day, dinala na rin niya ako sa opisina nila. Feeling a little underdressed, nagsimula akong paglaruan 'yong hem ng t-shirt na suot ko.
"What's the matter, Georgina?" tanong ng bruha.
"Wala po."
"Hindi ka magkakaganyan na parang ewan kung wala lang 'yan. Kailangan bang insultuhin muna kita bago ka magsasalita nang matino, ha?"
"Uhh . . . no?" sagot ko sa kanya as calm as I could pero ang totoo, sobrang kinakabahan ako.
"Alright, then. Let me say it to you. One, mukha kang stressed out. Parang pinasakay ka sa roller coaster nang sampung beses. Pangalawa, 'yong suot mo ay mukhang basura. Kailangan mong ayusin 'yong sarili mo bago ka pumunta sa opisina," sabi niya sabay turo sa lahat ng bagay na sa tingin niya ay mali sa akin. Pagkatapos niyang tumuro mula ulo hanggang paa ko, nagbigay siya ng instructions sa driver niya.
"Danilo, please drop by at Shenel first. Someone badly needs a make-over," sabi niya kay Kuya Danilo and then she rolled her eyes.
Nag-init bigla 'yong pisngi ko dahil sa sobrang hiya. Kailangan ba talagang sabihin niya kay Kuya Danilo na kailangang-kailangan ko ng makeover? I get it. Madalas, mukha naman talaga akong basura pero 'yong ishe-share niya pa sa iba, medyo sobra naman na yata 'yon.
True to what she said, nagkaroon ako ng sapilitang makeover. Pinaayusan niya 'yong buhok ko tapos pinalagyan niya ako ng makeup. Okay na sana ang lahat pero nagkaproblema kami bigla no'ng kinailangan ko nang isukat 'yong mga damit na pinili niya para sa akin.
Sa bawat damit na isusukat ko, meron siyang negative comments. Mukha raw akong mataba sa Dress A. Mukha akong multo sa Dress B, etcetera, etcetera. Pitong bestida na 'yong nasusukat ko pero wala pa ring pumapasa sa so-called standards niya. Hindi ko alam kung totoo ba 'yong sinasabi niya o kung pinagti-trip-an niya lang ako. Either way, mas nararamdaman ko na 'yong pagod sa bawat paglipas ng oras.
Pagkalabas ko ng dressing room habang suot-suot 'yong pang-walong bestida na napili niya, hindi ko na napigilan 'yong sarili ko na magreklamo.
"Hindi po ba pwedeng pumili na kayo ng isang bestida? Pagod na pagod na po ako, utang na loob!" sigaw ko kaya napatigil lahat ng tao sa shop.
Naka-resting bitch face pa rin 'yong bruha and I swear, muntik ko na talagang ibato sa kanya 'yong heels na suot ko.
"That's the dress that I'm talking about! Martina, please prepare the receipt. We're getting this one," sabi ng bruha sabay tayo sa kinauupuan niya at lumabas na siya sa kwarto. Teka nga. Patience test lang ba 'to, ha? Kung patience test man 'to, bagsak na yata ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top