Chapter 1
Disaster. Ganyan ko pwedeng i-describe kung paano nagtapos 'yong graduation namin ni Dwight. 'Yong event na supposedly solemn at masaya, sinira lang naman ng nanay ng lalaking pinakamamahal ko. Ay, wait. Asawa ko na nga pala siya ngayon.
So, paano nga ba kasi napunta ang lahat sa ganito?
Ganito kasi 'yon. Si Dwight na asawa ko, may nanay siyang bruha. Ayaw ng bruha sa isang anghel na katulad ko. Mas gusto niyang ipakasal si Dwight sa isang bruhang katulad niya na itatago natin sa pangalang Denise. And so, nagpakasal kami nang palihim ni Dwight. At katulad ng sinabi niya sa harap ng maraming tao, buntis daw ako pero ang totoo, hindi. Dahil doon, gusto na ng bruha na doon kami tumira sa bahay niya.
Peste. Ang saya lang, 'di ba? Not.
So, nasaan na nga ba tayo?
Ah, sa dulo ng graduation namin. Pagkatapos ng lahat ng disaster na nangyari, napagdesisyunan namin ni Dwight na i-cancel na lang lahat ng plano naming dalawa. Supposedly, magse-celebrate talaga kami kasama si Marcus at ang iba pa naming mga kaibigan kaso nawala na kami sa mood. Masyado kasing killjoy 'tong nanay ni Dwight. Kaya ayon. Kumain na lang kami sa isang restaurant malapit sa school at dumeretso na kami pauwi sa condo.
Sa totoo lang, wala naman na sigurong matinong tao ang magkakaroon pa ng lakas ng loob na mag-celebrate at mag-party pagkatapos ng nangyari kanina. The heck. Kahit sino, hindi matutuwa kapag nalaman nilang titira na sila kasama ng isang bruha.
Since bumalik na rin sa ibang bansa sina Mama at Papa, solo na ulit namin ni Dwight 'tong condo. Pagpasok na pagpasok namin, sumalampak na agad ako sa sofa at doon na ako nagsimulang magwala.
Option A
"Ang lalim ng iniisp mo," sabi ni Dwight pagkaupo niya sa tabi ko. No'ng hinawakan niya ang kamay ko, doon ko na ako napabuntonghininga.
"Anong gusto mong gawin ko? Mag-rejoice at magpa-party dahil sa offer ng nanay mo? Utang na loob naman, Dwight! Ayaw ko pang mamatay. Kaga-graduate lang natin, tapos ganito? Diyos ko. Kung hindi tayo makapag-iisip ng paraan kung paano malulusutan 'to, hindi ko na rin maisip kung ano ang posibleng mangyari sa ating dalawa! For sure, kapag tumira tayo doon, para na rin tayong tumira sa impye—"
Hindi ko na natapos ang litanya ko nang halikan ako bigla ni Dwight. Nanlaki ang mga mata ko at bago pa ako makapagsalita ulit, tinakpan naman niya ng daliri niya ang mga labi ko.
"Wait nga lang, G. Huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi pa nga natin tinatanggap 'yong offer ni Mommy, e," kalmadong sagot ni Dwight na para bang wala kaming kinahaharap na problema ngayon.
"Seryoso ka ba, Dwight? Sa tingin mo ba, susuko na lang nang basta 'yang nanay mo? Hindi siya naturingang bruha para bigla na lang siyang sumuko nang basta-basta. Please naman, Dwight. Nagmamakaawa na ako sa 'yo. Gumawa ka ng paraan! Kasalanan mo naman 'to, e. Sinabi mo sa kanya na buntis ako kahit hindi naman talaga," patuloy ko sa litanya ko.
Eventually, napagod na rin si Dwight sa kangangawa ko at pumasok na siya sa kwarto niya. Naghintay ako ng ilang minuto sa kanya para sabihin sa 'king magiging okay rin ang lahat at huwag na akong mamoblema. Pero naglahong parang bula ang pag-asa ko nang hindi na siya lumabas pa sa kwarto. Nagkulong na lang siya roon at pinabayaan na niya ako.
So gano'n na lang ba 'yon? Ako pa ba ang may mali ngayon? Pero nakaiirita naman kasi! Iniisip ko pa lang na titira kami sa bahay ng bruha, feeling ko, mamamatay na ako. Alam ko namang dapat sanayin ko na ang sarili kong tawagin siyang 'Mommy' or whatsoever kaso ewan. Hindi ko talaga kaya. Ini-imagine ko pa lang kasi, parang masusuka na agad ako.
Minutes have passed pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Dwight. Dahil doon, pumasok na lang din ako sa kwarto ko. Mukha namang wala nang balak si Dwight na pakinggan ang mga hinaing ko. Kung ayaw niyang makinig sa akin, e 'di fine! Wala na rin muna siyang asawa ngayon.
***
Kinabukasan, umaasa akong maiintindihan na ni Dwight 'yong point ko. Ang kaso, sino nga ba ang niloloko ko? At the end of the day, pipiliin pa rin naman ni Dwight na pasiyahan 'yong nanay niya. At mas lalo lang sumama ang loob ko.
"G, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Dwight sa akin pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto.
Pinigilan kong matawa nang makita ko ang itsura niya. Heto ako, mukhang sabog na dahil hindi man lang ako nakatulog nang maayos pero siya, parang fresh na fresh pa. Para bang wala man lang siyang iniisip na problema. Pambihira.
"Parang hindi naman na kailangan, Dwight. Nakapagdesisyon ka naman na, 'di ba?" deretso kong sagot sa kanya. Hindi ko na kailangan pang hintayin 'yong confirmation niya. Halatang-halata naman na kasi sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin.
"G naman . . ." pakiusap ni Dwight sa akin habang naghahanda akong magluto ng almusal ko.
Ni hindi ko na nga siya magawang tingnan. Wala rin naman kasing patutunguhan 'yong pag-uusap naming dalawa. Ang ending lang nito, kahit na anong ikot pa ang gawin namin, papayag at papayag kami sa gusto ng mommy niya. At hinding-hindi ako makapapayag doon kahit na umabot pa kami sa impyerno. So, mas okay na ring magpanggap na wala akong kasama ngayon.
Pagkatapos kong kumain ng almusal nang mag-isa, bumalik ako sa kwarto ko para mag-print ng ilang kopya ng résumé ko. Gusto kong gawing productive ang araw ko by applying for a job. Supposedly, ang gusto ni Dwight ay mag-stay na lang ako sa bahay since kaya niya naman akong buhayin pero hindi ako pumayag. I mean, ano pang point ng pag-aaral ko sa magandang school kung mabubulok lang din ako sa loob ng bahay, 'di ba?
"Saan ka pupunta?" tanong ni Dwight sa akin nang makita niya akong nakasuot ng long sleeve top na ipinares ko sa paborito kong black slacks at high heels.
Imbis na bigyan ko siya ng matinong sagot, nagkibit-balikat na lang ako at naglakad papuntang main door. Pero bago pa man ako makalabas, naramdaman ko na ang kamay niya sa balikat ko.
"G, come on. Magiging ganito ba talaga tayo? Kakakasal pa lang natin, o."
"Exactly the point. Kakakasal lang natin so bakit kailangan nating lumipat sa bahay ng nanay mo? We should be enjoying each other's company, maghanap ng trabaho, o kaya subukang bumuo ng pamilya. Pero ano? Sinusubukan n'yo ng nanay mo na ikulong ako sa bahay na 'yon. Salamat na lang, Dwight, pero wala sa plano ko sa buhay ang mabulok lang sa loob ng bahay," sagot ko sabay tanggal sa kamay niyang nakapatong pa rin sa balikat ko. Mabilis na rin akong naglakad palabas ng condo bago pa tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
The rest of my day passed by in a blur. Nagawa kong magpasa ng applications, mag-take ng exam, at mag-interview sa tatlong kompanya. Ang kaso, lahat ng mga 'yon, puro generic lang ang ibinigay na sagot sa akin—tatawagan daw nila ako after a few days. Ayaw ko naman nang umasa masyado kaya naglista na lang din ako ng iba pang mga kompanyang pwede kong puntahan sa susunod na mga araw.
Pagkauwi ko sa condo, nagulat na lang ako kasi madilim pa rin. Wala pang nakabukas na ilaw. Usually, binubuksan na ni Dwight ang ilang ilaw pagpatak ng alas singko. 6:35 na ngayon. Nasaan ba 'yong lalaking 'yon? Hahanapin ko sana 'yong switch nang biglang may humablot sa akin sa baywang ko. Kasabay ng pagsigaw ko, hinampas ko nang hinampas kung sino man 'yon.
"Ow! G, stop!" sigaw ni Dwight sabay bukas ng ilaw.
"What the hell, Dwight? Ano bang pinag-iiisip mo? Alam mo namang ayaw ko sa mga ganito!" Sinamaan ko agad siya ng tingin habang paunti-unting lumalayo sa kanya. God knows kung gaano ko siya gustong lapitan at yakapin pagkatapos ko siyang makitang nasaktan, pero hindi ko talaga mapigilang magalit sa kanya. Diyos ko. Normal pa ba 'to?
"Sorry na, G. I wasn't thinking straight. Gusto lang naman kitang surpresahin for dinner," sagot ni Dwight habang pinipigilan ang sarili niyang hatakin na naman ako para sa isang hug.
"Whatever. Nawalan na ako ng gana."
"G, hindi ka pwedeng magpalipas ng gutom. Kahit hindi na tayo mag-usap. Kumain ka lang, please?" pagmamakaawa ni Dwight at nang tumingin ako sa kanya, I just found myself walking towards the dining table. Kahit na gaano kalaki ang galit ko kay Dwight ngayon, I guess, hindi ko pa rin talaga kayang makita siya na gano'n ka-desperado.
"Kamusta ang araw mo?" tanong ni Dwight habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
Saglit ko siyang tiningnan at agad siyang humingi ng dispensa. Sa totoo lang, gusto ko naman talagang ikwento kung ano ang nangyari sa araw ko. Gusto kong sabihin na ang hirap palang maghanap ng trabaho. Kaso bago pa man ako makapagsimula, feeling ko, naputol na 'yong dila ko.
"Napagod ka siguro. Sige, magpahinga ka na. Ako na ang bahala rito."
Hindi na ako nagdalawang-isip pa and I did what I was told. Sobrang pagod na rin talaga kasi ako para makipagtalo. Mali yata 'yong decision ko na magsuot ng heels buong araw. Pagkatapos kong magpalit ng damit, bumagsak na agad ako sa kama at ipinikit ko na ang mga mata ko.
Napadilat ako nang maramdaman ko 'yong kamay ni Dwight sa paanan ko. Tiningnan ko siya at nagulat na lang ako nang makita siyang minamasahe ang mga 'yon. Wala naman akong nasabi sa kanya. Paano niya nalaman . . .?
"Nakita kitang iika-ika habang papasok dito sa kwarto. Masakit na talaga siguro 'yang mga paa mo. Bakit 'di mo agad sinabi sa akin?"
"Hindi ko alam na napansin mo 'yon."
"I see more things than you think I can. G, asawa mo pa rin ako at higit sa lahat, alam mo naman kung gaano kita kamahal, 'di ba?"
Bago pa ako makapagbitiw na naman ng masasakit na salita, nanahimik na lang ako at hinayaan ko si Dwight na ipagpatuloy ang kung anumang ginagawa niya sa paa ko. And yes, after that, nakatulog na ako.
Nagising ako kinabukasan na parang bang puno na ulit ako ng energy. Hindi na nga lang nakagugulat na wala pa rin akong katabing Dwight paggising ko. Hindi pa rin kasi kami nagkakasundo sa pinagtalunan naming dalawa. Ang nakagugulat nga lang, mukhang pinaghandaan niya ang almusal namin ngayon.
"Kung maghahanap ka ulit ng trabaho ngayon, kumain ka nang marami. Kailangan mo ng mas maraming energy at huwag mo nang isuot 'yong heels mo. Hindi healthy ang nagsusuot n'on araw-araw," salubong sa akin ni Dwight habang nilalagyan niya ng orange juice 'yong baso ko.
Tahimik lang akong kumain at inisip ko na lang na mas magiging okay siguro 'yong araw ko ngayon.
Georgina
Ate Mae-Mae! May alam ka bang opening
ngayon? Kailangang kailangan ko ng trabaho.
Tulungan mo naman ako, o.
Pinadala ko 'yong message kay Ate Mae-Mae na parang naging ate ko na rin no'ng college. Tinutulungan niya ako palagi noong nag-aaral pa ako kahit na mas nauna siyang naka-graduate sa akin.
Ate Mae-Mae
Di ba kasal naman na kayo ni Dwight?
Hindi mo na kaya kailangang magtrabaho! :P
Georgina
Ate naman . . .
Alam mong ayaw kong umaasa sa iba, 'di ba?
So, may alam ka ba kung saan ako pwedeng mag-apply?
Hinintay ko 'yong reply ni Ate Mae-Mae bago ako umalis ng bahay. No'ng pinadala na niya sa akin 'yong pangalan ng kompanya pati 'yong address, tiningnan ko agad 'yon sa internet tapos nag-notes na rin ako. Nang matapos ako sa research, dinampot ko na 'yong bag ko at lumabas na ako ng kwarto. To my surprise, hinihintay pala ako ni Dwight sa living room.
"Tara, hatid na kita. Bibisitahin ko rin naman si Daddy."
Tahimik akong sumunod kay Dwight papuntang parking lot. Kahit na hindi ko sabihin, pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto at hinintay niya muna akong makasakay.
Habang nasa biyahe kami, as expected, sobrang tahimik naming dalawa. Drive lang nang drive si Dwight tapos ako naman, basa lang nang basa ng notes ko tungkol sa company na pupuntahan ko. Before I knew it, nasa tapat na pala kami ng office building ng company na 'yon.
"G, we're here. Alam ko namang kaya mo 'yan, pero kung hindi man umayon sa mga plano mo 'yong interview, tandaan mong nandito lang ako para sa 'yo," sabi ni Dwight at tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Kung nandito kasi talaga siya para sa akin, bakit hindi na lang siya pumayag sa gusto ko?
Lutang na lutang ako habang naghihintay kay Ate Mae-Mae. Since isa siyang talent acquisition specialist sa company na 'to, marami pa siyang applicants na kailangang asikasuhin. Pero nang makita niya ako, para bang nagliwanag bigla 'yong mukha niya.
"Oh, my God. Seryoso ka pala talaga rito?" she asked with a wicked smile on her face. Para bang hindi talaga siya makapaniwalang naghahanap talaga ako ng trabaho. Well, I couldn't really blame her. Marami naman talaga kasi ang nag-expect na magiging plain housewife ako at aasa na lang sa perang ibibigay sa akin ni Dwight. Kaso, ang dami ko na kasing nagawang kasalanan sa kanya noon. Gusto ko namang makabawi ngayon.
"Ate Mae-Mae naman . . . Kailan ba ako nag-joke sa mga ganitong bagay? Ang paghahanap na lang ng trabaho ang natitirang paraan para hindi ako tuluyang mabaliw."
"G, I think you're exaggerating this. Ano ba kasing nangyayari, ha?"
Napatigil ako at nag-isip kung sasabihin ko ba kay Ate Mae-Mae 'yong totoo o hindi. Ginagamit ko lang talaga kasi bilang distraction 'tong experience na 'to. Baka kapag sinabi ko 'yon sa kanya, baka mabulilyaso pa ako rito. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Si Ate Mae-Mae naman 'to. Maiintindihan niya naman siguro 'yong sitwasyon ko?
"Alam mo namang kakakasal pa lang namin ni Dwight, 'di ba? Gusto kasi ng mommy niya na mag-stay muna kami sa bahay niya. Ginagawa ko ang lahat para hindi kami matuloy do'n. And sa totoo lang, ayaw ko talaga 'yong idea na gagamitin ko lagi 'yong pera ni Dwight sa tuwing may kailangan akong bilhin. So ayan. Nandito na ako ngayon."
"Okay. Your honesty is very much appreciated. By the way, nasabi ko na pala sa manager namin 'yong background mo. Mukha namang na-impress sa sinabi ko. Ibibigay ko na ngayon sa kanya 'tong resumé mo so mag-exam ka na muna. Nagbasa ka naman tungkol sa company, 'di ba?"
"Uhh, oo. Nag-research ako kanina bago ako pumunta rito."
"Good." Ngumiti si Ate Mae-Mae na para bang proud na proud siya sa akin tapos tinapik na niya ako sa balikat ko. Tumayo na rin siya mula sa kinauupuan niya then she continued, "You're going to need as much cookie points as possible. Personally, wala pa akong nagustuhan sa mga applicants para sa position na 'to. Kailangan talaga kita para dumali-dali naman 'yong trabaho ko rito."
The exam and the interview surprisingly went well. Hindi ako sigurado kung dahil ba kay Ate Mae-Mae o dahil ba sa credentials ko, but I was hired on the spot. They wanted me to start as soon as possible.
Since getting a job finally made me feel better, naisipan kong ipagluto ng dinner si Dwight. Kaso pagkarating na pagkarating ko sa condo, isang note lang ang naabutan ko.
Huwag mo na akong hintayin.
Mag-overnight ako kina Dad.
Napabuntong-hininga na lang ako at nilukot ko 'yong note na hawak ko. Sa sobrang inis ko, ibinato ko pa 'yong walang kalaban-laban na papel sa basurahan. Whatever. Kung ganito rin lang, mas okay pa sigurong masanay ako sa idea na single na ulit ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top