Chapter 4
"Hoy! Bakit diyan ka umupo? Ano ako, driver mo? Aba't masaya ka! Lumipat ka nga rito sa harap!" sabi niya sa akin tapos dahan-dahan akong lumipat ng upuan. Tinikom ko na lang ang bibig ko kasi ayaw ko munang makipag-usap sa kanya.
Ang awkward lang talaga kasi nito, e. Ito ang unang beses na nagkita kami after ng break-up namin tapos ganito pa yung sitwasyon—puro pagtatalo agad. Sobrang dyahe lang talaga nito.
Habang nasa biyahe kami papuntang bahay niya, sobrang tahimik naming dalawa. Hindi na kami nag-uusap o kaya nag-iimikan man lang. Panis kung panis na ang mga laway namin. Para bang naubos na lahat ng mga salita sa katawan naming dalawa. Parang kanina lang, wagas kaming magtalo tapos ngayon, sobrang tahimik na. Hindi naman ganoon katagal ang naging biyahe namin pero the fact na kahit tunog ng paghinga naming dalawa ay hindi ko na naririnig, napaka-disturbing na talaga.
Pagdating namin sa bahay niya, bumaba na agad siya ng sasakyan para kunin 'yong mga gamit ko sa compartment. Upon seeing that, bumaba na rin ako ng sasakyan tapos hinintay ko na lang siya para i-lead niya 'yong way papasok sa bahay niya. Kaso ilang minuto na ang nakalipas, nakatayo pa rin kaming dalawa sa may labas ng pintuan ng bahay. Hinihintay ko pa rin na buksan niya 'yong pinto pero hindi niya ito ginagawa. Ano ba ang problema niya? Hindi niya ba 'to bahay kaya hindi niya mabuksan? Akyat-bahay na ba siya ngayon? Ang labo talaga nito kahit kailan.
"M-may problema ba?" I asked him nervously. Kung ano-ano na talaga kasi ang tumatakbo sa utak ko ngayon.
"Meron. 'Yong susi kasi ng bahay nasa bulsa ko. Kunin mo na bilis."
"HA?!" bigla kong sigaw with matching panlalaki pa ng mata. Naging boyfriend ko rin naman siya for two years pero never ko namang naisip na may ganito pala siyang side. Matino naman siya dati, ah? Anong nangyari?
"Ang sabi ko, kunin mo 'yong susi sa bulsa ko. Kung ano-ano na naman 'yang naiisip mo, e! Bilisan mo na nga!" sigaw na naman niya sa akin at naramdaman ko na lang ang biglang pag-init ng mga pisngi ko. Pakiramdam ko, dinaig ko na ang mga kamatis sa sobrang pagkapula ng mga pisngi ko ngayon.
Badtrip. Ang awkward lang talaga. Ubos na ubos na ang kahihiyan ko. Can I die here now?
"Pwede mo namang ibaba na lang muna 'yong mga gamit ko, e. Bakit ba kailangan ako pa ang kumuha ng susi sa bulsa mo?" tanong ko sa kanya.
"Pwede bang manahimik ka na lang at kunin mo na 'yong susi?" sagot niya naman sa akin at parang isang malaking sampal sa akin 'yon. Dahil mukhang wala naman na talaga akong choice, susundin ko na lang ang gusto niya.
"Saang bulsa ba?" tanong ko sa kanya.
"Sa right pocket sa likod ng pantalon ko," sagot niya tapos kinuha ko na nang pagkabilis-bilis 'yong susi mula sa bulsa niya. Mahirap na. Baka sabihin niya, ang manyak ko kung babagalan ko 'yong pagkuha. Judgmental pa naman 'tong lalaking 'to.
"Buksan mo na 'yong pinto," utos niya sa akin at sinunod ko na lang ang sinabi niya. Pagkabukas ko ng pinto, hinihintay ko muna na pumasok siya bago sana ako susunod kaso for some reasons, hindi pa rin siya pumapasok. So ano 'to? Patibayan sa labas ng bahay? Unang mangalay ang hita at humina ang tuhod, talo?
"Mauna ka nang pumasok."
Pumasok naman ako sa bahay pero tumayo lang ako sa isang gilid. Nakakahiya na talaga kasi, e. Ayaw ko namang magpaka-feel at home rito. Ayaw kong tanawin 'to na utang na loob ko sa kanya for the rest of my life. Saka baka mamaya, i-blackmail pa niya ako dahil dito. Kailangan ko pa rin namang mag-ingat.
"Umupo ka na lang muna diyan sa sofa. Aayusin ko lang muna 'yong kwarto na gagamitin mo," sabi niya sa akin at nagsimula na siyang maglakad papunta sa hagdanan. Tumango ako bilang sagot kahit na hindi naman nangangailangan ng sagot 'yong sinabi niya sa akin. Ewan ko ba pero sinundan ko rin siya ng tingin habang papunta siya sa kwartong lilipatan ko.
Nangyayari ba talaga 'to? Bakit ba siya ang nilapitan ko? 'Yan ang mga tanong na gumagambala sa isipan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang pinaglalaruan lang ako ng tadhana kaso sa case ko, feeling ko ay hindi siya gaanong nakakatuwa.
Ilang minuto rin akong nag-isip nang maigi. Hindi ko kasi alam kung tama ba talaga 'tong ginawa ko. Pinagdududahan ko ang sarili kong desisyon. Usually 'di ba kapag may doubts ka, may tendency na mali 'yong naging desisyon mo? Kung totoo man 'yon, ibig sabihin ba nito ay mali 'tong ginawa ko?
"Tara, ipapakita ko na 'yong magiging kwarto mo."
My thoughts were interrupted upon hearing his voice. Napatayo na lang ako mula sa kinauupuan ko at kahit gusto ko mang maglakad papalapit sa kanya, it's as if my feet were glued to the ground.
"Tatayo ka na lang ba talaga diyan?" tanong niya sa akin at parang doon lang ako nakabalik sa katinuan.
"H-ha? Okay," mahina kong sagot at dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya.
Nang nakarating na ako sa kwarto, para bang nag-alangan pa ako kung papasok ako o hindi. Siguro, napansin niya ang pag-aalangan ko kaya hinatak na niya ako papasok ng kwarto.
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa nakita ko. Sobrang ganda ng kwarto at feeling ko, malaki pa nga ito para sa isang tao. Well, what do I expect? Mayaman naman talaga ang pamilya niya. Imposible namang bigyan siya ng isang maliit na bahay 'di ba? Bukod pa roon, kumpletong-kumpleto rin sa gamit 'yong kwarto kahit na spare lang naman yata 'to rito. Grabe lang talaga. Lalo tuloy akong nahihiya dahil sa dinami-rami ng tao sa mundo, sa kanya pa ako lumapit para humingi ng tulong.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya. Tiningnan ko muna ulit nang maigi 'yong kwarto bago ko siya sinagot.
Don't get me wrong here. Maganda naman talaga 'yong kwarto, e. Sobrang ganda niya and words wouldn't suffice how to describe its beauty. Walang-wala talaga akong maipipintas sa ganda nito. Truth be told, gustong-gusto ko ito. Kaya lang, may napansin ako bigla nang iniikot ko ulit 'yong tingin ko sa buong kwarto.
"Uhm, just a question though. Bakit may isa pang pinto diyan?" tanong ko sabay turo sa pintuan sa may gilid ng kwarto.
"H-ha? Wala 'yan. 'Wag mo na lang pansinin," biglang sabi niya na para bang may itinatago siyang sikreto sa likod ng pintuan na 'yon.
Dahil sa inaasta niya, lalo akong na-curious. Curiosity killed the cat daw pero hindi ba ang batang matanong ay matalino? Okay fine. Wala na talagang sense ang mga naiisip ko so naglakad na lang ako papalapit sa pinto. Bubuksan ko na sana 'yong pinto nang bigla na naman siyang sumigaw.
"'Wag mo nang buksan 'yan! Please!" Tiningnan ko lang siya saglit pero hindi ko pa rin siya sinunod.
Halatang may itinatago siya, e. Guilty siya masyado. Dahil doon, binuksan ko na 'yong pinto sa loob ng kwarto ko. Sinilip ko kung ano ang nasa loob at nang nakita ko na ang nasa kabilang side ng pinto, doon na ako nag-freak out.
"What the hell, Dwight?! Bakit magkarugtong 'yong mga kwarto natin?!"
"Sinabi ko naman na kasi na 'wag mo nang pansinin 'yang pinto. Kung sinunod mo ang sinabi ko, hindi ka sana nag-freak out nang ganyan. Saka wala lang naman 'yan. Hindi naman kita gagapangin kapag gabi kaya wala kang dapat ipag-alala," sagot niya sa akin sabay kindat.
Hindi ko alam pero iba ang naramdaman ko noong ginawa niya 'yon. I don't know if it's disgust or kilig or whatever. I'm still freaking out dahil sa natuklasan ko kaya naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko.
Pero teka nga. Pakipaalala naman sa akin kung bakit siya pa ang nilapitan ko para may matirahan ako ngayong linggo. Langyang buhay naman 'to, o. Mental hospital pa yata 'tong napasok ko. Someone help me, please!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top