🐈Enigmatic Trip🐈
Enigmatic Trip
Author: ElleCueto
Here comes my insights about your story. 🐱🐱
Plot - Naninibago ako sa plot mo pero hindi ko sinasabing rare siya. Medyo common na rin siya para sa'kin. Marami akong plot holes na nakita. Una sa chapter one kulang na kulang sa information and detail ang sinulat mo don also in chapter 2 and 3 masyadong nalito ako sa daloy ng kwento mo. You are lacking in information in the story. Hindi na-ja-justify 'yong plot mo dahil hindi mo masyadong napagplanuhan 'yong kwento. Aaminin ko, maganda 'yong nagawa mong plot pero masyadong maraming plot holes ang mga chapters mo at hindi ko na ito iisa-isahin pa--- kaya medyo hindi maayos 'yong daloy ng kwento dahil sa mga butas sa plot mo.
Blurb - Nice blurb you have there. I give you perfect in this part. Short but it has a big impact to the readers. Medyo nakuha mo ako sa blurb mo dahil agad akong na-curious. Napapaisip tuloy ako kung ano ang kahihinatnan ng kwento mo. Good job in this one.
Cover - Not attractive. Hindi bumagay sa content ng kwento mo 'yong cover mo. May mystery and thrill 'yong kwento mo at masyadong iba 'yong ambiance ng cover sa mismong plot ng kwento. Kaya I suggest if you have time please change the cover. One of the important asset of a story is the cover. Kahit na parang bonus na lang 'yong cover pero diyan pa lang dapat kaakit-akit na para madaling maka-hook ng more readers.
Title - I love the title. Tumpak na tumpak sa plot mo 'yong title. Enigmatic means 'difficult to interpret or understand--- in short mysterious' and that's what your story is all about. A mysterious trip of a group of friends. Ang sarap pakinggan at ang attractive tingnan. Unang tingin at basa pa lang maganda na at nakaka-curious 'yong title. Good job again.
Dialogues - Hindi effective masyado 'yong mga dialogues mo. Some of them will made the readers bored. Aaminin kong hindi ko ramdam 'yong ibang dialogues mo. Masyadong walang sense 'yong iba pero kunti lang naman.
Show and Tell - Medyo balance ng kunti pero okay na rin. Minsan puro ka lang tell pero kapag ipinakita mo na grabi 'yong impact nang ginawa mo sa utak ng mga readers. Isa na ako don.
Technicalities - Okay napansin kong masyadong hindi ka pa bihasa sa paggamit ng 'ng' at 'nang'.
- Ang 'ng' ay ginagamit kasunod ng mga pang-uring pamilang, sa mga pangalan, magsaad ng pagmamay-ari, kapag ang sinusundan na salita ay pang-uri at pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: Bumili ng magandang damit si tatay para kay nanay.
- Habang ang 'nang' naman ay ginagamit sa gitna ng mga pandiwang inuulit, pampalit sa 'na at ang' sa pangungusap at para magsaad ng dahilan o kilos ng galaw.
Halimbawa: Talon nang talon si Isko sa sobrang kasiyahan na kanyang nararamdaman.
- Medyo na lilito ka rin sa paggamit ng 'rin/din' at 'raw/daw'. Madali lang yan. Ang rin at raw ay ginagamit kapag ang una mong salitang ginamit ay nagtatapos sa vowels. Ang din at daw naman ay ginagamit kapag ang unang salitang ginamit mo ay nagtatapos sa consonants. Ang dali diba?
- Ilan lamang iyan sa mga technical errors mo. Pero isa iyan sa mga mahahalagang bagay na dapat mong bigyang pansin. Your other technical errors can be done after you completed your story.
Connection to the Genre - Perfect ka dito. Your story have mystery and thrilling vibes which very suitable to your genre.
Writing Skills - Kailangan pa nang improvement. It needs more nourishing to improve well your writing skills. Madali mo lang naman itong magagawa kung determinado kang matuto. Alam ko namang kaya mo pang mag-improve sa inaasahan ko. I'll look forward to it.
I give you 94/100%
So this is the end of my insights about your story.
Suggestions - Change your cover if possible. Learn more on how to use properly the 'ng' and 'nang'. Research more about it. Other than that you are all good.
My advice - All I can say is don't stop writing. Kahit magka-mental block ka man o nawalan ka ng gana wag ka talagang tumigil sa pagsusulat. You can take a rest and after that start to write again. Alam nating lahat na madaling mag-isip ng plot nang isang kwento pero mahirap itong isulat mismo. Kaya nga writing is a struggle. Maganda ang mga ideas mo kunting improvement pa sa pagsusulat ang mas lalong gaganda pa ang kalalabasan ng kwento mo. God always there guiding you. God bless you always.
I hope this critique of mine help you a lot. If you still want my insights about your story you can come back here anytime. ❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top