Unang Araw
NANG magising ako kinabukasan ay sobrang sama ng pakiramdam ko. Parang binabaliktad ang sikmura ko.
"JOY, AYOS KA LANG BA DIYAN SA LOOB?!" tanong ni Tiya Elena.
Hindi ako makasagot, wala kasing tigil ang pagsuka ko sa bowl. Wala naman akong maisuka dahil hindi ako naghapunan kahapon kaya mas lalong mahirap sa akin.
Ilang beses pa siyang kumatok bago huminto. Nanlalata akong umupo sa lapag. Pagod na pagod ang buong katawan ko. Kahit naman magwalwal ako ng empi, redhorse, soju, gin at black label ng sabay-sabay ay hindi ako nagsuka ng ganito.
"JOY!! JOYY!! OKAY KA LANG BA?!"
"Sandali, kukuha ako ng susi para mabuksan ang pinto."
Napasandal na lang ako sa kahoy na pader nang matapo ako sa pagsusuka. Pumikit ako ng mariin. I do not feel good, parang kinuha lahat ng energy ko at hinahalukay ang simura ko. Inaalala ko ang mga kinain ko kahapon pero wala akong maalalang pwedeng magpasama ng tiyan ko. Lumingon na lamang ako sa may pinto ng bumukas ito. Sumilip ang mga Tiyahin ko. Nag-aalalang lumapit sakin si Tita Asmeng. Hinaplos niya ang noo kong may butil-butil pang pawis, pinunasan niya ito.
"Hala ka naman, Joy! Ano bang makain mo?" tanong pa nito.
Umiling ako. "Wala akong kinain," mahinang ani ko.
Nagkatinginan ang tatlong babae na para bang nag-uusap sila sa gamit ang mata nila.
Inalalayan ako ni Tiya Asmeng patayo. Lumabas kami ng banyo at pina-upo niya ako sa may gilid ng kama. Nakatayo sa harapan ko si Tiya Idang at Elena.
"Ikukuha ko lang siya ng maiinom sa ibaba--"
"Kumuha ka na rin ng maligamgam na tubig at basahan pamunas sa kanya. Pati yung mga langis. Magmadali, Asmeng!" rinig kong sabi ni Tiya Idang.
Ang mga sumunod na naganap ay hindi ko na namalayan dahil bumagsak na ang katawan ko sa kama. Basta ang alam ko lang nang magising ako ay nasa loob na ako ng gubat. Mabilis ang naging pagbangon ko sa lupa. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Nasaan ako? Bakit nila ako dinala dito? Napaka-walanghiya naman nila para iwanan ako dito!
Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang lumang bahay. So, iniwan nila ako dito sa gubat sa likod ng bahay?! Bakit sabi ng lalaki sakin ay dapat hindi ako pumasok dito--Natigil ako sa pag-iisip nang may malakas na alulong akong marinig. Kinabahan ako.
"Wala naman sigurong malaking aso dito," ani ko sa sarili. Tumayo ako at nagpagpag ng damit pero nanlalaki ang mata kong nakita ang suot ko. "What the fuck?!"
Itinaas ko ang braso ko at tiningan. Naka-suot ako ng isang white dress na long sleeve! Who the change my clothes?! This is too much! Iniwan na nila ako dito tapos ay pinalitan pa nila ako ng weird dress! Padabog akong naglakad pabalik ng bahay, pero may malakas na alulong na naman akong narinig.
Kahit hindi ko aminin ay takot ako. Lalo na nang maalala ko ang sinabi ng lalaki sa'kin. Binilisan ko ang paglalakad ko pero kada-bilis ko yata ay siya ding paglayo ng exit sakin. Hingal na hingal na ako nang tumigil ako. Nilingon ko ang pinanggalingan ko, hindj pa ako nakakalayo?! Muli akong tumingin sa harap. Ganun ba kalayo ang exit!!!
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ihinakbang ko ang isa kong paa at parang mas lumayo ang exit. Kinusot ko ang mga mata ko. Sinubukan ko pa ng isang ulit ang pag-abante at ganun na lamang ang gulat ko kasi mas lumayo pa ito.
"Am I fucking dreaming?!" Kinurot ko ang sarili ko. "Ouch!" Nakangusong hinaplos ko ag braso ko. Hindi ako nananaginip. Maybe namamalikmata pwede pa.
Umupo ako sa lapag. They think this is funny ha. I will make sure na after our vacation here, hindi na nila ako makikita pa. Even my shadows!
I will wait, alam kong hindi ako matitis ni Dad. Hahanapin niya ako pati si Adrian. Hahanapin nila ako.
Pero mas lumalim lang yata ang gabi at mas lumiwanag ang buwan pero walang saklolo ang dumating.
Nag-aalala akong tumingin sa may bahay. Bakit walang lumalabas don para hanapin ako? Bakit hindi pa dumadating sila Dad? Hindi ba nila alam na nawawala ako? Or nasa ibang side sila ng gubat. Yes! Tama. Kaya walang ilaw sa bahay kasi nasa labas silang lahat para hanapin ako.
If aalis ako dito ngayon, may chance na makasalubong ko sila sa gubat pero may chance ring hindi. So what will be my choice?
Sinabunutan ko ang sarili ko. Ano bang gagawin ko?!
Okay. Sige. Aalis na ako dito. Tumalikod ako. Humakbang papunta gubat. Bumigat ang dibdib ko. Bakit pakiramdam ko mali tong ginagawa ko?
Isinawalang bahala ko ang pakiramdam na iyon at nagpatuloy. Mabuti na lamang at maliwanag ang buwan. Tinatanglawan nito ang daanan ko. I feels like, somehow. I am safe. Safe ka diyan. Paano kung may mga hayop pala dito sa lugar na 'to? Tapos kakainin nila ako! OMG! I cannot!
Huminto ako sa paglalakad nang makarinig ng kaluskus sa may gilid. Lumingon ako doon. Madilim ang part na 'yon ng gubat kaya wala akong makita.
"Is there somebody there?! Help me! I'm lost! Hindi ako makalabas ng gubat!" sigaw ko sabay lapit pero napahinto rin ako.
Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa pag-dilat ng dilaw na mga mata. Dahan-dahan akong umatras, pagkatapos ay malakas itong umangil. Napa-igtad ako.
Sabi ko na ngang dapat hindi na talaga ako sumama dito. Sana hindi na lang ako pumayag na umuwi kami dito sa Bicol. M-may malaking lobo pala dito! Sobrang panginginig ng tuhod ko. Namasa ang mga pisnge ko. Nang hawakan ko iyon ay luha. Umiiyak na pala ako. Hindi ko man lang namalayan.
Hindi ko maialis ang tingin ko sa dambuhalang hayop na nakatingin rin sa'kin ngayon. Paano ko nalamang dambuhala? Kasi sobrang taas ng mga mata niya, at pakiramdam ko ay palapit na ng palapit na siya sa'kin. Nang umihip ang malakas na hangin ay hindi na ako nag-isip mabilis akong tumalikod at walang dalawang pag-iisip na tumakbo paalis.
A loud, angry growl woke up the forest. From behind, I can hear the footsteps running towards me. It feels like the ground is shaking from the way the monsters run. I tripped on the ground.
Basang-basa na ang mukha ko dahil sa pinaghalong luha't pawis. Sinubukan kong tumayo pero bumagsak din ako sa lupa. Mahina akong dumaing nang hawakan ko ang paa ko. I think I sprain it. Lalabas na yata ang puso ko sa ribcage ko sa lakas ng kabog nito. Panay ang lingon ko sa paligid. Pinakinggan ko ang paligid, hinahanap ng tenga ko ang tunog ng hakbang ng halimaw.
Pero wala. Mabibingi ka na lang sa katahimikan, 'di tulad kanina.
Tila yata mas nakakatakot pa ngayon, dahil wala akong ingay na naririnig. Kapag nag-stay ako dito ay may malaking chance na mahuli ako agad ng halimaw na humahabol sa'kin. Inilibot ko ang tingin sa paligid para makahanap ng pagtataguan. Nasa gitna na yata ako ng gubat, dahil mayroong malaking puno na nasa gitna. I think that is Narra. Sa laki noon ay maari akong makapagtago sa likuran. Ginapang ko ang pagitan namin. Nagtago ako sa likod no'n. Niyakap ko ang mga tuhod ko.
Wala pang limang minuto ng makarinig ako ng mga hakbang sa likuran. Mas lalong nanginig ang katawan ko sa takot. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
Daddy, help me. Dad...
I was crying silently.
I want to go home. Ayoko na rito.
"Joy?! Joy?!"
Para akong nabuhayan ng loob dahil sa pagkakarinig sa pangalan ko. Mabilis akong dumilat. Is this real? Someone is calling me? Lumingon ako. I smiled when I saw it's a figure of man. Lumabas ako sa pinagtataguan ko sa pag-aakalang si Dad iyon.
"Dad! Dad—"
I stopped in the middle when I saw who it was. The guy who talk to me about not getting into the woods.
"W-where's my Dad? M-my brother—" before I could even finish my words. The man turned into something I haven't seen before. I tried to run away but he caught me. His long and sharp nails pierce into my skin. I shouted from pain.
"P-please...stop!! HELP! HELP M-ME!!"
The monster started to carve out some meat from my body. It scratched my legs and arms. Ubos na ang boses ko kakasigaw ngunit walang nakarinig na sa'kin. Hinang-hina na ako at manhid na manhid na rin ang buong katawan ko. Hanggang sa bitawan ako ng halimaw. When I looked in his eyes, I knew something.
I think I knew his eyes is that.
"Adrian..." I murmured his name before the monster dig up my heart. Before I lose my breath I saw him eat it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top