Pagdating
HALOS 2 hours din ang naging byahe namin mula Manila hanggang Bicol gamit ang eroplano. Suot-suot ang sunglasses naglakad ako palapit sa taxi na pinara ni Daddy. Inilagay ko ang maleta ko sa likod tapos ay pumasok na sa backseat, sumunod ang kapatid kong si Adrian at si Dad naman ang umupo sa may passenger seat.
Pinanood ko ang mga dumadaang sasakyan sa labas ng bintana. Im feeling something but I cannot name it. Sinuot ko ang earphones sa tenga ko, nagpatugtug ako ng Metallica.
Huminto ang sasakyan namin sa harapan ng isang malaking gate. Naunang bumaba sina Dad at Adrian tapos ay nagpunta sa may likod na bahagi ng sasakyan. Bumaba ako at inalis ang salaming suot. Tiningnan kong mabuti ang bahay sa likuran ng gate.
Is this--Gosh!
Ang creepy ng lugar. Hindi kaya dito nagsho-shooting yung mga artista para sa horror movies? Dahil for sure, madaming matatakot sa buong lugar.
"Joy, let's get inside!" I heard my father call me. Damn. Mali yatang pumayag ako dito.
Ang akma naming pagpasok ay napigil dahil sa pagtawad sa pangalan ni Daddy. Lahat kami'y lumingon sa boses ng matanda na iyon. Papalapit sa'min ang isang creepy old woman. May hawak na bayong at aka yang matanda.
"Victor, ikaw na ba iyan?!" gulat na tanong nito.
Nakangiting sumagot si Dad. "Oho, Nay Flora, ako nga po ito. Kumusta na kayo dito?"
"Okay naman! Ikaw ang tagal mong hindi nauwi dito! Akala namin ay—"
"Pasensya na po, Nay. Kaya lang tatapusin ko na ang usapan namin at kaylangan nang pumasok sa loob ng anak ko," magalang na ani Dad.
Bumaling sa'kin ang creepy na matanda. Kakaiba ang tingin niyang binibigay sa'kin. Para kasing may malisya sa tingin niya—yun bang hindi ako mapakali kasi nakakatakot siyang tumingin.
"Siya na ba?"
"Oho. Siya. Joy, siya si Lola Flora. Nay, anak ko si Joy," anito.
"Magandang bata," aniya bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Napalunok ako nang dilaan nito ang bibig at tumalikod sa'min.
Nakasunod ang mga mata ko sa matanda na panay ang lingon. Kumunot ang noo ko.
Weird people!
********
"ANG LAKI-LAKI mo na Joy!!!!" ani ng hindi pamilyar na babae sa'king harapan. Pinisil nito ang pisngi ko na animo stress ball kung panggigilan niya.
Oh, God, did she even wash her hands with soap?! Argh!!!
Napa-ngiwi ako bago nandidiring inalis ang kamay niya. Lumayo ako ay pumuwesto sa likod ni Dad, si Adrian at pinanggigilan din katulad ng ginawa sa'kin pero kabaliktad ng reaksiyon ko. Tuwang-tuwa pa siya.
Umirap ako sa hangin. Hindi pa ko nakaka-isang oras sa lugar na 'to pero parang gusto ko na agad bumalik ng Manila. I dont want to stay here anymore.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Gross! Kaylan ba 'to huling nalinisan?
Puno ng alikabok at mga sapot ang buong bahay tapos ang dilim-dilim pa dahil sa nakasaradong mga bintana. Kaya siguro ganun ang amoy ng bahay. Amoy kulob na ewan.
"Masaya akong na-uwi kayo dito, Victor. Ang tagal na ng huli naming makita ang dalawang bata," dinig kong sabi nung babae naka-upo sa may kahoy na upuan. Mukha itong si Ms. Minchin minus the eye glasses.
"Hindi naman kasi pwedeng itago habang buhay ang mga bata. Nasaan nga pala sina Elena at Isabella?"
"Nasa kwarto inaayusan ni Elena. Pababa na sila sandali. "Asmeng, puntahan mo na yung dalawa at baka nakatulog na sila."
Lumayo yung tinawag nitong Asmeng kay Adrian at tumalima.
"Ang weird nila," bulong ko.
Lumapit sa'kin si Adrian. Kumapit siya sa braso ko. Mukhang kinakabahan ang loko.
"Umupo muna kayo, kukuha lang ako ng maiinom," sabi nung babae at saka umalis.
Humanap ako ng ibang upuan pero wala namang mauupuan. Ayoko ring umupo, malay ko ba kung malinis yan.
Nilingon ko si Dad. "Dad, saan tayo matutulog ngayong gabi?"
Ngumiti si Daddy sakin at umupo sa isang lumang upuan. Sumunod si Adrian. Magkatabi silang umupo samantalang ako ay nakatayo sa harapan nila.
Umiling ako. Feel at home na feel at home ang dalawa na hindi ko maintindihan. Padabog akong tumalikod sa kanila. naglakad ako palabas ng bahay. Buti na lang at kahit papaano ay maalis pa rin ang boredom ko. Napunta ako sa may gilid ng bahay.
Namaywang ako. Infernes ha, ang ganda ng garden nila. Puno ng iba't ibang klaseng halaman ang lugar, tapos may mga bulaklak pa sa isang tabi na hindi ko alam ang pangalan. Umupo ako sa may upuang bato, naka-pwesto ito sa ilalim ng malaking puno Narra.
Buti na lang kulay green ang lugar na 'to kundi super creepy talaga ng lugar.
Binuksan ko ang cellphone ko pati na din ang data pero walang signal. Itinirik ko ang mata ko. Ayoko na talaga sa lugar na 'to. Ang boring! Ano na lang ang gagawin ko sa phone ko without internet, di ba.
Wala bang tower na malapit dito?
Dahil sa inis, tumayo ako at naglakad-lakad. Nakarating ako sa likod bahay. Kaibahan ng sa Garden, puro naman patay na halaman at kalat ang andito. Tumaas ang kilay ko. Ano? Napabayaan nila ang likod pero yung sa may gilid, hindi?
Tumingin ako sa malayo. May gubat sa harapan ko. Mga ilang hakbang kung nasaan ako. Something is wrong with that forest, paano ba naman ay mukhang madilim ang lugar kahit na tirik na tirik ang araw.
Dahil sa pinaghalong inip at inis. Nagpasya akong pasukin ang gubat ngunit bago pa man ako makakilos ay natulos na ko sa kinatatayuan ko dahil sa malalim na boses mula sa likod.
Mabilis akong lumingon.
Nakatayo ang isang matangkad na lalaki sa likod. May dala-dala itong mga kahoy at walang pang-itaas na damit. Napalunok ako. Hindi ko kita ang buong mukha nito pero alam kong maganda itong lalaki dahil sa magaganda nitong berdeng mata.
"Wag kang magpunta sa mga lugar na hindi mo kabisado, Miss. Baka mamaya may mahumaling sa'yo na hindi mo nakikita," malamim ang boses na sabi nito.
Nagbukas sara ang bibig ko pero walang salitang lumalabas. Sinara ko ang bibig ko.
Tinalikuran ako ng lalaki at naglakad palayo. Nakasunod lamang sa misteryosong lalaki ang mga mata ko hanggang sa maglaho na siya sa paningin ko.
"What a weirdo," bulong ko bago tumingin sa gubat. "Anong hindi nakikita? Maligno? Naniniwala sila don?" Hindi ko alam kung matatawa ba o maawa ako sa kanila. Hanggang ngayon ba naman ay naniniwala sila sa ganun? Its already 2023. Mas matakot sila sa taas ng bilihin kesa sa maligno.
Hahakbang sana ako paalis ng makita ko naman ang kapatid ko.
"Kanina pa kita hinahanap. Nasa sala na sila. Tara."
Am I ready to her face?
I don't know.
Wala akong masyadong natatatandaan tungkol sa kanya. Alam ko ang hitsura niya dahil sa pictures, tapos tungkol sa mga kwento-kwento ni Daddy. Ang sabi ng doctor sakin kaya daw wala akong maalala dahil sa pinipigilan ng utak ko na maalala ko ang masasakit na memories na pwedeng makapagpa-traumatized sakin. Nang marinig ko yon hindi ko na pinilit ang sarili kong makaalala.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Ang kabog ng dibdib ko sobrang bilis. Nauunang maglakad sakin si Adrian, huminto ako sa may gilid. Kita ko kung paano mahigpit na niyakap ng isang babae ang kapatid ko. Nag-iiyakan silang lahat dahil sa pagre-reunite ng mag-ina.
"Andiyan na si Joy, Isabella," dinig kong sabi nila.
Natigil ang dalawa sa pag-aakapan at bumaling sakin. Mangiyak-ngiyak ang mata ng tinawag nitong 'Isabella' habang nakatingin sakin.
"J-Joy..."
Lumapit ako sa kanila dahil sa senyas ni Daddy.
"A...ang anak ko." Lumapit siya sakin at mahigpit akong niyakap. Pumikit ako at pilit nilalayo ang katawan ko sa kanya. Nang pang-apat kong subok ay tuluyan na kong nalayo sa kanya.
Nagpagpag ako ng katawan bago nagtago sa likod ni Daddy. Hindi ko nakita ang hitsura nila pero nakaririnig ako ng mga palatak.
"Pagpasensyahan niyo na. Mahiyain talaga si Joy," ani Dad.
Umirap ako.
"Okay lang naiintindihan namin."
"Baka pagod kasi sa byahe. Bakit hindi niyo dalhin ang mga bagahe niyo sa itaas para makapagpahinga na kayo--"
"NO!" mahigpit kong pagtutol. Napatingin sila sakin.
"Ate--"
"We will not stay here! Daddy, hindi ba sinabi mo magte-take tayo ng room ng hotel?!"
Hinawakan ni Dad ang braso ko. "Joy--"
"Walang hotel dito. Miski motel. Ang pinakamalapit na bahay tuluyan ay sa susunod na baryo pa. Kung talagang gusto mo ay kaylangan mong maglakad dahil madalang ang transportasyong dumadaan dito," sabi ni Ms. Minchin.
Wala na akong nagawa nang dun kami nagpalipas ng gabi hanggang sa matapos ang bakasyon namin.
Nasa loob ako ng silid ko. Mag-isa. Yun ang gusto ko. Ayokong makasama ang isa sa kanila. Nakakainis kasi.
Nakabukas ang bintana ng kwarto para naman pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ako natatakot na baka may pumasok na kung sino dahil may bakal naman sa labas na naghaharang dito.
Umupo ako sa may kama.
"Ang lamok-lamok naman sa lugar na 'to! Hindi ba uso ang katol dito!" Asar akong nagpapahid ng mosquito refelant.
Hanggang sa lumalim ang gabi ay wala akong ginawa kundi ang magkamot, magpatay ng lamok at tumitig sa kawalan. Paulit-ulit lang dahil wala namang ibang magawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top