Masamang Panaginip


"JOY!!"

Pabalikwas akong bumangon nang marinig ang tumawag sa'kin. Humigop ako ng malakas na hangin saka inilibot ang tingin sa paligid. Nakita ko si Dad na naka-upo sa gilid ng kama ko, nag-aalala siyang nakatingin sa'kin. Pati ang iba naming kasama ay nakabilog sa kama ko. Dinamba ko ng yakap si Daddy.

I cried so hard. When I saw him. Gumanti naman siya ng yakap sa'kin.

"What happened, honey?" nag-aalalang tanong ni Dad habang hinahaplos ang buhok ko.

Humagulgol ako. "I-I dream bad... Dad. I dream about a m-monster...h-hinahabol niya ako." Hindi na ko makahinga sa pag-iyak. Nagbabara ang lalamunan ko.

"Shhh..."

"Binabangungot ka lang siguro, Ate. Ilang araw ka nang nilalagnat."

Humiwalay ako kay Dad nang marinig ang nagsalita. Nilingon ko si Adrian. Nakatayo siya sa tabi ni Tiya Asmeng.

Tinuro ko si Adrian. "I-I saw you...eat my h-heart," mahinang ani ko sabi ko. Nagulat naman silang lahat. Si Dad ay ibinaba ang kamay ko. Hinawakan niya ang pisnge ko para iharap ako sa kanya.

"Honey, nananaginip ka lang. Hindi ka kayang saktan ng kapatid mo," aniya.

Hindi ako nakasagot. Niyakap ko na lang siya ng maghigpit.

"Mabuti pa. Bumaba na muna kayo ni Adrian, Victor. Ikuha mo ng makakain ang anak mo sa ibaba. Kami nang tatlo ang maiiwan dito para alagaan si Joy pati na rin bihisan," ani Tiya Idang.

Nagkatingnan kami ni Daddy. Tipid niya akong ngnitian at saka hinalikan sa noo. Hinaplos niya ang pisnge ko bago tumayo.

"Kayo nang bahala sa kanya, Ida. Titingnan ko lang din si Isabella."

"Sige. Bumaba na kayo. Pati ikaw, Adrian," ani pa nito.

Nagkakamot ng batok na lumapit si Adrian kay Dad. Magka-akbay silang lumabas ng kwarto ko. Nang maisarado ang pinto ay saka lamang lumapit sa'kin si Tiya Elena. Umupo siya sa gilid ko. Ngumiti ng maliit.

"Ilang araw kang nilalagnat tapos kinumbulsiyon ka pa kagabi kaya sobra kaming nag-alala sa'yo," anito.

Tumabi naman sa isang gilid ko si Tiya Asmeng at nasa harapan namin si Tiya Idang.

"Ano ulit yung napanaginipan mo?" marahang tanong ni Tiya Asmeng.

Nilingon ko siya. "Isang h-halimaw—"

"Anong klaseng halimaw?" seryosong tanong ni Tiya Idang.

Inalala ko ang hitsura ng halimaw sa panaginip ko. Kumawala na naman ang mga luha ko.

"Oww..." niyakap ako ni Tiya Asmeng.

Dahil sa takot na nararamdaman ay inabot ko ang kamay ng isa sa kanila. Mahigpit ko itong hinawakan habang binabalikan ang mga nangyari sa panaginip ko.

"M-malaki siyang halimaw. Mahaba ang dila niya... maputla ang balat t-tapos yung mga k-kuko niya—" hindi ko na kayang tapusin ang paged-describe sa halimaw na iyon. Sumubsub ako kay Tiya Elena at nag-iiyak. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit sa pagbaon ng mga kuko niya sa balat ko.

"H-hindi ko po alam kung bakit ako na-napunta sa g-gubat...n-nagising na lang ako do'n sa p-panaginip ko—"

"Teka! Sa gubat?!" gulat nilang tatlong tanong.

Dahan-dahan akong tumango saka tumingin sa labas ng bintana. "Sa g-gubat... yung una kong nakita ay y-yung lalaking nagsabing huwag daw ako p-pumunta sa gubat tapos ay—"

"Huwag ka nang magsalita, hija. Magpahinga ka na lamang."

Nagmamadaling lumabas si Tiya Idang ng kwarto. Naiwan ang dalawang magkapatid sa tabi ko. Tulad ng sinabi nila kay Dad. Inalagaan at binihisan nila ako. Noon ko lang na-realize na sobrang taas pala ng lagnat ko noong nagdaang gabi kaya naman nagdedeliryo na ako. Totoo nga yatang binabangungot lang ako.

Naiwan ako kay Tiya Idang sa silid. Binabantayan niya ako habang may kung ano-anong ginagawa sa loob ng kwarto ko. Gano'n na lang na may ilagay siyang kung ano sa may bintana, may inilagay din itong asin sa likuran ng pintuan ko. Kumunot ang noo ko.

"Para saan 'yang mga inilalagay mo?" curious kong tanong.

Nakangiting lumingon sa'kin si Tiya Idang. Deretso siyang tumayo at ipinakita ang lalagyan ng asin. May mga nakasabit pa sa leeg niyang hindi ko malaman kung anong dahon iyon.

"Naglalagay lang ako ng proteksiyon para sa'yo. Ayaw naming maulit ang nangyari sa'yo kaya mabuti na ito," aniya na parang double meaning pa.

Hindi na lamang ako nagsalita. Humiga ako ulit sa kama at niyakap ang sarili ko. Gustuhin ko mang magpahinga ng husto ay hindi ko rin magawa. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Paano na lamang kung panaginip ang lahat nang ito? Tapos ay nasa loob pa pala ako ng gubat at unti-unting pinapatay ng halimaw. Ayoko.

"Joy..." marahang tawag sa'kin ni Tiya.

Nilingon ko siya. Nagtatanong akong tumingin sa kanya. Ibinaba nito ang hawak sa may gilid at lumapit sa kama ko. Alanganin siyang ngumiti sa'kin.

"Naniniwala ka ba sa mga aswang?" tanong pa niya.

Mahina akong natawa dahil do'n. Bumangon ako at nakakaloko siyang tiningnan.

"Aswang?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Mahina pa kong tumawa ulit bago nag-iling ng ulo. "Hindi naman totoo ang mga aswang, eh. Mas maniniwala pa yata akong may cannibal na gumagala kasya naman sa aswang," ani ko.

Aswang? Gosh! Anong panahon na tapos aswang pa rin? May ganun pa ba ngayon? Well, hindi ko naman sila masisi. Kung titingnan ang bahay nila para namang walang masyadong edukasyon dito. Hindi sila masyadong educated. Hindi naman sa minamaliit ko sila pero mukha lang naman. Sana walang ma-offend kapag nalaman nila yung iniisip ko.

Aswang? Mayroon ba noon? Umiling na lang ako.

"Alam mo ba kung ano ang aswang, Joy?" tanong pa niya.

"Ahm, sila yung mga kumakain ng baby habang nasa tiyan pa ng nanay nila?" hindi ko siguradong tanong.

Tumango siya. "Tama. Sila nga iyon. Pero alam mo ba na ang mga aswang ay maari ring kumain ng mga tao para mabuhay sila. Ngunit mas malakas ang mga aswang kung ang kakainin nila ay bata sa sinapupunan ng ina."

Napalunok ako. "Wow, edi cannibal po sila?"

Umiling siya. "Mas malala pa sila sa sinasabi mong cannibal, Joy. Kasi may kapangyarihan sila. Tulad na lang ng hindi mawaring bilis, matalas na pang-amoy at may talas ng mga mata—"

"Hmm...kaya rin ba nilang lumipad?"

"Manananggal naman ang tinutukoy mo, Joy. Sila yung—"

"Nahahati sa dalawa ang katawan?"

"Oo," nakangiting sabi niya. "Magkamag-anak ang dalawang iyon. Pareho silang kumakain ng bata at tao. Lumilipad lang yung isa."

Natawa ako. "Grabe naman yon. Wag niyong sabihing itatanong mo rin sa'kin kung totoo ang mangkukulam ha. Masyado yata kayong nagpapaniwala sa mga sabi-sabi ng matatanda."

"Totoo naman talaga sila Joy. Ang mga mangkukulam ay nasa paligid lang natin. Hindi mo malalaman kung sino ang isa dahil para lang silang normal na tao. Madalas nga'y yung akala mong mabuti't mabait siya pa pala ang magdadala sa'yo sa kapahamakan," anito.

"I agree with you po. Kasi sabi nga nila, make your friends close and your enemies closer."

"Tama ka. Kaya maging maingat ka lang. Wag kang palakad-lakad sa kung saan-saan at baka may maistorbo, magalit o magambala ka. Kung gusto mong umalis sabihin mo at sasamahan kita o ni Ate Elena. Huwag kang mahihiya sa'min, Joy—"

"Pero gusto ko na pong umuwi. I mean..." umayos ako ng upo. "Isang araw pa lang ako dito muntikan na akong mamatay dahil sa bangungot na 'yon. Baka naman sa susunod na makatuloy ako ay hindi na ako magising. O kaya naman baka kaya ako nilagnat ay hindi ako sanay sa environment niyo dito. Huwag mo po sanang masamain. Okay, given na yung thankful ako sa pag-aalaga niyo sa'kin pero hindi naman no'n mababago ang lahat. You are a stranger to me. Kayong lahat. Ayoko na dito. Uuwi na ako!"

Bumagsak ang balikat nito dahil sa sinabi ko.

"P-pero—"

"Gusto ko pong mapag-isa. Pwede niyo na akong iwanan," I dismissed her. Humiga akong muli patalikod sa kanya. Bumigat ang dibdib ko sa sinabi ko. Tama ba yung ginawa ko? O sobrang harsh ko naman?

Wala na akong narinig kundi ang yapak ng paa nito palabas ng kwarto ko. Nang bumukas sara ang pinto ay saka lang ako tumihaya. Nagpakawala ako ng hininga.

Okay na ang pakiramdam ko ngayon kaysa nang magising ako. Napatigil ako sa pag-aayos ng damit ko nang bumukas ang pinto. Sumimangot ako.

"Sinabi ko nang ayoko ng istorbo! Bakit kayo—" nabitin ang sasabihin ko nang makita kung sino ang nasa pinto. "Anong ginagawa mo dito?" mariin kong tanong.

Nginitian niya ako. "G-gusto kitang b-bisitahin...kasi sinabi ni Idang may masamang nangyari sa'yo," anito. Lumapit siya ng bahagya.

Umirap ako. "Ngayon nakita mo na ako. Umalis ka na."

"Pero, a-anak..."

Masama ko siyang tiningnan bago tinuro ang pinto.

"LABAS!" galit kong sigaw

Namumula ang mga matang tahimik itong lumabas. Nang maiwan ako mag-isa sa kwarto'y bumangon ako. Padabog kong ihinagis ang mga gamit na mahawakan ko. Nagsisigaw ako habang binabato ang mga gamit. I feel so frustrated! Bakit nagawa nilang tanggapin agad ang babaeng 'yon sa buhay nila?! Lalo na si Adrian!

We grew up without a mother and ayos lang naman kami! Hindi namin kinaylangan ang Nanay namin noon and hindi rin namin siya kaylangan ngayon! I can live another eighteen years without her again!

Huminto lamang ako sa paghahagis ng bagay nang mapagod ako. Umupo ako sa lapag. Ang kapal-kapal ng mukha niya para lumapit sa'kin na para bang wala siyang ginawang masama. Na para bang hindi niya kami sinasaktan noon mga bata ka kami! Ang kapal ng mukha nilang lahat para umarteng walang nangyari! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top