Isabella


HINDI AKO nakatulog kagabi dahil sa labis na pag-iisip kaya naman ang ilalim ng mata ko, eh, itim na itim na. Paano naman kasi ako makakatulog kung kada-kaluskus ay nagigising ako. Natatakot ako na baka may pumasok sa kwarto ko at patayin na lamang ako. Hindi rin ako naghapunan kagabi dahil sa takot na baka laman ng tao ang kinakain nila. Nakakasuka.

"Ate, hindi ka ba sasama sa'min?" tanong ni Adrian habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Umiling ako.

"Ayokong lumabas ng kwarto," bulong ko sa kanya.

"Why? You should go outside, Ate. Minsan lang naman. Saka sa susunod na linggo uuwi na tayo ng Manila kaya dapat a—"

Dahil sa pagkakabanggit niya sa Manila ay nagising ako sa katotohanan. Nilingon ko si Adi. Napatigil ito sa pag-sukay sa'kin. Nagtatakang nakatingin sa'kin.

"Sumama ka sa'kin, Adi. Mauna na tayong bumalik ng Manila. Hintayin natin si Dad do'n, huwag na tayo dito!" natatarantang sabi ko.

Wala akong mabasang emosyon sa mukha ng kapatid ko. Kinuha ko ang kamay niya at hianwakan ng mahigpit.

"Adi, I know mahirap akong intindihin pero trust me! We need to leave now! They are wicked people! Mga mangkukulam sila!!" pagsusumamo ko rito.

Pero wala pa rin. Nagpakawal lang ng isang malalim na hininga ang lalaki bago binawi ang kamay niya. Lumayo siya sa'kin pero hindi naman umalis.

"Ate, naiintindihan kong ayaw mong makipag-sundo kay Mama pero hindi naman yata tama 'yang ginagawa mo," mahinahon ngunit may tono ng disappointed sa sinabi nito. "Next week, uuwi na tayo and may chance ka nang makalaya, ate. Kaya huwag mo naman silang gawan ng kwento," dagdag pa niya.

"Pero hindi ako gumagawa ng kwento, Adrian! Nakita ko! Nang dalawang mata ko mismo!" giit ko.

"Okay. Ano bang nakita mo, Ate?" nag-cross arm siya sa harapan ko at matiim na nakikinig.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Ikinuyom ko ang kamao ko.

"Peter, their adoptive guy who always in the backyard bring me upstairs. Sa dulong pinto! Pumasok kami do'n and nakita ko ang altar tapos may pictures ko. May nakasulat na kung ano-anong symbols sa pader na hindi ko maintindihan! And its blood! Human blood! Kaya dapat umalis na tayo! What if sa susunod tayo naman ang patayin ng mga iyon!" puno ng hinakot at pangamba ang boses ko.

Talagang hindi ako matahimik dahil sa nakitang 'yon. Pinagmamasdan ko nga ang tatlo kong Tiyahin nang makabalik sila. Wala namang hindi normal sa kanila. Mukha silang matitinong tao pero hindi pala! Kabaliktaran noon ang lahat. Mamamatay tao sila! Mga mangkukulam! Kaya pala gano'n na lang ang tanong sa'kin dahil iaalay nila ako!

"Ate, baka naman nagha-hallucinate ka lang? Sinabi sa'min ni Peter na nakatulog ka raw sa gu—"

"PINAKAIN PA AKO NI PETER!!"

"Ate—"

"No, Adrian! Peter is lyin—"

"ATE!!" malakas na sigaw nito sa pangalan ko. Napatigil ako. Tumingin ako sa kanya. "Please. Wag ka nang gumawa ng story. Hindi ka rin papauwiin ni Dad mag-isa sa Manila. Let's just wait. Be calm and kind to them. Huwag mo silang hugashan agad. Nakita mong mabait sila sa'tin. They look weird but kind, and that's enough. Don't disappoint me, Ate." Pagkasabi niya noon ay iniwan niya akong mag-isa sa kwarto. Napalunok ako.

Am I judging them too much?

But I know what I saw. I know what I felt. Talagang may mali sa bahay na 'to at sa mga tao rito. Kung hindi nila ako paniniwalaan ay gagawa ako ng sarili kong paraan para mapaniwala sila. They want proof? I shall give it to them.

Nag-isip na ako ng mga plano kung paano ko mapapaamin na mga magkukulam ang taong nasa bahay na 'to. Walang signal para makapag-search, wala rin namang malapit na library para makapag-research. Walang bahay na pwedeng pagtanungan. Hindi naman ako pwedeng lumapit sa kanila dahil malalaman nilang may alam na ako. Pero kanino ako pwedeng magtanong na hindi ako paghihinalaan?

Lumapit ako sa may bintana at umupo sa pasimano. Tumingin ako sa labas. Mataas pa ang sikat ng araw. Masakit sa balat. Pero parang may humila sa'kin para bumaba nang makita kong mag-isang naka-upo sa may harapan ng bahay si Isabella. Nasa lilim naman ang babae, may kung anong ginagawa sa lamesa.

Kung sa kanya kaya ako magtanong may chance na hindi niya ko isumbong? O ka

Pero sigurado ka bang magsasabi siya ng totoo? Oo nga naman. Saka, kung lalapitan ko siya at magtanong ako baka magtaka rin 'yon at ibalik ang mga tanong sa'kin pero wala naman akong choice kasi wala akong ibang mapagtatanungan. And I remember what she said 'ginawa niya lang daw 'yon to protect me and Adrian', gusto ko nang malaman ang lahat.

Namalayan ko na lang ang sarili kong nasa labas na. Huminga ako ng malalim. If I do this now mas mapapabilis. Yes, kaya ko 'to! Para sa resibo!

Lumakad ako palapit kay Isabella. Kahit na ang bigat-bigat ng mga paa ko habang naglalakad ay nilaban ko talaga. Mariin ang pagkakakuyom ko sa kamao ko nang huminto ako sa tapat nito.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

Muntikan pang mapatalon sa gulat si Isabella. Nag-angat ito ng tingin. Hindi sadyang nagsalubong ang mga mata namin.

"J-Joy..."

Umupo ako sa tabi niya. Ngumiti ako at tiningnan ang ginagawa nito. She was painting something. Parang monster na may pagka-werewolf pero malayo naman ang hitsura. Mas tumibay lang ang loob ko. Meron talaga silang itinatago dito. Mga halimaw sila.

"Ano 'to?" kunwaring curious na tanong ko. Itinaas ko pa talaga ang papel para makita nang maayos.

"Isa siyang tiktik. Kalahi ng mga aswang. Kaya nilang magbago ng anyo batay sa hayop na nais nila. Pwedeng baboy, uwak, ahas, aso, o kaya naman kapag malakas ang isang tiktik. Nananatili sila sa katawan ng isang tao...pero nasa wangis ng aswang pa rin," pagpapaliwanag nito.

"Anong ipinagkaiba nila sa aswang lang talaga?"

"Wala naman masyado. Yung iba lang hindi kayang magpalit ng wangis."

"Hm...ang galing mo pala mag-drawing." Tinignan ko ang mga gawa nito. Walang halong pambobola, nagsasabi ako ng totoo. Mukhang alam ko na kung saan nakuha ni Adi ang galing niya sa pagdraw-drawing.

"Salamat." Inabot niya sa'kin ang isang pencil. Nagtataka akong tumingin.

"Anong gagawin ko diyan?" tanong ko, kinuha ko pa rin ang color pencil dahil baka isipin niyang attitude ako.

"Mag...drawing ka rin," pabulong niyang sabi.

Tumaas ang kilay ko. "Okay." Kumuha ako ng blangkong papel at nag-umpisang mag-drawing ng mga shapes at nag-shading lang. Mula sa gilid ng mata ko at nakita kong ngumiti si Isabella, tapos ginaya ang ginagawa ko.

Tumikhim ako.

"Nga pala...sorry sa nangyari kahapon. Hindi ko inaasahang masisigawan kita."

"Wala 'yon. Naiintindihan ko naman," sagot nito.

Tumango ako. Kinamot ko ang batok ko bago nagsalita. "May gusto akong itanong sa'yo."

"Ano 'yon?"

Nilingon ko siya.

"Naalala mo ba yung sinabi mo sa'kin na ginawa mo lang 'yon para protektahan ako at si Adrian? Ano ang ibig mong sabihin do'n? I mean..."

Tumawa ang babae at binaba ang hawak na panulat. Tiningnan niya rin ako. Hindi pa rin maalis sa mukha nito ang ngiti pero kapag tiningnan mo naman ang mata niya ay walang buhay iyon. May kaunting kislap pero hindi ko naman alam kung para saan.

"Yung ginawa ko noon! Alam ko naaalala mo iyon! Hindi ba nga ikaw ang nagbigay ng suhestiyon sa'kin pagkatapos dumating sila. Hindi ko natapos yung para kay Adrian pero yung sa'yo oo!" aniya.

Bigla akong kinilabutan dahil sa paraan nito ng pagsasalita. Parang puno ng enerhiya at kung paano niya bigkasin ang mga salita ay parang bata. Nakakatakot.

"A-ano ba yung hindi natapos?" kahit kinakabahan ay nagpatuloy ako.

Pilya siyang ngumiti sa'kin at umiling kasabay pa ng pagsenyas ng daliri na para bang sinasabing hindi pwede o bawal niyang sabihin.

"Magagalit si Idang sa'kin. Ayoko. Kukulong na naman niya ko sa kwarto."

Umawang ang labi ko. They locked her in a room? What kind of people they are. I thought they love her...but—

"Saan ka nila kinukulong?" mahina ngunit puno ng pag-iingat pero hindi naman niya ako sinagot. Bumalik na lang ito sa ginagawang pagkukulay.

Humigop ako ng hangin para lang ilabas ulit 'yon.

"Isabella, anong meron sa loob ng pinaka-dulong kwarto?"

Natigil sa pagkulay si Isabella at nilingon ako. Namimilog pa ang mga mata nito.

"Pumasok ka do'n?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Hindi ko alam kung tatango ba ko o hindi. But I choose the last choice. Umiling ako sa kanya. Mukhang nakahinga ng maluwag si Isabella dahil naging relax na ang mukha nito. Matamis niya akong nginitian bago inabot ang kamay ko.

"Wag kang papasok doon kahit anong mangyari."

"Bakit? Anong mangyayari?"

"Mamatay ka." Biglang turan nito.

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa sinagot niya. Ilang beses akong kumurap para siguraduhing hindi ako nananaginip. At hindi nga. Totoong sinabi niya iyon. What does she mean about me being dead?! Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko nang bumaba ang mata ko sa isang drawing na natatakpan ng ibang papel.

Umawang ang labi ko. Dahan-dahan kong inabot ang papel at tiningnang mabuti.

"Saan mo nakuha ito?!" naguguluhan kong tanong nang harapin ko siya.

Nag-iwas ito ng tingin. Huminga ako ng malalim. Joy, hindi mo makukuha ang kaylangan mo kapag nagalit ka. Tandaan mo. May saltik sa utak 'yang babaeng 'yan. Paalala ko sa sarili ko. Ngumiti ako at dahan-dahang inabot ang kamay ni Isabella. Naka-awang ang labi nito nang tumingin sa'kin.

"Sorry kung napasigaw ako...pero kasi nagtataka lang ako kung saan mo 'to nakuha," mahinahon kong ani.

"N-nakita ko."

Mahina ang boses niya pero rinig na rinig ko. Nakita? Baliw ba talaga siya? Saan niya makikita, eh, eto 'yung nasa panaginip ko! Ako ito! Nung pinapatay ako ng halimaw! Kaya paano niya nakita!

"Saan mo nakita?" tanong ko pa. Imbis na sumagot ay itinaas nito ang kaliwang braso at tinuro ang ulo. Napalunok ako. This family is really weird!

"N-nakita ko...si-sinubukan kitang iligtas, Joy...p-pero nahuli ako. Nahuli ulit ako..."

"W-what?"

Naguguluhan ako sa sinabi niya. Binitawan ko ang mga hawak ko at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Nagtama ulit ang paningin namin. Kita ko ang pamumula ng mga mata nito na para bang nagbabadya na ang paglaglag ng mga luha. Pinatapang ko ang sarili ko.

"A-nong ibig mong sabihin? Paano mo nakita?! Mangkukulam ba kayo?! SABIHIN MO!!!" I said frustratedly.

Inilingan niya ako. Umiyak na nga ang loka-loka.

"Sorry...so-sorry, Joy! Hindi ko siya naligtas—sorry!"

Paulit-ulit lang nitong tinuran ang mga salitang iyon. Sorry. Sorry. Sorry saan?! Anong meron?!

Madilim ko siyang tiningnan. "UMAMIN KA NA, ISABELLA! TELL ME, ARE YOU A WITCH?! Bakit ka nagso-sorry?! Anong ginagawa mo?!" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtaas ng boses.

Nawala sa sarili niya si Isabella. Panay ang iyak nito at pagso-sorry. Hindi ko naman alam kung anong gagawin. Ayaw niyang magsalita ng iba bukod sa sorry. Naiinis ako dahil wala akong maalala sa nangyari noon. Hindi ko malaman kung saan ba siya nagso-sorry.

Binitawan ko siya. Tumayo ako at tiningnan lang siya. I pity her. Baliw talaga ang babaeng 'to.

Dumating si Elena. Mabilis na lumapit sa kapatid niya at pinatahan ito. Tumingin siya sa'kin.

"Anong ginawa mo, Joy?!"

"Wala! I just asked her," patay malisya kong tanong tapos tumalikod na. Iniwan ko sila doon. Mabilis ang paglalakad ko para makapasok sa bahay. Hanggang sala yata ay rinig ko ang pagpalahaw at pagsigaw ni Isabella. Umiling ako.

Kaya siguro nila naisipang dito na lang tumira dahil din sa kapatid nila. Kung gano'n rin naman ang kapatid ko baka gayahin ko rin sila.

Naabutan kong nagbabasa ng diyaryo si Dad sa may sala. Naka-upo siya sa may mahabang upuna. Tinabihan ko siya. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya, iniyakap ko ang kamay ko sa braso niya.

"Dad, may gusto akong itanong," ani ko.

"What is it?" aniya nang hindi inaalis ang tingin sa papel.

Huminga ako ng malalim. "Ano po ba talagang nangyari noon?" mahina kong tanong. Natigil sa akmang paglipat ng pahina si Daddy at bumaba ang tingin sa'kin.

"Dad, she said ginawa niya lang yon to proptect me and Adi. Saan niya kami prinotektahan? Tapos aswang ba sila? Or mangkukulam? I saw one room—"

Nabitin ako sa pagsasalita ng humaplos ang kamay ni dad sa pisnge ko. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.

"Sinabi sa'kin ni Adrian, Joy," seryosong aniya.

Tumiim bagan ako.

"Anak, I know you hate your mother but what you are doing is not okay anymore. Don't make me mad, Joy. Respect them. Isinama kita dito para makilala mo ang iba pang pamilya mo hindi para bastusin sila. Maliwanag ba?"

Ang pinaka-ayoko sa lahat ay kapag nagseseryoso ang Daddy ko. Alam ko kasing wala na akong magagawa kung gano'n. Wala na akong choice.

"Okay...but answer me first Dad. Anong reason niya bakit sinabi niyang­—"

Ginulo ni Dad ang buhok ko, "anak, don't listen to her. Minsan talaga ay may mga pagkakataong nagiging malilimutin na ang Mama mo. Kung ano-ano na rin ang nasasabi niya kaya don't think to much about it," anito na para bang wala lang.

Tumango ako pero hindi sumasang-ayon ang isang bahagi ng utak ko. Pakiramdam ko kasi ay may mali talagang nangyayari. Hindi na ko nagsalita pa. Mahigpit kong niyakap si Daddy saka pumikit ng mariin.

I hope I find my answers.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top