Episode 8
THE UNENDING RAIN grew stronger. Kitang-kita ko iyon mula sa glass wall ng kwarto ni Stevan. Nakita ko rin kung papaano humampas doon ang malakas na hangin. Kasabay niyon ang pagkislap ng kidlat na sinusundan ng malakas na pagkulog.
But still, I froze on my spot. Hindi ako makagalaw. Nanigas ako habang dinadama ang init ng katawan ni Stevan. Yakap-yakap pa rin niya kasi ako. At hanggang ngayon, rinig na rinig ko pa rin ang masakit niyang pag-iyak. His voice is breaking and it's prolly the most painful sound that I have ever heard.
"Hey, Stevan?" Pagtawag ko sa kanya.
Nanatili ang mga mata ko sa glass wall. Hindi ko gustong iharap sa kanya ang mukha ko. Our body is dangerously closer. Damang-dama ko ang maskulado niyang dibdib mula sa likod ko. At kung haharap ako sa kanya, isang hibla na lang at baka mahalikan niya ako!
Pero walang sinagot si Stevan. Tila ba hindi niya ako narinig. He is just here, hugging me while sobbing and I can't take it. Nahahawa ako. Naramdaman ko na lang na naluluha na rin ako. Kasabay iyon ng gumuguhit na kirot sa dibdib ko.
Binaklas ko tuloy ang kanyang pagkakayakap sa akin. I sat beside him while wiping my tears using my hand. Letcheng Stevan 'to, hindi ako pumunta dito sa Brooklyn para maging best drama actress ha!
Inilapat kong muli ang likod ng palad ko sa noo niya. Ganoon pa rin. Mainit pa rin siya. Inaapoy pa rin siya ng lagnat. Tumayo na lang ako at nagpunta sa bathroom. I grabbed a face towel there. Binasa ko iyon bago ako muling bumalik sa kwarto ni Stevan para ilagay iyon sa kanyang noo.
"Huy, tahan na." Napakamot ako sa batok. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak at hindi ko na talaga alam kung papaano pa siya patatahanin. Hindi rin naman kasi ako iyong tipo ng tao na nagpapatahan. Sanay akong magpaiyak, duh.
Nang wala pa ring siyang hinto sa pag-iyak ay may kung ano sa akin ang nagtulak para kunin ang kanyang kamay. I grabbed his right hand. Mindlessly, I found myself massaging his palm. Napangiti ako nang unti-unti, kumalma si Stevan. Huminto siya sa pag-iyak.
Right now, he is sleeping peacefully. Mukha siyang inosenteng bata na hindi gagawa ng katarantaduhan. Iyong para bang sobrang bait to the point na rebulto niya na lang sa simbahan ang kulang. Malayong-malayo talaga sa demonyong una kong nakilala last week.
I continued staring at his face as I massaged him. Ngayon ko lang napagmasdan nang malapitan ang mukha ng ungas na 'to. His double chin is not kinda prominent. Perpekto kasi ang hugis ng kanyang panga. On the other hand, his lips are red. Natural na pouty iyon. Ganoon na rin ang eyelashes niya. Natural rin na mahaba iyon. Sakto lang naman ang pagkatangos ng kanyang ilong. Samantala, kagaya ng karamihan sa mga lalaki, makapal rin ang kanyang mga kilay.
Gwapo din pala. Demonyo nga lang kapag nagising kaya automatic ekis.
Nang gumalaw siya ay bigla kong inalis ang mga mata ko sa mukha niya. Pinili ko na lang na pagtuunan ng pansin ang kanyang kamay. I massaged it until I was distracted by the bulging veins on his arms. I started to trace it and I don't know why I felt a fang of guilt when I started to like it.
Absentmindedly, I shook my hand. Mali ito! Mali ito! Napangiwi na mang talaga ako. Tinantanan ko na lang ang kamay ni Stevan. I scoot closer to his head. I found myself caressing his messy hair.
"Gwapo ka sana." Napailing ako. "Kaso ang pangit ng ugali mo. Sarap mong tuktukan pero pasalamat ka, may sakit ka. Kasi kung hindi? Bubugbugin talaga kitang tarantado ka."
Napakurap ako nang makakita ako ng pasa mula sa kanyang leeg. Where did he get that? But I was never ready for it when all of a sudden, I saw how he slowly opened her eyes. Natigilan ako. Nanatili ang kamay ko sa kanyang buhok. Nataranta ako nang bongga! Gusto kong magtago bigla sa ilalim ng kama! Gusto kong maging invisible! Gusto kong maging utot na lang ng tricycle driver!
And from wincing to staring at me as if I am the worst miracle that he could ever think of, I ready myself to see Satan when he glared at me . . .
"What are you . . ." He coughed and push my hand away, "fucking doing?"
Napatayo tuloy ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Ang kumaripas ba ng takbo o ang wrestling-in na lang si Stevan hanggang sa makatulog uli siya?
Ano ba?!
"Uhm, ni-nilalagnat ka kasi. Nag-aalala lang ako--"
"I don't fucking need you." Halatang-hatala pa rin sa boses ni Stevan ang panghihina. Inalis niya ang basang towel mula sa kanyang noo. Ibinato niya iyon sa akin. Saktong tumama iyon sa mukha ko. "Get out!"
Wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Natataranta, kumaripas ako ng takbo papunta sa pintuan. Sa taranta ko nga ay hindi ko na inalis ang basang towel sa pagkakatakip sa mukha ko. Nangapa talaga ako. Nagmukha akong tanga, tarantado!
Hingal na hingal ako nang makalabas na ako sa kwarto. Napasandal ako sa pinto. Labis ang pagkalabog ng puso ko. Para ba akong nakipag-engkwentro sa isang halimaw!
Letche! Gusto ko lang namang tumulong pero bakit naman parang galit ka? Bakit kasalanan ko-- parang kasalanan ko?!
"SOBRA TALAGA IYANG Stevan na 'yan noon." Sumimangot si Lola Love. "Kung siraulo nga lang ako, baka na-salvage ko na 'yan nang wala sa oras. Siraulo, eh!"
"Oh, kalma! Ang blood pressure mo, lola!" Nataranta ako. Kabilinbilinan kasi ng kanyang Doctor na 'wag siyang galitin. Mataas kasi ang blood pressure ng matandang ito. Paano ba naman, chicharon ang laging nais.
Bumuga ng hangin si lola. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kanyang palad. "Pero alam mo ba? Nawala din iyong inis ko sa kanya nang maisumbong ko na siya kay Tita Mara?"
KINAUMAGAHAN, NAGISING AKO dahil sa sinag ng araw mula sa bintana. Tumila na ang ulan, sa wakas.
Katulad ng nakagawian ko isang linggo na ang nakalipas, bumababa agad ako sa first floor para tulungan si Tita Mara sa pagluluto. Ang isang ito naman kasi, ewan ko ba kung ano ang trip sa buhay at para bang araw-araw ang fiesta dito sa dami ng niluluto.
"Good morning, tita." Matamis akong ngumiti kay tita--
"MATAMIS TALAGA, LOLA? Nalasahan mo?" I am giving lola a weh look.
"Alam mo? Ang bobo mo, literal." Binatukan niya ako kaya't wala akong nagawa kung hindi ang mapangiwi na lang. "H'wag ka ngang magulo! Seryoso tayo dito, kinginang 'to!"
"Oh, nagagalit ka na naman!" Patuloy ako sa pag-ngiwi.
AGAD AKONG LUMAPIT kay tita. Sinuot ko iyong apron na ibinigay niya sa akin kahapon. Pink ito kaya gusto kong maduwal. Sa dinami-rami naman kasi talaga ng kulay, oo! Eto pa talaga, tita?!
"Ano pong maitutulong ko?" I continued my sweet smile.
"You can cook the pancake if you like." Sambit niya habang nagcha-chop ng sibuyas. Namamangha ako dahil hindi manlang siya naluha. "Madali lang naman 'yan, hija. Ilalagay mo lang sa pan at babantayan mo lang na 'wag masunog."
Oo na tita, oo na! Ako nang hindi marunong magluto! Okay na?!
Taliwas sa iniisip ko ang kinilos ko. I did what I was told. Nang mailagay ko na ang mix ng pancake sa pan ay nagsimulang kumalam ang tiyan ko. Kakaiba ang bango nito keysa sa pancake sa Pinas. Malakas ang matamis na aroma nito na talaga nga namang nanunuot sa butas ng ilong ko. Pang-mayaman talaga ang lahat dito sa Brooklyn! Namamangha ang maralitang katulad ko, shuta!
Pero teka, gutom agad ako? Sa pagkakaalam ko, kinain ko lahat iyong pinadeliver ni tita na chinese food kagabi ha-- I started to blink as my mind suddently went to the view of sobbing Stevan. Napalunok ako at nakaramdam na naman ng gumuhit na kirot sa dibdib ko.
"Uhm, tita. May sasabihin pala ako." Noong una ay nag-aalangan pa ako pero itinuloy ko na lang din.
"Ano 'yon, hija?" Tita continued to chop the onions.
"Si Stevan po kasi . . ."
Kusang tumigil si tita sa pagcha-chop. Binitawan niya ang kutsilyo. Dumako ang mga mata niya sa akin. Nakita ko sa kanyang mukha ang bigla niyang pag-aalala.
"Kagabi po, umiiyak siya habang tulog-- actually, I am not sure if he is just sleeping or he is unconscious at that moment."
Tita sighed. "May nakita ka bang mga pasa sa katawan niya?"
I blinked then nod. "Sa bandang leeg niya po."
"He is probably crying because of the body pain." Tita sighed again. "Paniguradong nagwala na naman siya. Habit na niya 'yan. Sa tuwing may nararamdaman siyang masakit, ibinubunton niya 'yon sa mga bagay. Kapag naman hindi na niya talaga kaya, umiiyak na lang siya."
Napalunok ako nang tumingin sa akin si tita. "Natakot ka ba?"
"Uhm," hindi ako makasagot. Gusto kong um-oo pero iyong pride ko? Pinipigilan akong tumango.
"Don't be, hija. That's just Stevan way to combat the pain within his heart." Tumikhim si tita. "Well, most of the dying people always think like that. Gusto kasi nilang palayuin ang lahat. Gusto nilang kimkimin iyong sakit. Gusto nilang mapag-isa na lang keysa makitang kaawaan sila ng mga tao. Kaya sa huli, sila na lang talaga ang gumagawa ng paraan para layuan sila ng lahat; para wala nang lumapit, para hindi na sila kaawaan."
Natigilan ako. There is that one moment na para bang tinusok ng kutsilyo ang puso ko. Hindi ko inakalang magiging ganito ako kalambot sa isang tao.
Tita tapped my back. "Sana, habaan mo pa ang pasensiya mo sa kay Stevan. Pang-unawa ang kailangan niya, hija."
"Hanggang kailan na lang ba ang buhay ni Stevan, tita?" Hindi ko napigilan ang sarili ko.
Tila ba nabigla si tita sa tanong ko pero pinilit niya pa ring ngumiti. "Twelve months, hija. He only has one year to live . . ."
Twelve months?
Para bang biglang nanghina ang mga tuhod ko.
Isang taon na lang ang itatagal ng buhay ni Stevan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top