Episode 4
THE NEXT MORNING came, at wala akong tulog. Shuta, mukha akong eyebags na tinubuan ng mukha ng tao! Namahay ako, walangya. Pero hindi lang iyon ang namahay pati iyong pwet ko! Dugyot na kung dugyot pero nakakabwisit ‘tong tae ko, ayaw makipag-cooperate!
Napapangiwi tuloy akong lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa living area. Doon ko natagpuan si Tita Mara. She was well dressed with her white polo and khaki pants. She really looked sophisticated with her eyeglasses and ponytail. Heto iyong mga tipo ng single mom na gugustuhin ng mga may MIO sa Pinas, eh.
“Ikaw nang bahala rito, hija,” Tita Mara said as she held her white doctor gown along with her Chanel bag. “Nagluto na ako ng breakfast niyo ni Stev. Yayain mo na lang siyang bumaba sa kusina, ha?”
Matamis ang ngiti ko nang tumango ako. Matapos niyon ay sinundan ko na si Tita papunta sa pintuan. At nang mabuksan na niya ang pinto ay talagang gusto kong mag-krumping dahil sa lamig!
Bumulaga sa akin ang malakas na ulan. The sky was gray and the rain appeared to be unending. Maya’t maya ang pagkulog pero iyong tunog ng ulan ay isang musika sa aking tainga.
Nang sumakay na si Tita Mara sa kanyang kotse ay kinawayan ko siya. Agad din naman niyang pinaandar ang kotse matapos siyang bumusina sa akin.
Hindi sinasadya ay napatingin ako sa langit. Madilim ito. Nawala ang asul na asul na kulay nito ‘di gaya kahapon.
At sa hindi malamang dahilan, nagsimula akong isipin ang pamilya ko sa Pinas. As the line of pain started to succumb my chest, I swallowed hard.
Bigla kong na-miss sina Mama, pati na rin si Papa . . . lalo na iyong aso kong si Pokpok. Miss ko na iyong bigla na lang siyang dadamba sa binti ko tapos iyon ang titirahin niyang malibog siya.
As the black sheep of my family, hindi ko gustong tumambay sa bahay namin noong nasa Pilipinas pa ako. Kasi hassle ang bibig ni Mama kung manermon. Parang shotgun na may unli-bullet. Walang hinto. 24/7, dinaig pa ang 7 Eleven.
Sa Pinas, kung wala ako sa bahay ng jowa ko, nasa barkada ako. Minsan, naglaktwasa lang kami kung saan-saan. Madalas, nag-iinom. It was a permanent cycle for me. Inalis ko na sa sistema ko ang atensyon ko sa pamilya ko.
Nasanay na ako ro’n.
Pero . . .
Pero bakit kung kailan nasa malayo na ako, parang bigla akong nagsisi na sana, iginugol ko na lang iyong mga oras na iyon sa bahay—sa pamilya ko. Na sana, tiniis ko na lang iyong pagbubunganga ni Mama kaysa ganito, para akong tanga na naluluha dahil for the very first time, gusto kong yakapin sina Mama.
Totoo nga ang sinabi nung kaibigan ni Kathryn Bernardo sa movie na The Hows of Us. Iyong absence makes the aqetsyaftwhqdg, ano uli ‘yon? Nakalimutan ko na, shuta! Panira naman ng momentum, oo!
Nabubugnot, bumalik na lang ulit ako sa loob ng bahay. Sinarado ko ang pinto at saka umakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ni Stevan. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ang lalaking iyon pero bahala na nga.
Kumatok ako sa pintuan niya. “Stev, uhm . . . kain na tayo—kain ka na raw sabi ng mommy mo.”
Walang sumagot.
Kroo kroo inamers na naman.
Kumatok uli ako pero wala na namang sumagot. Kaya’t sa pangatlong pagkatok ko, kung hindi pa niya talaga bubuksan ang pinto ay nako, wawasakin ko na talaga ‘yan! Talipandas siya!
Nag-angat akong muli ng kamay. Kunot na kunot ang noo ko. Handa na ako para bulabugin siya nang bongga. Pero isang hibla na lang ang pagitan ng kamao ko sa pinto nang bigla iyong bumukas. I saw Stev wearing a white tank top and a gray jogger pants. His hair was messy.
At dahil ako nga si tanga, hindi ko sinasadyang idampi nang malakas ang kamay ko sa matigas niyang dibdib. I was blinking when I gathered my hand and hastily hid it on my back.
“Uhm…” Lumunok uli ako. “Kumain ka na raw—”
I swallowed hard when his blank Asian eyes directly stabbed my eyes. “I will eat whenever I want to.”
At doon, bigla niya akong pinagbagsakan ng pinto. Gusto ko tuloy siyang sugurin sa loob at sabihan ng masasamang words!
Shuta siya, siya na nga ‘tong pinapalamon tapos siya pa ‘tong suplado? Kung konyatan kaya siya riyan nang pasala-sala tapos mamatay siya kakailag?!
Bahala na nga siya!
Nakasimangot at padabog akong bumaba sa first floor. Dumeretso ako sa kusina. At talagang ang patay-gutom kong ugali ang nanalo sa sistema ko nang makita ang mga pagkain sa mesa. Doon ay may menudo, sinigang, kare-kare, adobo, fried chicken, at lumpiang shanghai.
Hala, ano ‘to? May okasyon pala rito ngayon?
Fiesta yarn?!
Wala na akong hinintay pang sandali. Wala nang paligoy-ligoy pa, kumuha na ako ng plato. Nilagyan ko iyon ng maraming kanin at tig-iisang kutsara ng mga ulam. Nagsimula akong kumain habang nakakamay. Itinaas ko pa ang isa kong paa sa upuan. Hindi ko inakalang magugutom pala ako to the point na puro lunok na lang ang ginawa ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang biglang sumulpot si Stev mula sa kung saan. Bigla tuloy akong umayos ng upo. Hindi ko alam kung bakit pero nang makita kong sinulyapan niya ako, bigla akong nahiya sa pagkakamay ko!
“Uhm…” Peke akong umubo. Hanggang sa wala akong maisip na sasabihin, pinili ko na lang na manahimik.
Maingat akong sumubo ng pagkain habang patagong pinapanood si Stev. His muscles on his biceps were flexing as he collected food on his plate. Hanggang sa sumentro ang mga mata ko sa malapad niyang dibdib. Hindi sinasadya, napalunok ako. But thinking about that, hindi nga halatang wala siyang sakit. His body was too fit for me to think that he was . . . dying.
Pero hindi talaga ako ready nang bigla niya akong tingnan. Ang singkit niyang mga mata ay sumasalamin sa hindi malaman niyang pagkairita.
“Can you please stop staring at me?”
Ilang segundo akong natigilan. Hanggang sa pilit na lang akong tumawa. “Ako? Tumitingin sa ‘yo?”
Peke rin ang halakhak ko. “Excuse me, ha? Why would I?”
On my mind, I was wincing when he continued his blank stare at me. Hanggang sa bigla niya rin iyong inalis sa akin. Umupo siya sa harap ko at kumain. Hindi na niya ako inintindi pa. Kung tutuusin, para akong isang hangin na hindi niya makita.
At hindi ko talaga alam kung ano ang nag-udyok sa akin para magsalita . . . para kausapin siya.
“Stev, about your bucket list—”
“Shut your mouth,” ang pagputol niya sa akin habang ngumunguya. Ni hindi niya ako tiningnan!
Doon ay biglang kumunot ang noo ko. “How about this? How about you let me finish my sentence first like normal people do—”
“I said, shut up,” he continued in his dry tone. “You are just a maid here, so know your place.”
That was the point when I really lost my patience. “Maid? Hindi ako maid. Nandito ako dahil inutusan ako ng nanay mo para tulungan ka sa letseng bucket list mo—”
Pinutol na naman niya ako, punyawa!
“You are a maid for me.” Iritado siyang tumayo, matapos ay napatalon ako mula sa kinauupuan ko nang bigla niyang ibagsak ang plato sa sahig. Doon ay natapon lahat ng mga pagkain.
He was with his gritted teeth when he said, “Now, clean this.”
Dere-deretso siyang naglakad palabas ng kusina. Sa mga segundong iyon, uminit ang ulo ko . . . nangati ang kamao ko. Sinundan ko siya. Sa bilis ng paglakad ko ay walang hirap ko siyang naabutan.
Hinablot ko ang damit niya. I equaled the tension on his Asian eyes. “Ano bang problema mo?”
Sinubukan niyang alisin ang mahigpit kong paghablot sa itaas na bahagi ng kanyang sando, pero hindi niya nagawa.
Hanggang sa nginisian na niya lang ako. At hindi ako naging handa nang bigla . . . hinalikan niya ako. Rumupok ang pagkapit ko sa kanyang sando. Iyon ang naging dahilan kung bakit siya nakawala sa akin.
I was stunned.
I was fucking stunned, and that paved a way for him to easily walk away from the shit that he just did to me . . .
“OH MY GOD! Lola, ang landi-landi mo!” paghiyaw ko habang tumatalon-talon mula sa hospital bed niya.
“Teka, ano ba! Bakit ako iyong malandi? Ako ba iyong bigla-bigla na lang nanghalik? Tanga ka?”
Akmang tatalon na sana akong muli sa kilig nang bigla niya akong hampasin nang malakas sa braso. “Isa mo pang talon talaga, sasapakin na kita!”
“Eh, kasi naman! Na! Ka! Ka! Ki! Lig!” Tumili ako at dahil doon ay nagawaran niya ako ng pangmalakasang pagbatok.
“Aray!” Ngumiwi ako habang hinahaplos ang bahaging iyon. Jusko, walangya! Bakit ba ang bigat ng kamay niya? “Pasalamat ka talaga, lola kita. Nakakarami ka na! Sinasabi ko talaga sa ‘yo!”
“Aba’t sumasagot ka pa, ha!” Akmang sasaktan na niya sana akong muli nang biglang bumukas ang pinto.
It was George—the black American who always delivers hospital food.
“Time to eat, Loverielle,” he mumbled while smiling with all of his white teeth.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top