Episode 2
NANG BUKSAN KO na ang pintuan ng kotse, isang malawak na ngiti ang kumurba sa labi ko. Nalanghap ko ang kakaibang lamig ng simoy ng hangin ng Brooklyn. Pangmayaman, hindi ko kinaya! Aircon ‘yan?!
Nang dumako naman ang mga mata ko sa bahay ni Tita Mara, namangha ako. It was a two-storey house with a modern style. Iyong square-square na hindi ko malaman kung ano ba talaga ang dulot. Pero ang mahalaga rito, may swimming pool.
Oo, may swimming pool!
Makakapag-swimming na ako non-stop! ‘Di gaya sa Pinas na pahirapan pa talaga dahil bukod sa ang mahal ng bayad sa swimming fee, nakakadiri pa kasi halos mangitim na talaga ang tubig sa dami ng mga dugyot na naglalangoy!
“Welcome home, hija.” Matamis na ngiti ang iginawad sa akin ni Tita Mara.
“Thank you po, Tita.” I smiled back.
And just like that, I smiled my widest as I roamed my eyes around the place—around my new home. Talagang pangmayaman ang mga bahay rito. Modern style din at iba-iba ang kulay. Social distancing pa ang mga shuta. At teka, hindi ko kinaya iyong may kanya-kanya rin silang mga garahe at yayamaning kotse! Walang binatbat ‘to sa kanya-kanyang bantot ng mga dikit-dikit na bahay sa lugar ko sa Pinas.
Shet! I live for this! I effin breathe for this! Isang afam lang ang kailangan ko rito at thank you, Lord! Thank you! Ready na akong i-represent ang Pilipinas! Sa wakas, isa na namang Pinay ang makakaahon sa buhay—
“Tara na sa loob, hija?”
Napakurap ako. Bigla akong bumalik sa realidad. Shuta, sandali lang, ha? Self, iyong matulungan ang anak ni Tita Mara ang ipinunta mo rito at hindi para sakyan ang mga kano, ha? And more importantly, may boyfriend ka pang gaga ka!
“Ah, opo, Tita.” Napakamot ako sa batok ko.
Doon ay awtomatikong binuksan ni Tita Mara ang pinto. Pumasok na kami at ang maralitang katulad ko ay namangha sa nakita. Ang unang bumungad sa akin ay ang living area. Ang laki nito. Parang buong bahay lang namin sa Pinas ang katumbas lang nito.
Nagpatuloy akong mamangha nang dumako naman ang mga mata ko sa sofa na halatang buong buhay ko ang presyo. Iyon ay itim na leather pero ginto ang mga paa niyon, grabe siya. Kapag nagipit talaga ako rito, isasangla ko ‘yan!
Nang maglakad si Tita Mara patungo sa hagdan ay doon lang uli ako natauhan. Agad ko siyang sinundan hanggang sa tumigil kaming pareho sa harap ng isang pinto.
“Stev, anak.” Pagkatok ni Tita Mara pero walang sumagot. Kroo kroo inamers ang drama namin dito.
Sa muling pagkatok ni Tita ay wala pa ring sumagot. Doon ay nagpabuntonghininga na lang siya for some unknown reasons.
“Okay lang po ba siya, Tita?”
Napailing siya. “Ignoring me is his habit, ewan ko ba sa batang iyan. Kapag kinakausap ko ‘yan, para lang akong hangin na hindi niya naririnig.”
“Ay ang bastos ho, ano?” Kumunot ang noo ko. “Titino talaga sa akin ‘yan, Tita. Ako nang bahala.”
Tumikhim si Tita. “That is still uncertain, hija.” Kasabay niyon ay pinihit na niya ang door knob. Doon ay napapikit talaga ako nang makarinig ng malakas na tunog galing sa speaker.
Ano ba ‘to?! Sa lakas ay tinalo talaga nito ang mga plastik na politiko na ma-effort magpatugtog ng basura nilang campaign song. Iyong ganado silang lakasan ang volume ng kanta pero kapag nakaupo na sa pwesto ay parang nagka-amnesia na sa mga pangako nila!
Iniwasan ko ang mapangiwi nang yayain ako ni Tita sa loob ng kwarto. Biglang huminto ang malakas na tugtog at sumentro ang mga mata ko sa abs—este sa lalaking nasa harap namin. He was wearing nothing but a white boxer brief. Yes, I am not going to center my eyes on his prominent . . . package.
His sharp Asian eyes glanced at me. “I don’t care whoever she is, Mom.”
Aba’t bastos ‘to, ah!
“Don’t be rude, anak.” Tita heaved a sigh. Then she gestured her hand towards me. “This is Loverielle. She is going to help you fulfill your bucket list—”
“Sinong nagsabing kailangan ko ng tulong?” he harshly cut his mother.
That moment, gusto ko nang pumasok sa eksena. Kasi kung nasa Pilipinas lang ‘to, kingina auto-sapak sa ‘kin ‘yan! Walang sali-salita, pupuruhan ko talaga sa nguso ‘yan! Bastos, eh!
“Nanghihina na ang katawan mo, anak,” Tita Mara explained. “Kahit hindi mo sabihin, nakikita ko ‘yon. Nanay mo ako kaya nararamdaman ko ‘yon—”
“Get out.” His sharp eyes started to flame. Umalon ang kanyang Adam’s apple. Sinundan iyon ng pag-igting ng kanyang panga.
“Anak—”
“Get out!” Sa lakas ng pagsigaw niya ay nag-echo iyon sa buong kwarto.
Iyon na ang puntong hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I was about to open my mouth to speak, but I stopped myself the moment Tita Mara turned her face at me. Gone were the minutes of her sweet face; all I could see right now was nothing but pain.
“Tara na, hija.” Iginiya ako ni tita palabas ng kwarto.
Wala akong nagawa kung hindi ang sundin na lang siya kahit gusto ko nang sapakin ‘yang mayabang na Stevan na ‘yan! Sarap kutusan, ay nako! Nanggigil ako! Gusto ko siyang bugbugin!
“AY, ANG BASTOS nga talaga ng Stevan na ‘yan, Lola!” Hindi ko napigilang putulin si Lola Love sa pagkukwento. “Ang bastos, bakit nakasuot pa siya ng boxer briefs kung pwede namang wala na lang?!”
Doon ay halos mabulunan sa sariling laway si Lola. Nabatukan niya ako kaya ako naman ang nabilaukan. Napapangiwi na lang akong hinaplos ang batok ko.
“Ikaw na bata ka!” Sinimangutan niya ako pero bigla rin siyang ngumisi na parang tanga. “Pero oo nga, ano?”
Ay bwisit!
Halos mamatay ako kakatawa!
Sakto namang pagpasok ni Nurse Lorrine. Siya ay isa ring Pinay na naka-base dito sa Nevada. Kilala na niya kami dahil ilang beses nang nagpabalik-balik dito si Lola Love.
“Time to check your vital sign, Lola.” Ang malambing niyang bati.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top