Episode 1

IT'S THE 3F's for me and nah, hindi iyong feed me, fuel me, and f*ck me ang sinasabi ko, ah. Tarantado akong babae pero hindi ako ganoong kahayok. I am talking about fresh restart, fresh redemption, and fresh chances to change my destiny.

Right now . . . Right here in Brooklyn, I will be more-- I will be that girl that everyone never envisioned me to be. That one girl who will flash a sweet smile together with her success while raising her middle finger towards the ones who doubted her capabilities.

Yes, that bitch is going to be me.

I have all the fresh choices of beginning with me now, and God knows that I will really try harder to make the best out of it. Seryoso na talaga-- walang halong katarantaduhan, magpapakatino na ako dito sa Brooklyn. Ito na lang talaga ang solusyon para maiba ng landas ang patapon ko nang buhay. Kailangan ko lang sigurong lumayo sa tukso ng Pinas at magsimulang muli sa ibang bansa.

Fresh na fresh.

Ngumiti ako nang tumama sa akin ang sinag ng araw mula sa bintana ng kotse. Nasilaw ako kaya't minabuti kong abutin ang sun glasses kong fresh from the pangmalakasang divisoria.

Pero . . .

Bigla akong napapikit. Sumama ang timpla ng mukha ko. Bigla, gusto kong magwala at manampal na lang ng kahit na sino sa daaan!

Fresh ako. Fresh lahat sa akin. Ang hindi lang fresh? Iyong tuyo na pinadala sa akin ni Mama para kay Tita Isabelle. Letchugas na may kamatis naman! Bumabaho ang bago kong bag na parte sana ng madrama kong 3F's!

"What was that smell, hija?" Came by Tita Mara. She is driving while I am on the passenger's seat.

Biglang umayos ang nababahuan kong facial expression. Ngumiti ako nang matamis na para bang walang mabantot na dumidikit sa butas ng ilong ko.

"Ah--" lumunok ako, "tuyo, Tita. Pinapadala po sa iyo ni Mama."

I saw how Tita Mara's smile turned to be the brightest smile that I've ever seen from her. "Kilalang-kilala talaga ako ng best friend ko."

"Ay, sobra Tita." Humalakhak ako at muntik ko na siyang mahampas. Mabuti na lang at napigilan ko ang kamay ko. "Iyan po talaga ang una niyang inisip nang in-invite niyo ako dito sa Brooklyn."

"Right," Tita Mara giggled.

"By the way, hija," she continued. Her eyes are now centered to the concrete road. "My son is quite handful most of the time. Baka mahirapan kang pakisamahan siya, ha? He is so anti-social, hindi ko nga alam kung saan nagmana ang batang iyon."

"Ay nako, Tita. Ako pong bahala. Mga tambay nga po sa kanto namin, napapatino ko. Siya pa kayang laking America? Spokening dollar lang ang lamang ng anak niyo sa mga tambay sa Pinas pero paniguradong titiklop po iyan sa akin."

Tita Mara heaved a sigh. "Sana lang talaga, hija. Hirap na hirap na kasi talaga ako sa kanya. Ayaw niyang magpagamot dahil gusto niya na nga raw gawin na lang ang bucket list niya pero kapag tinatanong ko naman kung ano 'yon, ayaw sumagot. Hindi ko na talaga alam kung papaano pa siya matutulungan."

"Ay medyo siraulo po siya, ano po?" Hindi ko napigilan ang matabil kong nguso.

But thanks oh, Lord! Tita laughed with matching playful rolling eyes pa! "True, boys are really difficult."

"Tuldok!" Akmang aapir sana ako kay Tita pero mabuti na lang at napigilan ko na naman ang sarili ko. Jusko, dapat ko na yatang isama sa 3F's ko ang mga asal-kalye ko sa Pinas! Jusko talaga!

"SO, ANONG NANGYARI? Doon na nagsimula ang love story niyo?" Tanong ko kay Lola. Hindi ko inakalang macu-curious ako sa kalandian dati ng maldita kong lola!

Umubo muna si Lola bago umayos ng upo. Inalalayan ko pa siya dahil natatakot akong ano mang oras, mababalian siya ng buto.

"Secret," ngumisi siya sa akin nang nakakaloko, "pilitin mo muna ako."

Halos matumba ako sa sahig. Walang hiya, wala akong oras para sa pagiging pabebe mo Lola! Saka sa dami ng tattoo mo sa katawan, hindi bagay sa 'yo 'yan!

"Pero para sagutin ang tanong mo, hindi. Hindi doon nagsimula ang lahat."

"Eh?" I blinked. "Bakit po?"

"Kasi iyang si Stev," umiling siya habang bahagyang natatawa, "sungay na lang ang kulang at papasa na talagang demonyong naglalakad sa ibabaw ng lupa."

And just like that, she smiled at me as if what she is about to mumble only happened yesterday. As if the memories of her youth slowly cascade down infront of her wondering eyes . . . making her grin as if she turned 21 years old again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top