CHAPTER 06: Third Party
MAVIEL
MRS. HIZON was quick to respond to our call. Bandang ala-singko ng hapon, dumating siya sa cafe sakay ng kanyang black sedan. Pagpasok niya, agad siyang binati ni Nikolai at in-escort sa taas. Ako nama'y nag-request kay Landice ng chamomile tea na ise-serve sa client namin.
"—she hasn't made any transactions using her debit card and credit card," dinig kong kuwento ni Mrs. Hizon habang paakyat ako dala ang chamomile tea niya. "Based on her recent account statement, she made a withdrawal of P50,000 twice one week before her mall tour and subsequent disappearance."
Maingat kong inilapag sa mesa ang kanyang tsaa bago umupo sa tabi ni Sigmund.
"I could have sent you this piece of information," our client went on, "but you insisted on meeting me in person. I hope you have an update on my daughter's location. Otherwise, this meeting could have been a text message."
Sigmund shot me a sidelong glance. Muntik ko nang nakalimutan na ako pala ang lead sa case na 'to. I cleared my throat first bago ako nagsalita. "Hindi na po kami magpapaligoy-ligoy pa. Pinlano n'yo ba ang pagkawala ni Charlize? Magkakasabwat ba kayo, ng PA niya at siya mismo?"
Iinom na sana siya ng tsaa, pero bigla siyang nahinto. Muli niyang ibinaba ang teacup na nasa saucer. "Excuse me?"
"Meron kaming theory na publicity stunt lang ang pagkawala ni Charlize." Napakapit ako sa tray na nasa aking lap. Medyo worried ako na baka mali ang conclusion namin. Pero heto na, nai-share ko na sa kanya. "Kaso nabulilyaso ang plano nang napagdesisyonan ni Charlize na huwag sundan 'yon. Ang scripted na disappearance niya, naging totoo na. Tama po ba kami?"
"Don't worry, ma'am," segunda ni Sigmund. "We won't tell anyone about it."
"Dahil ba may papalabas siyang movie kaya naisip n'yong gawin ang stunt na 'to?" sunod kong tanong. Tinitigan ko siya sa mata para i-observe kung ano ang reaksyon niya. I was not as good as my mentor when it came to reading microexpressions, pero mas mabuti nang subukan ko para makasanayan ko rin. "Iniisip n'yo bang makatutulong sa movie kung gagawa kayo ng ganitong gimik."
Sandaling bumaling sa ibang direksyon si Mrs. Hizon bago napabuntonghininga. Mukhang tama ang theory namin. Nagkatinginan muna kami ni Sigmund bago ko ibinato sa client ang aking tingin.
"The truth is," Mrs. Hizon began, "this publicity stunt is Charlize's idea, not mine."
Muntik nang malaglag ang panga ko. Even Sigmund was surprised dahil nanlaki ang mga mata niya. Ang akala ko'y ang client namin ang pinaka-capable na makaisip ng gano'ng strategy. We did not see this coming.
"She proposed it to me two weeks ago," she explained further as her eyes stared down at the tea. "I was against it at first, thinking that it's too risky and it may backfire on us. Pero pinilit ako ni Charlize na sumunod. Ang sabi niya, magke-create ng buzz sa social media kapag pineke namin ang pagkawala niya. That social buzz can translate into ticket sales. Reluctantly, I agreed, and we planned the scheme with her PA. Kaming tatlo lang ang nakaaalam. The fewer people know, the better at keeping it a secret."
"Charlize thought of this elaborate plan just to escape from the limelight . . ." I muttered. "Alam niyang mako-convince niya kayo kapag ginamit niyang reason ang pagpapataas ng ticket sales."
"But I don't understand why she'd pull this off." She shook her head, sumabay sa pag-iling ang dangling earrings niya. "She has a bright future ahead of her. Her movie's going to be a blockbuster hit. Her email is full of modelling and advertising opportunities. Bakit pipiliin niyang itapon ang lahat ng pinaghirapan niya? Pagod na ba siya? Pwede naman siyang mag-break muna kung gusto niya."
"It's not about the work," I told her. Lumingon sa 'kin si Sigmund. Hindi ko na natiis na huwag mag-comment sa pinagsasabi ng client namin. "It's about you, ma'am."
"Me?" Her eyebrows furrowed. "Ako ang reason kaya siya nagrerebelde? Ako ang reason kaya ilalagay niya sa jeopardy ang kanyang career? I gave her everything that I could. I gave up my career para sa kanya. I gave up my time para sa kanya. How could I be the problem here?"
"You're so toxic, you haven't realized na you're already suffocating her." I went for the jugular. "Pasensya na kayo sa choice of words ko, pero magpakatotoo na tayo, ma'am. Hindi n'yo siya itinuturing na anak sa way na itrato n'yo. May access kayo sa accounts niya. May access din kayo sa private space niya. Ikinulong n'yo siya sa isang hawla nang napakatagal kaya ngayon, naisipan na niyang kumawala at lumipad nang malaya."
"You're speaking as if you know my relationship with my daughter—"
"Because I have a mom like you. Pareho kayo ni Mama. Gusto n'yong magdesisyon para sa amin. Gusto n'yong i-monitor ang bawat galaw namin. Gusto n'yong sundin namin ang mga utos n'yo nang walang tanong. Kahit sinong anak, masu-suffocate sa gano'ng style of parenting. Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit ginusto niyang mawala nang parang bula—"
"Mav," pabulong na tawag ni Sigmund.
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang sobrang lalim. Nadala tuloy ako ng emosyon. Sobrang lapit sa puso ko ng sitwasyon ni Charlize, ang hirap na iwasang hindi maka-relate.
"Ma'am, sakaling mahanap namin ang anak n'yo at mag-reconcile kayo, i-consider n'yo ang nararamdaman niya," payo ko. "Dahil kung hindi, hahanap at hahanap siya ng paraan upang matakasan ulit kayo. Sana'y mag-reflect kayo sa nangyaring 'to."
Alam ko na ang trabaho namin ay gawin ang request ng client at hindi ang sermunan sila. We were not supposed to treat them this way. But I knew deep in my heart that I had to speak up. Ayaw kong magsalita para kay Charlize lalo na't hindi ko one hundred na alam ang kanyang issue sa magulang niya, pero kung tama ang kutob ko, pareho kami ng pinagdaraanan.
Posibleng may consequence ang ginawa ko, pero willing akong danasin 'yon. Basta mahimasmasan si Mrs. Hizon, walang problema sa 'kin kung patawan ako ng penalty ni Manager.
"That's an excellent speech," Sigmund said when our client excused herself. Sinabihan kami nito na contact-in siya kapag may update na kami. "You're not a bee, but you must have stung her with your words."
Napakagat ako ng labi. "Did I overdo it? Baka iurong niya ang case o i-report niya ako kay Manager?"
"You said just enough to knock some sense into her. Someone has to say the words that she didn't wanna hear. And that happened to be you."
"I hope it won't make the situation worse." Napakagat din ako sa aking mga daliri. "Anyway, let's talk about the case para maalis muna sa isip ko 'yong nangyari. Na-confirm na natin na supposedly publicity stunt ang pagkawala ni Charlize. Pero may twist: Siya mismo ang mastermind."
"You really think she's capable of planning her own disappearance?" With arms crossed, Sigmund paced back and forth in front of me. "Not to underestimate an actress' intelligence, but she doesn't give me the mastermind vibes. You get what I mean?"
Nabaling sa ibang direksyon ang tingin ko. Hindi rin sa pagiging judgmental, pero parang wala nga sa itsura ni Charlize na maisip ang ganitong ka-complicated na plano. Maybe she had been planning it for months, so that's how she managed to make it almost seamless. Pero nitong mga nakaraang buwan, busy siya sa shooting ng kanyang pelikula. Mababa ang chance na magkaroon siya ng time na makaisip ng ganitong plano.
"You think may tumulong sa kanya para ma-execute nang maayos ang pagkawala niya?"
"That's within the realm of possibilities. If the true mastermind behind her disappearance is a genius, then there's a chance we won't be able to find the client's daughter. She already had a headstart of a few days. She can be anywhere—"
Dum Dum Dum, Dum-te-Dum, Dum-te-Dum, Dum Dum Dum, Dum-te-Dum, Dum-te-Dum
The mellow classical music coming out of the speakers was sudddenly replaced by a marching sound—the one from Star Wars, if I was not mistaken. My eyes went so wide, they almost popped out of their sockets. Nagkatinginan kami ni Sigmund bago kami sabay na tumango at nagmadaling bumaba ng hagdanan.
Pagtuntong namin sa first floor, nadatnan naming nag-aayos si Landice ng mga gamit sa bar habang ina-arrange ni Nikolai ang mga mesa at upuan sa customer area. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya ch-in-eck ko kung symmetrical ba ang arrangement ng tables at chairs. Ch-in-eck naman ni Sigmund ang aircon temperature na dapat ay nasa 19 degree Celsius.
Isa lamang ito sa iilang sitwasyon kung saan naaaligaga kaming apat. Even Landice who would not usually budge in his seat was forced to move as quickly as he could. Iisang tao lamang ang may ganitong effect sa amin: si Manager.
Dati nang nabanggit sa akin ng mga workmate ko na kapag nasa fifty-meter radius na ng cafe si Manager, biglang magpe-play ang Imperial March. May more or less two minutes kami para ayusin ang mga dapat ayusin bago siya pumasok. May pagka-OC siya at sobrang obsessed niya sa symmetry.
"Battle formation!" sabi ni Sigmund. Nakalinya kaming tumayo sa tapat ng bar, parang mga sundalong nakahandang sumaludo sa paparating na heneral. Magkatabi sina Landice at Nikolai sa kanan habang magkatabi kami ni Sigmund.
"Let's fix your tie," sabi ng mentor ko sabay ayos sa pagkakatali ng aking ribbon. "Manager will get annoyed if he notices that the loops are not of equal length."
"T-Thank you." Parang bata akong inaayusan ng magulang.
A minute later, pumarada sa harapan ng cafe ang kulay maroon na kotse. Bumaba mula roon ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng kaparehong maroon vest namin at white longsleeved shirt. Swept back ang buhok niya at payat ang mukha kaya kapansin-pansin ang cheekbones. Nagliwanag ang salamin niyang may makapal na itim na frame pagtama ng ilaw roon.
For some reason, the door opened for him automatically as he walked inside. The marching song stopped. May golden nameplate sa chest pocket niya kung saan naka-engrave ang pangalang Jameson Moria at ang posisyon niya bilang Manager sa ilalim nito.
Humakbang siya nang ilang beses bago huminto. Pumikit muna siya, mabagal na nag-inhale. Mabagal din ang kanyang pag-exhale. "Perfect." Muli niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakahinga kami nang maluwag. Masyado kasing particular si Manager sa amoy ng air freshener. Dapat sakto lamang, hindi kulang o hindi sobra ang pagkaka-spray sa cafe. Sensitive daw ang ilong niya kaya malalaman niya kaagad.
Bumaling sa kanan ang tingin niya kung saan ang customer area. Inilagay niya sa likod ang kanyang mga kamay. Muli na naman siyang huminto para obserbahan ang arrangement. "Perfect."
Sa ikalawang pagkakataon, nakahinga na naman kami nang maluwag. Dapat perfectly aligned ang bawat mesa at upuan. Alam ni Manager kapag sobra o kulang ng ilang centimeters ang pagkakaposisyon sa mga 'yon.
Humarap na siya sa amin, nasa likod pa rin ang mga kamay. Kulang na lamang ay sumaludo kami sa kanya bilang pagpupugay.
"I've been away for a week," bati niya sa amin sabay ayos ng salamin niya. "What's up?"
"We're doing very well, boss!" masiglang sagot ni Sigmund. "Na-meet namin ang sales quota last week. Mami-meet namin ang sales quota this week."
"Good. I want to see the sales report by the end of day." Manager Jameson nodded. "Is there anything else that I need to be aware?"
"Last night, Sigmund took four packs of pasta and gave them to us for dinner," Landice reported. "I told him that he needed to pay for them, but he insisted that we could get them for free."
"Malapit na ang expiration date ng mga 'yon, boss!" palusot ni Sigmund. "Wala nang bibili n'on. Kaysa i-dispose sa basurahan, kinain namin. Sayang, eh! Nakikain din naman si Landice."
"Hindi dapat tayo nagsasayang ng pagkain," dagdag ni Nikolai. "Maraming batang nagugutom ngayon."
"Fine, I'll let that slide. I don't want us to be wasteful," Manager replied. "What else do I need to know?"
"None, boss! Wala na kaming mare-report na kailangan n'yong malaman."
"Good." The manager turned to his right, akmang papunta na sa hagdanan. Nakaiilang hakbang pa lamang siya nang bigla siyang huminto at lumingon sa amin. "By the way, I heard that you're currently investigating a case. A missing person. Am I right?"
"Yes, boss!" sabay naming sagot ng mentor ko. Hala, baka hingan niya ako ng update! Ako pa naman ang lead sa case na 'yon. Kapag hindi siya na-satisfy sa report ko, baka sisantehin niya ako.
"Hindi pa namin alam kung nasaan si Charlize Hizon, 'yong anak ng client," paliwanag ko. "Pero may significant progress na kami pagdating sa motive—"
"Drop it."
"Huh?" Kumunot ang noo ko. "D-Drop?"
"Drop the case," the manager repeated before he took a step on the stairs.
"P-Pero bakit, boss?" Kumalas na ako sa formation at humakbang palapit sa kanya. "Bigyan n'yo pa kami ng time, siguradong malo-locate namin siya."
Nakailang hakbang na naman siya bago huminto at humarap sa akin. "Our main branch is already handling that case. If you continue with your interference, you might undo their efforts."
Minsan na niyang nabanggit ang main branch, noong nagka-problema roon. Oo, may main branch pa ang Cafe Moriartea sa 'di-kalayuan. Ang pinagtatrabauhan ko ngayon ay ang annex branch. I had not been there kaya hindi ako masyadong familiar. Hindi rin pinag-uusapan ng mga workmate ko.
"Besides, the client's daughter doesn't want to be found," the manager added. "Why should we find her?"
Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Nanatiling nakakunot ang noo ko at halos nagsalubong ang aking mga kilay. Pagharap ko sa aking mga workmate, seryoso rin ang timpla ng mga mukha nila. Parang may narinig silang bad news. Si Landice lamang ang hindi ko mabasa ang facial expression dahil natatakpan ng bangs ang halos kalahati ng mukha niya.
"So that explains the entire disappearance trick," Sigmund muttered. "Sila pala ang nasa likod nito . . ."
"What happened?" I asked. "Ano'ng meron sa main branch?"
"Paano ba natin i-e-explain kay Mav?" Napakamot sa ulo si Nikolai bago tumingin sa iba pa naming kasama. "Sig, baka pwede mong ipaliwanag sa kanya?"
Mukhang marami pa akong kailangang malaman tungkol sa cafe na 'to, ah?
"The main and annex branches of the Cafe are two sides of the same coin," Sigmund explained as he crossed his arms. "We're both problem-solvers. The only difference is the method. The way they solve problems? Sometimes sinister. They plot schemes. They blackmail people. They steal stuff. They sometimes can make people disappear."
Ang buong akala ko, kaming taga-annex branch lamang ang tumatanggap ng mga case.
"You've read some of the Sherlock Holmes stories, right?" my mentor asked me. "If we're the Holmeses, they're the Moriartys minus the murders."
— M —
If you've enjoyed this update, let me know your thoughts or theories by using the hashtag #MoriarteaWP!
Credit goes to Raze Dali/Min-Min for the chapter title artwork!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top