CHAPTER 02: The Runaway Princess
MAVIEL
"SO WHAT'S our case?"
By nine o'clock, Nikolai flipped the "Come in, we're open" sign into "Sorry, we're closed." Hindi gaya ng ibang coffee shops na umaabot hanggang late evening o midnight, mas maaga kaming nagsasara. After all, being a cafe was just a front. Being a detective agency was our real business.
We dragged some barstools and gathered round the counter. Pinainit ni Sigmund ang apat na pack ng pesto pasta sa microwave. Akala ko'y inilibre niya kami ng dinner. 'Yon pala, mae-expire na kinabukasan kaya naisip niyang ipa-consume na sa amin.
"You better pay for those," Landice reminded him. Sa aming apat, siya lamang ang nalalayo ng upo. Magkatabi kami ni Nikolai habang nasa harapan namin si Sigmund. Our silent workmate had not moved an inch from his position at the corner of the barista's station.
"Come on, Landice!" Sigmund groaned as he grabbed some fork. "Hindi na natin mabebenta ang mga 'to bukas. Gusto mo bang itapon ang mga pesto pasta sa basurahan? And you will also get one for free! Alam mo ba kung gaano karaming tao sa mundo ang naghihirap at halos walang makain araw-araw? 'Tapos okay lang sa 'yo na magsayang ng pagkain?"
Parang narinig ko na ang gano'ng linyahan, ah. Ganyan ang sinasabi ng mga classmate ko noon kapag hindi ko naubos ang lunch ko.
"Will those poor and hungry people be fed if we consume those food?" Landice asked in a matter-of-fact tone. "No."
"You must be fun at parties." Sigmund returned to his barstool and opened his heated pack of pesto pasta. "Sure akong papayagan naman tayo ni Manager na kainin ang mga mae-expire nang food dito sa cafe. Knowing him, he's not wasteful. Kaya kung ako sa 'yo, kakainin ko na 'yan."
"Have you asked for the manager's permission? You know that we have to do an inventory of the items here, right?"
"Ako nang bahala ro'n! Don't sweat the small stuff. Kapag pinabayad niya sa 'kin, e 'di ipapa-salary deduction ko. Okay, ganito! Think of these yummy pesto pasta as my treat. Will that make you feel better?"
"Kahit malapit nang ma-expire, masarap pa rin!" Nauna nang kumain si Nikolai sa amin. There's something in the way he twisted his fork and chewed on the food that made the pasta more appetizing. Pwede na siyang maging commercial model ng isang fast food chain. "Hindi natin kailangang mag-alala sa food poisoning kasi paniguradong napatay na ng microwave heat ang mga bacteria."
"Is that what you're worried about, Landice?" Sigmund pointed his fork at our reluctant workmate who sat like a statue. "You're worried about food poisoning?"
"As long as you heat the pasta at around 75 degrees Celsius, the food will be safe to eat," Landice answered. "Did you?"
"I did!"
Sa wakas, hindi na nagmatigas pa ang walking fridge na 'to at bumigay na rin. In-unseal na niya ang pasta at kumuha ng tinidor mula sa dispenser.
Kamakailan lamang kami nagsimulang kumain nang sabay rito sa cafe. Pagkatapos kasi ng duty ko, lagi akong nauunang umaalis para makauwi na sa dorm. Bumibili ako ng dinner sa mga carinderia na nadaraanan ko pauwi. This time, I decided to stay for a little while and enjoyed this pasta with them. At least, hindi na ako mag-iisip kung ano ang kakainin ko at hindi na ako mapapagastos pa.
"Shall we talk about the case?" Sigmund asked after wiping his lips with a napkin. "A queen wants us to find her runaway princess. She has offered a handsome reward if we do bring her daughter back."
"Bakit?" Hinigop muna ni Nikolai ang natirang pasta bago itinuloy ang tanong. "Balak ba niyang ipakasal ang anak niya sa isang prinsipe mula sa faraway kingdom kaya naisipan ng prinsesa na maglayas?"
"There's no forced romance or arranged marriage involved here," my mentor replied. "The princess is probably suffocated by the demands of her mother. She must have felt like she was trapped in a cage, so she broke free."
"I actually did a research kay Charlize." I raised my fork to get their attention. "I found out na galing siya sa mahirap na pamilya. Then she caught a big break no'ng may naka-discover sa kanya sa isang audition para sa isang commercial. Doon na nagsimula ang kanyang suwerte. Mula sa pagiging child model, naging young actress na siya ngayon. Her mother, Odessa, had to quit her job of being a sales lady just to be her full-time stage mom and manager."
"Kung pumasok siya sa showbiz no'ng bata pa siya, ilang taon na siyang nagtatrabaho?" tanong ni Nikolai.
"Almost a decade." I twirled the noodles with my fork. "Never siyang naubusan ng project. Halos every year, meron siyang movie or TV series. Meron din siyang endorsement ng beauty products. Sobrang hardworking niya kung susuriin. No wonder why afford na ng mama niya ang branded na bag at shoes."
"I wasn't aware that you're an avid fan," Sigmund jested. Pangiti-ngiti pa siya na nakakaloko.
"No, I'm not!" Familiar ako kay Charlize, pero hindi ako fan ng acting o projects niya. Teka! I was not saying na hindi siya magaling umarte. Napanonood ko siya sa TV noong mas bata pa siya. Meron siyang talent, pero hindi ako 'yong type na mag-i-invest ng time sa pag-follow sa mga ganap niya sa buhay. "I had to research her just to get a full grasp of her case."
"Base sa mga narinig ko sa inyo, ginagatasan ni Mommy ang anak niya." Nauna nang natapos kumain si Nikolai. "Mukhang member siya n'ong 'Anak, ikaw ang mag-aahon sa atin mula sa kahirapan' type of parents association."
"Mukhang gano'n nga." Napaiwas ako ng tingin. "Kaninang kausap namin siya, never siyang nag-express ng pagkabahala kung kumusta na ang anak niya. Ang gusto niya'y mahanap at maibalik na si Charlize sa kanya para maipagpatuloy na ang mall tours para sa promotion ng movie."
Tumayo na si Nikolai at iniligpit ang pinagkainan niya. Itinapon niya sa trash bin ang empty container saka hinugasan ang ginamit na tinidor. "Imagine ipinapahanap ka ng magulang mo, hindi dahil nag-aalala siya sa 'yo, pero dahil gusto niyang bumalik ka na sa trabaho mo."
"Their personal relationship is no longer our business." My shoulders jerked up as Landice spoke out of the blue. Sa layo niya sa amin, muntik ko nang nakalimutan na kasama pa pala namin siya. "The client has asked us to find her daughter. That's our priority."
He's right. Kung anuman ang trato ng magulang sa anak niya, labas na kami roon. Ang importante'y mahanap namin si Charlize. What could happen next would be out of our hands. Babayaran kami para maghanap ng nawawala, hindi para makialam sa pamilya ng may pamilya.
But that would feel—paano ko ba sasabihin 'to?—so detached from the case? Charlize must be trying to make a statement here. May gusto siyang baguhin sa paraan kung paano siya ituring ng mama niya. Suddenly, we would swoop in and bring her back and the way things were. Parang mababalewala ang plano niya kung walang pagbabago.
"I do hope na kapag natagpuan na natin si Charlize, may mare-realize ang mama niya," halos bumulong na ako. "Sana'y maging way 'to para maayos kung anuman ang dapat ayusin sa pagitan nila. Nakalulungkot kung magkakaroon ng gap ang isang pamilya dahil sa hindi pagkakasundo."
"How can you be so sure that you know the true story between them?" Landice asked. "You have only made assumptions based on your research and your interaction with the client. What if there's more to it than meets the eye?"
Again, he's right. I was only working on the assumption na hindi masaya si Charlize sa kung paano patakbuhin ng mama niya ang kanyang buhay. Baka may sikretong itinatago si Charlize kaya naisipan niyang tumakas. Baka mabait naman pala ang mama niya at hindi gaya ng in-assume namin.
But based on the most likely scenarios, malakas ang kutob kong malaking factor ang pag-manage ng client namin kaya umalis ang anak niya. Alam ko ang feeling na 'yon kasi dati na akong nalagay sa gano'ng sitwasyon. Hindi nga lang ako naging artista.
"We'll find out more about our runaway princess tomorrow." Si Sigmund na ang sumagot sa kanya. "The client will give us access to her condo unit. Ise-send niya raw sa atin ang address. Pwede nating bisitahin bukas kung wala kang gagawin?"
Umiling ako. "May paper akong dapat tapusin, pero makapaghihintay naman 'yon. Unahin ko muna itong investigation natin."
"Are you sure? 'Di ba dapat mas unahin mo ang academics mo? I can understand if you're busy and you can't come since you have a valid reason."
Umiling ulit ako. "Mas mapapanatag ang isip ko kung malalaman ko kung ano talagang nangyari kay Charlize."
"Basta ma-balance ni Mav ang academics niya at ang duties niya rito sa cafe, walang problema," singit ni Nikolai pagkabalik niya sa kanyang puwesto. Kinuha na rin niya ang pinagkainan namin ni Sigmund. "Ang importante'y hindi niya mapabayaan ang grades niya."
"Unlike some scholarships out there, maintaining good grades is not a requirement to continue her part-time employment here in the cafe," Sigmund said. "But I have absolute confidence that my mentee won't let up in her studies."
"Then you're both set for tomorrow!" Nikolai exclaimed. "Kailangan n'yo ba ang back up ko?"
"Mav and I can handle the inspection on our own."
"Basta lagi akong naka-standby just in case kailanganin n'yo ang tulong ko. Malay natin? Masasamang tao pala ang nasa likod ng pagkawala ng anak ng client."
"Since you're too invested in this case . . ." Sigmund turned to me, smiling playfully. Bigla akong kinabahan nang nakita ang ngiti niya. No, my heart was not racing because I felt some butterflies in my stomach! Masama ang kutob ko. "Why don't you take the lead? I'll take the passenger's seat. You'll take the wheel."
Nanlaki ang mga mata ko, nabitiwan ko pa ang aking tinidor habang nakatulala sa kanya nang ilang segundo. Nakatitig lang siya sa 'kin, hinihintay ang sagot ko. Sabi ko na nga ba, there's something in his smile!
Teka! Hindi pa ako ready!
"You must be thinking that you're not yet prepared to lead an investigation," Sigmund spoke what's on my mind out loud, as always. "Pero kung hindi pa ngayon, kailan pa?"
"But this is a high profile case!" I hissed at him sabay kuha sa nahulog kong tinidor. Ramdam kong minasamaan ako nang tingin ni Landice kahit hindi ko nakita ang mga mata niya. Pinunasan na kasi niya ang countertop kanina. "Kung ordinary case 'to, I don't mind giving it a shot!"
"When it comes to the art of detection, there is no high or low profile case. It doesn't matter who the client, the victim or the culprit is," Sigmund lectured me. Alam ko na 'yon, hindi na niya ako dapat pangaralan pa. "All that matters is for the truth to be revealed and for justice to be served. Ayaw mo bang makita ulit ang idol mong artista bago ang showing ng movie niya?"
Wala na. Ginamitan na niya ako ng kanyang philosophy on solving cases. "Ilang beses ko bang dapat i-clarify na hindi niya ako fan?"
"Don't you worry, my McFlurry." He again ignored my denial. "Kasama mo pa rin ako. If you need hints, maybe I can give you some. But I want you to try solving this case on your own, with minimal or no help from me. You'll be the magician, I'll be your apprentice. Get it?"
Napabuntonghininga na lang ako. Ano pa bang magagawa ko, 'di ba? Sigmund had already decided and there's no one in this cafe to whom I could appeal his decision. Maybe the manager, but he was not around.
"Fine, I'll take the lead," I conceded.
"Very well!" Sigmund clapped. "Let's close the shop para makapagpahinga na tayo! We have a big case to investigate tomorrow."
— M —
If you've enjoyed this update, let me know your thoughts or theories by using the hashtag #MoriarteaWP!
Credit goes to Raze Dali/Min-Min for the chapter title artwork!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top