[04] Buttons Up!
MAVIEL
PERFECT. GANYAN ko maide-describe ang suot kong cafe uniform. Halos kapareho ito ng style sa suot ni Sigmund: white longsleeved blouse, crimson vest at black ribbon. Sa pang-ibaba lang ang pinagkaiba dahil itim na skirt at stockings ang suot ko habang sa kanila'y black pants.
Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. I wasn't sure kung pinasadya talaga nila ang uniform o nataon na fit ang damit na 'to sa 'kin. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko sa harapan habang naka-ponytail sa likuran.
"Bagay na bagay sa 'yo."
Sigmund, in his seemingly perpetual smile, gazed at me through the large mirror in the girl's washroom. Nakasandal siya sa pintuan habang tinitingnan ang reflection ko. Wala naman siyang maboboso sa akin so I did not mind him taking a peek.
"I got your measurements right, didn't I?" tanong niya. "34-25-36."
Those are my vital statistics! How did he—
"Don't be surprised. I put my observation skills into use. That's how I knew."
Napabuntong-hininga ako. As always, he was second-guessing my thoughts. Minsan ko nang naisip na baka may superpower itong si Sigmund, given the accuracy of his mind reading. At dahil magkatrabaho na kami, I should expect more of it in the coming days.
Lumabas ako ng washroom at nagtungo sa customers' area. Time to get to work! Sigmund followed behind me.
Maagang natatapos ang klase namin araw-araw. Once the clock strikes three, pwede na akong pumunta rito para mag-duty. According to the contract, I only have to work four to five hours a day unless kailangang mag-overtime.
"Wow!" Natigil sa pagpupunas ng mesa si Nikolai at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Parang na-starstruck siya nang makita ako. "It looks perfect on you, Mav. Perfect!"
"Th-Thank you," nahihiya kong sagot. I was not used to compliments and being the center of attention.
Nagawi sa direksyon ko ang tingin ni Landice na nagbabasa ng libro sa corner niya. Sandaling nagkatagpo ang mga mata namin bago siya kumalas ng tingin. He did not say anything. May issue ba siya or what? Malamig na nga rito sa shop, nakadagdag pa ang cold treatment niya sa akin.
"Okay!" Sigmund rubbed his palms together as he went behind the cash register. "Because you have the looks and the charm, you will also be in-charge sa paghahatid ng drinks sa customers. Always remember to smile at huwag na huwag mo silang susungitan, ah?"
No need to remind me. I already know what to do. May ibubuga naman ako pagdating sa customer service. Prepared nga akong magtrabaho sa mga fast food chain eh.
Halos kalahati ng mga mesa ang occupied dito sa shop. Most of the customers were students reading their thick notes or doing their assignments. Unlike other establishments, mas relaxing ang feeling dito sa Moriartea Cafe. I somehow understood kung bakit pipiliin nilang tumambay rito.
"Working in a tea shop is a perfect spot for training your observation and deduction skills," nakapangalumbabang sabi ni Sigmund habang pinapanood ang ginagawa ng ilan. "You can deduce something about a customer based on what's lying on his table."
Mukhang alam ko na kung saan patungo ito. "Balak mo bang ipagsabay ang duty at detective training ko?"
"It is better to hit two birds in one stone," he answered. "So let me ask you: How do you determine if someone's left handed or not?"
That sounded like a dumb question. "Kung aling kamay ang may hawak na bagay. Kunwari, 'yong estudyante sa bandang dulo. Hawak ng kanang kamay niya ang ballpen kaya malamang right-handed siya."
"Amazing observational skills, Sherlock." I sensed sarcasm in his voice. "How about that man busy typing on his laptop?"
Sinuri ko ang customer na nasa harapan namin, sobrang busy yata sa kanyang assignment. Wala siyang tigil sa pagta-type sa keyboard. I could not make a guess whether he's left or right-handed dahil parehong nakapatong ang mga daliri niya sa laptop. Wala rin siyang nakasaksak na mouse. Nawalan na yata ng lamig ang in-order niyang fresh cup of tea na nasa gawing kaliwa ng mesa. May suot naman siyang relo sa kanang wrist.
"Is this my first test?" lumingon ako sa aking mentor.
"Just for fun," Sigmund smiled. "Let's see how sharp your observation skills are."
"Possibly left-handed? Ang mga kakilala ko kasing right-handed, inilalagay sa kabilang wrist ang kanilang relo. If I apply the same line of reasoning, the opposite will still be correct. A left-handed person will wear his watch on the right wrist."
Observation lang ang pinagbasehan ko, ewan kung tama ang aking deductions. Huwag sana siyang mag-expect na spot on ang sagot ko.
"Am I right or not?" I asked curiously.
"That customer is most likely left-handed," sagot niya habang nakamasid ang mga mata sa galaw ng mga kamay ng customer. "You pointed out one factor, but there's still another. The placement of his teacup on the table."
"Dahil nasa kaliwang side ng mesa?"
"Most people put things within the reach of their dominant hand. If he was right-handed, he would put his teacup on the right dahil nasanay siyang humawak ng baso gamit ang kanang kamay. As for that man, it would be a little uncomfortable kung right hand ang gagamitin niyang panghawak kung nasa left side naman ang baso."
Huminto sa pagta-type ang customer at saka maingat na hinawakan ang teacup gamit ang kaliwang kamay. We were right about his handedness.
"Kung graded recitation ito, I will give you five out of ten. If you got the teacup part, perfect ten na sana ang score mo."
Sana'y walang grading system sa detective training na 'to. I already had enough of it in our classes. Ang importante nama'y maintindihan mo ang concept at mai-apply ito sa 'yong ginagawa.
Bumukas ang pinto ng cafe at pumasok ang isang lalaking nakaputing longsleeves at black pants. Lumingon-lingon siya sa paligid na tila may hinahanap bago dumiretso sa aming counter.
"Uhm... Excuse me?" bati niya sa amin.
"Yes, sir? How may we help you?" Sigmund greeted him enthusiastically. His observant eyes stared at the man from head to toe.
"Nagpa-book kasi ako ng appointment sa isang online detective agency." Patuloy sa paglingon ang lalaki sa kanyang paligid. "Ang sabi, dito raw ang address? Tama ba?"
"You are in the right place!" Umalis muna ang kasama ko sa harap ng cash register at hinawakan sa balikat ang bagong pasok na customer. "Landice, take care of the orders. Maviel, come with me."
He led the confused man upstairs, me trailing behind. Kapag pala may kliyente ang tinatawag niyang detective agency, basta-basta na lang niyang iiwan ang puwesto niya sa baba.
The second floor was entirely different from the one downstairs. May mga couch na nakapalibot sa isang glass table at flatscreen television na nasa pader. It appeared like a normal living room. Meron pang hagdan patungo sa taas, but as I could recall, dalawang palapag lang ang building complex na 'to. That must be the way to the rooftop.
"Take a seat, please!" Sigmund motioned to one of the couches before turning to me. "This is where we bring our clients to discuss about their problems. Masyado kasing maingay sa baba."
"What am I supposed to do here?" bulong ko nang makaupo na ang kliyente. "Shouldn't I be helping out downstairs?"
"Gusto kong ipakita sa 'yo na legit kaming agency despite the cafe disguise. Maybe you can get some tea for me and our client. Mine's green tea while for him.... an oolong tea will do. Thank you, Mav!"
He took his seat habang ako nama'y bumaba at kumuha ng isang service plate.
"One green tea for Sigmund and one oolong tea for the client," sabi ko kay Landice. I did not want to disturb his reading time, but I had to relay the orders to him. Teka, pinapayagan ba talaga nilang magbasa ng libro ang lalaking 'to kahit oras ng trabaho?
Nagpukol muna siya ng nababagot na tingin sa akin bago siya tumayo at kumuha ng dalawang teabag. I could not say if he was happy about being ordered around. I was not expecting him to say anything kaya hindi ako na-disappoint na hindi niya ako kinausap. Normally a tea barista would say, "Right away, ma'am!" or "Coming up!"
Hinintay niya munang kumulo ang tubig bago ito ibuhos sa mga tasa. Nilagay niya ang dalawang teacup sa inihanda kong service plate sabay sabing, "Tell Sigmund to pay for the tea."
Nagulat ako nang biglang bumukas ang bibig niya. Dala ng pagkasorpresa, sandali akong natulala at hindi nakasagot. That was the first time I heard him speak. Ang akala ko nga'y pipi siya kaya hindi siya umiimik sa sulok. Bumalik ulit siya sa pagbabasa kaya I decided not to disturb him again.
"Thank you," that's the only thing I could say. There was no response from him. I wonder kung paano siya makikipag-deal sa mga customer ngayong siya rin ang in-charge muna ngayon bilang cashier. Hindi kasi uubra ang cold treatment niya dahil magiging masama ang reflection nito sa services namin.
Maingat kong dinala ang dalawang teacup, dahan-dahang umakyat sa hagdan dahil baka matapilok ako at matapon ang pinaghirapan ni Landice. Mahirap din kasing maglakad kapag may suot kang heels. I better remind myself to wear flat shoes when working.
Pagpatong ko ng mga teacup sa mesa, kaagad na kinuha ni Sigmund ang kanya at hinipan ito, sinisinghot ang mabangong aroma ng inumin niya. Our client only stared at the other teacup.
Umupo ako sa bakanteng couch at ipinatong sa aking mga hita ang pabilog na service plate. Like what Sigmund said earlier, gusto niyang manood ako kung paano sila magtrabaho.
"May we know what happened at your workplace?" panimulang tanong niya habang patuloy na hinihipan ang kanyang tsaa. I could see the steam from the cup.
"Ganito kasi—H-How did you know na may nangyari sa pinagtatrabauhan ko?" pagulat na tanong ng kliyente. He was about to reach for the teacup when surprise hit him. Ganyan din ang reaksyon ko sa mga unang encounter namin ni Sigmund.
"Just a guess," my workmate answered before taking a sip of his hot drink. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung ilan na ang nabiktima ng kanyang mind-reading technique.
"My name's Joaquin Jacinto. I work as a manager in a nearby hotel," the man introduced himself, dipping the teabag into his cup. "Gusto ko sanang i-refer sa inyo ang kakaibang behavior ng isa naming guest. Para kasi siyang... possessed."
Inilabas niya ang kanyang laptop at ipinatong ito sa mesa, maingat na huwag matamaan ang teacup ni Sigmund. After tapping a few keys, a video window appeared, showing a scene inside an elevator.
"And what are we looking at?" Sigmund leaned closer to the laptop screen.
"Watch."
Joaquin hit the "enter" button to play the video. Makalipas ang tatlong segundo, pumasok sa elevator ang isang teenager na babae kasama ang isang manong at ale na sa tantiya ko'y nasa forty o fifty years old na. Hinawakan ng ginang ang kamay ng babae habang nakatayo sa kabilang side niya si manong.
Nagulat ako nang diretsong tumingin ang babae sa camera, tila nakipagtitigan ng ilang segundo. Nang ibinalik niya sa harap ang kanyang tingin, mabilis niyang pinindot ang "hold" button at saka isinunod ang mga button na G-3-6-7-10-11-12A-15-18.
17-18
15-16
12A-14
11-12
9-10
7-8
5-6
3-4
G-2
"A young woman randomly presses the elevator buttons," Sigmund muttered, his eyes transfixed on the laptop screen. He did not sound interested about the case at first. "You think something is weird with what she did?"
"Panoorin n'yo ang dalawa pang susunod na video," sabi ni Joaquin bago may pindutin sa kanyang laptop.
Click!
Parehong anggulo pa rin sa elevator ang ipinakita sa amin ngunit iba ang date at oras na nakalagay sa timestamp. Kagaya ng unang napanood na video, pumasok ang babae kasama pa rin ang ginang at ang manong sa loob. For the second time, the girl stared at the camera before randomly pressing the elevator buttons.
"Same floors, huh?" bulong ni Sigmund nang i-stop na ni Joaquin ang video. Kung nakakunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang nangyari, relaxed pa rin ang kasama ko.
Almost exactly the same scene happened in the third video. The timestamp was different as well as the dress of the people in the footage. May dalawang common denominator sa tatlong pinanood na video: ang mga pinindot na elevator button at ang paglingon ng babae sa camera bago gawin 'yon.
"Explain that!" hamon ni Joaquin sabay sandal sa couch. "Bakit gagawin 'yan ng isang babae nang hindi lang isa kundi tatlong beses? Posible kayang sinasaniban siya ng masamang espiritu tuwing sasakay ng elevator?"
"Surely you know kung saang unit sila nag-stay?" Sigmund blew the steam off his tea. "Have you tried asking the girl kung bakit niya ginawa 'yon?"
"Ang pangalan ng babae sa video ay Marianne. Noong isang araw, kumatok ako sa kanilang unit at nagtanong kung bakit niya pinagpipindot ang elevator buttons. Humingi ng sorry ang kanyang parents — ang dalawang kasama niya sa video — dahil nagpa-prank daw ang anak nila."
Kung prank pala ang lahat, there was no point in investigating it. But Sigmund thought otherwise dahil nagbato siya ng curious na tingin sa akin. Either he thought of something or there was dirt on my face. "Part of being a detective is asking the right questions. Meron ka bang gustong itanong sa kanya?"
"A-Ako? Ma-Magtatanong?" nauutal kong sambit. Napaturo pa ako sa sarili ko. And I thought I was here just to observe! Kung sanang sinabi niya sa akin kanina na dapat magtanong ako sa kliyente, I would have listened closely to the narrative. "Seryoso ka ba?"
"Any random question that you can think of. It might lead us somewhere."
I bit my lower lip as I tried to squeeze out the deductive juices — is there such a phrase? — from my brain. Bahala na, kung ano na lang ang maisip ko. "Aside from her name, do you know anything else about the student? Talaga bang kasama niya ang parents niya doon sa unit?"
Napatingin sa kisame si Joaquin, inaalala ang ilang detalye tungkol sa babae. "Kumukuha siya ng BS Education Major in Special Education. Ilang buwan na siyang nag-stay sa aming hotel ngunit ngayon lang niya nakasama ang mga magulang niya. Bumisita lang sila tapos doon na muna nag-stay. Wala akong na-sense na kahit anong kawirduhan kay Marianne noong nakakwentuhan ko siya dati kaya nagtaka ako kung bakit niya nagawa ang pagpipindot ng mga button sa elevator."
"She wants to teach students with disabilities. Interesting..." Sigmund placed the teacup back on the saucer. "Prior to the arrival of her parents in the hotel, have you seen them before?"
Umiling ang hotel manager. "Kamakailan lang namin sila nakita. Masyado silang concerned sa kanilang anak. Lagi nilang hinahatid si Marianne sa school kahit malapit lang ito."
There must be something in that question. Hindi basta-basta magtatanong si Sigmund ng kung ano-ano na walang koneksyon sa kaso. What was he trying to figure out?
My workmate looked at the clock display on his phone. "Six o'clock na pala. Do you think they are in their room? I'd like to meet them."
"Now that you've mentioned it, hindi sila mahilig kumain sa labas," sagot ni Joaquin na isinara ang kanyang laptop at ipinasok sa kanyang bag. "Mula nang dumating ang parents ni Marianne, lagi na silang nagpapa-deliver ng pagkain. Malamang nasa unit pa sila at naghihintay ng kanilang delivery."
Tumayo si Sigmund, inayos ang kanyang ribbon at lumingon sa akin. "You better come with me, Mav. Ipapakita ko sa 'yo kung paano umaksyon ang agency natin."
"Te-Teka! May duty pa tayo rito! Iiwanan ba natin ang cafe?"
"Solving a case is far more important than serving tea," he smiled before turning to the client. "Are you willing to pay for the consultation and service fee?"
The hotel manager nodded. "Basta malaman namin ang katotohanan sa likod ng pagka-possess ni Marianne sa elevator. Mahirap na, baka magkaroon ng haunted rumor tungkol sa hotel namin."
"Shall we go? Time to do some detective stuff!"
Hey, I did not sign up for this!
"You actually did! Remember the contract?" Sigmund winked before vanishing into the stairs.
I seriously hate it whenever he does that.
-M-
A/N: Credits to CryAllen for the Maviel artwork!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top