[02] Deal or No Deal?
MAVIEL
WAIT A minute. Buffering pa ang utak ko. Tatanggapin nila ako bilang part-time worker sa cafe kung papayag akong sumailalim sa detective training?
Hindi ko makuha kung ano ang correlation ng pagiging cafe staff at detective. Parang kasing layo ng buwan at Earth ang koneksyon nila. Dahil ba matalas ang senses ng lalaking 'to kaya gusto rin niyang magkaroon ng gano'ng skill ang tatanggapin nila?
"I can read your thoughts all over your face." Nag-drawing siya ng bilog sa harap ng mukha ko. "Hindi ko pa pwedeng sabihin sa 'yo kung ano ang kinalaman ng pagtatrabaho sa cafe at ng pagiging detective. I will only tell you if you accept the offer."
I shook my head slowly. "No matter how hard I try to think about it, I can't connect the two dots. Mas mabuti kung ise-share mo na sa akin ang sagot para magbago ang isip ko."
"No assurance, no answer," nakangiti niyang tugon bago muling uminom mula sa kanyang bottled milk tea. "Telling you about it would be tantamount to revealing our cafe's secret."
"I appreciate the offer, but no."
"Eh?" A look of surprise was plastered on his face. Did he expect me to accept a suspicious deal? Mas mapapadali sana ang usapan namin kung ibinigay niya ang hinihingi kong sagot. "I thought you would agree."
"This must be the first time that you misread my mind." Ako naman ngayon ang napangiti. "Ayaw kong pumasok sa isang deal nang wala akong kaide-ideya kung ano ang papasukan ko."
"Shame." He pursed his lips, looking disappointed by my answer. He may be a charming cafe employee, but he failed to convince me this time. "Wala akong magagawa kung ayaw mo. Ayaw naman kitang puwersahin. See you around!"
That's it? Kumaway siya at naglakad palayo sa akin, ni hindi na nagawang lumingon pa. I thought he would try to be more persuasive upang magbago ang isip ko. But he gave up immediately. What's the deal with him?
May other options pa naman ako. Their cafe is not the only establishment na pwede kong apply-an para sa aking part-time job.
I spent the rest of the day asking nearby fast food chains if they were accepting part-timers. They seemed interested in me at first, but once I introduced myself, they instantly turned down my application. Nakakapagtaka nga na nag-iiba ang atmosphere at mood ng manager kapag nalaman na niya ang pangalan ko.
Out of ten establishments, everything was crossed out except for one: Moriartea Cafe.
Tinurndown ko na ang offer kanina. Nakakahiya naman kung pupunta ako roon para magtanong kung pwedeng mag-apply. That guy earlier would only laugh at me. Sa dinami-rami ng mga pinuntahan ko, sa kanila rin pala ang bagsak ko. My pride couldn't take it.
I was walking along the sidewalk of the campus, kasabay ang mga estudyanteng palabas. Palinga-linga ako sa paligid dahil baka may makita akong WANTED: PART-TIMER na nakapaskil sa mga poste o sa signage ng mga establishment dito.
"I admire your persistence."
Napatalon ako sa gulat nang may bumulong sa likuran ko. Paglingon ko, bumati ang nakangiting mukha ng lalaking taga-cafe. Like earlier, may dala-dala siyang bote ng milk tea. Did he buy a new bottle o 'yon din ang iniinom niya kanina? Well, it did not matter.
"Let me guess..." His hazelbrown eyes squinted slightly and he tapped his finger on his chin. "Ni-reject ang application mo sa mga pinag-apply-an mong establishment, tama?"
"How did you know—"
"Gotcha!" His right forefinger drew a spiral shape on my face. "Don't be surprised. Your face hinted as much. And your reaction confirmed my deduction. The human mind is so predictable."
There's no way in this world para malaman niyang walang tumanggap sa akin by one single look at my face! Para siyang magician na pinapaniwala ako sa magical powers niya kahit alam kong isang trick lang 'yon.
"Are you stalking me? Kaya ba alam mong na-reject ako, ha?"
He smirked. "I've been on duty at the cafe for the past few hours. The cafe's security camera would prove my alibi so how in the world could I follow you wherever you went?"
There must be some sort of trick here. His deductive prowess may be impressive but there are some things that he could never deduce.
"Hindi kita pupwersahing mag-apply sa aming cafe," he said after taking a sip of his milk tea. "But the offer is still there. Feel free to come in, look for me and say the magic words."
Kagaya kaninang umaga, kumaway lang siya sa akin at naglakad palayo. He sounded eager to recruit me but then he seemed to have lost interest and walked away.
"Teka, coincidence ba na nagkita tayo rito?" tanong ko bago pa siya tuluyang makalayo. "Gaya ng pagkikita natin kanina sa harap ng OSAFA?"
He came into a halt but did not turn around. Bahagya lang niyang inilingon ang kanyang ulo. "They say that there is no such thing as coincidence. Who knows? Life is like a bag full of surprises."
Kumindat siya sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad. I had this weird feeling about the chain of events. Andami yatang coincidence na nagaganap sa paligid ko. Was it a mere coincidence or was there something else going on here?
***
Mag-isa akong nakatira sa dorm na inuupahan ko. It may not be that spacious, but it was enough for me. Basta may mahihigaan, banyo at kusina, I could live without any complaint. Isang block din ang layo nito mula sa campus kaya hindi ko problema ang pagko-commute o pagiging late (maliban kanina).
Today's quest was fruitless. Wala ni isang fast food chain o restaurant ang willing na tumanggap sa akin. Baka kailangan kong lawakan ang range ng paghahanap ko ng part-time job. I have already exhausted all choices — except the Moriartea Cafe — within one kilometer radius of the campus.
Mag-a-alas-siyete na ng gabi nang bumaba ako ng dorm at nagtungo sa isang fast food chain. For my dinner, puro take out muna ang binibili ko. It may not be practical but it was convenient for me. Wala kasi akong gamit at sangkap sa pagluluto sa dorm.
Nakayuko akong um-order sa counter, nahihiya dahil baka mamukhaan ako ng cashier. There was nothing to be embarrassed about getting rejected but I still did not feel comfortable about it. She gave me a number kaya umupo muna ako sa isang sulok.
Habang pinapanood kong magtrabaho ang crew, nakaramdaman ako ng urgency na makahanap na ng part-time job. Para sa kinabukasan. Para sa ekonomiya. Mahirap na, baka mapatigil ako sa pag-aaral nang wala sa oras.
"Here's your order, ma'am!" nakangiting bati ng isang crew sabay lapag ng paper bag sa mesa. "Teka, ikaw 'yong naghahanap ng part-time job kanina, 'di ba?"
Naku, lagot! I thought ligtas na akong makakaalis mula sa fast food chain na 'to. Bakit kasi may nakakilala pa sa pagmumukha ko?
Nahihiya akong tumango. Wala na akong magagawa kundi harapin ang nagtanong. "Oo, ako nga."
"Sayang, mukha ka pa namang masipag," pailing-iling na sabi ng lalaking crew. "Nangangailangan talaga kami ng mga part-timer ngayon lalo na't kulang kami sa manpower. Naka-hire na nga kami ng dalawa nang umalis ka eh."
"Eh?" That was strange. Kung nagawa nilang tumanggap ng applicants, bakit hindi nila ako kinuha? If there were any specific requirements, I definitely would have met them.
"Ewan ko ba sa manager namin, automatic na dineny ang application mo," the male crew continued, shaking his head. "Normally umaabot muna sa interview bago niya sabihin kung accepted o rejected ang aplikante. Sa 'yo, pangalan pa lang ang nakita niya, nagba-bye na kaagad siya. Dahil kaya 'yon sa natanggap niyang message kanina?"
"Message?" Halos magsalubong ang mga kilay ko. "Anong message?"
"Ewan kung anong laman ng text message sa kanya. Basta pagkatapos niyang basahin, sinabihan niya kaming tawagin kaagad siya kapag may nag-apply na part-timers."
Napalunok ako ng laway habang nakatitig ang mga nanlaki kong mata sa lalaki. Lalong lumakas ang weird feeling na kanina pa bumabagabag sa akin. Everything that happened today, everyone that I met — they were all connected na parang sapot ng gagamba.
And there's only one person who might be at the center of the web.
"Thank you!" Nagmadali akong lumabas ng kanilang fast food chain at tumakbo patungong campus. Supposedly, pabalik na dapat ako ng dorm upang enjoyin ang binili kong dinner, but something in my chest wanted to explode.
I needed to confirm something!
Huminto ako sa tapat ng Moriartea Cafe. Hindi kagaya ng mga katabi nitong establishment, dim lights ang gamit nila ngayong gabi. I could see one of its employees cleaning a table. Huminga muna ako nang malalim bago ko itinulak papasok ang glass door.
"Good evening, ma'am! Welcome to Moriartea Cafe!" masiglang bati ng lalaking may mole malapit sa kaliwang mata. Siya rin ang staff na nakita ko kaninang umaga na may dala-dalang mop. What was his name again? Niccolo? Nikolai?
Nilagpasan ko siya at dumiretso sa counter. I was expecting to see the smirking face of that guy with curly hair. But he was nowhere to be found. Tanging ang lalaking may magulong buhok at natatakpan ng bangs ang mga mata ang natagpuan ko sa likod ng counter.
"Nasaan ang lalaking naka-duty bilang cashier kaninang umaga?" tanong ko. Tinitigan lang ako ng lalaki sa counter at muling bumalik sa pagpupunas. Was he mute? Bakit hindi niya ako masagot?
"Excuse me, miss? Si Sigmund ba ang hinahanap mo?" biglang sumabat si Nikolai, may awkward na ngiti sa kanyang labi. Naramdaman niya sigurong hindi maganda ang aura ko. Mabuti na lang, walang customer dito kaya okay na mag-iskandalo ako nang slight.
"Basta 'yong lalaking kumuha ng order ko kaninang umaga! Kailangan ko siyang makausap!"
"What do you need from him?" Nikolai asked curiously, pausing from his cleaning duties. "Bakit parang may atraso siya sa inyo?"
"Talagang may atraso siya sa akin!" Lalo pang lumakas ang boses ko nang hindi sinasadya. Kalma lang, Maviel. Huwag idaan sa init ng ulo ang mga bagay-bagay.
"Miss me, sweetie?"
I rolled my eyes as I slowly turned around. The guy who caused me too much trouble was seated on the couch in the customers' area, waving his hand and flashing the same smile he wore since we first met here.
Ipinagkrus ko aking mga braso kasabay ng paglapit ko sa kanya. I cleared my throat first.
He darted a glance at my elbows before looking directly into my eyes. "I better prepare for an incoming outburst in three, two, on—"
Talagang dapat siyang maghanda dahil pauulanin ko siya ng mga salita. "Ang akala mo ba'y tanga ako para hindi ko mapansin kung anong sinubukan mong gawin? Sa tingin mo ba'y nakakatawa ang ginawa mo?"
"Miss, teka lang! Ano bang nagawang kasalanan ng katrabaho namin?" nakakunot-noong tanong ni Nikolai. Base sa facial expression niya, wala siyang alam sa ginawang kalokohan nitong si Sigmund.
"He sabotaged my application to nearby fast food outlets here!" Idinuro ko talaga ang lalaking wagas kung makangiti. The longer that smile flashed across his lips, the more annoyed I got. Hindi ba siya nahihiya sa ginawa niya?
"Sa-sabotage?"
"Oo! Nag-apply ako sa siyam na fastfood chain at lahat sila'y ni-reject ang application ko. I thought that luck wasn't on my side and it was a coincidence that none of them accepted me. Kaso may nakausap akong crew doon sa isa sa mga in-apply-an ko at sinabing may natanggap na message ang kanilang manager tungkol sa pag-hire ng mga part-timer."
"At paano naging relevant ang text message?" Umayos sa pagkakaupo si Sigmund, tila walang muwang sa pinagsasabi ko.
"Wala akong proof but I think the text contained something like 'do not accept an applicant with this name.' Handa akong isa-isahin ang mga establishment na pinuntahan ko para tanungin kung may natanggap na gano'ng message ang mga manager nila."
"Interesting theory—"
"At noong nagkita tayo kanina, you already knew that I got rejected sa mga in-apply-an ko. I doubt that you can deduce it through mere facial expressions. Malamang alam mo dahil ikaw mismo ang nagsabi sa mga manager na huwag akong i-hire."
"Interesting point—"
"And you said that there is no such thing as coincidence. Kaya bigla akong napaisip kanina kung nagkataon nga lang ba na minalas ako o may nagmanipula ng mga pangyayari. There's only one person who might be capable of plotting everything. At walang iba kundi ikaw!"
Medyo hiningal ako sa sunod-sunod na pag-alburoto ng bibig ko. The irritating smile across Sigmund's lips grew wider as he gave me a couple of nods. Mukhang nag-e-enjoy pa siya sa ginawa niyang kalokohan!
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid, looking for someone who could help us resolve this issue. "Gusto kong kausapin ang manager n'yo para formal na makapagreklamo laban sa empleyado n'yo."
"The manager is currently on leave," Sigmund replied. Despite my threat of reporting his misdeed, he was still calm. "But you can talk to the assistant manager."
"Sige, kahit sa kanya na lang," nakapamewang kong sagot. "Basta kung sinong in-charge sa cafe na 'to ngayon."
"You are already talking to the assistant manager," he said as he jerked his thumb at himself. "That's me."
Napapikit ako kasabay ng pagbuntong-hininga. Bakit ba ang malas ko ngayong araw? Kahit anong reklamo ko sa kanya, kung siya ang assistant manager dito, wala ring patutunguhan ang pagprotesta ko.
So what now?
"It took you some time before you arrived at that conclusion," sabi ni Sigmund sabay tayo mula sa couch. "But for a beginner, I must say that I am impressed. Congratulations, you passed the test."
Test? What test?
"Lahat ng pinagdaanan mo ngayong araw ay part ng iyong application dito sa Moriartea Cafe," he went on explaining. Here he goes again with his mind-reading skill, second-guessing my thoughts. "If you fail the connect the dots, we won't pursue you as a potential part-timer."
"For the record, I have never applied to be your cafe's part-timer!"
"You just did and you passed! Welcome to Moriartea Cafe!" Sigmund sang gleefully, spreading his arms wide. Parang walang nangyari ah.
"Teka, teka. Just to be clear, hindi ako nag-apply rito," paglilinaw ko. "And considering what you did to me, I probably won't. Hindi n'yo rin akong mapupuwersang magtrabaho rito dahil wala tayong kontrata."
Lumapit sa akin si Sigmund at huminto sa tapat ko. He leaned closer to my left ear. "If you sign up with us, your monthly salary would be..."
I was about to push him away but he whispered the figure to me.
"So you think na mapapapayag n'yo ako gamit ang—Teka, magkano nga ulit ang offer n'yo?"
Muli niya akong binulungan. Halos malaglag ang panga ko sa gulat. "Seryoso ka ba riyan? Baka sinasabi mo lang 'yan para mahikayat mo akong magtrabaho rito?"
"Kung sa ibang cafe ka magtatrabaho, you will only get one-fourth of the salary na ino-offer namin sa 'yo," Sigmund said. "Halos kasing rate ng regular employee ang sweldo mo rito. Tapos may extra kita ka pa, ngunit hindi ko muna idi-discuss kung saan manggagaling 'yon hangga't hindi mo ibinibigay sa akin ang matamis mong oo."
Napakagat tuloy ako sa aking mga kuko. The offer was something that I couldn't resist lalo na't nangangailangan din ako. If what this guy said was true, hindi na ako mahihirapan sa expenses. Ngunit kung joke ito para mapapirma niya ako ng kontrata, ako ang maaagrabyado.
"You do not have to decide right away," Sigmund broke the awkward silence that ensued. Muli siyang umupo sa couch at ipinagkrus ang mga binti niya. "You can sleep on it and tell me your decision tomorrow. Pakatandaan mo lang: Kapag pumayag ka sa deal, you need to undergo detective training in this cafe."
And that's the part I did not get. Bakit ba pinagpipilitan niyang turuan akong maging detective kung ang gusto ko lang ay kumita para may pambayad ng bills?
"Kailangan ko ngang pag-isipan." Kung hindi lang dahil sa figure na ibinulong niya kanina, I would have turned down his offer right away. I had to think it through. "Thank you and good night."
Nag-goodbye na rin sila sa akin maliban sa lalaking nasa barista's corner. Mukhang seryoso siya sa kanyang ginagawa at ni minsa'y hindi nagsalita o nakisali sa diskusyon.
Should I accept it or not?
Sa sobrang dami ng iniisip ko, naiwan ko tuloy ang dala-dala kong takeout.
~M~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top