LAST CHAPTER 1
Last Chapter 1: He’s back
WALA ako sa mood habang nag-d-discuss ang professor namin. Classmate ko pa rin si Vira at parehong course ang kinuha namin. Bachelor of Science in Psychology. Hindi dahil gusto ko rin na sumunod sa yapak ng daddy ko kaya ito ang napili kong kurso. Kasi nga nakikita ko rin ang future namin dito ni Zaidyx. Ang parents ko pa rin naman ang nagpapaaral sa akin na balak pang akuhin ni Khai. Kasi para sa kaniya ay responsibilidad na rin niya ako.
Isa pa na nagpa-bored sa akin ay inaantok din ako. Tapos hanggang ngayon ay masama pa rin ang nalalanghap ko na hangin—perfume na nagmumula kay Vira. Ayaw ko ngang tumabi pa siya pero baka mainis siya.
After ng klase namin ay masasabi kong survivor ako sa pagka-bored ko sa school. Gumaan lang ang pakiramdam ko nang pag-uwi ko ay sinalubong ako ng baby ko when he saw me.
“Mommy!” tawag nito na ikinalaki ng mga mata ko. Hindi na momo ang tawag sa mommy niya, kundi ay mommy na talaga.
Patakbo siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Pagkalapit niya ay
binuhat ko ang baby boy ko at pinugpog nang maraming kiss sa matambok niyang pisngi. Ikinahagikhik niya ’yon.
“Hon, galing ka pa sa school. Magpalit ka muna ng uniform mo,” sabi ni mommy na kinuha agad ang apo niya.
Nag-a-alcohol naman ako bago ko kinukuha si Zaidyx. Nasa sasakyan pa ako ay gawain ko na iyon. I just can’t wait to hug him. Nagtungo na muna ako sa room ko para makapagpalit na ako ng uniform ko.
After that, lalabas na rin sana ako nang tumunog ang ringtone ng cell phone ko. Kinuha ko iyon sa bedside table. Kapag nasa school ako ay naka-silentmode lang iyon pero dahil naghihintay nga ako sa tawag niya ay hindi ko rin pinapatay ang data ng phone ko.
Mayroon kaming wi-fi pero palagi kong pinapa-load-an ito kasi nga nakabukas palagi ang data. In case na tumawag through Facebook si Khai.
Nang lumitaw na nga ang pangalan niya at profile ay agad ko itong sinagot. Sinimangutan ko siya nang makita ko na ang mukha niya.
“Stupíd! Bakit ngayon ka lang nagparamdam, ha?!” agaran kong sigaw. Sinuri ko pa ang background niya. Nasa unit niya yata siya ngayon. Naka-eyeglasses pa siya at nakikita ko iyong librong ibinaba niya kanina.
“Hi, baby. How are you?” I rolled my eyes. Nakuha pa niyang baby-hin ako. Disappointed nga ako sa pinaggagawa niya ngayon.
“Ang sarap mong tirisin, Alkhairro. Ilang buwan mo na akong tinitiis. Si Zaidyx lang ang gusto mong makausap palagi.” Tunog na pagtatampo ang boses ko.
“Dahil kaya kong magtiis kung sa anak natin. Baka sa ’yo ay makauuwi ako nang wala sa oras. So, how are you?” Napahalukipkip pa siya at tinitigan ang mukha ko sa screen ng phone niya.
“I’m not feeling well,” malamig na sagot ko. Bumaba ako para puntahan ang anak namin. Iinggitin ko siya.
“Kauuwi mo lang galing sa school, right?” he asked. Hindi ko na muna siya sinagot. Pagkababa ko nga ay sinalubong na naman ako ng baby.
Binuhat ko siya at umupo kami sa sofa. Nasa lap ko na siya, nang mahagip ng mga mata niya ang mukha ng daddy niya ay inagaw niya ang phone ko.
“Dada!” Pinaghahalikan pa nito ang screen kaya inilayo ko ang mukha niya. Pinunasan pa iyon dahil dumikit ang laway niya. I kissed his temple.
“Hindi natin makikita ang magaling mong dada kapag ganyan ka, Zai,” aniko. Inosenteng tumingala ito sa mukha ko, na sa huli ay nilingon pa rin niya ang dad niya.
“Dada!” He’s so hyper.
“Hi, son. Kiss your mommy for me,” malambing na utos nito na agad namang sinunod ng bata. Kusa akong yumuko kasi hinawakan niya ang pisngi ko. Humilig na rin siya sa dibdib ko. Nakontento siya na hanggang video call niya lamang makikita ang magaling niyang ama.
I stared at Khai again. Nakangiti na siya ngayon. Tinanggal na rin niya ang eyeglasses niya.
“Paano mo kami natitiis na nasa malayo ka?” I asked him. Malamlam ang mga matang tiningnan niya kami ni Zai.
“Francine, baby. Can I have a favor?” Pinagtaasan ko siya ng kilay.
“What is it?” tanong ko, na kung bakit sumeryoso agad ang ekspresyon ng mukha niya. Ang hirap basahin.
Sandali na muna siyang hindi nagsalita. Bumuntong-hininga pa siya. Parang ang bigat nang sasabihin niya, na hindi magawang ibuka ang kaniyang bibig.
“I’d like to focus on my studies without any distractions for now. I know I’m gonna miss you. But can I deactivate my social media accounts for the meantime? I’ll call you when I’m free.”
Seryoso ba si Khai sa pinagsasabi niya? “You mean, you want space from us. That’s it, Khai?” walang emosyon na tanong ko.
Sa nalaman kong ayaw niya ng distraction ay baka nga ganoon ang mangyayari, palagi niya kaming alalahanin.
I sighed. “Ikaw ang bahala, Khai,” pagsuko ko at ibinigay ko kay Zaidyx ang phone ko.
“Mommy!” tawag nito nang ibaba ko siya sa sofa. “Come! Dada!” Itinuro pa nito ang dada niya. Inilingan ko ang anak ko.
Iyon na rin ang huli naming conversation ni Khai. Hinayaan ko na rin siya sa gusto niya, kahit masakit sa parte ko. Ngunit palagi ko ring inaalala ang posible niyang dahilan.
Sige, kagustuhan niya iyon. Para na rin hindi ako masaktan sa pangalawang pagkakataon ay pagbibigyan ko siya at ako ang kusang didistansya. Kusa akong magpaparaya ulit at iiwas.
Ganito naman ang magmahal, ’di ba? Hahayaan mo siya sa gusto niya, higit na sa sarili niyang kasiyahan.
I don’t know kung tadhana rin ba na makilala ko si Calizar, na naging close friend ko. Kalaunan ay nagawa kong kilalanin ang totoong siya. Isang desisyon din ang nabuo sa utak ko, na wala ng atrasan. Hindi naman ako magdedesisyon kung wala rin akong mabigat na dahilan.
I’m pregnant for the second time and I’m going to marry Calizar. It’s my choice anyway, hindi ko na nagawang hintayin pa si Khai sa kadahilan na alam kong wala na akong pag-asa pa. I feel sorry for my son Zaidyx. Hindi ko siya mabibigyan ng kompletong pamilya.
Kung may nabigla man sa kaganapan na iyon ay sina Daddy at Daddy Ry ang higit na nagulat. Sina Mommy at Ninang Mommy J ay sumuporta sa desisyon ko.
Four years later
Four years have passed since Khai left, and our connection’s been lost. I haven’t even bothered to ask his parents about him. I’m content with my life now, blessed with a new little angel to love. Even if I was unlucky in love, I’m making up for it with my two children.
Pagdating ko sa private school na pinapasukan ngayon nina Zaidyx and Florence, my son Zai ay five years old na rin siya. Kinder pa nga lang siya, then Florence ay four years old na.
Napapitlag naman ako nang tumunog ang cell phone ko. Nang makita ko na si Calizar ang tumatawag ay nakangiti ako.
“Hey, Francine. Sinusundo mo na ba ang mga bata?” he asked from the other line.
“Yup, I’m here na. Ikaw? Kailan ba matatapos iyang seminar mo?” I asked him back.
“One week pa, babe. Why? Miss mo na ako?” Kahit hindi ko nakikita ang lalaking ito ay alam kong nakangisi siya. Base pa lamang sa boses niya.
“Asa ka!”
“Ouch, babe! Ang sakit mo talagang mahalin,” he said and I chuckled.
“Mamaya ka na tumawag. Susunduin ko na ang anak natin. Baka mainip doon si Florence. Alam mo naman ang batang iyon ay bugnutin,” sabi ko.
“Yeah, sa akin nagmana, e,” sabi na naman niya.
“Whatever, ingat ka na lang diyan.”
“Okay, kayo rin mag-ingat. Love you!” Mas lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya.
“I love you too,” sagot ko. Ako na ang naunang nagbaba ng tawag.
Yeah, it’s Calizar and he’s my husband now.
Pumasok na ako sa gate ng school at diretso sa room ng dalawa, since magkatabi lang iyong classroom ng mga anak ko.
’Saktong pauwi na rin sila kasi isa-isa nang lumabas ang mga bata. Kung si Florence ay mas nauunang lumabas ay kabaliktaran naman iyong Kuya Zai niya. Na ito mismo ang huling estudyante na lumalabas.
Kinawayan ko ang baby girl ko nang palinga-linga na siya para hanapin ako. Umaliwalas agad ang bukas ng mukha niya pagkakita sa ’kin.
“Oh, there you are, Mommy!” nakangiting sambit niya. Hinintay kong makalapit siya. Dahil sa pagtakbo niya ay nag-b-bounce pati ang cheeks niya.
Pink iyong uniform nila and white blouse, then naka-ponytail ang hair niya at naka-pink na headband pa. Bitbit niya ang maliit niyang pinaglalagyan ng lunchbox niya.
Lumuhod ako para salubungin siya. Yumakap agad ang mabilog niyang mga braso sa leeg niya. Parang hindi pinagpawisan dahil amoy baby pa rin.
I kissed her cheek. “How’s your day, sweetheart?” I asked her sweetly.
“It’s cool, Mommy!” she answered happily. Tumingin ako sa classroom ng kuya niya at napangiti ako nang makita ko na ang paglabas niya.
Matamis na ngumiti ito nang makita ako. Dahan-dahan lang ang paglalakad niya hanggang sa malapit na rin siya. Yumakap din siya sa amin at hinalikan ako sa pisngi.
Zaidyx, mana nga siya sa daddy niya. Kahit five years old pa lang ay matangkad na.
“Ikaw, Kuya? How’s your day too?” I asked him. Hinaplos ko ang pisngi niya. Lumabas na naman ang maganda niyang dimple.
“As usual, Mom,” kibit-balikat na sagot niya. Hinalikan ko siya sa noo at tumayo na rin ako. Hinawakan ko sila pareho sa kamay.
“Where is Daddy, Mom? ’Di pa siya nakauwi?” nakatingalang tanong ni Florence. Umiling ako.
“One week pa siya roon sa Cebu, Florence,” nakangiting tugon ko. She pouted. Kung hindi ko lang hawak ang kamay ng kuya niya ay pipisilin ko ang pisngi niya pero natigilan ako nang lumabas din ang bagay sa magkabilang pisngi niya.
“I miss my daddy!” she uttered.
“Me! I miss my dada!” sabat naman ni Zaidyx. Alam ko kung sino ang tinutukoy niyang na-miss niya. Isang tao lang naman ang madalas niyang tawagin na ganoon.
Pagdating namin sa puting honda civic ko ay binitawan ko ang kamay ng baby boy ko. Nginitian pa niya ako. I tapped his head before I opened the door.
Inalalayan kong makasakay si Zaidyx sa backseat. Inilagay niya sa tabi ng seat niya ang backpack niya. Si Florence ay masyadong maligalig kaya hindi ko binitawan ang kamay niya. May patalon-talon pa kasi siya.
“Fastened your seatbelt, Kuya,” malumanay na sabi ko. Tumango-tango siya at ikinabit na rin niya iyon. “You okay na?”
“Yes, Mom,” sagot niya. Maingat kong isinara ang pinto sa side niya at lumapit naman kami sa passenger’s seat dahil katabi kong umuupo si Florence.
“Mom, miss ko na rin po sina Lola Mommies and Lolo Daddies,” pangdadaldal nito.
“Okay, we’ll going there. But doon na muna tayo sa condo natin,” sabi ko na lamang.
Sa condo ng Daddy Calizar nila kami naninirahan, kasi malapit lang doon ang working place ko. Hospital ni daddy.
Habang pauwi na kami ay nag-ring ang cell phone ko. Pinindot ko agad ang speaker para sagutin ang tawag. Of course, nag-iingat din ako sa pagmamaneho dahil kasama ko ang mga anak ko. Hindi ko na rin na-check pa ang caller ID.
“Hello?” sagot ko. Noong una ay wala pang sumasagot sa kabilang linya. “Who’s this?” I asked.
“Baby. . .” Nabigla ako nang marinig ko ang baritonong boses na iyon, pamilyar na pamilyar sa ’kin.
Dahil sa gulat ko ay naihinto ko ang kotse ko. Napasinghap pa si Florence, mabilis na sulyap lang ang iginawad ko.
“S-Sino ’to?” nauutal na tanong ko. Parang ang hirap paniwalaan na marinig ang boses niya ngayon.
“It’s me Khai, Francine.” Umawang ang labi ko. Bumilis agad ang tibok ng puso ko.
He’s back.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top