EPILOGUE
EPILOGUE
ZAIRYX ALKHAIRRO D. BARJO’s POV
DALAWANG taon na rin ang nakalipas, nagawa kong tiisin ang ina ng anak ko na hindi ko na muna siya kausapin kahit video call lang. Isa siya sa magiging distraction ko. Isang salita lang kasi niya ay nahuhulog na ako. Tinititigan lang ako nang matalim niyang mga mata ay nanghihina na ang mga binti ko. Ni hindi ko naisip na aabot ako sa puntong magiging ganito ako sa kaniya.
Binuksan ko ang box na pinaglalagyan ko ng dalawang uri ng singsing. God knows kung magkano ang halagang ito pero alam kong worth it naman siya. Maganda kasi ang magsusuot ng isang ito. Ah, I miss my baby mommy.
This is engagement ring and yes, I’m ready to marry her, the woman I love.
Francine...
Naalala ko ang eksena two years ago, kung bakit kinailangan kong umalis. I don’t want to leave, to leave Francine and my child behind. I’d rather be with them, and I know I’ve been unfair to my baby mommy. I want to make it up to her. I also know she’s been hurting for the past years, because of me.
Bigla nila akong binisita sa opisina ko. Si Daddy Storm ay nakaputing kasuotan pa, na galing pa yata sa trabaho nila.
“I found out you bought a ring, my son,” my father said, as he licked his lips.
“Yeah,” tipid na sabi ko lamang.
Hindi na ako nabigla pa kasi malalaman talaga niya kung kailan ko binabawasan ang pera ko. May access si dad sa mga cards ko. Wala namang kaso sa akin. Hindi naman siya strict father. Ibinibigay niya lang ang mga gusto ko. Gusto niya kasing bumawi sa mga panahon na hindi niya ako nakasama.
12 years old na ako noon nang makilala ko siya at nalaman niya ang tungkol sa akin. Mas bata siya nang ilang taon kaysa kay mommy. Pero hindi naging hadlang sa kanila iyon. They love each other. Nawalan lang dati ng alaala si dad, kaya hindi niya nakilala si mommy.
“That’s worth over five million. See, Storm? Isang pitik lang iyan ng anak ko, kayang-kayang niyang maglabas ng ganoong kalaking halaga ng pera para lang sa anak mo,” naaaliw na sabi pa niya.
Francine’s father looked at me with a smile. “You know what, hijo? Hindi naman materialistic ang anak ko. Kahit mumurahin pa ang ibili mong singsing para sa kaniya ay matutuwa na ’yon,” sabi naman ni Daddy Storm.
Alam nila kung kanino ko nga ibibigay ang singsing na ito. Well, bakit pa ako nagtataka kung paano nila nalaman ang tungkol dito? Kung mayroon man na higit makaaalam sa totoong nararamdaman ko kay Francine ay sila iyon. Lalaki sila, alam nila kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal nila. Maski si Seth ay ganoon din.
“Khai, don’t you think it’s too early to give this to her? To propose her a marriage?” my father asked. Bigla ay sumikip ang dibdib ko.
“What do you mean by that, Dad?” I fired back.
“Keep it for now, son. Wait until Francine finishes her studies, then you can marry her anytime soon. Give her freedom and time for herself. You’ve already taken nine months of her life, carrying your child. She hasn’t had a break, and marrying her now would mean she’ll never have freedom again. You’ll be giving her heavy responsibilities. Your son is enough for now,” seryosong sabi niya. Nawalan ako nang imik doon.
Inalala ko si Francine, yes marami pa siyang pangarap na hindi pa niya natutupad. Noong sinabi ko sa kaniya ang posibleng may nabuo kami ay halos hindi niya matanggap. Takot na takot siya.
Tama si daddy, kapag pinakasalan ko agad siya ay malaking responsibilidad ang haharapin niya. Ayokong mangyari iyon, ayokong maramdaman niya na tinatali ko siya. Kahit na gusto niyang may plano na ako para sa pamilya namin.
Napatingin naman ako sa daddy ni Francine nang siya na ang nagsalita. “Actually, I don’t mind if my daughter gets married early, Ry, Khai. My Francine has grown up with a strong personality, and if you look at her, she seem independent too. She weren’t like that before, but I know why her behavior changed. She’s matured during the times you chose to be happy.” Alam ko ang ibig sabihin no’n. Sa mga oras na iyon ay lumayo ang loob sa akin ng anak niya. “I don’t want you to rush into marriage just because of your son Zaidyx. You both need to be honest about your feelings. Khai, my daughter has been hurt too many times, and this isn’t the right time for your plans.”
“I agree, son,” sabi naman ni daddy at tumango-tango pa siya. “True love finds its way. If you’re meant to be, you’ll always find your way back to each other.”
“If you’re really meant to be together, you’ll end up together in the end. You’ll still fall into each other’s arms,” Daddy Storm uttered.
Nakinig ako sa kanila, ibinigay ko ang singsing na hindi niya malalaman. Naisip ko ang future niya at tama sila.
“What if you pursue your master’s degree studies abroad first, Khai?” My lips parted.
“D-Dad, I can’t leave my family here,” umiiling na sagot ko. Hindi ko kaya kapag lumayo pa ako sa mag-ina ko. Mababaliw lang ako kapag nangyari iyon.
“Makatutulong din iyon sa iyo, Khai. Mas malalaman mo ang totoo mong nararamdaman. Na kung hindi lang nakasanayan mo ang pagiging overprotective mo noon kay Francine. Magiging worth it ang lahat ng ito, son. Three years, mas mainam kung magkaroon ka rin ng working experience sa ibang bansa. What do you think?” suhestiyon pa ng aking ama. Bakit nila pinipilit ito sa akin? Sobrang bigat sa dibdib.
“Don’t worry about them, Khai. Marami kami ang puwedeng titingin sa kanila. Hindi naman aalis sa poder namin si Francine,” sabi naman ni Daddy Storm. Mahigpit na kumuyom ang kamao ko.
“Alright, two years lang po, Dad,” sabi ko. Ngumiti sa akin si daddy. Nagdesisyon na sila at sino ako para hindi sumang-ayon? Kung para din ito kay Francine. “But Dad. I felt this way before, but I kept denying it. I thought she was too young, but now that I’ve been given the chance to be with her, I won’t back down. My love for her is real; I just didn’t recognize it. But now, I’m really sure about my feelings for her.” Sukat doon ay napangiti silang dalawa.
Ang hirap sa totoo lang, lalo na noong iba ang iniisip ni Francine. Aalis ako na walang ibang dahilan kundi sila lang ng anak namin. Pero kung ito ang nararapat na gawin ay wala na akong choice pa.
Two years, handa na sana akong bumalik pero naalala kong tatlong taon ang palugit na ibinigay sa akin ni dad. Nang matapos ko ang MBA ko ay magpapa-book pa lang sana ako ng plane ticket pero naisip ko na next year na lang ako uuwi. I did that, after that ay umuwi rin ako.
Palihim ko nga lang silang sinusundan. Madalas ay si Zaidyx lang ang nakasasama ko at hindi ang mommy niya.
Nalaman nga lang ni daddy na isang taon na akong nasa Pilipinas. Hindi ko lang sinabi sa kanila.
Ngayon ay pauwi na rin ako. Ang gusto ko sanang makita agad ay ang mag-ina ko. Kung hindi lang ako kinausap kanina nina Dad at Daddy Storm.
Binigyan na lang nila ako ng contact number ni Francine. I want to surprise her also. So, tinawagan ko na siya kahit nagda-drive pa lang ako.
Nang marinig ko ang ring sa kabilang linya ay kinakabahan na agad ako. Ang bilis nang tibok ng puso ko.
“Hello?” Binagalan ko ang pagmamaneho ko nang marinig ko na ang boses niya. Dàmn. Malamyos pa rin ang boses, may lambing. “Who’s this?” tanong niya nang hindi ako nakapagsalita.
“Baby. . .” Iyon lang ang unang lumabas sa bibig ko.
“S-Sino ’to?” she asked me. I licked my lower lip. Hindi ba niya ako nakilala sa boses lang?
“It’s me Khai, Francine,” I answered. Akala ko noong una ay natigilan siya, na nagulat siya sa biglaan kong pagtawag pero pinatay na niya ang tawag. When I tried to call her ay hindi na siya sumasagot.
PAG-UWI ko sa bahay ay sinalubong ako ng mga kapatid ko. Wala yata rito ang mag-ina ko. Baka nasa kabilang bahay.
“Oh, my God! Kuya Khai!” Napangiti ako nang makilala kung sino ang patakbong lumapit ngayon sa akin.
“Jessey,” I uttered her name. Yumakap siya sa baywang ko. Naramdaman ko na lamang ang pag-uga ng balikat niya. She’s crying. I caressed her back and kissed the top of her head. “You missed kuya that much, Jessey?” She nodded.
Pilit kong hinaharap siya sa akin at pinunasan ko ang luhang nasa pisngi niya. I kissed her forehead. She’s very beautiful just like mom.
“I missed you so much, Kuya!” umiiyak na sabi niya. I smirked.
“Dapat ka na naming bantayan ng Kuya Seth mo. Dalaga ka na, baka marami ka na ring manliligaw, ah.” Marahan na pinalo niya ang dibdib ko.
“Wala nga po, e!”
“Kuya Khai!” Sa hagdanan naman ay nagmamadaling bumaba roon si Seth.
Lumapad ang ngisi ko nang makita ko na siya sa personal. Tingnan mo naman, o. Mas tumangkad na siya ngayon. Mas lumaki rin ang katawan niya.
Napangiwi ako nang pareho niya kaming niyakap ni Jessey. Bata pa siya ay talagang malapit na ang loob namin sa isa’t isa. He’s spoiled. Nang hawakan ko ang ulo niya ay yumuko siya para himasin iyon.
“Magkasing tangkad na ba tayo ngayon, Seth?” nakangiting tanong ko sa kaniya. Pumuwesto siya sa tagiliran ko. Natawa ako dahil hindi pa siya umabot, pero kaunti na lang ay kasing tangkad na rin niya ako.
Huling sumalubong ay si mommy. Nang dumistansya ang mga kapatid ko para makalapit na rin ang aming ina ay hinalikan ko ang kamay niya at pisngi bago ko siya niyakap.
“Welcome home, my son.” Mom kissed my cheek too.
“Nasaan po sila, Mommy? Gusto ko na pong makita ang mag-ina ko,” sabi ko. Nang humiwalay na rin si mommy ay nakita ko na parang nababahala siya.
“Ipapatawag natin sila,” nakangiting sabi niya. Napatango ako. “Doon ka muna sa kuwarto mo. Magpahinga ka. Mamaya ay may family dinner tayo.”
So, ito na rin siguro ang tamang oras para ituloy ang plano ko dati. Ang mag-propose sa kaniya ng kasal.
Hinintay ko hanggang gabi kahit hindi na ako mapakali pa. Hanggang sa katukin ni Seth ang pinto ng kuwarto ko.
Nang bumukas iyon ay napatayo ako dahil ang anak ko ang kasama niya. “Dada!” Maski siya ay nagulat nang makita ako.
Sa bilis nang pangyayari ay halos hindi ko na namalayan, na nasa bisig ko na rin siya. Ilang beses kong hinalikan ang pisngi at tuktok ng ulo niya.
“I missed you, son. How are you?” I asked him. Hinaplos ng hinlalaking daliri ko ang pisngi niya. Parang naiiyak pa siya.
“I’m fine, Dada. Ikaw po?” tanong niya.
“Okay rin ako. Na-miss mo rin ba si dada?” He nodded at hinawakan niya ang pisngi ko. Humilig ako para mahalikan niya rin ang pisngi ko.
“Yes, Dada. I miss you rin po, I love you!” Parang may kung ano ang humahaplos sa dibdib ko.
“I love you too, son. Nasa baba na ba ang mommy mo? I miss her too,” sabi ko at hindi ko na siya ibinaba pa. Lumabas kami na nasa bisig ko siya. Naglaho na agad si Seth. Nauna na yata siyang bumaba.
Nandoon na nga sila, maliban kay Francine. Nang ibaba ko si Zaidyx ay kumapit siya sa kamay ko. Hinawakan ko rin iyon at nginitian ko siya.
“Son, nakalimutan naming sabihin sa iyo ang isang mahalagang bagay,” ani dad. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Nanlamig nga agad ang mga kamay ko.
“What is it, Dad?” I asked him. Hindi siya agad sumagot. Parang nahihirapan na magsalita. Kaya si mommy ang nilingon ko. Kapag ganyan siya ay mas lalo akong kabahan. “Mom?”
Hindi nakatakas sa mga mata ko ang matalim na titig niya kay daddy. Na parang nagbabanta siya o tamang sabihin na sinisisi niya ito.
“Si Francine, she got married two years ago, Khai.” It didn’t sink in right away what Mommy said. It’s also something I didn’t want to think about because I couldn’t accept it.
When I saw that they were serious and not joking, parang tinadyakan ng kabayo ang dibdib ko. My heart tightened and I felt a sharp pain.
“Seth, doon muna kayo sa dining. Mauna na kayong kumain ng mga bata,” sabi ni dad sa kapatid ko. Umawang ang labi ko at bayolente na ang paghinga ko.
“Kadarating ko lang po. Huwag niyo naman akong. . .” Napatingala ako dahil sa nararamdaman kong init sa sulok ng mga mata ko. “What kind of joke is this, Dad? Ano’ng pinagsasabi niyo na kasal na si Francine?!”
For the first time, nagawa kong sigawan ang parents ko. Si dad ay nag-iwas lang nang tingin. Si Mommy ay umiling lang siya. Huli kong tiningnan ang parents ni Francine. “Ano po ang sinasabi nila, Daddy Storm? Mommy Ninang?” I asked them.
Umaasa ako na biro lang iyon, na gusto lang akong paglaruan ng parents ko. Na kahit hindi sila mahilig sa ganoong pagbibiro ay gusto kong isipin na ganoon lang. Na ayokong paniwalaan. Pero nakompirma ko na sa kanila.
“Totoo, Khai. Nabuntis si Francine noong nasa second year college pa siya kaya pinakasalan agad ng nakabuntis sa kaniya.” Parang isang bomba na sumabog sa utak ko. Nanginig ang katawan ko.
“That’s not true! Nasaan si Francine?! Nasaan po siya?!” sigaw ko at hindi ko na sila pinagsalita pa dahil lumabas na ako sa bahay para puntahan sana si Francine. Nakita ko naman sila sa labas, kasama niya si Cody. “Is it true that you’re already married, Francine?” malamig na tanong ko. Pinipigilan ko lang ulit ang emosyon ko. Kasi alam kong magsisigawan na naman kami. “Tell me.”
“Yes, it’s true, and we already have a child.” Doon ako tuluyang nawasak sa sinabi niya. Alam ko sa mga salita lang niya ay kayang-kayang na akong masaktan, sa pagsasabi niya ng katotohanan ay parang gusto ko na lang mawala sa mundo.
Doon, nakapag-usap kami. Ngayon niya rin sinabi ang mga bagay na hindi niya nagawang ilabas noon. Ang mga hinanakit niya, ngayon niya ako sinumbatan. Ramdam na ramdam ko ang sakit at lungkot sa boses niya.
Siguro, hindi ako naging sapat. Hindi naging sapat ang pagpaparamdam ko noon sa kaniya. Walang malinaw na assurance pero hindi niya alam may assurance na talaga ako.
“Bakit ngayon ka pa bumalik kung hindi na tayo puwede? I’m already married at naka-move on na rin ako. Masaya na ako sa piling ng asawa ko ngayon at sa anak namin. Sana ikaw rin. Puwede mo pa rin namang makasama ang anak natin. Sa kaniya ka na lang mag-focus at mahalin mo na lang si Zaidyx.” She turned her back from me. Umuulap ang paningin ko dahil sa mga luha ko. Ang sakit-sakit sa dibdib dahil sumuko na siya. Sinukuan na niya ako.
“Francine... If I could turn back the time. Hihintayin mo pa rin ba ako?” I asked her. Huminto siya pero hindi niya ako nilingon.
“Para saan pa ang paghihintay ko kung mararanasan ko lang ulit ang masaktan, Khai?” she fired back. Wala na. Wala na akong babalikan pa. Wala na nga akong mauuwian.
“Francine, baby,” I called her.
“I’m sorry.” Akala ko ay pagbabalik ko ay tuloy na ang plano ko. Pero ngayon, sa pagbabalik ko pala ay mabibigo rin ako sa huli.
Iyong mga sakripisyo ko ay parang papel lang, walang saysay at sa basurahan din maibabato.
Napaluhod na lang ako. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Parang tinutusok ng kung ano.
“Son.” Boses ni dad.
“Sabi niyo magiging worth it ang lahat ng ito, Dad? Sabi niyo, hindi pa iyon ang tamang panahon para sa amin. Na kailangan ko munang dumistansya, na kailangan ko munang bigyan ng kalayaan si Francine, Dad... N-Nagawa ko pang i-diactivate ang social media accounts ko para kaya ko pang magtiis. Pero ano’ng nangyari? Bakit niyo hinayaan siyang makuha ng iba?! Para saan pa itong pagsasakripisyo ko kung pagmamay-ari na ng iba ang babaeng mahal ko?! Paano ko pa mabibigyan ng kompletong pamilya ang anak ko?! Hinayaan niyo... Hinayaan niyo siyang makuha ng iba!” may hinanakit na panunumbat ko sa kanila. Kasabay nang pagyakap sa akin ni mommy.
Tila bumalik ako sa pagkabata at umiyak sa mga bisig ng aking ina. “Hush now, son. Everything is gonna be alright.”
“Para na rin niyo akong pinatay, Daddy. Sana...hindi na lang ako nakinig sa inyo. Sana hindi na lang ako umalis. Sana, tinuloy ko na lang ang balak kong umuwi noon. H-Hindi sana mangyayari ito. May mauuwian pa sana ko, Dad,” panunumbat ko pa rin sa kanila.
Dahil sa pag-iyak ko ay tila may bumara na rin sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa katotohanan na iyon.
I thought it was the best decision I ever made, but it wasn’t. It turned out to be a nightmare for me. It’s hard to accept and even harder to believe. I feel like I just want to die.
I wasted so much time. I wish I hadn't listened back then. I wish I had proposed to her because that’s what she wanted and I’m glad to do that. That’s why my family didn’t have any plans, because dad thought I’d just give Francine a big responsibility if we got married.
Ngunit kung alam kong ganito lang pala ang nangyari ay sana tinuloy ko na noon pa.
Ewan ko kung paano ako nagawang pakalmahin ni mommy. Ang namalayan ko lang ay nasa kuwarto na ako.
Ilang araw akong tulala at hindi matinong kausap. Maski ang anak kong si Zaidyx ay hindi nila pinalapit sa akin. Calizar Dela Paz is her husband, and he’s a fúcking surgeon. Sa condo ng lalaking iyon sila nanatili at gustong-gusto kong magreklamo. Binabahay na ng lalaking iyon pati ang anak ko.
Iyon na rin ang huling pag-uusap namin ni Francine. Baka kapag makikita ko siya ay kung ano pa ang magawa ko. Baka rin kasi bigla ko na lang maisip na itanan siya. Wala akong pakialam kung may anak na sila. Tanggap ko ang bata kung sakali man.
Natatanaw ko lang siya sa tuwing gabi dahil nagtatago ako sa dilim. May mga pagkakataon na naiisip ko na lang na maging kabit niya at aagawin ko siya sa asawa niya. Pero pinili ko na muna ang maging mahinahon.
Maybe I’ll just let her go? Let her be with someone else if that’s where she’s happy. I love her more than myself, so I’ll set her free. Maybe it’s enough for me that she’s the mother of my child, even if she won’t be mine anymore. As long as she’s happy ay ayos na ako. Ayos na ayos na, kahit masakit.
Nagulat naman ako nang makarinig ako nang mahinang hagikhik ng isang batang babae.
“Hello pow. Gusto ko rin pow mag-swing.” Nanindig ang balahibo ko sa narinig. Malamyos ang boses. Kasing lambing ng tinig ng babaeng mahal ko.
Alam ko na si Zaidyx na lang ang batang nandito sa amin. Pero dahil nasa bahay pa nila si Francine ay baka nga anak niya itong kumakausap ngayon sa akin.
Huminga ako nang malalim. Tumayo na ako at nilingon ko ang bata. Madilim, pero dahil sa tulong ng sinag ng buwan na nagbibigay liwanag sa amin ay nakita ko nang mas malinaw ang maamo niyang mukha.
My lips parted. She looks exactly like my Francine. Ganitong-ganito nga ang hitsura niya noon ng bata pa siya. Nang ngumiti siya ay bumilis ang pintig ng puso ko. Napakurap-kurap ako sa nakikita kong dalawang malalim na bagay na nasa magkabilang pisngi niya.
“Who’s your father?” I asked her. Nanlalambot na agad ang mga binti ko, parang nanghihina agad ako.
“My Daddy!” matinis ang boses na sigaw nito. Dahan-dahan akong lumapit para makita ko nang tuluyan ang mukha niya. Sa puntong iyon ay mas lumiwanag pa. Napasinghap siya nang makita niya rin ang hitsura ko. “You looks exactly like my Kuya Zai!”
Lumuhod ako at nanlalaki pa ang mga mata niya. Umangat ang isa niyang kamay at humaplos iyon sa panga ko. Ang lambot ng kamay niya, may kung ano na naman akong nararamdaman sa dibdib ko.
“Who are you?” I asked her.
Sa halip na sagutin ako at sambitin ang pangalan niya ay iyon ang mga katagang lumabas mula sa bibig niya.
“Sir, please wait for me! I want to be your wife when I grow up!”
Isang batang halos kaedad niya rin ang nagsabi noon sa akin. Ngayon ay naalala ko na. Isang bata ang nangako sa ’kin pero wala. Hindi pa rin natuloy.
“Kuya Khai, I want to marry you po when I grow up.”
It’s ironic, two kids have told me that before, but they share the same face.
“What’s your name again?” malambing na tanong ko sa kaniya.
“I’m Khairra Florence pow!” I smiled with that. “Haya! Carry mo pow ako! Ang palaging binubuhat ni Tito Seth ay mayroong?” she asked na hindi ko agad naintindihan. “Mayroong?” pag-uulit niya. “Dimple!”
Khairra Florence, as far as I remember. Wala akong nakitang ganoong bagay sa pisngi ng lalaking iyon kahit sa litrato pa.
Now, I wonder where she got those adorable dimples? Thinking about who she might be brings tears to my eyes and a smile to my face. I’ve been given a powerful reason to fight for what’s rightfully mine.
Isang marahan na halik sa pisngi niya ang ginawa ko at gumalaw pa siya sa bisig ko. I love her smells, just like her mom. I’ve fallen in love again, for the second time with this kid.
“Kuya, nasaan ang kapatid mo?” narinig kong tanong ni Francine.
Pagpasok namin sa loob ay nandoon nga siya at si Zaidyx. “I don’t know, Mom,” sagot ni Zai at naningkit ang mga mata ko sa nilalaro niyang bagay.
“Kuya! That’s my necklace!” sigaw ng batang nasa bisig ko. Kaya nakuha niya ang atensyon ng mga tita at tito niya. Ang mommy niya ay nagulat din. Parang gusto kong ngumisi sa reaksyon niya.
Ibinaba ko ang batang babae at lumapit siya sa kuya niya. Inagaw nito sa kamay ng kuya niya ang kuwentas na tinutukoy niya pero dumulas iyon sa maliit niyang kamay.
Dahil tumama iyon sa pader ay nasira ang pendant no’n at lumabas ang isang bagay na hindi ko akalain na nandoon pa rin.
Si Seth mismo ang umapak no’n para huminto ito sa paggulong. Kinuha niya at tinitigan. “It’s a ring. Kanino ’to?” he asked at kinagat pa niya kung totoong diamond nga ang singsing na iyon. “Sa ’yo ba ’to, Ate Francine?”
“It’s mine, Tito Seth! It’s from the necklace Mom gave me!” Khairra shouted at naglahad pa ng munti niyang palad. Ibinigay nga iyon ng kapatid ko.
“Give it to me, Florence,” mahinahon na sambit ni Francine. Lumapit sa kaniya ang bata para ibigay sa kaniya ang singsing. Pagkatapos niyang suriin iyon ay kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa maganda niyang mukha.
That’s my assurance, baby.
“Dada!” Patakbong lumapit sa ’kin si Zaidyx. Yumakap siya sa binti ko. Ang kapatid niya ay nagtatakang napatingin sa amin.
“Florence,” Francine called her daughter. “Florence, come here.”
Hindi siya nito pinakinggan. Sa halip ay mas lumapit pa ito sa amin. Pinanood ko lang ang bata na umaawang na ang labi niya.
“Florence. Meet my Dada! He’s Zairyx Alkhairro,” pakilala ni Zai. Na parang proud na proud din siya.
“It’s your dada, Kuya?” inosenteng tanong nito. Ganyan na ganyan ang talaga ang mukha ng mommy nila. Napakainosenteng tingnan.
“Uh-huh. Come here, greet my father. Dada Khai, she’s my little sister. Khairra Florence is her name. Isn’t she beautiful like mom, right, Dada?” Zai asked and I nodded.
“Kuya, can I marry your dada?” Suminghap nang malakas si Zaidyx. Iyong mga kapatid ko ay nagulat din sa sinabi ng bata. Ako, mas naaliw lang ako sa kaniya. Manang-mana sa mommy nila.
“No, Florence! He’s my dad!” sigaw ni Zaidyx na may kasama pang pagpadyak. Hinagod ko ang likod niya.
“Don’t shout your sister, Kuya,” malumanay na suway ni Francine sa anak namin. Kuya ang tawag niya kay Zaidyx. “Florence, come here. Umuwi na tayo.” Still, hindi nagpatinag ang bata.
“But, Kuya. He’s handsome, and I wanna marry him when I grow up. My heart is beating so fast. I think I’m already in love with him,” she said. Same feelings, I guess.
Nang lumuhod ako ay marahan kong hinila ang mabilog niyang braso. Yumakap din sa leeg ko si Zai, nakabusangot ang mukha nito.
“Let me see your dimples, baby,” sambit ko at ngumiti siya nang malapad para lumabas iyon. Pero walang kahirap-hirap na lalabas talaga iyon kahit hindi siya ngumiti. “I don’t want to marry you. I’d rather date your mom and marry her. What do you think?” Siya naman ang nagulat sa tanong ko.
Bago pa makapagsalita ang bata ay naagaw na ito sa akin ni Francine. Nagmamadali pa siyang umalis at talagang iniwan na ni Zai. Sumenyas ako sa anak ko na lumapit sa Tito Seth niya. Sinundan ko ang mag-ina.
“Sandali lang, Francine.” Nang marinig ang boses ko ay mas nilakihan niya ang paglalakad niya kahit buhat-buhat pa niya ang bata. Humarang na ako sa harapan niya. She even glared at me. “Mag-usap tayo.”
“Wala tayong pag-uusapan. Tapos na tayo, ’di ba?” Seryoso ko lang siyang tinitigan at kahit pinipilit niyang dumaan ay hindi ko siya hinayaan.
“She’s mine, right?” I asked her.
“You’re crazy,” she said. Maski ang mga mata niya ay mailap kaya hinuhuli ko iyon nang tingin. Humakbang ako palapit sa kaniya, kahit na umaatras siya at hindi ko na siya hinayaan pa. “Bitiwan mo nga ang anak ko, Alkhairro!”
Ganito siya, ganito siya kapag galit. Ganoon ang tawag niya.
Ang bata ay sa halip na matakot sa kaniya dahil sumisigaw siya ay napapanguso ito. Nakuha ko sa kaniya si Khairra, na ikinangisi ko. Nanlilisik na ang mga mata niya.
“Hindi ko pinapamigay ang anak ko, Francine. Kung ano ang sa akin ay sa akin lang. Hindi naman ako tanga para hindi ko malaman ang totoo,” malamig na saad ko. Mariin na naitikom niya ang bibig niya.
“Si Zaidyx lang ang anak mo, Alkhairro. Anak namin ni Calizar si Florence. Huwag kang mang-angkin nang hindi sa ’yo,” she said. Hindi man lang ako natakot sa sinabi niya.
“Gusto mo ba ng DNA test namin ni Khairra?” nanghahamon na tanong ko at tinitigan ko pa ang mukha ng bata.
“Are you fighting with my mom pow?” she asked innocently.
I shook my head. Binalingan ko ulit si Francine. “Hindi kita susukuan, Francine. Hindi ko sasayangin ang mga sinakripisyo ko para lang mapunta ka sa iba.”
“Kasal na ako, Alkhairro. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa mundo kong hindi ka na kasya. Si Zaidyx na lang ang alalahanin mo,” mariin na saad niya. I let her na makuha ang anak niya. Sige, gusto niya nang habulan. Pagbibigyan ko siya.
“Francine,” I called her. “Every day, I love you.”
She rolled her eyes. “Move on.”
“Bye Dada Khai!” Kinawayan pa ako ng bata. Doon napahinto ang mommy niya. Ibinaba siya at naglakad ito palapit sa akin.
Napatingin ako sa inilahad niyang kamay niyang may singsing. “Sa ’yo ito, ’di ba? Ibinabalik ko na.” Tiningnan ko lang iyon at isinuksok ko lang ang aking kamay sa bulsa ng pantalon ko. Ayokong tanggapin iyon. Hindi naman sa akin.
“That’s not for you. It’s for my daughter,” I said and stared at Khairra’s angelic face.
“She’s not your daughter!” sigaw na naman niya.
Napayuko naman ako nang may humila sa dulo ng damit ko. Si Zaidyx. “Who’s your daughter, Dada?” Zai asked me.
“It’s your baby sister Florence,” I whispered. Malakas na napaubo ako nang sinikmuraan ako ni Francine.
“Tsk. Remember, I’ll still get you back. If you loved me before, I love you even more now, more than yesterday. Francine, I’ll do everything to make you mine, and you know that before I left, I made sure you’re pregnant so that even when I’m far away, I know na may babalikan pa ako. Na wala ka na ring kawala pa.” Inirapan niya lamang ako. Galit siya, iyon ang nararamdaman ko.
“Let’s go home, Zaidyx!” Napapitlag pa si Zaidyx nang sumigaw ang mommy niya.
Hinaplos ko ang buhok niya. Yumuko ako para mabulungan siya. “Go with your mom, my son. Susunod ako.” Nag-thumps up siya at ngumiti bago siya sumunod sa mga ito.
“So, Kuya. What’s your plan?” Out of nowhere na lumabas naman si Seth. May kinakain pa siyang chips nang balingan ko siya.
“What do you think, Seth? Posible bang anak ko ang batang iyon?” Akala ko ay tatanggi rin ang isang ito.
“Yeah. But it’s weird. Hindi ako naniniwala noon na magkakaanak sa ibang lalaki si Ate Francine. Mahal ka no’n, Kuya. Alam mo ba na civil wedding lang ang nangyari? Nagkataon pa na wala sina Dad at Ninong Storm sa mga oras na iyon. Pero witness si Ninang at Mommy. Parang wala lang sa kanila. Nagulat nga ako nang malaman ko sa kanila na kasal na si Ate Francine,” mahabang sambit naman niya at nahulog lang ako sa malalim na pag-iisip.
“They don’t seem to care that Francine is already married,” I uttered and he nodded.
“Mabait ang asawa niya, Kuya. Mahal na mahal no’n si Zai.”
I looked at him. Sinimangutan ko siya at siya nagkibit-balikat lang. “Tsk. Mas mahal ko naman ang anak ko. Wala siyang karapatan, higit na wala siyang karapatan kay Khairra.” Sumunod din ako sa mag-iina ko. Iniwan ko roon si Seth.
This isn’t the end of our story, Francine. This is just the beginning. Now, it’s my turn to find a way to win you back and make you mine again. I’m Zairyx Alkhairro D. Barjo, and the battle has just started
Kung sa tingin niya ay talo na ako sa kaniya ay nagkakamali siya, ako pa rin ang nakalalamang dahil dalawa na ang anak namin. Makukuha ko pa rin ang dapat para sa akin, para sa akin lang.
WAKAS
A/N: Maraming salamat po sa suporta at walang sawang paghihintay ng update ko. Wala na pong special chapter dahil kitakits na lang po tayo sa book 2. Yes po! May book 2 itong story nina Khai at Francine. Malay natin na sila pa rin pala sa huli.
Date finished: October 25, 2024
More than Yesterday is officially signing off...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top