CHAPTER 6
Chapter 6: Khai’s girlfriend
“NO. She’s Francine. Anak siya ng Ninang ko. Francine, this is Calystharia Divyne Carvantes, my girlfriend.”
Ni minsan ay never kong naisip na may ibang babaeng ipakikilala si Kuya Khai sa akin bilang girlfriend niya. Sa ilang taon naming magkasama ay ngayon ko talaga mararamdaman ang masaktan nang ganito.
Alam kong wala akong karapatan para ayawan ang kagustuhan niya na magmamahal ng iba dahil hindi naman kami ni kuya at imposible rin naman na maging kami dahil sa laki ng age gap namin. Na isa pa isang nakababatang kapatid lang ang turing niya sa ’kin.
Nasanay ako sa atensyon na ibinibigay niya ngunit darating pa rin pala ang araw na sa iba na siya na mas mag-f-focus dahil girlfriend na niya iyon.
I believe na five years old pa lamang ako nang maramdaman ko ang pagkahumaling ko kay Kuya Khai at baka nga roon pa lang ay mahal ko na siya.
Sa loob ng sampung taon ay ngayon pa ako masasaktan. Sobrang sakit naman pala talaga. Tila tinutusok ng libo-libong karayom ang dibdib ko at kumikirot ang puso ko.
“G-Girlfriend mo?” nauutal kong tanong at itinago ko ang totoo kong nararamdaman. Isang emosyon lang ang ipinakita ko. Pagkagulat sa kaalaman na mayroon na nga siyang girlfriend.
“Yes. Tara sa loob, Francine. Dito ka na mag-dinner,” pag-aaya niya sa ’kin. I nodded at naglakad lang ako sa likuran nila pero nang mapansin niya na ang bagal-bagal kong maglakad ay hinawakan niya ang likuran ko. Ngumiti lamang ang babae.
Mas matangkad siya compared sa height ko na pang-15 years old talaga at hindi ko rin alam kung may chance pa ba akong mas tumangkad.
Walang tao sa living room nila sa mga oras na iyon dahil nasa second floor ang parents niya at ang mga kapatid niya.
Kaya naman ipinatawag pa ni Kuya Khai sa isa nilang kasambahay. Nakaupo na kami pareho sa sofa at ako naman ay mahigpit na ang pagyakap ko sa painting ko.
Magkasabay na bumaba mula sa hagdanan sina Ninang J at Tito Rykiel. Inaalalayan nitong makababa si Jessey habang si Seth naman ay nauuna siya sa parents niya.
Mula sa hagdanan ay ako ang unang makikita nila kaya nakita ko ang matamis na ngiti sa mga labi ni ninang pero pilit na ngiti lang ay naigawad ko sa kaniya. Bahagyang kumunot ang noo niya at nang tuluyan na silang makababa ay nawala ang ngiti ng ninang ko. Napako ang tingin niya kay Calystharia.
“M-May. . . May bisita pala tayo,” wika niya at nasa timbre ng boses niya ang gulat.
The girl stood up at tumabi siya kay Kuya Khai. Ang braso nito ay pumulupot sa baywang niya, kung kaya’t sinundan nila iyon nang tingin.
“Good evening po,” bati ng girlfriend ni kuya at halata rin sa babae na kinakabahan siya.
“Good evening din sa ’yo, hija,” balik na bati ni Ninang J. Si Tito Rykiel ay ngumiti lamang siya rito.
“Mom, Dad. Si Calystharia Divyne Carvantes po, girlfriend ko,” pagpapakilala pa niya sa girlfriend niya at hayon na naman ang pagsikip sa dibdib ko. Kung hindi ko lang pinipigilan ang sarili ko ay baka maiyak na ako sa kanilang harapan. Magmumukha lang akong pathetic.
Dahan-dahan pang tumingin sa gawi ko ang aking ninang at napayuko na lamang ako. Marunong bumasa ng emosyon si Ninang kaya ayokong may makita rin siya sa mga mata ko.
“Nice meeting you, hija.”
“Babe, Mommy ko si Jessel, si Dad naman ay Rykiel Eryx ang pangalan niya. Kapatid ko sina Seth at Jessey.”
“Nice to meet you rin po,” magalang na bati ni Calystharia. Kakaibang takot din ang lumukob sa pagkatao ko.
Sa takot na magustuhan din siya ng parents ni Kuya Khai dahil bukod sa maganda na siya at mukhang mabait din siya.
Inaya na rin ako ni ninang na kumain doon at iyon ang pinagsisihan ko. Sa mga oras na iyon ay tila tino-torture ako pero wala akong magagawa kasi wala naman akong karapatang magalit.
For the first time ay naging tahimik ako habang kasabay ko sila sa dinner. Nararamdaman ko ang pasulyap-sulyap sa ’kin nina Tito Rykiel at Ninang J pero pinili ko pa rin ang kumain nang tahimik kahit gustong-gusto ko nang umiyak. Bumibigat ang aking dibdib.
Masasabi kong survivor ako dahil natapos ang dinner ay napigilan ko ang aking sarili.
“How old are you, Francine?” tanong ni Calystharia ng dalawa lang kami ang naiwan. Nagpaalam saglit si kuya.
“I’m 15, ikaw?” I asked her back. Kahit nasasaktan ako ay hindi naman ako galit kay Calystharia. Hindi ko alam kung normal ba iyon, kahit na ang lalaking minamahal ko ay boyfriend na niya.
“18, three years lang pala ang gap natin,” nakangiting sagot niya. Mabuti pa siya ay nasa legal age na. Ako ay two years pa ang hihintayin ko bago ako mag-18.
“6 years naman kay Kuya Khai. Alam mo ba. . .siya lang ang. . .lalaking nagustuhan ko?” pagkukuwento ko. Hindi ako nag-alinlangan na sabihin iyon dahil gusto kong maging aware siya sa bagay na ’yon. Alam ko naman ang limitasyon ko.
“What do you mean by that?” she asked.
“Five pa lang ako. . .ay gustong-gusto ko na talaga siya. Until now, siya pa rin talaga.” At this point ay hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko. “G-Gustong-gusto ko po talaga siya, eh. Kaya ang sabi ko sa Mommy niya. . . Sana. . .paglaki ko ay tanggapin niya ako bilang daughter-in-law niya. . . But now. . .” May kung ano ang bumara sa lalamunan ko.
“Francine. . ..” nag-aalalang sambit niya sa pangalan ko dahil sa biglaan kong paghikbi.
Napadaan naman si Seth at nakita niya ang eksenang iyon kaya napatanong siya, “Ate, bakit ka po umiiyak?”
“Oh, baka mahal ko na siya? Kaya ako nasasaktan ngayon. Siya ang. . . inspiration ko. . . Si Kuya Khai, super bait niya at alam ko. . . Hinding-hindi ka niya sasaktan at mamahalin ka niya higit pa sa sarili niya. K-Kilala ko siya mula pa pagkabata ko. . .” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang pagsikip nito ay talagang nahihirapan na akong huminga. “K-Kapatid lang ang turing niya sa akin pero okay lang naman iyon. . . Basta. . .basta wala pa siyang girlfriend. . .” dagdag pang saad ko.
“Ate Francine. . .” tawag naman ni Seth.
“A-Ano ba ang magagawa ko kung may. . .iba na rin siyang nagugustuhan?” tanong ko at pinunasan ko ang mga luha ko dahil umuulap ang aking mata.
“You’re just 15 years old. Magbabago pa ang feelings mo, Francine,” sabi niya na ikinailing ko. Dahil sure ako na hindi ito agad magbabago. Ten years na ang feelings na ito at wala akong balak na tanggalin ito.
“Hindi na. . . Kung matagal mo na itong nararamdaman ay mahihirapan ka nang baguhin kung ano man ang laman ng puso mo,” seryosong sabi ko.
“Pero masasaktan ka kapag hindi mo susubukan na kalimutan ang boyfriend ko,” sabi niya na nagmistulang patalim ang katagang lumabas mula sa bibig niya.
“Okay lang ako. Hayaan mo na ako. Hayaan mo akong mahalin ko ang boyfriend mo nang palihim lang. Sige, ah. Mauuna na ako,” paalam ko at napatitig pa ako sa painting. “Heto pala. . . I-Ibigay mo iyan sa kaniya, kung okay lang. Champion ang artwork ko dahil siya ang inspiration ko. Ingatan mo sana siya. . . At sana ay mahalin mo rin siya na higit pa sa nararamdaman ko ngayon para sa kaniya. . .” Kinuha naman niya iyon at ayoko nang makita ang mga mata niya. Kasi naaawa siya.
Pagkarating ko sa bahay namin ay sinalubong ako ni daddy at nang makita ko siya ay tuluyang sumabog ang pinipigilan kong emosyon.
“D-Dad. . .” Halos hindi ko na makilala pa ang boses ko dahil basag na basag ito.
“Honey.” Nang maglahad siya ng mga braso niya ay patakbong lumapit ako sa aking ama. Humilig ako sa dibdib niya at doon ko inilabas ang sama ng loob ko, pati na ang hinanakit ko.
Hinigpitan ni daddy ang pagkakayakap sa ’kin at ilang beses na hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.
“D-Dad. . . Daddy, m-may g-girlfriend. . . May girlfriend na po si K-Kuya Khai,” umiiyak na sabi ko na tila nagsusumbong ako.
“I-It’s okay, honey. It’s okay. . .”
“A-Ang sakit po. . . A-Ang sakit po sa dibdib,” sabi ko pa at itinuro ko ang dibdib ko. “Dad. . . Bakit po ganito? Bakit po ganito kasakit?” Napahagulgol na lamang ako at ilang beses kong pinukpok ang dibdib ko. Hinawakan ni daddy ang kamay ko at pinipigilan niya ako.
“Calm down, anak ko. . . Please, breath. Calm down,” pagpapakalma niya pero lumalakas lang ang pag-iyak ko. Ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko.
“A-Ang hirap po, Daddy. . . I-I’m hurting. . . I. . .”
“Honey. . .” My father is a psychologist doctor at hindi ko alam kung paano niya ako nagawang pakalmahin.
Basta nakita ko na lamang ang sarili ko na nasa loob na ako ng room ko. Si mommy na ang katabi ko at panay ang halik niya sa noo ko.
Tulala lang ako at halos hindi na ako gumagalaw pa. Si dad ay napansin kong nakaupo lamang siya sa gilid ng upuan ko. Minamasahe niya ang braso ko at ilang beses niyang pinisil-pisil ang palad ko.
“Are you okay, baby?” malambing na tanong ni mommy. Ang boses niya ay parang galing siya sa pag-iyak. “Francine, anak ko. . . Talk to me, si mommy ito.”
Tiningnan ko ang mukha ng mommy ko at namumula nga ang mga mata niya. Ngumiti ako sa kaniya at umuuga na ang balikat niya.
“I’ll be fine, right Mom?” She nodded.
“Of course, baby. Magiging maayos ka. Nandito lang kami ng daddy mo. Hindi ka namin iiwan. Lilipas din ang sakit, Francine. You’ll be fine, honey. I love you. . .”
“I love you too, Mom,” sambit ko at tiningnan ko si dad na pinupunasan niya ang pisngi niya. “I love you, Daddy. Thank you so much.”
“Mahal na mahal ka rin ni daddy, anak,” sabi niya at hinawakan ko ang kamay niya saka niya ako niyakap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top