CHAPTER 40
Chapter 40:
KAHIT natuloy ang one week na pag-stay namin sa unit niya ay paminsan-minsan ko lang siyang pinapansin. Sa tuwing binibigyan ko nga siya ng silent treatment ay napapabuntong-hininga na lamang siya. Na akala mo ay ang laki ng problema niya.
“Ang sungit ng mommy mo, Zai. Ayaw na pansinin ang dada mo,” narinig kong sumbong niya sa anak niya kaya napairap ako.
Kasalukuyan kong tinutupi ang mga damit ni Zaidyx dahil uuwi na kami ngayon. Tanging hagikhik lang nito ang isinagot sa kaniya.
Mas lalo lang kasi akong nainis nang makita ko kanina ang plane ticket niya. “Tara na.” Tumayo siya at kinuha niya sa kama si Zai saka niya ito kinarga. Inagaw pa niya ang bag na dala ko. Tumikhim pa siya at inirapan ko lang ulit siya.
Tahimik lang kami habang pauwi na. He tried to talk to me but I remained silent.
“Francine naman,” tawag niya nang diretso lang akong naglakad patungo sa bahay namin. “Hindi ako aalis kapag ganyan ka. Hindi na ako tutuloy.” Hinarap ko na siya at ang inosenteng mukha ng anak namin ay palipat-lipat ang tingin sa amin.
“Bakit hindi ka tutuloy? That’s your plan and I won’t stop you. Desisyon mo ’yan at labas na rin ako riyan, Khai,” naiiritang sabi ko. Marahas na hinapit niya ako sa baywang at napapikit ako nang tumama ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.
He kissed my temple. “I’m gonna miss you then, kayo ng baby natin. Huwag ka nang magalit sa ’kin. I promised you to go home after two years.”
Galit ako, oo. Pero hindi ko rin naman kaya na umalis siya na masama pa rin ang loob ko. Ayokong umalis siya na ganito kaming dalawa. Hahayaan ko na lang siya sa gusto niya at kung babalik man siya. I sighed.
Susubukan ko na lang na maghintay sa kaniya, huwag lang sanang matagal kasi baka maubos ako at mapagod.
Sa halip na pumasok nang tuluyan sa house namin ay hinila niya ako patungo sa bahay nila at ang pinagkaabalahan ko na lamang ay ang pagbukas ng regalo ni Zaidyx. Of course, kasama namin ang mga kapatid ko and Khai’s sibling.
Kumukuha rin ng litrato namin si Seth. ’Saktong wala kaming klase lahat kaya nasa bahay lang din talaga kami.
“Khai, let’s talk.” Napalingon ako kay Mommy Ninang nang tawagin niya si Khai at ang seryoso pa ng boses niya.
Kauuwi lang niya and it seems hindi niya kasama si Daddy Ry. Nang bumaling siya sa side ko ay lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. She smiled at me.
“May problema po ba kayo, Mommy Ninang?” I asked her. Nasa boses ko ang pag-aalala.
“Wala, hija. Gusto ko lang kausapin si Khai. Nagmeryenda na ba kayo?” tanong niya at pinasadahan pa niya nang tingin ang mga kasama kong bubwit. Ang iingay nga nila.
“Yes po. Naghanda po si Khai kanina,” sagot ko at tumango siya saka umakyat sa hagdanan. Khai kissed my temple and sumunod na rin siya sa mommy niya.
Nagkatinginan pa kami ni Seth nang ininguso ko sa kaniya ang pamangkin niya. “Saan ka pupunta, Ate?” tanong niya at itinuro ko ang second floor.
“Mukhang pagagalitan ng mommy mo ang kuya mo,” pabulong na sagot ko at napangisi lang siya saka ko sila iniwan doon.
Maingat ang bawat hakbang ko para hindi ko makuha ang atensyon ng mag-ina. Curious kasi ako sa pag-uusapan nila na halatang galit si Mommy Ninang. Ano kaya ang naging atraso ng lalaking iyon para pagalitan siya ng mommy niya?
Sa library sila nagtungo, kung saan na madalas silang magtrabaho ni Daddy Ry. Pagkalapit ko sa pinto ay idinikit ko ang tainga ko at pinakinggan ang pinag-uusapan nila.
“Nagpaalam ka sa akin para sa MBA mo pero ano itong nabalitaan ko na kasama mo pa si Calystharia? Hindi ba matagal na kayong hiwalay, Khai?” Napatakip ako sa bibig ko sa nalaman na kasama pa talaga niya si Calystharia.
Iyong doubt ko sa kaniya ay mas nabigyan lang ng linaw at kahit inaasahan ko na ganoon na nga ang mangyayari ay masakit pa rin talagang malaman ang katotohanan.
Ang katotohanan na nagagawa pa rin ni Khai na magsinungaling sa ’kin. Sabagay, inaasahan ko naman na excuse niya lang iyon. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
I took a deep breath at umalis na ako roon. Pagbalik ko ay inusisa agad ni Seth. “Ano ang pinag-usapan nila, Ate?” he asked me.
I glanced at my son. “Ewan ko. Hindi na ako tumuloy,” pagsisinungaling ko at tinapik ko ang balikat niya.
Nilapitan ko na lamang si Zaidyx na natutuwang nakikipag-usap sa mga tita at tito niya. I feel sorry for my son na mukhang magpapakaama na ang dada niya sa ibang bata.
After that, I act as if na wala akong nalalaman sa plano niya. Nagpaka-busy na rin ako sa school at noong flight na niya ay sinadya kong hindi na muna umuwi. Sa halip ay nagpunta lang ako sa kung saan-saan. Ayokong makita ang pag-alis niya kasi mas mawawasak lang ako.
Tumawag pa siya pero hindi ko na rin sinagot. Hinayaan ko lang na mag-ring ito nang paulit-ulit.
Sa may park ako nagpunta. Umupo lang ako sa bench at tinitigan ko ang cell phone ko. Napanguso ako dahil tumatawag na naman siya. Ang kulit ng stupíd na ito!
“Ang ingay naman.” Napatalon ang balikat ko sa narinig at tiningnan ko ang lalaking nagsalita. Nakaupo rin siya sa bench na ilang dipa ang layo nito sa puwesto ko.
Ang sideview lang ng mukha niya ang nakikita ko at nagulat pa ako kasi same lang ang uniform namin. Nasa medical school din pala siya, and for sure schoolmate ko siya but hindi naman siya pamilyar. Or maybe hindi rin naman siya pagala-gala sa university kaya ’di siya pamilyar.
Napalingon siya sa side ko at nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat. Ang guwapo naman niya! Singkit ang eyes niya! Ang tangos din ng ilong at natural na mapula ang mga labi niya.
“Wala ka bang balak sagutin ang tumatawag sa ’yo, Miss?” he asked me at sinulyapan pa niya ang cell phone ko. “Hays. Natulala ka na.”
Bahagyang tumaas ang isa kong kilay at napipilitan na akong sagutin ang tawag ni Khai.
“Hello?” sagot ko na medyo nagsusuplada pa.
“Kanina pa ako tumatawag sa ’yo. Ni hindi ka man lang umuwi nang maaga, Francine. Nasa airport na ako. Nasaan ka na ba?” he asked me from the other line.
“I don’t want to see you na umaalis kaya sinadya kong hindi umuwi nang maaga. Just take care,” mahinang saad ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
“Alright, but where are you? Umuwi ka na at huwag kang magpapagabi, Francine.” I know genuine ang concern niya and nararamdaman ko rin naman na mahalaga ako para sa kaniya. Hindi lang katulad ng kay Calystharia.
“Later pa ako uuwi. Na kay Mommy naman siguro si Zaidyx,” aniko at pasulyap-sulyap ako sa lalaki dahil nagbabasa na siya ng libro. Color pink iyon.
“Okay. Ibaba mo na ang tawag. I call you kapag nakarating na rin ako roon. Text me too if you’re at home already,” sabi niya.
“Okay. I love you, ingat ka riyan,” I uttered. Malakas ang loob ko na sabihin ang mga katagang iyon kasi aalis naman na siya. Pinatay ko na agad ang tawag bago ko pa marinig ang rejection niya. Wala rin naman siyang isasagot pa.
Nag-warning na deadbat na ang phone ko at muling lumitaw ang pangalan ni Khai. I was about to call him nang namatay na agad ang cell phone ko kasi nga battery low na. I pouted. Bakit siya tumatawag ulit? Nakalimutan niya bang mag-I love you too sa ’kin? Psh, as if ako si Calystharia para sagutin niya ng ganoon. Buwisèt siya.
“Sino ang kausap mo?” I raised my eyebrow. Feeling close naman ng lalaking ito.
“Asawa ko,” mabilis na sagot ko at tinapunan naman niya ako nang tingin. Tinitigan pa niya ang mukha ko at kitang-kita ko ang pagtaas ng isa niyang kilay.
Just one glance at him and I know there is something with him. My lips rose when I saw his book at mabilis niyang itinago iyon sa backpack niya. Nahihiya agad siya.
“Don’t look at me like that,” banta niya but I shrugged my shoulders.
“This is my first time na makakita ng isang lalaki na nagbabasa ng romance book and especially, R-18,” nakangising sabi ko at kahit nanlalaki ang mga mata ay maliit pa rin iyon.
“Ano naman?” he asked. Ang suplado niya!
I stood up at inayos ko pa ang uniform ko na medyo nagusot pa. Napatayo rin ang lalaki at napatingala pa ako sa kaniya. Kasi ang tangkad din pala niya. Mas matangkad nga lang si Khai at mas malaki ang katawan ng lalaking iyon.
“I’m Calizar Dela Paz, madalas kitang nakikita sa department natin. But you’re snob kaya hindi mo rin ako mapapansin,” pakilala niya sa sarili niya and nagulat naman ako roon.
“I’m Francine A. Laveroz,” I uttered my name, “And don’t get me wrong. I’m not judging you because your book is R-18. Open minded ka kasi nasa medical school ka. Nagulat lang ako,” pagbibigay linaw ko para hindi naman siya ma-offend. Mamaya niyan ay isipin niya na binu-bully ko siya at judgemental ako. I’m not like that.
“Totoo bang mayroon ka ng asawa?” pang-usisa niya. Umiling ako.
“Daddy lang siya ng baby ko,” sagot ko. Base pa lang sa reaction niya ay parang hindi naman siya naniniwala. “Hmm, totoo ’yon. Sige, mauna na ako,” paalam ko at dumiretso na nga ako nang uwi.
Pagkauwi ko nga ay nilapitan ako ni Cody. Nagmamadali pa ang bata. “Ate, kanina po nag-aaway sina Mommy at Daddy. Muntik na tayong iwan ni mommy!” pabulong na sumbong nito sa akin at napatingin pa ako kay Pressy. Inosenteng naglalaro lang ito at si Cody lang siguro ang nakapansin sa pag-aaway ng parents namin.
Ginulo ko lang ang buhok ni Cody. “Hayaan mo na sila. Hindi tayo iiwan ni Mommy. Love niya tayo, ’no,” wika ko at tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan niya. I kissed his head.
Fighting is normal for a married couples. But I know my parents, hindi naman sila aabot sa point na maghihiwalay. They love each other and my father, he never hurt my mom physically. Si Mommy pa ang mananakit sa kaniya and God knows takot si dad.
“Nasaan ang pamangkin mo, Cody?” I asked him instead.
“Na kay Kuya Seth po, Ate. Kanina po ay narinig ko rin sina Ninong at Ninang. Nag-aaway rin po yata sila! Kadarating lang kasi nila kanina kaya si Kuya Seth muna ang nag-alaga kay Zai,” paliwanag pa nito. Napakunot-noo ako. Bakit naman mag-aaway sina Mommy Ninang at Daddy Ry?
“Ilagay mo muna sa sofa itong bag ko, Cody. Susunduin ko lang ang pamangkin mo,” aniko. Kinuha niya mula sa aking kamay ang backpack ko at lumapit sa sofa.
Muli akong lumabas at dumaan sa pinto na nasa pagitan ng malaking gate namin. Hindi pa man ako nakapapasok ay lumabas na si Seth at naka-piggyback si Zaidyx.
“Oh, hayan na pala ang mommy mo, Zai!” sigaw ni Seth at napatingin na rin si Zaidyx.
“Momo!” masayang tawag nito at nilapitan ko sila. Agad siyang nagpakuha sa ’kin.
“Hindi ka sumama sa paghatid kay Kuya Khai kanina, Ate Francine.” Umiling ako.
“Sinadya ko,” sabi ko. Zaidyx rested his head on my shoulder. “I heard from Cody na nag-away ang parents mo. What happened, Seth?” I asked him. Nagkibit-balikat siya noong una at huminga nang malalim.
“It’s all about Kuya’s MBA. He doesn’t need to go abroad kung puwede naman daw siya mag-aral dito, iyon ang sabi ni mommy. She’s just concern sa inyo ni Zaidyx. Na maiiwan kayo ni Kuya, tapos parang wala raw plano si Kuya sa inyong mag-ina. Iyon ang ikinagagalit ni mommy. But don’t worry about them. Sa ngayon ay mainit pa ang ulo niya pero magkakabati rin sila ni dad,” mahabang paliwanag niya na ikinatango ko na lamang.
“Ewan ko kung ano rin ang pinag-awayan nina Mommy at Daddy. Narinig din ni Cody na nag-aaway sila,” wika ko naman. Napanguso siya.
“Halos sabay silang umuwi kanina.”
“Thank you sa pagbabantay sa pamangkin mo, Seth. Pupunta kami rito mamaya,” aniko.
“Sige po, Ate.” Pinisil pa niya ang pisngi ni Zaidyx kaya ito napatawa.
Siguro noong una ay medyo sanay pa ako na wala ang presensiya ni Khai. Madalas naman siyang nawawala but in the next day ay nahirapan pa rin ako. Maski si Zaidyx ay hinahanap niya ang dada niya.
Hindi ko na rin naitanong pa sa both parents namin ang naging problema nila kung bakit sila nag-away. Kasi naging maayos naman yata ang lahat.
May babysitter si Zaidyx, kung minsan na busy kaming lahat ay ito mismo ang nag-aalaga sa kaniya. Pero naisama ko na siya minsan sa university. Hindi naman ako nahihiya na malaman ng lahat na anak ko si Zai. Eh, ang ginagawa ng mga classmate ko ay pagpasa-pasahan ang baby at kukurutin sa pisngi.
And Calizar, for the first time ay nakita ko na siya sa school. Kaya lang, nakita kong putok ang gilid ng labi niya.
“Napaano ’yan? Gusto mo bang gamutin ko ’yan?” I asked him sabay turo sa sugat niya.
“Nagamot ko na ’to, ’no. Ayos lang ako,” sagot niya at tinitigan na naman niya ang mukha ko.
Magsasalita pa sana siya nang dumating na si Vira, kasama niya rin si Herodes at hinawakan ang braso ko. Ang mga mata niya ay na kay Calizar.
“Kilala mo ang senior natin? Running for Summa Cum Laude ’yan, beh,” bulong niya. Muntik pa akong mapasinghap. Ang talino naman nito kung ganoon.
“Hmm, hindi ko naman siya friend. Nagkita lang kami roon sa park. Sigurado bang ayos ka lang, Calizar?”
“I’m fine. Don’t worry about me, magseselos niyan ang asawa mo,” sabi niya saka niya kami tinalikuran. Sinundan ko lang nang tingin ang papalayong likuran niya.
“Hoy, Francine. Huwag kang lumapit doon, ah. Ipagpapalit mo na yata si Khai,” singit na saad ni Herodes at napa-pokerface na lamang ako.
“Pakialam ko sa lalaking iyon. Ni hindi nga ’yon tumatawag sa akin! Mabuti pa ang anak niya ay katawagan niya palagi! Eh, ako?!” sigaw ko. Napaatras pa silang dalawa at napatakip din sa bibig niya si Vira.
“Nagseselos ka sa inaanak namin!” natatawang komento ni Vira. I rolled my eyes.
Napatakip pa ako sa bibig ko nang makaamoy ako nang hindi maganda. Binalingan ko ang dalawa. “What’s that smell?” I asked them in confused and they sniffed the air.
“Ewan, ano’ng amoy naman ’yon?” nalilitong tanong ni Vira at lumapit pa ako nang husto sa kanila.
Silang dalawa ang inamoy-amoy ko at nang mapagtanto ko na sila ay mabilis akong lumayo sa kanila.
“You smell so bad! I hate that!” sigaw ko at silang dalawa ang napasinghap sa gulat.
“Grabe ka naman, beh! Hindi ako mabaho! Baka ikaw, Des!” akusasyon niya kay Herodes.
“No way!” hysterical na sigaw nito.
“Tara na nga! Late na tayo sa klase! Ikaw, Herodes! Bumalik ka na sa department niyo.”
Dahil college student na kami ay hindi same ang course namin ni Herodes. Si Vira ay mas pinili rin ang gusto kong kurso. So, until now ay kasa-kasama ko pa rin siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top