CHAPTER 4
Chapter 4: Make up
BAGO pa man maipakita sa ’kin ni Vira ang cosmetics niya nang dumating na agad ang prof namin. Ngumiti lamang kami sa isa’t isa ng best friend ko. Nag-concentrate na lamang kami sa class namin and then na-dismiss din naman agad kami.
Nakaangkla ang kamay ni Vira sa braso ko at pinag-uusapan na namin ang tungkol sa make-up. Excited na akong makita ang mga iyon para makapag-practice sa house namin o magpapaturo ako kay mommy.
“Gusto mo rin ng blush on, Francine?” I nodded.
“Yup!” excited na sagot ko pa.
Naglalakad na kami patungo sa cafeteria kasi lunch time na namin pero bago pa namin marating iyon nang makarinig kami nang hiyawan sa kung saan. Hindi na namin sana iyon papansinin ni Vira pero nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na built ni Kuya Khai.
“Iyong crush mo, oh. Nandito siya,” ani Vira at itinuro niya si Kuya Khai. Nilapitan namin iyon at sa sobrang dami ng estudyante ang nakapalibot ay parang balewala lamang iyon sa kaniya.
Dati rin kasi siyang nag-aaral dito at marami na rin ang nakakilala sa kaniya. Ang sport niya ay swimming at ilang beses na siyang naging champion kasama ang mga uncle niya na best friend niya rin. Kaedad niya rin ang mga ito.
“Kuya! What are you doing here?” I asked him nang malapitan namin siya.
Ngumiti agad siya nang makita ako at sinalubong niya rin kami. Napansin ko ang dala niyang dalawang paperbag. Nag-order yata siya ng food sa labas.
“Hindi ka online sa social media mo? At hindi ka rin nag-r-reply sa text message ko. Nagpa-load na rin ako kasi akala ko ay wala kang load. Hindi lang ako tumawag dahil baka nasa klase ka pa,” he stated at naramdaman ko pa ang pagtingin ni Vira sa akin. May meaning full ang mga ngiti niya.
Kinuha ko naman ang phone ko sa backpack ko and I checked his messages. Napanguso ako dahil naka-received ako ng 27 messages.
“Sorry po, Kuya. Naka-silent mode siya. May klase po kami, eh,” sagot ko at ipinakita iyon sa kaniya. Tumaas ang sulok ng labi niya na nakatitig sa screen nito kaya tiningnan ko naman. Mabilis kong naibalik sa backpack ko kasi picture namin ang nasa wallpaper ko.
“Kumain ka na?” he asked. I shook my head.
“Papunta pa lang po kami sa cafeteria,” sagot ni Vira. Tumango-tango ako.
“Here, kainin ninyo ito ni Alvira.” Sabay na ibinigay niya ang paperbag. Kilala na niya si Vira.
“Ay, thank you po rito, Kuya!” nakangiting sabi ni Vira at siya pa ang kumuha nito.
“You’re welcome. Hinatid ko lang ito at para na rin makausap si Francine,” aniya kay Vira at saka niya ako binalingan. “Patingin ng COR mo, Francine,” sabi pa niya.
Kinuha ko naman iyon at ibinigay sa kaniya. Kinuhanan niya lang ito ng picture. “Nag-abala ka pa, Kuya. But thanks,” sabi ko. Pinisil niya lang ang pisngi ko.
“Sige na, kainin ninyo na ’yan. Aalis na ako, Francine,” paalam niya at napansin ko ang isa pang dala niyang paperbag. Iniisip ko na baka sa kaniya naman ang isang ’yon.
“Sige po,” sabi ko at kumaway sa kaniya. Naglakad na rin siya at nagtaka pa ako kung bakit hindi siya dumiretso sa gate. Ibang daan ang tinatahak niya. Pinilig ko na lamang ang ulo ko.
Nagtungo lang kami ni Vira sa waiting area kung saan naman makikita ang buong campus. Napapalibutan ito ng matataas na building ng junior high school. Nasa kabila rin ang senior high school na may kalayuan iyon sa amin.
Puro maraming vitamins ang food na in-order ni Kuya Khai pero masasarap naman ang mga gulay. Mayroon ding slice ng apple at orange.
“Ang sweet talaga ni Kuya Khai as ever. Kaya hindi ka maka-move on. Bakit ba kasi ganoon siya, Francine? Naka-i-inlove talaga siya. Pati yata ako—” Sinubuan ko na siya ng kanin bago pa man niya matapos ang sasabihin niya.
“Shut up ka na lang, beh,” sabi ko at inikutan ko pa siya ng mga mata. Nag-peace sign lamang siya at nagpatuloy sa pagkain niya.
But I’m still curious kung saan pa patutungo si Kuya Khai. Maybe I will ask him later.
After the break time ay bumalik din kami sa classroom at noong uwian na ay medyo na-late pa nang dating ang sundo ko which is Kuya Khai. But ni-rest assured naman niya ako na parating na rin siya. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pag-i-sketch ko sa tab ko.
I know how to do the arts. Mana pa rin ako sa mommy ko at puwede rin akong maging digital artist. Napangiti na lamang ako nang makita ko na nakuha ko ang face niya. Ang talented ng mga kamay ko, ay.
Nagulat naman ako nang may tumapik sa balikat ko. “K-Kuya. Ginulat mo naman po ako,” aniko.
“Sorry. Kanina pa nga kita tinatawag pero busy ka pala sa pagguhit ng mukha ko,” sabi niya at naitago ko nang wala sa oras ang tab ko.
Dinala niya ang backpack ko at inalalayan akong makatayo. “Bakit natagalan ka?” tanong ko naman.
“May hinatid lang ako. Malapit naman ang bahay nila rito.” Mas lalo akong na-curious.
“Sino po?” Marahan niya lang tinapik ang ulo ko.
“Just let’s go, baby.” I pouted. Tinawag na naman niya akong baby.
***
Kinawayan ko si Kuya Khai pagdating namin sa bahay. “Thanks po ulit, Kuya.” Tumango lamang siya at ipinasok na rin niya ang car niya sa garahe nila.
As usual ay nasa house na namin si mommy. “Mom, I’m home,” I announced it.
Nakaupo sa sofa ang dalawang baby siblings ko. Si Pressy ay kahit kagat-kagat pa niya ang feeding bottle niya ay kumaway-kaway pa siya. Si Cody naman kumakain ng popcorn. Kapag sa ganitong oras ay nanonood siya ng TV at dapat may kasama siya.
Hinalikan ko pareho ang mga pisngi nila bago ako lumapit kay mommy na busy sa laptop niya katitipa sa keyboard ng kung ano-ano.
“Hi, honey.” Mom kissed my cheek. I sat down beside her.
“Busy ka, Mom?” I asked her. Umiling lang siya.
“May tiningnan lang ako na mga emails, Francine. Ang Kuya Khai mo pa rin ba ang kasama mong umuwi?”
“Ay sino pa ho kung hindi siya, Mommy?” balik kong tanong. She chuckled softly at naglalambing na naman si Pressy kaya kinandong ko siya.
“Yeah, yeah at kinikilig na naman ang dalaga ko. Sige na, anak. Umakyat ka na sa room mo para makapagpalit ka na. Mayamaya lang ay uuwi na ang dad mo.”
“Mom, may ibinigay po sa akin si Vira. Make-up po at iilan na mga lipstick.” Mabilis na binitawan ni mommy ang laptop niya at inilapag niya iyon sa center table.
“Good to hear that, honey. Lipgloss lang kasi ang una mong ginamit. Don’t worry, tuturuan kita how to use that,” nakangiting sabi niya.
“Kaya lang po, Mom. Kinuha ni Kuya Khai ang lipgloss ko. Ayaw niya akong gumamit no’n,” nakangusong saad ko na tinawanan na naman niya. “Agree pa po siya kay dad,” I added.
“Para sa kanila ay bata ka pa lamang para gumamit no’n, honey. That’s okay, Francine. Si mommy ang bahala sa ’yo.” I smiled at her.
“Thanks, Mom,” I uttered.
Pagkauwi ni dad ay ikinuwento ni mommy ang tungkol sa pagkakaroon ko ng new make-up. Nagkasagutan pa sila na kesyo ang bata-bata ko pa raw para gumamit ako no’n. But in the end ay nanalo pa rin ang mommy ko.
Nasa loob na ako ng room ko nang may kumatok sa pinto. “Bukas po ’yan,” may kalakasan ang boses na sabi ko. Bumukas naman ito at medyo nagulat pa ako nang si Kuya Khai pala ang kumakatok. “Oh, Kuya.” He stepped towards me but dumiretso lang siya roon sa vanity table ko. “May hinahanap ka po, Kuya?” nagtatakang tanong ko kasi isa-isa niyang tiningnan ang things ko kaya tumayo ako mula sa kama ko at nilapitan ko siya.
Matangkad si Kuya Khai at hanggang dibdib niya lang ako. Kaya minsan ay nahihirapan akong tingnan siya. Kusa naman siyang yumuyuko.
“I heard from your dad that you have a new cosmetics. Where it is, Francine?” he asked. My lips parted in shocked. Pumunta lang ba siya rito para sa make-up ko at ano naman kaya ang balak niya?
“Why po?” I asked him in confused.
“Itatago ko,” he answered. Binuksan niya rin ang drawer ko at wala siyang nahanap doon. Hanggang sa tumingin siya sa study table ko. “O baka nasa backpack mo?” My eyes widened kaya naman inunahan ko siya na makuha ang backpack ko pero dahil nga matangkad siya ay naunahan pa rin niya ako.
“Kuya! Bigay po ’yan sa ’kin ni Vira!” sigaw ko at nakuha na nga niya iyon.
“Tama ang daddy mo, Francine. You’re still young to use this kind of—whatever. Akin na muna ito, baby.” I snorted.
“Hindi mo naman po magagamit ’yan, Kuya. Ano’ng sa ’yo na po?” natatawang tanong ko at nang aabutin ko na ang mga iyon ay itinaas niya lamang. “Kuya naman!”
Napayakap tuloy ako sa kaniya at ang isa niyang braso ay nasa baywang ko na.
“Itatago muna ito ni kuya, Francine. Ibibigay ko ito sa ’yo kung 18 ka na.” Napasimangot ako sa sinabi niya.
“Kuya, expired na po iyan kapag paabutin mo kung 18 na ako. 15 pa lang naman ako ngayon!” hysterical na sigaw ko.
“You don’t need this, Francine. Maganda ka na kahit wala kang make-up. Believe me, mas maganda ang natural at wala kang inilalagay sa mukha mo,” aniya at pinisil ang baba ko. Napatitig pa ako sa guwapo niyang mukha at hindi na namin pareho namalayan ang posisyon namin. Hanggang sa maramdaman ko na lamang ang paghalik niya sa noo ko. “Good night, baby.”
Napatulala na lamang ako sa ginawa niya at hindi ko na hinabol pa ang kinuha niyang make up ko.
Wala na. Hindi lang ang cosmetic ko ang kinuha ni Kuya Khai. Pati na ang puso ko ay dinala na rin niya. Hala.
***
“NAGSUMBONG po kayo sa kaniya na may mga make-up ako, Dad?” hindi makapaniwalang tanong ko sa daddy ko. Nalaman ko kasi na siya ang nagsabi kay Kuya Khai. Nalaman ko rin iyon kay mommy.
Kasalukuyan na kaming kumakain ng breakfast namin nang sabay-sabay na rin.
“Kapag ako ang kukuha ng mga iyon ay pipigilan mo lang ako, Francine. So? Mas okay na si Khai, right babe?”
“Mukha mo, Storm,” pambabara lang ni mommy kay dad. Natawa ang mga kapatid ko dahil na rin sa pag-irap ng mommy namin.
“Kainis ka naman po, Dad. Wala po siyang itinira kahit isa. Kahit nga po ang lipgloss ko ay hindi niya pinalampas,” malungkot na sabi ko. Nagkibit-balikat lamang siya. “Dad.”
“Saka na, honey. Kapag 18 ka na ay si daddy pa ang bibili ng mga iyon para sa ’yo. For now ay focus ka muna sa pag-aaral mo, anak,” he said at tiningnan ko si mommy.
“Don’t worry, hon. Bibilhan kita,” aniya at gumuhit ang ngiti sa labi ko.
“Babe,” sambit ni dad sa endearment nila ni mommy.
“Ate, kuha mo po ako ng pancake,” munting utos sa ’kin ni Pressy. Sila ang katabi kong nakaupo, while dad and mom ay nasa aming harapan.
“Okay po,” sabi ko at kumuha ako ng pancake saka ko inilagay iyon sa plate niya. “Ubusin mo ’yan, Pressy.”
“Yes po, Ate,” sagot niya.
***
HABANG nasa biyahe kami ay napapansin ko ang ngiti sa labi ni Kuya Khai. I’m confused.
“May good news ka po ba, Kuya? Ang happy-happy mo ngayon, ha.” Hindi ko na napigilan pa ang magkomento.
“Yeah. Nakatulog ka ba nang mahimbing kagabi, Francine?” I nodded.
“Hmm, yes po. Why?”
“Doon sa make-up mo, Francine. Nakalimutan kong itago kagabi kaya hindi ko sinasadyang mailagay lang sa kung saan at nabasag iyon.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Really? Paano naman po iyon nabasag o saan mo inilagay?” nalilitong tanong ko naman.
“Sa sahig. Naapakan ko,” sagot niya at pinaglaruan ko lang ang stripe ng backpack ko.
“Paano mo naapakan iyon? Hindi mo nakita?” He nodded. Hindi pa rin nawawala ang pagtataka ko.
“Sorry, baby. Bibilhan na lang kita kapag 18 years old ka na, Francine.”
“Ganyan din po ang sinabi sa akin ni dad. Baka po ay sinadya mo ’yon, Kuya. Titingnan ko pa rin iyon sa kuwarto mo. Mamaya. Ipaalala mo, ha?”
“Nasira na nga iyon, Francine. Promise, ako ang bibili ng bago. If you turn 18 years old,” sabi pa niya.
“Ewan ko po sa inyo ni dad, Kuya,” sabi ko at inirapan ko na lamang siya. Narinig ko pa ang mahinang halakhak niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top