CHAPTER 38

Chapter 38: Fight

I INTENTIONALLY turn off my phone even though hindi ko na expected na tatawagan pa ako ni Khai. Because right now, he is busy with his first love. Months had past already, but the guilt ay nasa dibdib ko pa.

I shook my head at hinagod ng mga daliri ko ang lagpas baywang kong buhok.

I parked my father’s car when I reached the bar. Ito lang din ang alam ko noong first time kong pinuntahan with my friends. Hindi nga lang ako nagtagal dahil sinundo agad ako ni Khai.

Nagsimula na akong maglakad at nilagpasan ang guards sa labas. Well, I’m already 19 years old with my Zaidyx. Hindi naman na ako mukhang bata.

Malamig na air-conditioned ng club at maingay na tugtugan ng DJ ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lamang. Masakit nga sa mata ang ilaw sa dance floor at halos mapuno na naman iyon ng mga customer na nagsasayawan.

Napaigtad naman ako nang may humawak sa baywang ko at mabilis kong iniwasan ang lalaki na halatang lasing na. Napailing ako at nagpatuloy sa paglalakad.

I went straight to the counter and sat down on the highchair. Napanguso ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang iinumin kong wine.

I’ll just wait for Vira. While waiting, the bartender asked me what I want to drink. I chose a juice instead a wine and he chuckled. He looks mabait naman at friendly.

Iyon nga lang ay hindi pa umiinit ang upuan ko ay nakita ko na si Kuya Thyzer. Kasama niya ang mga kaibigan niya at gusto ko man na magtago ay too late na for that.

“Francine? What are you doing here? Dapat nagpapahinga ka na at this moment because I know your tired,” sabi niya at umupo pa sa tabi ko. Nang ilapag ng bartender ang juice ko ay mabilis niyang kinuha iyon. Alam ko kung ano ang ginawa niya. Inamoy pa niya ang laman niyon.

“Juice lang po iyan,” aniko at inagaw ko na rin iyon sa kaniya and sipped my drinks.

“Hmm, si Khai ba ang kasama mo?” Nang hindi ako nagsalita ay nanlaki ang mga niya. “Don’t tell me mag-isa ka lang pumunta rito?” he asked and I nodded.

Kinakalikot niya ang phone niya at napasimangot ako dahil doon. For sure ay ang pamangkin na naman niya ang tatawagan niya at isusumbong na naman niya ako.

“Why? Bawal ba akong magpunta rito nang mag-isa, Kuya?” I asked him. Nagsalubong ang kilay niya. “Last time ay nagsumbong ka sa kaniya na nandito ako and alam kong magsusumbong ka na naman sa kaniya. Let him be, kasama niya ang first love niya.” Napairap pa ako at narinig ko ang marahan niyang paghalakhak.

“His first love? As far as I remember ay ikaw ang first love ng pamangkin ko, Francine,” nakangising sabi niya at nainis lang ako sa pagsisinungaling niya.

“Huwag mo akong bolahin, Kuya Thy,” supladang sambit ko at lumakas lang ang pagtawa niya.

“Thy! Sino ang kasama mo? Ipakilala mo naman ako!” The man approached us at tinapik pa niya ang kaliwang balikat ni Kuya Thyzer. Nagkibit-balikat siya para matanggal ang kamay ng lalaki.

“Back off man, she’s already married,” mariin na saad niya sa lalaki. Naka-pokerface na lamang ako. Mukha na ba akong married woman?

“Wala akong nakikitang wedding ring sa daliri niya, Thy. Hi, Miss—” Naglahad pa siya ng kamay pero tinabig lang iyon ni kuya at hindi pa natapos ang pangungusap siya.

“She’s already engaged with my nephew! Mukha na silang mag-asawa dahil may anak na sila. So, fvck off man!” Napakasinungaling talaga itong si kuya, eh ’no?

Kailan pa ako na-engage sa pamangkin niya? Wala nga kaming label, ah. Tss

“Nag-iimbento ka lang, Thy, ah.” Napakamot pa sa batok niya ang kaibigan niya.

“I am not. Ask her, may anak na ’yan sila. Ngayon ang birthday,” Kuya Thy said at tiningnan pa ako ng lalaki. Sa tingin pa lang niya ay alam kong gusto niya ring malaman kung totoo ba ang sinabi nito sa kaniya.

“Yeah, I have a son. He’s one year old, birthday niya ngayon actually,” I told him and he nodded.

“Happy birthday to your son, then. I’m Alex by the way. I’m just being friendly here, asungot lang talaga itong si Thyzer,” natatawang sabi niya at tipid na ngumiti lamang ako.

“I’m Francine, and thanks,” I uttered my name and gratitude. Hindi naman siya nagpumilit pa nang itaboy na naman siya ng kaibigan niya.

Tumingin pa ako sa mga tao na abala masyado sa kasama nila at si Vira ay mukhang ang tagal pa niyang dumating.

I glanced at Kuya Thyzer when his phone rang. Ipinakita niya sa ’kin kung sino ang tumatawag sa kaniya and I read Khai’s name.

“Yes, Khai?” Dala ang drinks ko ay agad na akong napatayo. “Yes, she’s here.”

Dali-dali akong umalis doon at nang makitang tumayo rin siya ay binilisan ko ang paglalakad ko. Wala talaga akong kawala sa mga Barjo na ito. Palagi na lang epal kung gusto kong mag-unwind sa club house. I hate them so much.

Humalo ako sa mga nagsasayawan and a smirk plastered in my lips dahil nagawa ko siyang iligaw.

Naghanap ako ng vacant table at doon muna ako tumambay. Binuksan ko na ulit ang phone ko at may lumitaw agad na text messages but I ignored that.

I dialed Vira’s number at itinapat ko ang cell phone ko sa tainga ko. “Nasaan ka na, Vira? Bakit ba ang tagal mo, ha?” tanong ko at nasa boses ko na ang iritasyon.

“What the hèll are you doing there, Francine?” Sa halip na boses ni Vira ang maririnig ko sa kabilang linya ay iba ang sumagot. Si Khai na halatang galit. Kahit na kalmado naman siya nang sambitin niya ang mga katagang iyon. “Answer me, Francine,” mariin na dagdag pa niya at umikot ang eyeballs ko.

“Why do you even care, Khai? Mind your own business!” sigaw ko at papatayin ko na sana ang tawag nang magsalita ulit siya.

“Really, baby? As if hindi ako mag-aalala kung umalis ka nang hindi nagpapaalam sa akin?!” sigaw niya pabalik at mariin akong napapikit.

Parang umakyat ang dugo ko sa ulo at nakapang-iinit nga talaga ng dugo.

“Bakit ako magpapaalam sa ’yo? You’re busy with your ex! At hindi na ako bata pa para magpaalam sa iyo!  How dare you!” I shouted at him. Napapatingin na sa side ko ang customers pero inignora ko lamang siya. Nakagagalit naman talaga ang lalaking iyon.

“Seriously?” Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. “Susunduin kita—”

“Shut up! Huwag na huwag kang pupunta rito! Masyado kang pakialamero!” Ilang sandali siyang natahimik. Na inakala kong binabaan na niya ako nang tawag pero nasa other line pa rin siya.

“Are you still mad at me, baby?” Napasabunot ako sa buhok ko dahil bini-baby talk na naman niya ako!

“Go to hèll, Alkhairro!” sigaw ko sa kaniya.

“Before that, you will taste heaven with me.” Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Upon saying those words, he have this husky voice. Dàmn him! “Wait for your punishment, my hot-headed baby mommy.”

“Pervert, stupíd! Diyan ka na!” Padabog akong tumayo at basta ko na lamang inilapag ang drinks ko sa table. Bumalik ako sa counter at naglabas lang ako ng cash.

Sa takot na baka puntahan niya ako ay mas mainam ang umalis na agad ako. Mamaya ko na nga tatawagan si Vira. Na mukhang hindi na rin siya makararating pa! Goodness!

Mabilis na lumabas ako sa bar at magtutungo pa lang sana ako sa kotse ni dad na naka-park lang ay nakita ko roon si Kuya Thy.

Before I could hide ay nakita na niya ako at lumakas lang ang tambol sa dibdib ko nang makita ko ang pamilyar na kotse. Bagong dating ito.

Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at patakbo na akong lumapit sa sasakyan na dala ko. Pagkaupo ko pa lamang ay napaigtad na ako when someone scooped me at nailabas niya agad ako.

Hindi ko na kailangan pang tingnan ang lalaking bumuhat sa ’kin dahil sa amoy pa lamang niya, sa paraan nang paghawak niya sa katawan ko ay alam ko na kung sino. Ang lamig sa labas ay nabawasan sa nararamdaman kong unit ng kaniyang katawan.

“Put me down, Alkhairro!” Nagpumiglas ako at gusto kong makawala mula sa kaniya. But he is strong! Sa gitna ng galit ko ay narinig ko ang nakaiinis na tawa ni kuya. “I hate you, so much Kuya Thy!”

Nang harapin ko si Khai at umiigting ang panga niya. His eyes are cold as ice. Ang muscles sa panga niya ay gumagalaw.

Hinampas ko ang dibdib niya at hindi man lang niya ininda iyon kahit mahigpit na nakakuyom ang kamao ko.

“You can hang out with your husband, Francine.” Pinukulan ko nang masamang tingin si Kuya Thy.

“Excuse me?! Hindi ko siya asawa! Ibaba mo nga ako, Alkhairro! Hindi ako lumpo para buhatin mo ako nang ganito!” Nagawa niyang buksan ang pinto ng kotse niya at ibinaba niya ako roon.

“So, Khai? Alis na ako. Ikaw na ang bahala sa ina ng anak mo,” paalam nito at inirapan ko siya nang sinadya niya akong sulyapan.

Nang ikabit niya ang seatbelt ko ay hindi na nga ako nakawala pa. Sa tangkad niya ay nagawa pa niyang humilig para lang tumitig sa mukha ko. When he caressed my cheek ay malakas na tinabig ko iyon. I glared at him.

“Don’t act like a child, Francine. Hindi ako natutuwa sa ginawa mo,” malamig na sabi niya at pinagapang niya ang daliri niya sa pisngi ko, pababa sa chin ko. Nang iangat niya pataas ang mukha ko ay hindi na ako nakagalaw pa nang siilin niya ako nang mariin na halik.

Sa lambot ng mga labi niya at parang alak lang na nakahihilo ay mabilis na nangatog ang mga binti ko. Ang lakas nang tambol sa dibdib ko. Hangganan ngayon ay wala pa ring pagbabago itong feelings ko at naaapektuhan pa rin ako sa mga halik niya.

Nang pakawalan niya ang mga labi ko ay lumipat sa leeg ko ang halik niya. My lips parted a bit at lumipat na naman iyon sa panga ko. Pinakawalan niya rin naman ako at sa namumungay kong mga mata ay napatitig ako sa mukha niya.

His eyes are fluffy too at napatingin ako sa namumula niyang labi. I snorted at tinulak ko na siya. Hindi nga lang siya umalis at ang isa niyang kamay ay nasa bubong ng kaniyang sasakyan.

“Kung uuwi na tayo ay umuwi na tayo ngayon din!” bulyaw ko at nilingon ko ang car ni dad. “Nasaan na ang kotse ni daddy?” nagtatakang tanong ko. He remained silent and close the door beside me. Pagsakay niya ay inabot niya ang kamay ko. Siyempre hinila ko rin iyon na parang ayokong magpahawak sa kaniya. “Ano ba?!” sigaw ko at sa inis ko ay ibinato ko ang pouch ko sa kaniya.

Tumama iyon sa gilid ng kilay niya, kaya mariin siyang napapikit. His jaw clenched again and his hold with the steering wheel ay mas humigpit lang.
He only wore his white longsleeves na naka-fold ang dulo nito sa siko niya.

“Let’s see what I can do to you, baby,” mahinang sambit niya at nang hindi nga niya nakuha ang gusto niya na hawakan ang kamay ko ay ipinatong na lamang niya iyon sa kaliwang hita ko. Sa ikli ng palda ng dress ko ay ramdam ko ang mainit at magaspang niyang kamay. I was about to remove that when he spoke again. “Aalis ako ng bansa, Francine.”

Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Saan naman siya pupunta? At ano naman ang gagawin niya sa bansang pupuntahan niya?

“Where are you going then?” kunot-noong tanong ko.

“America. I’m taking up my master of degree. Two years lang ako roon, Francine,” paliwanag niya. Ewan ko kung bakit nagdududa ako sa sinagot niya. That I don’t want to believe him.

“What about Zaidyx?” I asked him. Nang marahan niyang hinimas ang hita ko ay sinuntok ko ang likod ng kamay niya. Ngumiwi lang siya at hindi iyon tinanggal.

“Hmm. You can take care of our son. Nandoon sina mommy at dad, and your parents.”

“Wow. Tumatakbo ka ngayon sa responsibilad mo gayong one year old na ang anak mo?! Dàmn you, Alkhairro! Hahanapin ka niya sa akin! O baka excuse mo lang ang pag-aaral mo ulit para iwanan na kaming mag-ina?! Okay! Leave and never comeback! Hindi ka naman namin kailangan pa. As if pipigilan kita?”

“What? Hindi ganoon ’yon! Let me explain okay?” marahan ang boses na tanong niya at matulin na ang pagda-drive niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top