CHAPTER 36
Chapter 36: Zaidyx Franko
NOONG kabuwanan ko na ay nag-leave na muna siya sa work niya at pansamantala na hinawakan na muna iyon ni Mommy Ninang with the help of Daddy Ry.
Gusto rin kasi ni Khai na bantayan ako habang malapit na ang due date ng panganganak ko at sobrang hirap pala niyon.
Maaga pa kaming pumunta sa hospital pero buong araw ay hindi ako mapakali. Masakit ang tummy ko at tila ilang beses na sumisipa ang baby namin. Nakailang beses na rin si Khai sa pagpunas ng pawis ko pero never niya rin naman ako na nakita na parang natatakot o kinakabahan. Pati nga kasi siya ay kabado na rin.
When my water was broke. Siya ang higit na nagulat at namutla pa siya. Kahit nakabantay na rin sa akin ang doktor ko at hinihintay na lang din ang tamang oras ng panganganak ko.
Inaasikaso nila agad ako at hindi rin lumabas si Khai. Sinundan ko lang ang inuutos ng OB-Gyne ko at pinili ko talaga ang maging kalmado.
My doctor was surprised, dahil nailabas ko nang walang kahirap-hirap ang baby ko. Sinusundan ko lang kasi ang boses niya. Nakaramdam naman ako nang kaunting kirot pero masasabi ko na mataas pa rin ang pain tolerance ko. Siguro dahil nasanay na ako sa sakit ng nararamdaman ko.
Ipinagmalaki pa niya ako dahil ako lang daw ang kauna-unahang nakagawa niyon. Na hindi rin daw siya nahirapan na paanakin ako.
Dumausdos ang luha ko sa pisngi nang marinig ko na ang munting tinig ng anak ko. Umiiyak siya at napakasarap pakinggan ito. Tama nga ang sinabi nila na worth it ang sakit, ang siyam na buwan na pagdadalang-tao namin kapag nakalabas na si baby. Na iyong sakit at paghihirap mo ay mapapawi rin.
I looked at Khai, tumutulo rin ang luha niya bago nailipat ang tingin sa akin. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko at pinatakan ako nang magaan na halik sa noo.
“Good job, baby. I’m proud of you.” Nabasag ang boses niya at napasiksik pa siya sa leeg ko. Kahit pawisan na ako ay balewala na iyon sa kaniya.
“Here you go, Daddy. You wanna hold him? It’s a healthy baby boy.” Umiling si Khai at hinaplos ang buhok ko.
“I want his mother to carry him first, doc. Before me,” malumanay na saad niya at nakagat ko na lang ang labi ko.
He wanted me to be the first who carry our baby, that’s it. Dahan-dahan na dinala nito sa dibdib ko ang anak namin at agad kong niyakap ang aming baby.
Nakangiti ako pero sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Lalo na noong makita ko na ang maliit na mukha niya.
“Today November 30, our son was born. Welcome to the world, our Zaidyx Franco L. Barjo. I love you,” I uttered at hinalikan ko ang noo niya. I love his smells, kahit nababalot pa siya ng dugo.
He’s so soft, so hot and so tiny. “Zaidyx, have you recognize my voice? I’m your daddy. I love you, son, and thank you dahil hindi mo masyadong pinahirapan ang mommy mo,” malambing na sabi naman ni Khai. Ang munting kamay nito ang una niyang hinalikan bago sa noo.
***
A year later
“Beh, Francine! Labas ka na riyan! Umiiyak na si baby Zaidyx! Ayaw magpakuha ng bubwit!” I chuckled when I heard my best friend voice outside our room.
Ngayon ay first birthday na ni Zaidyx. Until now ay nasa bahay pa rin kami ng grandparents niya at minsan naman ay doon kina mommy at daddy kami natutulog. Pero kaming dalawa lang naman ang pumupunta roon kasi late na rin kung umuuwi si Khai.
Tapos madalas ay nasa business meeting siya at pumupunta pa siya sa ibang bansa. Nagtatagal siya roon ng one week. Ngayon nga rin ay kahit alam niyang malapit na ang birthday nito ay wala pa siya rito sa bahay.
“Lalabas na ako, Ninang Vira! Mauna ka na po!” sigaw ko at tinawagan ko na muna si Khai.
“Okay! Bilisan mo riyan, baby mommy!” sigaw pa niya.
Nagtungo lang ako sa room namin dahil kinuha ko ang cell phone ko. Tatanungin ko lang kasi siya kung nasaan na ba siya.
Cannot be reach ang phone niya. Kahapon ko pa siya sinusubukan na tawagan pero ganito palagi. Naiinis na ako kung minsan. Tsk.
Lumabas na lamang ako na may sama ng loob sa lalaking iyon. Kapag hindi siya nakauwi ngayong birthday ni Zaidyx ay hindi na kami bati. Iuuwi ko sa bahay namin ang anak niya. Makikita talaga niya.
Nasa labas mismo ang handaan dahil nag-effort din ang both parents namin para lang mairaos ang birthday ng apo nila.
Royal blue and white ang theme nito. Ang daming balloons sa maliit na stage na ginawa namin. Tatlo ang naglalakihang tent na punong-puno ng table. Family and friends lang ang invited but it seems pati ang partnership nila sa negosyo ay nandito rin.
Akala ko ay umiiyak si Zaidyx. Pero ang hagikhik lang nito ang siyang narinig ko at buhat-buhat siya ng Tito Seth niya. Itong si Seth ay parang ang kuya niya lang.
Magkamukha kasi sila, tapos pareho ang built ng katawan nila. 14 years old pa siya, eh ang tangkad-tangkad na ng isang ito.
Nandito rin ang mga kaibigan kong si Jezrill at Herodes, kasama naman ng isang ito ang girlfriend niya. Akala ko dati ay sila ni Vira. Pero hindi, kasi iba rin ang nanliligaw sa kaniya.
Si Jezrill naman, nag-let go siya noon sa feelings niya para sa akin but now he’s happy. Kasi dumating din ang babaeng para sa kaniya.
I approached my parents and kissed their cheeks. “Nasaan na raw si Khai, hija?” Daddy Ry asked me.
“Hindi ko po ma-contact si Khai, Daddy Ry,” sagot ko at napakunot-noo siya. “Kagabi ko pa po siya tinatawagan.”
Nagkatinginan pa sila ni Mommy Ninang hanggang sa nagtipa ng kung ano sa phone niya at itinapat iyon sa kaniyang tainga. He tried to call his son too.
Nginitian ko naman si Mommy nang mapatingin siya sa gawi ko at umupo ako sa tabi ni daddy. May mga kasama silang kaibigan nila, na sa face lang nila ako pamilyar at hindi sa pangalan.
Ang mga kapatid ko ay hayon, mas inuna nilang i-entertain ang friends nila na invited din.
“Look at yourself, hon. Bumalik din sa dati ang katawan mo, and naalala ko noong naging model ka ulit at the age of 18. Tapos buntis ka pa noon kay Zaidyx. Sold out pa nga. Imagine? Pinagbawalan ka noon ng daddy mo. Kasi ayaw niya sa showbiz. Alam mo na sakit ng ulo ako noon sa dad mo,” pagkuwento ng aking ina at sinabayan pa niya nang pagtawa.
Humilig pa siya sa balikat ni daddy, na umiinom naman ito ng champagne. Napangiti ako. Isa sa mga love story ng parents ko ang gustong-gusto kong marinig. Hindi kasi ako nagsasawang pakinggan iyon, eh.
“At ano naman ang plano mo ngayon, babe?” my father asked her. Napahalukipkip naman siya at ako ay nakangiti lang silang pinagmamasdan.
“Gusto kong maging model ulit ang anak natin, babe. This time, wedding gown naman. Para naman maisip ni Khai na pakasalan na niya ang prinsesa natin. Right, J?” untag na tanong naman ni mom kay Mommy Ninang na nakikipagkuwentuhan siya sa magandang ginang na nasa harapan nila.
“What is it, Z?” she asked.
“Hinihintay ko kung kailan ikakasal ang mga anak natin,” sagot ni mommy.
“Yeah. Ako rin ay excited na,” nakangiting sambit ni Mommy Ninang dahilan na nag-init ang pisngi ko.
“We have a lot of time for that, baby. Hayaan na muna natin ang mga bata,” pagsingit ni Daddy Ry.
“Right, and besides nag-aaral pa lang si Francine. They can get married kung tapos na sa pag-aaral ang anak namin,” pagsegunda naman ni daddy at nagkatinginan pa sila ni Daddy Ry.
By that ay nakaramdam ako ng something between them. It looks like may plano sila, ngunit hindi pa ito ang nakatakdang oras upang malaman namin iyon, and I’m curious kung ano iyon.
“But our son, Ry. Hindi na siya bumabata pa. May anak na sila. Dapat ngayon ay kasal na sila,” mariin na saad ni Mommy Ninang.
“Hindi naman sila nagmamadali. Puwede pa nilang i-enjoy ang isa’t isa. Bata pa sila,” sabi pa ni Daddy Ry at napakunot-noo na lamang ang wife niya.
“Tama naman po sila, Mommy Ninang. Mapag-uusapan naman po namin iyan mi Khai,” pagsingit ko at tumawa pa ako nang mahina. Para hindi sila magkasagutan. Mukhang seryoso silang apat, eh.
“Okay. Pag-usapan ninyo iyan, hija.” I nodded.
And to be honest, we never talk about the marriage. Ni minsan ay hindi binuksan ni Khai ang topic na iyon. Ayos naman ang relasyon namin. But hindi na katulad nang dati na mayroon siyang pa-extra care sa akin.
Just maybe buntis pa ako noon, kaya ganoon din siya kung mag-alala sa akin.
Muli akong napatingin sa side nina Seth at Zaidyx. Napataas pa ang kilay ko nang nasa table na sila ng mga kaibigan ko at sa tabi pa ni Vira umupo si Seth.
“Moms, Dads. Doon lang po ako sa table ng friends ko,” paalam ko sa kanilang apat. Yumuko rin ako bilang paggalang sa mga kasamahan nila.
I went to their table at nahagip agad ako nang tingin ni Zaidyx. “Momo!” tawag nito sa akin at natawa si Seth.
“Momo” naman talaga ang tawag ng baby na iyan sa ’kin. “Dada” naman sa daddy niya.
“Ang ganda-ganda ng mommy mo ay tatawagin mo lang siyang momo, ha? Where is your manners, Zaidyx?” sa maliit na boses na tanong ni Seth. Tinitigan siya nito sa mga mata niya at hindi sumagot.
Well, hindi pa naman kasi nakapagsasalita nang tuwid ang Zaidyx namin. Iilan pa lang ang alam niyang words.
“Magandang momo raw,” pagsingit ni Jezrill at nginitian pa niya ako.
“Thank you for coming, Jezrill,” I told him.
“Nah, wala iyon. Isa pa invited ako, eh. Isa rin ako sa mga ninong ni Zaidyx,” sabi niya.
Nang umupo ako sa tabi ni Seth ay pilit naman akong inaabot ng anak ko. Inilipat na rin siya sa lap ko ng Tito Seth niya.
“Happy birthday, my boy. Mommy loves you so much,” malambing na sabi ko sa kaniya at hinalikan ko ang noo niya. He giggled and rested his cheek on my chest. I caressed his back.
“By the way, Francine. Where is Kuya Khai?” Vira asked me. I shrugged my shoulders.
“I don’t know,” sagot ko at napatingin sa akin si Seth.
“Darating iyon. Nakapag-usap kami kahapon, Ate,” aniya at bumaba ang tingin niya sa pamangkin niya. “Suntukin ko ang dada mo kapag hindi siya dumating ngayon, Zaidyx.”
“No, Seth!” sigaw nito at natawa kami.
“Aba! Isumbong kita sa Lola Mommy mo. Tinatawag mo akong Seth, ah. Mommy, si Zaidyx oh! Nawawala na naman po ang manners niya!” At talagang nagsumbong siya. Kaya hindi lang kami ang natawa. Pati na ang mga bisita namin.
“Zaidyx!” pasigaw na sambit ni Mommy Ninang sa apo niya at napanguso na si Zaidyx nang marinig niya ang boses nito. Pero narinig naman niya ang malakas na pagtawa nito.
“It’s Tito Seth, anak. Tito Seth,” pagturo ko sa aking anak. Kahit isang taon pa lang siya ay alam ko naman na nakaiintindi siya.
“Oh! Toto Seth?” inosenteng sambit niya at lumitaw pa ang magkabilang dimple niya.
“Tito! Kaya mong sambitin ang pangalan ko pero hindi ang tito? Wala kang gift, Zaidyx.”
“Why are you fighting with my son, Seth?” Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Khai.
“Oh, nandiyan na ang dada mo!” sigaw pa ni Seth.
“Dada!” tuwang-tuwang sambit ni Zaidyx.
“Dada!” panggagaya ni Seth. Mariin na hinagod ng kuya niya ang balikat niya at saka niya kinuha ang anak namin.
Ngingiti pa lamang ako nang may lumitaw sa likuran niya. “Happy birthday, Zaidyx!” bati nito kaya nagulat ang bata.
Bumaling doon sa babae si Khai at Hinayaan niya itong halikan sa pisngi si Zaidyx.
“It’s your Tita Calystharia, son,” pakilala ni Khai rito at hinanap naman ng mga mata ko si Sage. Pero hindi ko ito nakita.
“I have a gift for you, kiddo,” she said sweetly.
Isa lang ang ibig sabihin niyon. Magkasama silang dalawa at himala na wala nga si Sage. Nagawang kunin ni Calystharia ang anak ko at ang akala ko ay hindi na ako papansinin pa ni Khai.
Dumapo ang kaliwang kamay niya sa headrest ng upuan ko at humilig, and kissed my temple.
“Enjoy the party, guys,” sabi niya sa mga kasama ko at hinawakan niya ang kamay ko. Itinayo niya ako at nang makita ang gulat sa mukha ko ay napangisi siya. “Akala mo ay hindi ako darating, ’no Francine?” he asked. May gana pa talaga siyang magtanong.
“Kagabi pa kita sinubukang tawagan,” mariin na saad ko at mabilis na hinalikan niya lang ako sa pisngi. Naglalambing na niyakap pa niya ako. “I’m sorry, baby. I just want to surpresa you.”
“Bakit magkasama kayo ni Calystharia?” Hindi ko napigilan ang magtanong.
“Hmm, sinundo ko lang siya para isabay na sa pagpunta rito,” sagot niya.
“Where is Sage? Bakit ikaw pa ang nagsabay sa kaniya?” sunod-sunod kong tanong.
“Wala rito si Sage. Come on, kantahan na natin ng happy birthday si Zaidyx. I want to rest, kadarating ko lang kasi,” sabi niya.
“Malamang kadarating mo lang,” aniko at napangisi na naman siya. I rolled my eyes.
He just kissed my cheek. “You are very beautiful, my baby mommy.” Napairap ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top