CHAPTER 31

Chapter 31: His agony & Assurance

A FEW weeks later I noticed that Khai is so tame and he’s sad. Ayos naman kami noong una at hindi ko siya naaabutan na parang nakatulala lang. He takes care of me and our baby at ibinibigay naman niya ang mga gusto ko.

I forgot our real situation. I know Khai is struggling and hurting. He still loves his ex-girlfriend and even if we have a baby, he can’t be able to be really happy. Napilitan lang siya na panagutan ako kasi may baby kami.

Ayokong maging selfish at hindi rin inaalala ang kapakanan ni Khai. Mahal ko siya at hindi ko rin siya kayang makita na nasasaktan nang ganito.

“Khai? Are you alright?” I asked him at mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya.

“I’m fine, Francine,” malalim ang boses na sagot niya at huminga pa siya nang malalim.

“Nahihirapan ka na ba, Khai?” I asked him. He remained silent kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “G-Gusto mo bang doon na muna kami sa house ng parents ko? Okay lang naman sa akin if mag-stay ako roon. Maiintindihan naman kita, Khai,” sabi ko sa kaniya at nag-angat siya agad nang tingin sa akin.

“I-Iiwan ninyo ako rito?” tanong niya at pumiyok pa ang kaniyang boses. Takot din siya maiwanan pero sana aware siya na nahihirapan din ako kapag makikita ko siya nang ganito. Ayos pa naman kami noong una.

“A-Ayoko lang naman na nakikita kitang nahihirapan nang ganito. Ayokong makita ka na nasasaktan. Alam ko ang bigat na dinadala mo sa iyong dibdib. Kung mananatili pa kami rito ay magiging pabigat lamang kami sa ’yo,” mahinang saad ko na sapat na upang marinig niya iyon.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kama at humakbang palapit sa ’kin. Agad niya akong hinapit sa aking baywang at mahigpit na niyakap.

“I’m sorry, baby. . .” he whispered. Mabilis din na nag-init ang sulok ng mga mata ko at matinding kirot ang naramdaman ko sa puso ko, sa tuwing binibigkas niya ang salitang sorry.

“Naiintindihan kita, Khai. Sorry din kung masyado na akong naging pabigat sa iyo,” sabi ko. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang alagaan ako.

“N-No. . . H-Hindi ka pabigat sa akin. M-Magulo lang ang isip ko, baby,” he said. Paano ba? Paanong naging magulo ’yon? Gusto ko sanang malaman.

“Nasa kabilang house lang naman iyong amin. P-Puwede kang pumunta roon. Ako na ang bahala kay Daddy na magpaliwanag,” aniko at narinig ko lang ang pagsinghot niya saka niya ako hinalikan sa sentido ko.

Hindi naman niya ako pinigilan pa noong pumunta na ako sa house namin. Kaya ang nangyari ay umiyak pa rin ako sa loob ng room ko. Masakit lang talaga dahil parang hindi pa rin ako sapat para sa kanya.

“Honey?” Pumasok sa loob ang Mommy ko at pinunasan ko ang mga luha ko sa aking pisngi. Umupo rin ako at niyakap ko ang unan ko.

“Hi, Mom. D-Dito na muna po kami, ah?” My Mom approached me at ikinulong niya ako agad sa mga bisig niya.

“My baby. . . Bakit umiiyak ang panganay namin?” malambing na tanong niya sa akin. “Ngayon lang uli kita nakita na umiiyak, Francine.”

“Ganito po pala talaga ang buntis, ’no Mommy? Emotional,” sabi ko na sinabayan pa nang mahinang tawa. Kahit wala naman talagang nakatatawa roon.

“Francine. May LQ na naman ba kayo ng boyfriend mo?” tanong niya at natawa ako.

“Boyfriend? H-Hindi naman po kami, Mommy,” sabi ko at hinagod niya ang likuran ko. That’s the truth. Wala kaming label ni Khai. Kasi wala siyang assurance. Ang sabi niya lang ay may plano siya pero ayaw pa niyang sabihin sa ngayon.

“Cheer up, honey. You can do this.”

“H-Hindi ko po alam kung kailan ko. Kung kailan ko makakayanan ang lahat ng sakit na ito. Mommy. N-Nahihirapan na po ako but for my baby. P-Pipilitin ko po ang maging okay.”

“Good job, honey. Mommy is so proud of you,” she said at mahigpit niya akong niyakap.

Hindi agad umalis ang mommy ko kasi gusto niya na makatulog muna ako. Naalimpungatan lamang ako nang may humaplos sa pisngi ko.

“Wake up, sleepyhead,” narinig kong sabi nito.

“Hmm.” May mahinang pumisil din sa pisngi ko at magaan na halik ang dumampi sa ilong ko. Inaantok pa talaga ako at ayokong bumangon.

“Wake up, baby.” Kahit nakapikit pa ako ay sinubukan pa rin nito na paupuin ako.

He caressed my cheek, hinagkan ang mga mata ko at noo. Doon na ako tuluyang nagising.

“Hmm, Khai?” sambit ko sa pangalan niya dahil si Khai nga ang gumising sa ’kin.

“Umuwi na tayo,” sabi niya dahilan na kumunot ang noo ko.

“I’m hungry,” I said at mas lumapad ang ngiti niya. Ramdam ko kasi ang pagkalam ng tiyan ko.

“I know, I know.”

“But tinatamad na akong bumangon, Khai,” sabi ko at hinila ko pa ang kumot ko. Humiga ulit ako at naramdaman ko ang paglayo niya. Bumalik din siya at may isinuot sa akin saka niya ako pinangko.

“Mommy Ninang, aalis na po kami,” narinig kong paalam niya sa mommy ko.

“Umiiyak siya kanina, Khai... Magsabi ka lang kung nahihirapan ka nang alagaan ang anak ko, ah?”

“Mommy Ninang, hindi po ako mapapagod sa kaniya. Responsibilidad ko po silang alagaan.”

“Khai, kahit ganyan ang anak namin ay mahal na mahal namin iyan.” May kung ano naman ang humahaplos sa dibdib ko dahil sa aking narinig.

“I promise you po, Mommy Ninang. Hindi ko po sila pababayaan,” seryosong sabi ni Khai. Nasa boses pa rin naman niya ang paggalang.

Napansin ko na hindi rin ako kayang tiisin ni Khai at sinusundo pa niya ako sa house namin. He never let me na manatili roon nang mag-isa. Sumusunod pa rin siya.

***

Weekend ngayon kaya nasa bahay lang kami at kasama ko rin ang baby siblings ko. Iyong parents lang namin ang wala rito. Ang ingay ng dalawang batang babae and Cody as usual ay nakadikit kay Seth dahil sa online games nito.

Ako naman ay pa-scroll-scroll lang sa Facebook ko. Nang dumating si Khai ay may kasama siyang servant nila na nagdala rin ng tray. May hinanda agad siya na snack.

“Thanks, Manang. Come here, guys. Meryenda muna kayo,” sabi niya at nagsilapitan naman ang mga ito sa kaniya. Si Seth lang ang hindi nagpatinag kaya kinuha ng kuya niya ang phone niya at inilagay iyon sa table. “Kain ka muna, Seth.”

Khai approached me. May dala na siyang plate na naglalaman ng pizza and fries. He sat down beside me at agad kong kinuha iyon. Nag-indian sit pa ako at ibinigay ko sa kaniya ang phone ko. Ilalapag na sana niya iyon sa center table nang pinigilan ko siya.

“Hawakan mo lang dahil may tinitingnan ako,” sabi ko at nag-scroll pa ako. Sa phone ko lang at pagkain nakatutok ang atensyon ko.

“Paano naman ako kakain, Francine?” he asked. Ang kaliwang braso niya ay nasa balikat ko na. Kinagatan ko muna ang pizza bago ko inilapit iyon sa bibig niya. Tumaas pa ang sulok ng mga labi niya bago niya kinagatan iyon. “Francine, sasama ka ba sa akin sa Cebu?” biglang tanong niya at inaaya niya nga ako.

“Ha? Ano naman ang gagawin mo roon sa Cebu?” nalilitong tanong ko sa kaniya. Hinawi niya ang buhok ko na bahagyang nakatabon sa mukha ko.

“May business meeting kami roon. Two weeks akong mawawala,” sabi niya at napanguso ako.

“Eh, bakit mo naman ako isasama?” my question.

“Baka gusto mo lang naman,” he answered. Napailing ako.

“Ang clingy mo, Khai. Business Management meeting mo ’yon,” wika ko.

“Maiiwan kasi kita rito, eh.”

“It’s okay. Dito na lang ako at hihintayin na lamang kita,” I told him.

“Are you sure?” I nodded.

“Hindi naman ako puwedeng um-absent. You know na top student ako,” aniko at matamis niya akong nginitian.

“I’m proud of you, baby.” Hinawakan niya ang chin ko at siniil pa niya nang mariin na halik ang mga labi ko. Mabilis akong gumanti pero nakarinig lang kami nang pagsinghap at matinis na tili.

Natatawa sina Seth at Cody. “God, Kuya! Get a room!” sigaw ni Seth at nahihiyang tumingin ako sa mga kapatid namin. Nakatakpan ang mga mata nina Jessey at Pressy.

Kumain na lang ako kahit ang init-init ng pisngi ko. Si Khai ay naririnig ko lang ang mahina niyang pagtawa.

Dahil sa hormones ko ay may ginagawa pa rin kami ni Khai but we never do that thing. Only his finger. Ewan ko kung bakit parang nahihiya rin siya but sometimes gusto ko iyong—uhm. Pinilig ko na lamang ang ulo ko. Nevermind na lang.

***

Kasalukuyan na kaming kumakain ng dinner namin at ang baby daddy ko nga ang nagluto. Spoiled na spoiled niya ako at kahit busy siya sa work niya ay nagagawa pa rin niya akong asikasuhin. Hindi ko na nga lang siya pinapapunta pa sa school.

Ayos na iyong pinaghahanda niya lang ako ng baon for my lunch. Ayokong mapagod siya sa kabibiyahe niya. Sumusundo pa rin niya kasi ako.

Tinulungan ko lang siya kanina na maghain ng pagkain namin para naman may ambag ako sa kaniya.

“Matagal ang two weeks, son. Hindi ba kaya ng one week lang?” tanong ni Daddy Ry sa anak niya.

Katabi ko si Khai as usual at pinapagitnaan namin siya ni Seth. Nasa tapat naman namin ang parents niya at si Jessey na nasa gitna ng mommy at daddy nito.

“It’s okay, hon. We can take care of Francine,” Mommy Ninang uttered at ngumiti pa sa akin. “Sa ’yo, hija? Okay lang ba?” Tumango naman ako.

“Mabilis lang po ang two weeks, Mommy Ninang. So, ayos lang po. Huwag niya lang po ako mami-miss,” biro ko na ikinatawa nila.

Hinaplos ni Khai ang baywang ko. “I wished for that, baby. Pero baka ikaw ay mami-miss mo ako.” Umiling ako.

“Hindi, ah. Sanay ako na hindi ka makita,” giit ko at inirapan ko pa siya. Pinisil niya lang ang cheek ko.

***

After the dinner ay nauna na kaming pumasok sa room niya. May mga servant na sila ang maghuhugas ng pinagkainan namin.

Napaisip din kasi ako na two weeks siya mawawala. I’m gonna miss him for sure. Lalo na noong nag-iimpake na siya ng things niya.

“Ingat ka roon, Khai ha?” He nodded.

“Of course. May uuwian pa ako, eh,” aniya at iniwan na niya ang traveling bag na dadalhin niya saka niya ako nilapitan. Yumakap agad ako sa kaniya. Ilang beses niyang hinalikan ang ibabaw ng ulo ko. “Hmm, hindi mo raw ako mami-miss pero taliwas naman sa mga ikinikilos mo, Francine.”

“Yeah,” sabi ko at napatingin sa painting na pinalunan ko dati. Iningatan pala niya iyon.

Hindi lang ako sure kung nasaan na rin ang portrait ko na ginawa ko para sa kaniya, iyong birthday gift ko rin sana. Siguro ay tinapunan na rin niya kasi nabasag ang frame nito.

“Palagi akong tatawag sa ’yo to check you up, okay?”

“Okay po,” sagot ko na ikinangiti naman niya.

“Huwag mo akong mami-miss.”

“Siyempre hindi ’no! Asa ka stupíd!” sigaw ko at napahalakhak siya.

“Hindi ako stupíd, Francine.” Pinaghahalikan niya ang knuckles ko at napahagikhik ako dahil doon.

“Huwag ka na sanang umiyak pa nang ganoon, ha? Nasasaktan ako, Khai,” pag-amin ko at nanigas ang katawan niya. “Just tell me kung nahihirapan ka na, ha? Madali naman akong kausap, Khai.”

Marahan siyang umiling at ikinulong ang pisngi ko. “Huwag mo akong intindihin, Francine. Don’t stop your feelings, okay? Ayokong lumayo ulit ang loob mo sa akin.” My lips parted.

“Ulit?” gulat na tanong ko.

“These past few years ay ramdam ko na lumalayo ang loob mo. I can’t reach you. But now, dala-dala mo ang magiging anak ko ay masaya naman ako, Francine. Sobrang saya ko. Huwag mo lang akong sukuan, ha? Dito ka lang.” Isa na ba itong assurance? Sinasabi na ba niya na may feelings na rin siya towards me?
Kinabig niya ako para yakapin niya ako. “I won’t hurt you.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top