CHAPTER 28
Chapter 28: Her check-up
“MOMMY ka na pero mukha ka pa ring baby na may baon na milk sa tumbler niya,” nakangiting sabi ni Vira. I don’t know kung binibiro niya lang ba ako or what pero hindi ko iyon nagustuhan.
Nilingon ko ang kasama namin na tahimik lang kaming pinapanood. “Des, tingnan mo si Vira. Nambu-bully na siya,” sumbong ko kay Herodes na piniling tumambay muna sa classroom namin. Since wala pang teacher kasi maaga pa nga. Mamaya na raw siya aalis kapag malapit na ang class namin.
“Hayaan mo siya. Inggit lang iyan dahil wala siyang baon na gatas,” sabi ni Herodes at napangisi ako. Si Vira naman ay napailing-iling lang.
“I read some articles about pregnancy, Francine. Na may moodswings, emotional, antukin, maselan sa amoy at sa pagkain ang mga preggy. Ang mas mahirap doon ay ang morning sickness niyo. Naduduwal na kung minsan ay wala namang lumalabas at kung ano-ano pang weird stuff. So, ikaw? Ano ang pinaglilihian mo?” tanong ni Vira. Ang mas nakaagaw sa akin ng pansin ay pagbabasa niya ng article. Bakit naman kaya siya mag-aabalang magbasa no’n?
“May balak ka rin bang magpabuntis, Vira? Bakit ka nagbabasa ng article tungkol sa pregnancy?” I asked her in confused.
“Excuse me! Matagal pa iyon, ha! Nag-research lang ako sa Google para aware kami ni Herodes sa pregnancy mo, beh. Mahirap na kasi, baka kasi magkamali kami. We need to take care of you habang nandito tayo sa school. Kami lang ang puwedeng tumingin-tingin sa ’yo,” pabulong na wika na naman niya.
“Thank you, ah? Kahit na hindi ako masuwerte sa love life ko ay sa inyo naman ako super lucky and sa parents ko na super supportive din,” naluluhang sambit ko. Nang makita na nagkaganoon agad ako ay niyakap ako ni Vira. She even caressed my hair.
“I understand, Francine. Isa ako sa naging witness sa heartbreak mo kay Kuya Khai noon but look at you now. You’re pregnant with his child at sa tingin ko naman ay bibigyan ka na niya ng chance na mahalin ka rin unconditionally. Na hihigitan pa niya ang pagmamahal na ibinigay mo sa kaniya. Make him fall for you over and over and over. Tapos make him suffer din sa pregnancy mo,” sabi pa niya at katulad din siya ng mga tito ni Khai.
Gusto rin nila ito pahirapan. I smiled because of that. Concern lang din sila.
“Oo na,” nakangusong sabi ko at muli akong sumimsim ng gatas sa tumbler ko.
“But curious ako, Francine. Paano nga ba kayo nakabuo?” curious na tanong pa niya.
“Malamang nag-sèx kami ni Khai,” blunt na sagot ko at bigla siyang napahawak sa dibdib niya. Tapos nasamid na yata siya ng sarili niyang laway.
Natatawang hinagod ni Herodes ang likuran niya. “Seriously, Alvira? Kailangan pa ba talagang itanong iyan?” tanong nito at natatawa rin ito.
“Hindi naman ganoon ang tanong ko talaga. What I mean is paano nga ba sila napunta sa situation na iyon at hayon na nga. Ginusto niyo ba iyon, Francine?” Tumango ako.
“Nangyari na, eh,” kibit-balikat na sagot ko pa. She just nodded at hindi na siya nagsalita pa. Pulang-pula ang magkabilang pisngi niya kaya mariin na pinisil iyon ni Herodes. Hinampas niya ito.
“Confuse lang ako, eh! Kapatid ang turing sa kaniya ni Kuya Khai kaya bakit nga umabot sila sa puntong nag-sèx sila?” namimilog pang tanong niya at tinakpan nito ang bibig niya.
“Hayon nga, pareho nilang ginusto! Ikaw talaga, eh. Ang bunganga mo,” sita ni Herodes at nakita ko pa ang pagpitik niya sa labi ni Vira.
Natatawa na lang ako sa best friend ko. Mayamaya pa ay nagpaalam na si Herodes kasi malapit nang magsimula ang klase namin at siya ay nasa second floor pa ng building namin. Mahaba naman ang legs niya, keri na niyang makarating nang mabilis sa classroom nila. Bago pa siya maunahan ng teacher nila.
Puro hikab lang ang ginagawa ko at kahit nakita naman ako ng mga teacher namin ay naiiling na lamang sila. I just smiled at them naman kasi. Kahit noong long quiz na namin ay akala ko makatutulog na ako. It’s good na napipigilan ko pa.
“Saan tayo kakain? May baon ka ba riyan, baby mommy?” I pouted. Hayan na naman siya.
“Binubully mo na naman ako, Vira, ah,” aniko at umiling lang siya saka siya yumakap sa braso ko.
“Hindi kita binu-bully, ha. Love na love kita at excited lang akong maging ninang,” aniya. Sa paglalakad-lakad naman ay nakita ko na si Khai na naglalakad na rin patungo sa direksyon namin. “Oh, hayan na pala ang baby daddy mo.”
“Tigilan mo nga ako, Vira. Huwag mo rin kaming tawagin na ganyan,” nakangusong sabi ko na tinawanan niya lamang.
“Hi,” he greeted us. Kumaway pa siya kay Vira.
“Hayan na rin si Herodes. Oh siya, kayo na lang ang mag-date riyan! Let’s go, Herodes. Tayong dalawa ang madi-date. Ilibre mo ako ng lunch. Bye, Francine. See you later,” paalam ni Vira at inakay na niya si Herodes palayo. Tumango lang ito at nagpaubaya na lamang siya kay Vira.
“Tara. Nagluto ako.” Nagulat naman ako sa narinig kaya hinarap ko siya.
“Umuwi ka pa sa bahay niyo?” nagtatakang tanong ko.
“Sa bahay natin. Oo, naisip ko lang na ipagluto ka na lang. Umaasa ako na hindi mo iyon isusuka lahat. Ganoon daw noon si Mommy Ninang, noong pinagbubuntis ka pa raw niya. Ang luto lang ng daddy mo ang kinakain niya talaga. Tapos nagdala na rin ako ng damit mo. Doon ka na sa kotse magbibihis. Hassle lang kapag umuwi pa tayo. Mapapagod ka lang.”
Noon pa man ay naramdaman ko na talaga ang pag-aalaga niya at kung paano niya rin ako i-pamper. But at that time rin naman ay kapatid lang ang turing niya pero sinabi na nga raw niya hindi na ganoon ang tingin niya.
Isa na akong ina ng magiging anak niya but hindi ko pa rin magawang maging masaya. Dahil lang sa nakuha ko na ang buong atensyon niya. Alam ko naman kasi kung bakit kami napunta sa sitwasyon na ito.
Nabuntis niya ako, hindi niya tinakbuhan ang responsibilidad niya kasi alam niya rin na ang parents niya ang makalalaban niya. Mahal niya si Calystharia but because of me ay nasira ang relationship nila.
Sabay na nga kaming kumain ni Khai at hindi siya agad umalis kasi nga naka-excuse na ako. May appointment kami sa Oby-gyne ko.
“Lumabas ka muna,” sabi ko pagkabigay niya lang ng damit ko na dala niya. Yellow strap dress ito at nagdala rin siya ng puting cardigan.
“Why? Dito na lang ako. May sando ka naman sa uniform mo, ’di ba?” I frowned at hinayaan ko na lang siya. Hinubad ko na ang blouse ko at sunod ay ang puting sando ko.
Pinagtaasan ko pa siya ng kilay nang mapatitig siya sa bandang dibdib ko. “I need to remove this dahil mainit,” sabi ko lang.
“Let me help then,” he said. Isinuot niya nga sa ’kin ang dress ko. Thin lang ang fabric nito at komportable siya. Tuluyan ko na ring nahubad ang skirt ko. “Wear this, Francine.”
“Mamaya na. Mainit pa,” sagot ko.
“Malamig doon sa clinic ni doc. Isuot mo na ito,” pamimilit niya na ikinabuntong-hininga ko. Mapilit siya, eh.
Inaayos ko na rin ang buhok ko nang maramdaman ko na pinupunusan niya ako sa leeg at pataas iyon sa noo ko. Pinagpapawisan na kasi ako, mainit din naman kasi.
“Sabi ko sa ’yo mainit,” komento ko at hindi naman siya sumagot pa.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na kami sa clinic ng OBY-Gyne ko. Since kilala nga siya ng parents ni Khai ay maayos ang pakikitungo niya sa amin. May edad na rin naman siya.
Wala raw siyang ibang patient kundi ako lang. Si Mommy Ninang kasi ang nagpa-set ng appointment kay Dra. Dacera. Pinahiga niya agad ako sa hospital bed at hinila ko pa ang dulo ng coat ni Khai.
He smiled at me at umupo siya sa chair na nasa gilid ng bed ko. “Are you nervous?” I nodded and he kissed my temple.
“Don’t be, hija. I-check lang natin ang health mo and your baby para malaman natin kung pareho rin kayong safe,” sabi ng doktora at inayos niya ang kumot ko. Una niya akong kinuhanan ng BP and she even check my heartbeat. Napatango-tango pa siya at sinabi niyang normal naman daw ang lahat. “How old are you again, hija?”
“18 po,” tipid na sagot ko at nagulat pa siya.
“You’re just 18 years old? Don’t get me wrong, hija. Blessings ang mga babies. Mostly sa mga pasyente ko kasi ay mga takot talaga sila sa pagbubuntis nila. But look at yourself, you’re just calm at hindi naman halata na 18 ka pa,” she stated and she put something on my tummy down to my belly. Malamig iyon. “Are you ready to be a mother kaya ba ganito ka kalmado?” she asked.
“Kind of, doktora. Natakot din po ako at first but now, alam ko na po sa sarili ko na magiging handa na ako para sa baby ko. Hindi po siya ibibigay ni God sa akin ng walang reasons, right?” I asked naman.
“I admire you, Francine. So, tingnan natin kung ilang weeks na ang baby niyo.” Hawak ni Khai ang kaliwang kamay ko at tumingin kami sa ultrasound. Gumagalaw iyon at itinuturo sa amin ng doktora. Sa nakikita ko nga ay parang maiiyak ako sa tuwa. “6 weeks pa lang siya at sa kondisyon mo ay nasa first trimester ka pa lamang ng pregnancy mo. It’s only up to one to 12 weeks. The stages of pregnancy; fetal growth, morning sickness and fatigue,” she explained.
“6 weeks,” I uttered. One month na nga talagang na-delay ang menstruation ko.
“Magbibigay ako ng list sa mga bawal mong gagawin. Unang-una, avoid being stress. Dapat good condition ka. Pero dahil young mommy ka pa ay alam ko naman na kaya mo ang normal delivery. Strong ka at healthy. Wala tayong problema riyan. You need to drink a vitamins too and eat vegetables, iyong may mga nutrition. Congratulations, anyways. Soon, malalaman natin kung ano ang gender ni baby.”
Nang tingnan ko naman si Khai ay namumula ang mga mata niya. “Puwede po ba kaming makahingi ng picture ng ultrasound niya, doktora?” tanong niya sa OB-Gyne ko at tumango ito.
Minutes had passed ay naibigay na rin iyon sa amin, kasama na ang listahan ng mga bawal ko.
“Paki-fill up ito, para ito sa prenatal ni mommy at palagi kayong bibisita sa clinic ko for her check up,” paalala pa niya. Kinuha iyon ni Khai at siya ang nag-fill up. Ako naman ay tinitigan ko lang ang picture ng ultrasound.
Ang bilis-bilis ng heartbeat ko. “Thank you for this, doc,” sabi ko.
“You’re welcome.”
Hindi rin kami nagtagal sa clinic niya at umuwi na kami. Hindi na nawala ang ngiti ko sa labi habang tinitingnan ko iyon.
“Ang cute. May little Khai na tayo,” komento ko at mabilis niya akong sinulyapan.
“Yeah, and I’m excited. Thank you, Francine.” Hindi ko alam kung para saan ang thank you niya. I didn’t say anything na lang kasi nakatutok nga ang atensyon ko sa picture.
Pagdating namin sa house nila ay nandoon ang mommy at daddy ko. Ipinakita ko sa kanila ang ultrasound picture at pinagpasa-pasahan nila iyon nina Mommy Ninang at Daddy Ry.
“By the way, hon. May bago akong designs dito. Take a look, Francine. Maternity dress ang mga ito.” My lips parted sa sinabi ng mommy ko.
Inabot ni Mommy Ninang iyong iPad niya at wala sa sariling kinuha ko iyon. May mga kulay na rin.
“Bakit kailangan pa na mula sa design niyo ito, Mommy? Parang may occasion po palagi sa style pa lang ng maternity dress niyo,” aniko.
“Hon, you know naman na gusto kong ibigay sa ’yo ang pinaka-the best. Gusto ko na ako ang gagawa ng dress mo kapag malaki na ang tummy mo. Para na rin komportable ka sa suot mo,” paliwanag niya at hinalikan pa niya ang pisngi ko.
“Hayaan mo na ang mommy mo, Francine. Maganda naman iyan. Kung puwede nga lang ako magbuntis ulit ay kukunin ko ang iba riyan,” biro niya at nakarinig kami nang pagtikhim kay Daddy Ry.
“You know what’s funny?” my mother asked.
“Ano?” tanong naman ni Mommy Ninang.
“Iyong tayong apat ang nagbakasyon for our honeymoon. Pero ang mga anak lang natin ang nakabuo ng baby. Nasa bahay lang sila, ha.”
“Zinky!” sigaw ni daddy na may pagbabanta sa boses niya. Tumulis ang labi ko kasi pinagtatawanan lang kami ng mommy ko.
“Chill, babe. Totoo naman kasi, eh. Tayo nga ay walang nabuo,” mom reasoned out.
“Because you’re in 50’s, babe,” bored na sagot lang ni dad.
“Hindi pa ako menopause, babe.” I stood up at lumapit ako kay Khai. Naglahad agad siya ng kamay at pinaupo ako sa tabi niya. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa sentido ko at pumulupot sa baywang ko ang kaliwang braso niya.
Ang parents namin ay biglang natahimik at nasa amin ang atensyon nila. Napairap ako kay mommy at napahalakhak siya sa reaksyon ko.
“Ang bad mo, Mommy.” Mas lumakas lang ang pagtawa niya sa narinig na sinabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top